Kinabukasan ay maagang nag-ayos si Zam. Ni hindi na ito nakapag-kape. May biglaan kasi siyang lakad kaya matapos mag-ayos ay nag-ready na siyang umalis. "Ihahatid ko lang si Zam sa baba," sabi ko kay Trina na ngayo'y nag-aayos ng ilang kalat namin kagabi. Nagpupunggos ako ng buhok habang sinusuot ang tsinelas. "I'm leaving, Trina!" "Ingat! Tawag ka 'pag may time ha," Trina waived her hand on us. Nag-flying kiss pa ang Gaga. Zam chuckled at that. Gumanti pa ito ng flying kiss na tinawanan ko nalang. They're so corny and childish. Pagkababa namin ay agad niyang pinaandar ang kotse. Kumaway siya bago tuluyang pinaharurot paalis ang sasakyan. It's still 4:30am. I'm still sleepy pero ayoko na ring bumalik sa pagtulog. Maybe later nalang after lunch. The elevator stopped on the second fl