Chapter-6

1015 Words
"Tamara kanina kapa tulala diyan. Ano ba ang problema mo?" Tanong ng kaibigan niyang si Klea nang magkita sila nito sa eskwela. Kaklase at kaibigan niya si Klea mula pa nang highschool, at pagtungtong nila ng college pareho business course na rin ang kinuha nila para magkasama pa rin sila. Baka nga pagdating din sa trabaho eh magkasama pa rin sila ng magkaibigan. "Klea," seryosong tawag niya sa kaibigan. Naguguluhan na kasi siya, at wala naman siyang mapagsabihan sa problema niya. Buong gabi nga siyang hindi nakatulog sa kaiisip kung ano nga ba ang nangyari sa kanya sa silid na iyon. Nilulukob siya ng takot na baka napagsamantalaan siya. Pero nino? Sino ang nagsamantala sa kanya? Naroon ding gumugulo sa isip niya na na set up siya ng kanyang Kuya Joseph at girlfriend nito para ipahamak. Pero alam niyang hindi naman ganon kasama si Joseph para ipahamak siya. Kahit hindi naman siya nito tinuring na kapatid, hindi naman siguro siya nito kayang saktan. Umabot na nga siya ng umaga sa kaiisip eh wala talaha siyang makuhang sagot, kaya naman tulala pa rin siya hanggang ngayon. "Klea, promise me na mapagkakatiwalaan kita,' she said. "Ah? Of course, Tamara sa tagal na nating magkaibigan, lahat na alam ko about you, and also you know everything about me. And never pa naman tayong nag away," tugon ng kaibigan sa kanya.. "You're right. Hindi pa tayo nag-away," she said at napangiti. Sa tagal na nga nilang magkaibigan ni Klea hindi pa sila nito nag away ni minsa. Nagkakatampuan pero saglit lang naman at nagkakaayos naman sila. Kung magsasabi siya kay Klea, luluwag ang loob niya, at may makakatulong pa siyang makapag isip kung ano nga ba ang dapat niyang gawin sa problema niyang ito. "See. So, sabihin mo na. What happened ba?" Klea asked. "Klea, last night may nangyari,' simula niya. "Ano?" Kunot noong tanong ng kaibigan. Kinuwento niya mula simula, na sinama siyang mag dinner ng Kuya Joseph niya at ni Missy sa VincElla Hotel. Sinabi rin niyang makakasama sinabi ng kapatid na makakasama nila sa dinner si Elijah. Pero hindi naman ito dumating sa dinner. "And then? What happened next?" Tanong ni Klea, dahil natigilan siya sa kwento. Paano mahirap kasing i explain ang wala siyang maalala after ng dinner. "Iyon na nga ang problema, Klea,' she said at malungkot na tumingin sa kaibigan. "Why?" Klea asked. "I don't remember anything," she said. "What do you mean, you don't remember anything, Tamara?" Tanong ng kaibigan sa kanya. Napansin niya ang pag-aalala sa mukha ng kaibigan. "Klea, nagising na lang ako sa isang hotel room na walang ano mang saplot," she said. Nanlaki ang mga mata ni Klea sa sinabi niya. Natuptop pa nito ang bibig sa mga kamay habang nakatingin sa kanya. "Hubod't hubad ako sa silid na iyon, at mag-isa lang ako," naiiyak na patuloy niya. "Wala akong maalala kung sino ang kasama ko, kung ano ang ginawa sa akin. Kung ano ang nangyari sa akin sa loob ng silid na iyon," saad niya at tuluyan ng umiyak. Naroon na kasi ang iba't-ibang takot na naramdaman. "Oh my g!" Tanging nasabi ni Klea na gulat rin sa nangyari sa kanya. "Nagtanong ka ba sa Kuya mo at kay Missy?' Klea asked. "Yes, pero wala naman silang maayos na sagot na naibigay sa akin. Tinanong ko sila kung paano ba ko nakarating sa hotel room na iyon. Wala daw silang alam," malungkot na paliwanag niya sa kaibigan. "Sh*t, ano kaya ang nangyari sa iyo Tamara?" Malungkot na tanong sa kanya ng kaibigan. Iniling niya ang ulo. "Klea, what if?" Hindi niya magawang ituloy ang sasabihin sa kaibigan. "What, Tamara?" Tanong nito sa kanya. "Ayokong isipin ito pero, what if...." Hindi niya kayang sabihin sa kaibigan. Naiiyak siya, natatakot siya "Anong gagawin ko Klea kung na rape ako noong gabing iyon?" Umiiyak na tanong niya sa kaibigan. "Don't say that, Tamara,' sabi nito at niyakap siya ng mahigpit ng kaibigan. "Huwag mong sabihin iyan. Hindi iyan ang nangyari," alo sa kanya ng kaibigan habang yakap-yakap siya nito at umiiyak. "Sana nga Klea hindi iyon ang nangyari," she said. "Don't worry, Tamara tutulungan kita. Aalamin natin kung sino ang lalaking nakasama mo sa hotel room na iyon," sabi pa ng kaibigan sa kanya habang kusa na nitong pinupunasan ang kanyang luha sa pisngi. "Naniniwala din akong may kinalaman ang stepbrother mo at jowa niya," mariing sabi pa sa kanya ni Klea. "You think so? Kaya akong ipahamak ni Kuya Joseph?" Naguguluhang tanong niya. "Wala akong tiwala sa stepbrother mo na iyan! Nakita mo naman ang ginawa niya noong debut mo hindi ba? Umeksena naglasing at muntik pang manggulo," saad naman ng kaibigan. Alam niya ang nangyaring iyon. Pero humingi naman ng paumanhin sa kanya ang kapatid. Masama lang daw talaga ang timpla nito. "Hindi naman siguro ako ipapahamak ni Kuya Joseph,' pagtatanggol niya sa kapatid. "Hindi natin alam, Tamara," sabi ng kaibigan. "Anyway, mag iimbestiga tayo. Kung kinakailangan pasukin natin ulit ang VincElla Hotel na iyon gagawin natin. Naaalala mo naman siguro kung anong hotel room iyon hindi ba?" Klea asked. "Oo nakuhanan ko ng larawan ang hotel room number," tugon niya sa kaibigan. "But, wait nabanggit mo kanina na si Elijah Dela Merced na dapat makakasama niyo sa dinner, pero hindi mo siya nakita?' Tanong ni Klea sa kanya. Tumango siya sa kaibigan. "Hindi kaya may kinalaman si Elijah sa nangyari sa iyo, Tamara?" "Klea, imposible iyan. Alam mo naman na mas madalas kasama ni Elijah ang mas may edad sa kanya. Hindi niya papatulan ang eighteen years old na katulad ko," she said. "Anong malay mo, Tamara. You are beautiful, sexy, malakas ang s*x appeal. Ang dami ngang nagkakandarapa sa iyo dito sa university," sabi ng kaibigan sa kanya. Hindi siya nakakibo. Nanatiling nakatingin sa kaibigan. Naisip na rin kasi niyang baka may kinalaman si Elijah sa nangyari sa kanya. Nahihiya lang niyang banggitin sa kaibigan, dahil nga malaking tao sa bayan nila si Elijah. "Mag i-imbestiga tayo, Tamara. At si Elijah Dela Merced at ang VincElla Hotela tayo magsisimulang mag imbestiga," litany ng kaibigan sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD