bc

Elijah Dela Merced

book_age18+
1.5K
FOLLOW
14.9K
READ
billionaire
HE
forced
powerful
drama
bxg
small town
like
intro-logo
Blurb

Elijah Dela Merced and Tamara Gomez

"Joseph, ano ba iyong sinasabi mong ibabayad mo sa akin?" Tanong pa rin niya sa kaibigan.

"Alas otso room 503 dito mismo sa hotel mo," tugon ng kaibigan sa kanya.

"Hindi ako pupunta kung hindi ko alam kung ano ang ibabayad mo sa akin Joseph," he said.

"Ibabayad ko sa iyo ang stepsister kong si Tamara. Si Tamara kapalit ng utang kong limang milyon sa iyo Elijah," tugon sa kanya ni Joseph.

Nanlaki ang mga mata niyang napatitig kay Joseph na seryoso sa sinasabi nito.

"What?" He asked matapos ang mahabang sandaling pagkakatitig niya sa mga mata ng kaibigan.

"Ipambabayad mo ng utang mo sa akin ang bata mong stepsister?' Hindi malapaningawalang tanong niya sa kaibigan.

chap-preview
Free preview
Chapter-1
"Mr. Dela Merced kanina pa po may naghihintay sa inyo," salubong sa kanya ng receptionist nang hotel nang mapadaan siya sa lobby. Galing siya sa isang meeting, kaya halos maghapon siyang hindi lumalabas sa tagal na rin ng meeting niya with foriegn investor sa VincElla Hotel. Balak na rin kasi nilang dalhin ang VincElla Hotel sa ibang bansa. Isa ang VincElla Hotel sa successful na hotel sa pilipinas. Marami na rin itong branches sa buong bansa. Napalago kasi ito ng husto ng kanyang amang si Michael Vincent Dela Merced. At ngayon siya na ang katuwang ng ama sa pagpapalago pa sa nasabing hotel. At target nilang mag ama na dalhin na international ang VincElla Hotel soon. "Sino?" Kunot noong tanong pa niya sa babae. "Iyon po Mr. Del Merced," tugon ng babae sabay turo sa isang nakatalikod na lalake sa may waiting area. Nakaupo ito at nakatalikod sa kinatatayuan niya. "Who is he?" He asked. "Joseph po ang pakilalang niya Mr. Dela Merced," tugon ng babae sa kanya. "Joseph," ulit pa niya sa binanggit na pangalan ng babae sa kanya. "Yes po Sir almost two hours na po siyang naghihintay sa inyo diyan. Sinabi ko naman po na nasa meeting kayo at matatagalan. Still, naghintay pa rin po siya sa inyo," paliwanag ng babae sa kanyan. "Ganoon ba? Ako na ang bahala sige," he said. "Sige po Mr. Dela Merced," sabi naman ng babae. "Thanks," pasalamat niya sa babae at lumakad na palapit sa lalaking nakaupo sa waiting area. Habang palapit siya nakatingin siya sa lalaking nakaupo na malayo ang tingin. Napangiti pa siya nang makilala ito. Although may idea na siya kanina nang banggitin ng receptionist ang pangalan ng lalake. "Joseph, pare," bati niya sa lalake nang makalapit rito. Agad naman itong napalingon sa kanya at tumayo sa kinauupuan nito. "Elijah," tawag nito sa kanya. "Pare, what a surprise," he said at tinapik pa sa balikat ang kaibigan. Kaibigan niya si Joseph since highschool pa sila sa San Miguel University. Naghiwalay lang naman sila nito noong nag-aral siya ng business sa ibang bansa. Ganoon pa man may communication pa rin naman sila ng kaibigan at buong barkada nila noong highschool. And also nang makabalik siya ng San Miguel after niyang makakuha ng business degree sa ibang bansa, muli silang nagkasama-samang magkakabarkada at isa si Joseph sa pinaka ka close niya mula pa noon haggang ngayon. "Bakit hindi mo na lang ako tinawagan. Naghintay ka pa tuloy ng matagal rito," saad niya sa kaibigan nang maupo silang pareho at magkaharap. Pansin niyang balisa ang kaibigan at tila wala pa itong tulog. Mukhang problemado ito. "Nahihiya na kasi ako sa iyo. Ayoko nang istorbuhin ka pa Elijah," tugon naman nito. "Hindi ka naman iba sa akin Joseph," nakangiting tugon niya sa kaibigan. Totoo naman iyon sa lahat ng barkada niya si Joseph ang tinuring niyang pinakamatalik na kaibigan magpa hanggang ngayon. Mabuting kaibigan kasi ito at talagang maaasahan. "Ano nga pala ang sadya mo?" He asked. "Ano kase....," putol na tugon nito at lalo itong naging balisa at hindi magawang tumingin sa mga mata niya. "May problema ka na naman ba?" Tanong niya sa kaibigan. Lately laging lumalapit sa kanya si Joseph para humiram ng pera. May itinatayo daw itong negosyo, dahil nga hindi ito makakuha ng posisyon sa negosyo ng ama ito. May pagka pasaway din kasi si Joseph at puro babae ang inuuna. Alam din niyang maliban sa babae eh tambay din ang kaibigan sa casino. Kaya naman hindi lang ilang milyon na ang nautang nito sa kanya. Kaibigan niya ito kaya pinapahiram niya. Sariling pera naman niya ang pinapahiram sa kaibigan at hindi galing sa VincElla Hotel. May kaya din ang pamilya ni Joseph, may malaking construction business ang ama nito. Iyon nga lang pasaway si Joseph kaya hindi pinupwesto ng ama nito sa kompanyan ng mga ito. Hiwalay na ang mga magulang ni Joseph at may kanya-kanya na ring pamilya ang mga ito. Sa ama pa rin naman ni Joseph ito umaasa hanggang ngayon. "Pare, nahihiya na ko sa iyo. Masyado nang malaki ang utang ko sa iyo. Hindi ko na malaman kung paano kita mababayaran. Naloko kasi ako sa negosyong itinatayo ko," litanya ng kaibigan. Hindi siya kumibo, alam niyang hindi ito naloko sa negosyo. Alam niyang halos sa pasugalan sa kabilang bayan na ito tumira dahil sa pagka humaling sa sugal. Sinasabi iyan sa kanya ng mga barkada nila. At lahat sa barkada nila ay nautangan na ni Joseph dahil sa pagsusugal. Isa pang balita niya at hiwalay na ito at ni Missy na matagal na nitong karelasyon. Nasa highschool palang sila noon ay karelasyon na nito si Missy na isa din sa barkada nila. Si Missy ang crush niya noong highschool pero mas mabilis sa kanya si Joseph kaya hindi niya nakuha si Missy at si Joseph ang nakakuha. Ganoon pa man never siyang nagkaroon ng sama ng loob sa kaibigan. Marami naman kasing babae ang lumalapit sa kanya noon. Actually mas marami na ang babaing lumalapit sa kanya ngayon, dahil na rin isa na siyang successful na businessman na kinikilala sa buong pilipinas. "Babayaran ko na ang limang milyong utang ko sa iyo Elijah," Joseph said. "Sigurado ka ba diyan? Baka kailangan mo pa ng perang iyon," he said. Hindi naman niya inaalala ang limang milyong utang ng kaibigan. Kung pera lang marami siya non. Hindi niya problema ang pera. "Sobrang nahihiya na ko sa iyo Elijah, kaya nais ko nang bayaran ka. Isa pa sa dami ng pinagkakautangan ko, ikaw palang ang makakaya kong bayaran," litanya nito. "Ikaw kung may pera ka na,' he said. "Elijah, hindi pera ang kaya kong ibayad sa iyo. Wala akong limang milyon," Joseph said. "Eh anong ibabayad mo?" Nagtatakang tanong niya. "Magpunta ka mamayang alas otso sa room 503, naroon ang ibabayad ko sa iyo," seryosong sabi nito sa kanya. "Ano bang kalokohan ito Joseph?" Iritang tanong niya sa kaibigan. "Kung wala ka pang pera pwedeng sa susunod mo na ko bayaran," he also said. "Hindi, Elijah. Mas gusto kong sa iyo ko ibayad ito kesa sa iba pa. At kung tatanggi ka. Mapipilitan akong ibayad ito sa iba," Joseph said. "Ano ba ang ibabayad mo sa akin?" Kunot noong tanong niya sa kaibigan. "Bagay na alam kong magugustuhan mo Elijah," tugon nito at tumayo na mula sa pagkakaupo. "Joseph, ano ba iyong sinasabi mong ibabayad mo sa akin?" Tanong pa rin niya sa kaibigan. "Alas otso room 503 dito mismo sa hotel mo," tugon ng kaibigan sa kanya. "Hindi ako pupunta kung hindi ko alam kung ano ang ibabayad mo sa akin Joseph," he said. "Ibabayad ko sa iyo ang stepsister kong si Tamara. Si Tamara kapalit ng utang kong limang milyon sa iyo Elijah," tugon sa kanya ni Joseph. Nanlaki ang mga mata niyang napatitig kay Joseph na seryoso sa sinasabi nito. "What?" He asked matapos ang mahabang sandaling pagkakatitig niya sa mga mata ng kaibigan. "Ipambabayad mo ng utang mo sa akin ang bata mong stepsister?' Hindi malapaningawalang tanong niya sa kaibigan. "Yes, Elijah. I am desperate now. Sa dami ng pinagkakautangan ko, kailangan ko ng magbawas. At ikaw ang nais kong unang bayaran Ellijah. At si Tamara ang ipambabayad ko." "Pero napakabata pa ng stepsister mo!" "Eighteen na siya nag debut siya last week. Bongga nga eh. Ginastusan ng malaki ni Daddy. Kahit hindi naman niya anak ang babaing iyon,' saad pa nito. Napansin niya ang inanakit sa tinig ni Joseph. "Pare hindi mo pwedeng ipambayad utang ang stepsister mo," he said. "Kung tatangi ka, Elijah, ipambabayad ko siya sa iba. Hindi lang ikaw pare ang pinagkakautangan ko. Marami kayo," seryosong tugon sa kanya ni Joseph. Hindi siya nakakibo sa kaibigan. Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin rito. "Alas otso, room 503," Joseph said. "Kung hindi mo tatanggapin ang bayad ko. Ibabayad ko siya sa iba," dagdag pa ni Joseph sa kanya saka na ito lumakad palayo sa kanya. Tila umurong ang dila niya sa mga sinabi ni Joseph sa kanya. Wala siyang nagawa kundi sundan ng tingin ang kaibigang marahil natutuliro na sa dami ng problema nito. "F*ck!" Mura niya nang marealized ang napag-usapan nila ng kaibigan. Kung hindi siya sisipot mamaya sa usapan. Sa ibang pinagkakautangan nito ibabayad ang kawawang si Tamara. Ilang beses palang niyang nakita ang stepsister ni Joseph pero matagal na rin iyon. Three years ago or what? Kaya wala siyang idea kung ano na ang itsura ng stepsister nito ngayon. "F*ck!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook