Sabay kaming nag-review ni Trina ng araw na iyon. Nagpalitan kami ng ideya lalo na sa accounting subject namin na hindi namin sigurado kung tama ba ang pakakaintindi namin. "Bye!" I waved my hand on the air before rushing to the university. Madami ng tao sa school nang makapasok ako. Medyo maaga pa naman. Ten minutes before the class starts. Naglakad ako sa hallway habang tinitignan ang ilang dumadaan. Since wala kaming uniporme, halos pagandahan ng suot ang mga estudyante. But I have no problem with that ha. Ayos nga iyon at nae-express nila ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pananamit. Nginitian ko ang kaklase kong nakasalubong. I smiled again at the guy who was about to enter our classroom door. Pinauna niya ako. "Thank you!" Tahimik ang lahat pagpasok ko. Expected ko na iy