"Sky, ang ganda! Let's decorate the whole place!" bulalas ni Trina habang tuwang-tuwa na nag-iiikot sa loob ng apartment.
Nasa third floor ang apartment namin at talagang maganda ang pagkakagawa. Simple at medyo may kalakihan para sa dalawang tao.
Pagod kong ibinaba ang mga dala kong gamit. Nakakapagod palang mag-byahe ng apat na oras. Saan naman kaya nakukuha ni Trina ang energy niya gayong ako ay lantang-lanta na.
"Sky, magka-room ba tayo?" nakangiting tanong ng aking kapatid- yes we're sisters. But not by blood because I'm an adopted child. Although hindi naman nila pinaramdam iyon sa akin kailanman. Bahagyang kumirot ang puso ko ng maalala si Nanay at Tatay. Sana ay kasama namin sila ngayon.
Umiling ako sa kanya at pagod na pumikit.
"Ilan ba rooms dito?"
"Tatlo. Mamili ka na ng iyo," matamlay na sambit ko, talagang pagod na.
Wala na akong narinig mula sa kanya bukod sa papalayong yapak niya. Si Trina ang may mas mataas na enerhiya sa aming dalawa. Mas mahilig sa kasosyalan at mas friendly. Gayunpaman ay may ugali itong mahilig makipag-away dahil sa talas ng bibig niya na walang preno.
We've been together for fourteen years. Eighteen years old na kami ngayon, parehong second year college sa kursong Business Administration. Lumipat kami ng matutuluyan dahil una, malayo; pangalawa, wala naman na kaming uuwian na magulang doon sa dati naming tahanan.
Our parents passed away last month. Magkasunod silang namatay. Nauna ang nangyaring aksidente kay Nanay na sinundan ng pag-atake ng puso ni Tatay. Maayos ang pamumuhay namin kaya medyo kaya pa namang makalipat ng bahay at makapag-aral. Iyon nga lang, hindi ito sapat hanggang makapagtapos kami.
Ilang minuto pa akong nanatili doon bago umakyat para mag-ayos ng gamit. Hindi gaanong kalakihan ang kwarto. May single bed, isang sakto lang ang laki na vanity table at isang study table na nakapasadya talaga sa istilo ng kwarto. Mayroon ding cabinet para sa mga damit. Wala itong sariling bathroom.
Second floor ang apartment, malinis at maganda. Iyon nga lang ay may kamahalan.
"Mabuti nalang maganda ang view dito, ayos na rin," banggit ko sa sarili habang nakatingin sa binatana ng kwarto. Kitang-kita mula rito ang nagtatayugang mga building at sa baba ay mga sasakyan na wala namang traffic.
Mula rito ay nakatitiyak akong maganda ang vuew kapag gabi dahil sa city lights. Wala pa nga pala kaming kurtina.
Inayos ko ang ilang damit at sapatos sa cabinet. Ang mga skin care at kung ano-anong nilalagay sa mukha at buhok at inayos ko sa drawer ng vanity table. Ang mga natira ay hinayaan ko muna sa loob ng bag dahil wala akong maisip paglagyan.
Natulog ako pagkatapos.
Alas-singko na ng hapon ng magising ako. Palubog na ang haring araw at hindi na masyadong mainit. Agad akong tumayo at walang suklay at hilamos na lumabas. Si Trina lang naman ang tao.
Ngumiti si Trina habang nakaupo sa upuan sa kusina. Hindi hiwalay ang kitchen at dining area namin dahil maliit lang ang espasyo, pero hindi naman masikip tignan. Maayos at malinis pa rin.
"Done resting?" tanong ni Trina nang makaupo ako sa tapat niya.
Tumango ako, "Hmm. Ako na magluluto. Ano bang gusto mong ulam?"
"Let's order nalang. Pareho tayong pagod so let's rest for a while. Pag-usapan natin ang disenyo ng bahay."
I sighed, "Trina baka maubusan tayo ng pera."
Sumimangot ito sa akin, "Ngayon lang naman."
Sapilitan akong tumango. Alam ko hanggang ngayon ay sobrang nasasaktan pa rin ito sa pagkamatay nila Nanay at Tatay. She's the real daughter, anyway. Trina Carbonel is kind but sassy. Madalas siyang napagkakamalan na maarte at mataray pero hindi. She has the most beautiful heart and I know she got it from her parents.
"Mag-i-start ka na ba sa coffee shop? Hindi pa nag-e-email iyong inapplyan ko eh," aniya
Isa pa iyong problema ko. Kaya ko naman kaya ang pagtatrabaho sa coffee shop sa hapon at pag-aaral sa umaga? Baka kasi wala na akong oras para mag-review.
"You know what, Sky.. bakit hindi tayo mag-open ng sarili nating shop?"
Maganda ang ideyang iyon pero tiyak na gagastos kami ng libo. At sa sitwasyon namin ngayon mahihirapan kami lalo na't hindi naman tiyak na may matutubo kami.
Tumayo ako at kumuha ng tubig, wala pa nga pala kaming ref. Isa pa iyon na pagkakagastusan.
Inabot ko sa kanya ang isang baso at sinalinan ng tubig ganoon din sa akin, "Trina mahirap iyang iniisip mo. Pwede rin kasi tayong malugi diyan. Isa pa, anong ipang-aabono natin sa tuition kapag nagpatayo ka ng shop?"
Uminom ito ng tubig bago bumaling sa akin, "Duh! Hindi naman kailangan ng shop, girl. Pwede naman online!"
Tama naman ang ideya niya. I have no idea nga lang kung ano talaga ang gusto niyang mangyari. Hindi naman ako mahilig sa social media. Halos wala ngang application ang cellphone ko bukod sa games na bihira ko lang din laruin.
"Bahala ka,"
Nagpaalam ito sandali upang tumawag ng fast-food at magpa-deliver ng pagkain. Doon palang ay kitang-kita na ang pagkakaiba ng ugali namin ni Trina. She's more active, sporty, friendly and sassy. Ako kasi ay simple lang.
Nagulat nga ako ng sabihin niya noon kila Nanay na gusto niya ring mag-aral ng Business Ad, akala ko kasi ay kukuha siya ng related sa fashion o 'di kaya'y architecture dahil mahilig siya sa pagda-drawing at pagde-design. Pero ang gusto niya daw ay mag-manage ng business. Or sinabi niya lang iyon para may kasama ako? I don't know.
"Have you ever heard of Ji Chang Wook?" she asked.
Sumubo ito ng kanin bago ibinalik ang tingin sa akin. Nginuya ko muna ang laman ng bibig at uminom ng tubig bago siya sinagot, "Sino iyon?"
Nanlaki ang mata nito kapagkuwan ay umirap, "Ay Gaga! Talaga? You don't know him? He's my husband!"
Ako naman ang nagtaka ngayon. Asawa? Hindi naman siya kinasal ah? Tinignan ko siya ng masama na ikinatawa naman ni Trina. Alam kong wala siyang asawa pero bakit niya naman sasabihin iyon?
"Baliw!" Binato ko siya ng ketchup na naka-pack pero agad niyang nasalo.
Tumingin pa ito sa itaas at kinikilig na nag-de-daydream. Crazy, right? Well, ganyan siya madalas.
"Alam mo Trina, ikain mo nalang iyan."
"Parang gaga naman kasi ito. You don't know Ji Chang Wook talaga?"
Nag-isip ako. May kilala nga ba akong ganoon? Pero wala eh. Base sa pangalan ay natitiyak kong hindi iyon pilipino. Nagtama ang paningin naming dalawa. Ang mata niya ay puno ng pag-asa at pagba-baka sakali.
Umiling ako, "Hindi ko talaga kilala eh."
"Haay!" malungkot na buntong hininga niya.
"Sino ba iyon?" tanong ko bago kumuha ng isang pirasong fried chicken sa gitna naming dalawa at isinubo.
Ngumiti siya na parang kinikilig. I guess she's really gone crazy, "Umayos ka nga," sita ko sa kanya.
"Taong-bundok ka talaga. Actor iyon sa Korea. He's also a model at sobrang makalaglag-panty ang kaguwapuhan."
I sighed. Iyon lang naman pala. Akala ko naman kung ano.
"So?"
"Anong so? Balita ko pupunta siya rito next month! May meet and greet with fans. Samahan mo ako ha," aniya na para bang ang dami naming pera.
"Trina--"
"Don't worry, Sky. May nanlibre sa akin ng ticket, dalawa!"
Lalong kumunot ang noo ko. Sigurado akong mahal ang ticket doon. Tinignan ko si Trina na parang nagbibintang.
"You're so KJ talaga. Bigay ni Zam iyon, pupunta rin kasi siya."
Zam is one of our friends. Hindi nga lang namin madalas kasama dahil sa ibang University ito nag-aaral. Nakilala namin siya noong summer. After our graduation of High School, nag-bakasyon kami nila Nanay, Tatay at Trina sa Boracay. And Zam was alone that time, things happen and we find ourselves laughing together.
Hindi ko ma-ipaliwanag ng maayos pero ganoon na iyon.
Mabait si Zam, medyo maarte nga lang din. Pero kumapara sa bibig ni Trina na walang preno ay may disiplina si Zam. Zammantha ang tunay niyang pangalan pero masyadong mahaba kaya Zam lang tawag namin.
After Bora, dire-diretso na ang communication namin sa kanya. She's taking architecture.
"I didn't know Zam is into stuff like that, too."
Ngumuso siya, "She's not, actually. Hindi nga siya pupunta eh. Nakakapagtampo ang babaeng iyon. Nitong mga nakaraang araw ay bihira nalang mag-reply sa text."
Nagkibit-balikat ako, "Malamang. May buhay rin naman iyon noh! Syempre baka busy na sa pag-aaral niya."
"Gaga! Bakasyon palang."
"May pasok na sila, crazy ka."
Nag-isip ito at kapagkuwan ay naalalang may pasok na nga sila. Last Monday ang pasukan nila Zam at kami ay next Monday pa.
"Gosh! Bilis ng araw! Malapit na naman mag-end August," malungkot na aniya.
Pinilit kong iniba ang topic namin dahil tiyak na mag-iiyakan kaming pareho kapag naalala ang mga magulang. Maiisip na naman namin na sa New Year ay hindi na namin sila kasama.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para magluto. Sa aming dalawa ay ako ang taga-luto at siya ang taga-hugas ng pinggan. Not that she doesn't know how to cook ha, mahilig kasi ako magluto kaya madalas ako mag-presinta hanggang sa nakasanayan na.
"Morning," Trina greeted before kissing my cheeks.
My sister is usually sweet. Sa akin lang though. She's usually harsh to everyone haha!
"Ako na nagtitimpla ng coffee," presinta niya ng akmang kukuha ako ng tasa.
I nod at her before focusing on the food that I am cooking.
"Shopping tayo today ha."
Iyon kasi ang plano namin ngayong araw. Mamili ng mga gamit sa pasukan at ilang gamit sa bahay- nga importante lang dahil baka mamulubi kami ng 'di oras.
Pagkatapos ng breakfast ay dumiretso na kami sa Mall. V-neck shirt lang na plain mint green ang suot ko saka high waisted jeans na nilagyan ng sinturon. I wore a simple white sneakers at inayos ang buhok para i-bun. Iniwan ko ang side bangs na bahagyang kulot dahil madalas ko iyong kinukulot para maganda tignan.
"Watsons muna tayo, Sky," pag-aaya niya sa akin habang hinihila ako sa isang dako ng Mall.
Si Trina naman ay naka crop top at tattered jeans. Parang swag lang ang dating- though she looks girly. Nakalugay ang buhok nito na may suot na hairpin.
"Body wash?"
"Nah. Hindi pa nababawasan ang ganyan ko," tanggi ko.
"Right. Kabibili nga lang pala natin. This one nalang," itinuro nito ang naka-sale na hair treatment.
Umiling ako. I'm not into hair treatment. Shampoo at conditioner lang ang gamit ko, hindi ako mahilig sa mga ganoon.
Naglagay siya sa basket ng kaniya at nagturo pa ng kung ano-ano. Almost all of it are hers. Mahilig kasi si Trina sa mga make-up at kung ano-ano pang pampaganda. I'm not into those. Oo nga't medyo girly din ako pagdating sa taste- pero wala akong hilig sa make-up.
"Titingin ba tayo ng ref?"
I nodded. Importante na gamit iyon sa bahay.
"Ma'am this one is--"
"Kuya iyong maliit lang ho sana. We're two lang naman in the house," Trina cut off the sales man.
Siniko ko siya, hindi man lang pinatapos ang pagsasalita ng lalaki. Bumulong siya sa akin ng 'what' pero hindi ko nalang pinansin at ako na ang nagtingin.
Sa huli ay nagkasya na kami sa may kaliitan lang na ref. Sapat para sa Isa o dalawang linggong mga grocery. Bumili rin kami ng coffee maker- mayroon naman na kaming oven at ilang appliances. Iyong ref lang talaga ang hindi namin nadala dahil bukod sa luma na ang ganoon namin ay mahirap ding dalhin.
"Let's buy some decorations--"
"Tri, we don't need those."
"But..."
"Halika na. Bibili pa tayo ng mga gamit sa school."
Sa National Bookstore kami sumunod na nagpunta. I still have a bag, I have lots actually kaya hindi na ako kukuha. Trina didn't buy one for her too, sa dami ng Coach, MK at mga branded bags niya roon, malamang ay hindi na talaga iyan bibili.
Binder Notebook lang ang binili ko at ilang ballpen. While Trina being an artist, she bought pencils and sketchpad as well as other art materials.
"Wala na?" sarkastikong tanong ko habang nakatingin sa mga dala niyang halos mabitawan niya na sa sobrang dami.
She grinned, "Should I add some pa?"
"Trina!"
She chuckled, "Relax, high blood ka girl?"
Umirap ako bago hinarap ang cashier. I can't believe we spend almost ten thousand just here in the NBS. Ugh!
"You won't help me carry these things?" Pinilit nitong humabol sa paglalakad ko.
Isang shopping bag lang ang dala ko. Bahala siya sa buhay niya! Puro kanya naman iyon. I already warned her not to buy much! This girl! Aish!
"Sorry na, Sky. Can't help it--"
"You don't need those things, Trina," sermon ko rito habang nakakunot ang noo na naglalakad. We're heading to a restaurant for our lunch. Pagkatapos ay mag-go-grocery kami bago umuwi.
"Duh, I need these things kaya."
"You still have a lot of art materials- lots are still unused Tri, unused!"
She pouted, mas lalo akong nainis, "Eh iba naman ito--"
"Whatever!"
Nakasimangot itong sumunod sa akin, halatang nabibigatan sa dala. Ugh! Bakit ba ang bilis ko maawa?
Padarag kong kinuha ang dalawang paper bag na buhat niya. She smiled and thanked me after. Hindi ko pa rin siya pinansin.
"Ako na mag-oorder," presinta niya.
My brow shot up, "No. Ako na, baka bilhin mo pa lahat ng available meal nila."
"I'm not like that..."
Tinignan ko siya ng masama. She acted like zippering her mouth. Tumayo ako at nag-order. She waited there while checking her things. Trina is really a stubborn woman. I don't know why we ended up being best friends. We're total opposite.
"What should we get on the grocery later?" maarteng tanong niya nang makaupo ako sa tapat. We're waiting for our order to arrive.
"Gagawa pa ba ako ng listahan? Naku talaga Trina, isang dampot mo pa ng kung ano, ikaw ang ibabayad ko."
She smirked, "I don't think I'm saleable girl," pa-inosente pang aniya.
"Shut up!"
She giggled, "Sungit."
Nang dumating ang order namin ay nagsimula na kaming kumain. We're both silent until we finished our meal. Nag-enjoy kami pareho as usual, Basta pagkain ay magkasundo kami roon.
"We're classmates ba this year? Hindi ko pa kasi nakikita iyong schedule."
"Classmates tayo sa halos lahat ng subject except the first subject. Naihalo ako sa third year. Remember nag-advance ako ng subject last year?"
Tumango-tango siya, "What time iyon?"
"First period. I don't know kung sabay din oras natin. Basta 8:00 pasok ko. Ikaw ba?"
Nag-isip pa siya ng ilang sandali. Basta talaga tungkol sa pag-aaral ay madalas niyang kalimutan, "I think it's 7:30 or 8:30? Basta may thirty."
Nagtawanan kami pareho.
"Sky, sorry. I'll try to change my habit of being a shop-a-holic na."
"Dapat lang!"
"But you'll join me on Ji Chang Wook's meet and greet ha?"
Umirap ako. She can't really do something without a favor. Psh.
I, Scarlett Crimson, 18 years old, incoming 2nd year college is an adopted child but adopted and raised by a wonderful family who never let me feel like I'm not a real family.
Hindi ako mahilig sa mga sosyal na bagay. Simpleng tao lang, sumasaya sa simpleng bagay, sumasaya kapag masaya lahat ng mga mahal ko.
And Trina is the most valuable person in my life. She's my sister, my best friend, my other half.
And ipapaalala ko lang, Trina's age is the same as mine. I don't know exactly who is older because I can't remember when is my birthday. Kadalasan ay sabay kami ni Trina mag-celebrate.
"Look at that," she said making me come out from my reverie, tinuro nito ang PDA na mag-boyfriend.
I chuckled. Mag-bi-bitter-bitter-an na naman siguro ito. Palibhasa ay niloko.
"They're so gross," nandidiring aniya.
Umiling ako, "Ang OA mo. Normal lang iyan."
"No! The guy is cheating."
"Praning ka lang."
"I saw him kissing other girl earlier before that girl entered the mall."
Tinignan ko siya ng maigi, studying if she's saying the truth or not and she is.
"Men. Tss."
Mahilig mag-fangirl si Trina sa mga gwapong lalaki, but deep inside, she doesn't like gorgeous men. Pakiramdam niya kasi ay mga manloloko ang mga ito. Biktima kasi ng panloloko, twice ha.
And now, every man she met, hindi niya na gusto. Buti nga at hindi nagbago tingin niya sa kaibigan naming lalaki.
She fangirls a lot, but hanggang doon lang iyon.
A broken hearted woman with a deep scar in her heart. Wounded, but I know she will be healed again, someday.