Walang naisagot sa kanya ang Kuya niya si Missy. Kahit umiyak na nga siya sa harapan ng mga ito para lang malaman kung ano ba ang ginawa ng mga ito sa kanya. Sa uri kasi ng reaksyon ng mga ito ay halata niyang may kinalaman ang mga ito sa nangyari sa kanya.
"Missy, please tell me, ano ang nangyari sa akin? May gumalaw ba sa akin?" Luhaan niyang tanong kay Missy.
"Tamara," tanging sabi nito sa kanya.
"Tama na nga iyan!" Saway ng kapatid niya.
"Kuya karapatan kong malaman kung may nangyari bang masama sa akin kagabi. At sinong nagdala sa akin sa silid na iyon," humahagulgol niyang tanong.
"Anong malay namin sa nangyari sa iyo. Eh iniwan mo kami sa restaurant kagabi ni Missy. Ang sabi mo may pupuntahan ka. Tapos ngayon sa amin ka magtatanong kung ano ang nangyari sa iyo!" Sita ng kapatid sa kanya.
"Iyan kasi ang hirap sa iyo, Tamara eh. Kung kani-kanino ka kasi sumama. Kahit sino na lang kasi pinapatulan mo. Ang bata mo pa nga pero kulang na lang maging syota mo na lahat ng taga San Miguel University!" Patuloy pa ng kapatid.
"Kuya!" Saway niya sa kapatid. Hindi ako masamang babae! Alam ko ang ginagawa ko!" Asik niya rito.
"Ganon naman pala eh. Huwag mo kaming idamay sa kagagahan mo kagabi. Ano malay namin na gagawa ka pala ng milagro sa hotel na iyon kaya mo kami iniwan. Tapos ngayon hindi mo maalala kung sino ang nakalaro mo kagabi. Ibang klase ka rin Tamara!" Pailing-iling pang sabi ni Joseph sa kanya.
Hindi naman niya alam ang sasabihin. Alam niyang wala siyang katagpo kagabi. Ito ang nagsama sa kanya sa hotel para maghapunan, kasama si Missy. Alam pa niya ang nangyari sa restaurant. Pero pagkatapos non wala na siyang maalala pa.
"Alam mo Tamara, magpahinga ka na muna, baka nasobrahan ka lang sa enjoyment kagabi," sabi ni Missy sa kanya.
"I know na may kinalaman kayo sa nangyari sa akin!" Mariin niyang sabi.
"Ang kulit mo rin ano!" Galit na sabi ng kapatid saka tumayo ito mula sa kinauupuan para harapin siya.
"Kung nakagawa ka ng katarantaduhan Tamara, huwag ka ng mandamay pa. O baka naman strategy mo na naman ito para magalit sa akin ang Daddy ko at ikaw na naman ang bida dito sa bahay," akusa ni Joseph sa kanya.
"I am not doing such thing Kuya!" Tanggi niya. Wala naman talaga siyang ginagawang ganon. Pero lately napapansin niyang mainit ang ulo ng kapatid sa kanya. Kaya nga nagulat siya nang magyaya itong kumain sa labas.
"Huwag ka ng magpanggap pa Tamara. Alam ko kung ano ang ginagawa niyong mag ina," sabi nito.
"Wala kaming ginagawa ni Mommy," she said. Ngumisi naman si Joseph sa kanya at iniling ang ulo.
"Kung ako sa iyo Tamara. Isipin mong mabuti kung ano ang ginawa mo. Huwag kang mandamay or else ako mismo ang magsusumbong kay Daddy kung anong klaseng babae ang pinapalaki niya, at inaasahang magpapalago sa kompanya niya," litanya nito sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang bitterness sa tono ni Joseph.
Aware naman siyang hindi magkasundo ang mag ama, dahil walang naitutulong si Joseph para mapalago ang kompanya. Madalas nga niyang marinig sa Daddy ni Joseph na wala daw potential si Joseph para magpatakbo ng kompanya. Kaya hindi na siya magtataka pa kung may inanakit ito sa ama nito.
"Tama na iyan. Sige na Tamara magpahinga ka na muna. Mamaya lang maalala mo na ang nangyari kagabi at kung sino ang kasama mo," sabi naman ni Missy sa kanya.
Masamang tingin ang pinukol niya kay Missy, at nalipat kay Joseph. Malaking pagkakamali ang magtiwala siya sa dalawa.
Inis siyang tumalikod at padabog na lumakad papasok ng loob bahay. Nagmamadali siyang umakyat ng hagdan para magtungo na sa silid niya nang makasalubong ang ina sa ikalawang palapag.
"Tamara. Bakit ngayon ka lang?" Tanong ng ina sa kanya.
"Mommy," tawag niya sa ina at niyakap niya ito ng mahigpit. Nakaramdam kasi siya ng takot na baka kung ano na nga ang nangyari sa kanya. At ang masama eh baka planado ng kapatid at ni Missy ang nangyari sa kanya sa hotel na iyon.
"Oh, bakit?" Nagtataka tanong ng ina sa kanya nang kumalas na siya ng yakap.
"Wala po Mommy," she said.
"Huwag mo na ulit gagawin ang hindi pag uwi ng bahay ah, Tamara. Walang alam ang Daddy mo tungkol sa hindi mo pag uwi kagabi. Tiyak na magagalit iyon sa iyo," litanya ng ina. Tumango naman siya rito.
"Saan ka ba galing kagabi?" Tanong ng ina.
"Mommy, pagod po ako. Nais ko na pong magpahinga," iwas niya sa tanong ng ina.
"Tamara, anak. May tiwala ako sa iyo ah. Huwag na huwag mo sanang sisirain ang tiwala namin sa iyo ng Daddy mo," saad ng ina.
"Opo Mommy," tugon niya sa ina at nagpaalam na munang magpapahinga sa silid niya.
Mabuti na lang at hindi na nagpilit pa ang ina na alamin ang nangyari sa kanya, dahil siya mismo hindi niya alam ang nangyari sa kanya.
Pagpasok sa loob ng silid. Sumandal siya sa likod ng upuan, pagod na pagod ang pakiramdam niya. Pinikit niya ang mga mata at ilang beses na huminga ng malalim para mapakalma ang sarili.
"Aalamin ko ang nangyari sa akin," bulong niya.
Bago siya tuluyang nagpahinga naisipan na muna niyang magligo. Naghanda siya ng tubig sa bathtub para makapag relax naman siya.
Habang hinihintay na mapuno ang bathtub. Pinagmasdan niyang mabuti ang hubod't hubad na katawan sa salamin. Wala naman siyang nakikitang kakaiba sa katawan niya. Pero hindi maalis sa isip niya ang posibilidad na na r*pe siya, kaya siya walang saplot sa loob ng silid na iyon. Pero sino ang gumawa sa kanya ng bagay na iyon?
"Kung bakit kasi wala akong maalala. Kung bakit black out ang lahat," naiiyak niyang sabi sa sarili at niyakap ang hubad na katawan.
Gagawin niya ang lahat para malaman kung sino ang lalaking nakasama niya sa silid na iyon. At kung may kinalaman ba ang Kuya Joseph niya at si Missy. Kung mapatunayan niyang may kinalaman ang mga ito. Pagbabayaran niya ang dalawa.
Hindi rin mawala sa isip niya ang pag banggit ng kapatid na makikipagkita sila nito kay Elijah. Elijah Dela Merced.
May posibilidad kayang may kinalaman din si Elijah sa nangyari sa kanya? Pero ni hindi niya nasilayan ang lalake kagabi. Natapos ang dinner nila na hindi naman ito nagpakita. Kahit na binanggit pa rin siya ng kapatid niya, kaya pwedeng kasama nila ito kagabi nang wala na siyang malay.
"Nagkasalubong pa kami kanina, pero parang hindi naman niya ko kilala," bulong niya sa sarili. Naguguluhan siya, pero hindi pwedeng alisin sa listahan si Elijah.