Nagmamadali kong isinuot ang black rubber shoes. Pagkatapos ay agad kong itinali ang buhok ng pa-bun. As usual. Ganoon madalas ang ayos ko.
I'm wearing a simple blush pink off-shoulder blouse with a ribbon at the end of the hand and a white and black checkered trousers. I didn't wear any make-up except for a tinted lip balm in a natural color- nagtatalong kulay pink at kulay brown.
"I'm late, mauuna na ako," paalam ko kay Trina na nag-be-braid palang ng sariling buhok.
She's wearing a peach skater dress and pink doll shoes. Babaeng-babae ang itsura, lalo na't pink na sling bag pa ang gamit. She doesn't looks like going to a university. Para itong modelo na aattend ng fashion event.
"Okay. Bring the sandwich that I made ha."
Kinuha ko ang ipinack niya na sandwich at nagmamadaling bumaba ng building. My outfit is comfy that's why mabilis lang din ang kilos ko.
"Sorry po," sambit ko sa ilang nakakabunggo ko dahil sa pagmamadali.
Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang makasakay sa jeep. Akala ko ay hindi ko na maaabutan. I prefer jeep than taxi because it's near lang naman. Hindi naman ako maha-haggard dahil wala pang limang minuto ang byahe kung walang traffic.
Walking distance lang siya actually, kaso male-late na ako kung maiisipan ko pang maglakad. It's a good thing na I already know my room. May subject kasi kami last year sa room na iyon kaya alam ko na.
"Salamat po," saad ko pagkaabot ng bayad.
I greeted the guard before running and heading to the building of Business Administration.
"Hi Scarlett," bati ng isa kong kaklase noong high school.
Ngumiti ako sa kanya bago dumiretso. Hinihingal na huminto ako sa Room 307. Third floor, seventh room sa building na iyon. Sumilip ako at agad kinabahan ng makitang may professor na roon.
"Argh! So much for a first day," pagalit na sabi ko sa sarili.
Masyado yata akong nawili sa paggising ng late kaya hindi tumalab ang alarm clock ko.
Kumatok ako sa pintuan, bahagyang nanginginig lalo na ng mapatingin sa gawi ko si Sir.
Unti-unti kong binuksan ang pinto. All of them are looking at me curiously. Of course, ano bang ginagawa ng second year dito sa klase nila, 'di ba?
Nahihiya akong yumuko at naglakad papalapit sa gurong naroon. Iniabot ko sa kanya ang enrollment form ko na may nakasulat din na schedule.
"Ohh, we have a second year in the class," anunsyo nito sa klase.
I bowed my head as a sign of respect for everyone.
"Kindly introduce yourself, Miss."
Tinignan ko muna silang lahat bago magsalita. Ang iba ay mukhang kilala ako, ang ilan ay walang pakielam. Some are smiling at me- well halos lahat maliban sa mga halatang inaantok pa at walang pakielam sa sasabihin ng kahit sinong nasa harapan.
"I am Scarlett Crimson, 18 years old. I'm also taking Business Ad," maiksing pagpapakilala ko.
Hindi ko rin naman alam ang sasabihin. Pinaupo ako ni Sir sa medyo gitna sa unang row. Babae ang katabi ko na mukhang tahimik- or mukha lang? I don't know.
Mabilis ding natapos ang klase na iyon kaya nagmamadali akong umalis sa kwartong iyon patungo sa susunod kong klase. Sa pagmamadali ay aksidenteng nabunggo ako sa kung sino.
Hindi ko na sana pa ito papansinin ngunit nahulog ang ID ko.
"Sorry Miss," aniya.
Lalaking-lalaki ang boses. Masarap sa pandinig bagaman medyo malaki ang boses niya na tiyak na nakakatakot kapag nagalit.
Pupulutin ko na sana ang ID ko nang maunahan niya ako. He read my name, "Scarlett.... Crimson?" halong pagtataka at emosyong hindi ko maunawaan ang ginamit niyang tono.
Nagtataka man ay wala na akong oras. Hinablot ko ang ID ko sa kanya at nagmamadaling nagtungo sa sunod kong klase. Nakahinga ako ng maluwag ng walang maabutan na teacher.
"Sky, dito!" Kumaway si Trina mula sa pang-apat na upuan mula sa harapan sa tabi ng bintana.
Lumapit ako sa kanya at pabagsak na umupo habang hinihingal. Gosh! Nakakapagod pala ang pagtakbo kahit malapit lang. Hindi talaga ako athletic. Tsk.
"Bakit ka hinihingal? Tumakbo ka? Nasa 3rd floor lang naman room mo ah?" Nagtatakang tanong niya matapos iabot sa aking ang water bottle niya na wala pang bawas.
Binuksan ko iyon at uminom. Nang medyo bumalik na sa normal ang paghinga ay saka ko siya sinagot.
"Na-late ako kanina noh! Ayoko lang ma-late ngayon."
Tumawa siya, "Gaga! Wala si Ma'am. Pati next teacher wala. May meeting daw, pero mamayang hapon ay may isa pa tayong subject."
Tulala kong tinignan si Trina. What?
So walang silbi ang pagmamadali ko? Bakit ba hindi ko naisip na madalas ay wala ring teacher kapag first day? Haist!
"Teka, why are you holding your ID?"
Tinignan ko ang hawak-hawak na ID. Tinanggal ko siya kanina kasi naiinitan ako. Mainit kasi yung lace sa leeg.
Bigla ko na namang naalala ang lalaki kanina. His face is unfamiliar. Transferee ba siya? O baka naman sa ibang department siya? I don't know. Hindi ko naman na siguro makikita uli iyon.
"Huy... Tulaley ka riyan?" siniko niya ako.
"Ha?"
Trina chuckled, "Kumusta mga 3rd year? Marami bang fafa?"
I glared at her, "Nandito tayo para mag-aral, Trina."
"Sabi ko nga..."
"Sabi mo ano?"
"Sabi ko nga KJ ka, tse!"
Inirapan ko siya bago kinuha ang sandwich sa loob ng bag. Hindi ako nakapag-breakfast kaya pala kanina pa kumakalam ang sikmura ko.
"Sandwich, Tri."
"Sige lang. Kakakain ko lang," aniya habang may kung anong tinitignan sa cellphone.
Ilang minuto pa ay para na naman itong baliw na ngumingiti.
"Ang gwapo talaga nitong si Lee Jong Suk! Oh my gosh!"
Hinampas pa ako nito habang kinikilig at pinapamulahan na nakatitig sa kanyang cellphone. Tsk.
Bumalik sa ala-ala ko ang lalaki kanina. The way he reads my name, parang may kung ano. I think he knows my name, or he knows me? I don't know. Basta iba eh.
But what caught my attention is that he looks shocked. Para bang imposibleng mabasa niya ang pangalan ko sa lugar na ito. Pero bakit? Para saan ang ganoong reaksyon niya?
Scarlett Crimson...
Iyon ang nakalagay sa bracelet ko ng makita ako nila Tatay. Wala akong malay noon at ilang araw daw na umiiyak mula ng inuwi nila. Actually wala ako masyadong maalala kung paano nga ba ako napadpad doon.
The truth is I don't even know if Scarlett is my real name, pero iyon na ang inirehistrong pangalan ko. Nanay wants me to use Carbonel as my surname pero sabi ni Tatay ay baka mas lalo akong hindi mahanapan ng mga tunay kong magulang. O kung hahanapin nga ba nila ako...
"Sky!"
Nilingon ko ang isa naming kaklase. She's Karla, the most angelic face among my classmates. I don't know kung ano ang tunay niyang ugali pero mabait naman siya sa amin.
Inilapag nito ang tray sa tabi ni Trina, narito kami ngayon sa cafeteria. Lunch time. Wala pa gaanong tao o baka sa mga fast food sa labas sila kumain.
Nagtataka ko siyang tinignan. Hindi naman kasi ito madalas sumabay sa amin, "Bakit?"
Ngumiti ito kaya lumabas ang magkabilang biloy sa pisngi. Cute!
"May klase ka kasama mga 3rd year 'di ba?"
Tumango ako habang nakatuon ang paningin sa fish fillet na in-order. Nagugutom na ako.
"Edi kaklase mo si Zale at Kenneth?"
"Siguro..."
Wala naman akong ideya kung sino ang tinutukoy niya. Maybe kaklase ko nga sila.
"Sky naman. Anong siguro?" naiirita pero hindi naman seryoso na saad niya.
Sumubo ako ng fish fillet at nginuya iyon bago siya tinignan, "Hindi ko naman sila kilala."
"What?" Nanlaki ang mga mata nito, "You don't know Zale and Ken? Paanong nangyari iyon?"
"Bakit ba? What's the big deal? Sino ba sila?"
Zale... Parang ngayon ko lang naman narinig ang pangalan na iyon.
Kenneth... The name is familiar- malamang ay dahil common naman ang pangalan na iyon.
Pero sino ba sila at parang masyadong kuryoso si Karla na talagang sumabay pa sa aming kumain gayong nasa kabilang table ang mga kaibigan niya.
"I know Zale. Naririnig ko name niya sometimes. Picture niya palang nakikita ko and probably I've never met him personally. Pero why are you asking Sky about them ba? Jowa mo?" si Trina ang nagsalita na mukhang naiirita na kay Karla.
I told you, she doesn't like girls or boys na susulpot lang out of nowhere and magpapaka-feeling close although Karla is our classmate naman.
Nahihiyang tumungo si Karla, "Hindi naman. Ang swerte lang ni Sky kasi kaklase niya ang dalawang pinakasikat na personalidad dito sa department natin."
Sikat? I don't even know them. Pero hindi ko nalang iyon sinabi.
"Pero you don't know them talaga? I'll show you their pictures," aniya, bumalik ang dating sigla ng kanyang boses.
I shrugged. Bahala siya. Wala rin naman akong pakielam sa mga iyon. Isa pa ay iisang subject lang naman ang klase ko kasama sila. Wala akong balak makipag-close sa kahit sino man.
I told you, I'm not the friendly-type.
"Zale...? Kenneth...? Hindi talaga eh. Ano bang itsura nila?"
"Here I'll show--"
"Karla!" pigil ni Trina, halatang naiirita na, "Would you mind if you leave us here to eat alone and with peace? Nakaka-istorbo ka eh. May klase pa tayo oh."
I gave Trina a warning stare pero hindi niya iyon pinansin. Nakairap pa rin hanggang ngayon kay Karla.
"S-sorry, sige lilipat na--"
"Yes please," Trina cut off Karla's words.
Nahihiyang tumayo si Karla at umalis kasama ang kanyang pagkain. Awtomatikong sinipa ko sa ilalim ng mesa si Trina. Bakit ba sobrang harsh ng babaeng ito eh wala namang masamang ginagawa yung tao.
"Nakakainis kaya. Can't she see that were eating tapos para lang sa lalaki ay guguluhin niya tayo? Pathetic!"
"Trina!"
Hindi ko na mapigilang pagtaasan ito ng boses. I think she's too much.
Umirap ito sa akin at hindi na nagsalita. Describing someone as pathetic doesn't make you the better one.
Oo nga't Mali si Karla but she could have told her that in a nicer way.
Pagkatapos ng huling klase namin ay bumalik na naman ang kadaldalan ni Trina. What's good thing about her is she's not holding any grudge towards someone. Hindi siya ma-pride o kung ano man.
"Pero seryoso, you haven't heard about Zale?" pangungulit niya ng mabuksan ang usapan tungkol sa nangyari kanina.
Nakaupo kami ngayon sa sofa sa living room. Nanonood ng TV pero wala naman doon ang atensyon. Nauwi lang din sa pagkukwentuhan.
"Hindi. Sino ba iyon?"
She chuckled, "Ewan ko rin. I can't clearly remember his face eh."
"Na-curious tuloy ako."
"Sus! Pero balita ko madaming fafa sa 3rd year. Karamihan nasa klase mo. Aba... mukhang magkaka-lovelife ka na!"
Nakangisi ito at nang-aasar. Tinutuktukan ko siya ng remote.
"Whatever, Tri."
Kinabukasan ay hindi na ako late, maaga pa nga ako. Binaon ko nalang kasi ang bread at coffee na breakfast ko.
Wala pang tao sa room ng dumating ako. Kalalabas lang ng janitor na mukhang katatapos lang maglinis.
"Magandang umaga ho," bati ko rito.
Ngumiti siya sa akin, I suddenly remember Tatay, ganoon din kasi ang paraan ng pag-ngiti niya. Nakakagaan sa pakiramdam.
"Magandang umaga iha. Ang aga mo naman,"
"Oho. Nahuli kasi ako kahapon."
Iyon lang at iniwan niya akong mag-isa rito.
Binuksan ko ang tinapay na inilagay ko sa plastic. Buti nalang at mayroon akong tumbler na pwedeng lagyan ng mainit na tubig.
"Breakfast?"
Muntik ko ng maibuhos ang mainit na tubig sa gulat ng marinig ang baritonong boses na iyon.
The guy from yesterday? Kaklase ko siya?
Hindi ko na ito tinitigan at tinuon ang pansin sa aking kape. Nakakahiya kumain mag-isa kaya lumapit ako sa kinauupuan niya na medyo malayo sa pwesto ko.
Nagulat siya ng makita ako sa kanyang harapan. Ngayon ay muli kong napansin ang maliliit na detalye sa kanya.
Tanned ang kulay nito. Mas matingkad nga lang kaysa sa kulay kremang balat ko. Matangos ang ilong at maninipis ang kulay pulang mga labi. Kulay gray din ang mga mata niya.
Tulad nang una kaming magkita ay may suot itong earbuds- pero tinanggal niya ng makita ako sa kanyang harap.
"What?" masungit na tanong niya.
Inilapag ko sa table niya ang isang slice ng bread na naka-plastic.
"Pagkain, oh. Pasensya na at iisa lang nadala kong kape kaya hindi kita mabibigyan."
Kumurap-kurap siya, mukhang hindi inaasahan ang gagawin at sasabihin ko.
"Sige.." paalam ko at tinalikuran siya.
Nagsimula na rin akong kumain at hindi na siya nilingon pa bagaman ramdam ko ang titig niya mula sa aking gilid.
Gwapo siya- hindi ko iyon ipagkakaila. But I can sense that he's a little bit grumpy. Lol. Or baka ganoon lang talaga kasi hindi niya naman ako kilala? Dapat ba ay nagpakilala ako? Pero nabasa niya naman ang pangalan ko kahapon.
Naaalala niya kaya? Iss ewan.
Humigop nalang ako ng kape at pagkatapos ay nag-candy ng fresh mint flavor para hindi mag-amoy kape ang hininga ko.
"Good morning," bati ng katabi ko.
Medyo dumadami na rin ang tao, malapit na kasi mag-time.
"Hello, magandang umaga," magiliw na bati ko rito.
Tipid na ngiti ang sinukli niya sa akin at tinuon na sa libro ang atensyon. Rinig ko'y may quiz daw sila sa kanilang second period. Ano ba 'yan. Second day palang, quiz agad? Parang natatakot tuloy akong mag-third year.
Luminga-linga ako sa paligid, iba-iba ang ginagawa nila. May nagbabasa, may natutulog, may nagkwe-kwentuhan. Pero natuon ang pansin ko sa gwapong lalaki na may kulay dark brown na buhok. Suot na naman nito ang earbuds at nakapikit na nakasandal sa backrest ng kanyang upuan.
"Zale!"
Zale? Nilingon ko ang tumawag kung kanino siya pupunta upang makita kung sino ba iyang Zale na iyan.
And to my shock...
"Siya yung Zale?" Hindi ko sinasadyang maisa-tinig ang nasa isipan.
At dahil medyo tahimik ang paligid ay mukhang narinig nila ang sinabi ko.
Halos lahat ay lumingon sa pwesto ko. Maging ang lalaking tinawag na Zale ay nakatingin sa akin. f**k! Nakakahiya...