A soft touch tapped my shoulder. Nagising ako dahil sa paulit-ulit niyang pagtapik sa balikat ko. I opened my eyes slowly and then my eyes met his. "Wake up, sleepyhead." "Hmmm," ungol ko at nag-unat ng kamay. Madilim na pala. Nasa parking lot na kami ng condominium, hindi ko man lang namalayan. I'm that tired, huh? "It's already 9:30. Binilhan na kita ng pagkain, dito na kakainin o sa unit niyo na?" Concerned is evident in his eyes. "Sa unit--" Natigilan ako. Hindi ko rin maaalok si Trina dahil tiyak na galit iyon sa akin. Mahirap din kumain mag-isa lalo na kung malungkot ka. Muli kong sinulyapan si Zale habang nilalaro ang aking mga daliri na nakadantay sa aking kandungan. "Uhm, pwede bang dito nalang at ano uhh- samahan mo ako," nahihiyang ani ko. He smiled but he didn't answer b