Chapter-7

1528 Words
"What are you doing here, Joseph?" Iritang tanong niya nang pumasok ito sa loob ng kanyang opisina. "Gusto lang kitang makausap," tugon nito at nagtuloy sa paglalakad palapit sa desk niya. "Maupo ka," he said at sinulyapan ng masama ang kaibigan. Hindi niya alam kung kaibigan pa ba niya si Joseph ngayon matapos nang nangyari kagabi. Labag sa kalooban niya ang magtungo sa room 503 na iyon. Sadyang nag-alala lang siya para kay Tamara, kahit hindi naman niya ito kaibigan o kilala ng personal. Hindi niya kayang masikmura na magagawa ni Joseph ang ganoong kasamang bagay sa stepsister nito. Inamin naman ni Joseph sa kanya na hindi nito gusto ang stepsister nito, ang tingin kasi yata ni Joseph sa dalaga eh kakumpitensya, lalo na sa Daddy nito. Kahit yata bata pa itong si Tamara eh nakitaan na ng potential ng Daddy ni Joseph pagdating sa negosyo, kaya yata lalong nawalan ng amor ang Daddy ni Joseph rito. Ganoon pa man hindi pa rin sapat na dahilan na ipambayad nito sa personal nitong pagkakautang ang walang kamalay-malay na si Tamara. Nais niyang magwala kagabi nang datnang walang malay si Tamara sa loob ng silid. Naroon si Josept at Missy. Hubod't hubad si Tamara na nakahiga sa kama. Si Missy daw ang naghubad sa kawawang dalaga. Walang malay si Tamara dahil may pinainom na gamot si Joseph rito, kaya kahit anong gawin sa dalaga ay hindi ito magigising. Awang-awa siya sa kalagayan ni Tamara. Wala itong kaalam-alam ng pwede nitong sapitin nang gabing iyon. Buti na lang at nasa katinuan siya. Wala siyang balak manamantala sa inosenteng eighteen years old lang na tulad ni Tamara. Nakokonsensya siya. Hindi siya masamang tao para pagsamantalaan ang walang malay na dalaga. Magdamamag niyang simahan si Tamara sa loob ng silid. Nag-aalala siya sa dalaga, kay hindi niya ito maiwanan mag-isa sa silid. Baka kasi bumalik sina Joseph at Missy, at makitang wala siya. Baka kung ano pa ang gawin ng dalawang iyon sa kawawang dalaga. Sa pananatili niya sa loob ng silid kasama si Tamara. Napagmasdan niyang mabuti ang magandang dalaga. Maganda ito at ma appeal. Tiyak na walang lalaking tatanggi kung ito ang makakalaro sa kama. Matindi nga ang pagpipigil na ginawa niya sa sarili na hindi maakit sa magandang katawan ng dalaga nang iwan itong walang saplot sa kanya. Para maiwasan ang tukso agad niyang tinakpan ang walang saplot na katawan ni Tamara. Hanggat kaya niyang magpigil sa pagnanasa magpipigil siya. Halos hindi nga siya nakatulog sa buong gabi sa pagbabantay niya kay Tamara na walang malay. Hindi niya alam kung ano ang pinainom ni Joseph rito at hanggang sa mag umaga na eh wala pa ring malay ang dalaga. Pagsikat ng araw kinailangan na niyang lumabas ng silid na iyon, baka kasi magising na ang dalaga at makita siya. Baka kung ano pa ang isipin nito sa kanya. Dahil sa nag-aalala siya sa kaligtasan ni Tamara, kaya nag stay muna siya sa katabing hotel room ni Tamara, para mamonitor niya kung may ibang papasok sa loob ng silid. Sa ginawang ito ni Joseph sa stepsister nito. Duda niyang kayang-kayang gawin muli ni Joseph na ipambayad utang muli si Tamara sa ibang pinagkakautangan nito. At walang kamalay-malay itong si Tamara sa mangyayari rito. Rape. Iyan ang nakikita niyang mangyayari kay Tamara pag inulit pa ni Joseph na ipambayad ito ng utang. Pasalamat nga si Tamara at matino ang pag-iisip niya at hindi siya masamang lalake kaya walang rape na nangyari sa kanila. Pero kung sa ibang lalake iyon, tiyak na hindi sasantuin si Tamara, tiyak na pagsasamantalaan ang kawawang dalaga. Maswerte na rin ito at sa kanya ito ibinayad ni Joseph. Sa pagsubaybay niya kay Tamara, nakita naman niyang maayos itong nakalabas ng silid. Although naroon ang pagtataka sa magandang mukha nito nang makasabay niya ito sa elevator. Sinadya niyang makasabay ang dalaga, para tignan kung naaninag man lang ba siya nito. Umarte din siyang hindi niya ito nakikilala. At sa kilos na nakita niya kay Tamara, ay mukhang hindi nito nalaman na siya ang lalaking kasama nito magdamag sa room 503 na iyon. Hindi na rin kailanga pang malaman ni Joseph na hindi niya ginalaw si Tamara. Literal kasi na r*pe na masasabi pag ginalaw niya si Tamara na walang malay. R*pe na agad ang tawag basta walang consent ang sino mang babae na makipagtalik. Hindi siya r*pist, ang daming babae diyan na handang makipaglaro sa kanya sa kama. Hindi na niya kailangang mamilit pa. "Anong gusto mong pag-usapan natin?" Pormal niyang tanong rito. "About Tamara," tugon nito. Nagtaas siya ng kilay at humugot ng malalim na paghinga. Sumandal siya sa kinauupuan at deretsong tumingin sa mga mata ni Joseph. "Well, nais ko lang malaman mo na walang ano mang naaalala si Tamara sa nangyari sa inyo nang gabing iyon," Joseph said. Umigting ang kanyang panga at naikuyom ang kanyang kamay. Nais niyang suntukin ang lalaking kaharap na walang ka amor-amor sa stepsister nito. "You think good news iyan?" Taas kilay niyang tanong. "Yeah. Tama rin na hindi ka na niya nadatnan sa loob ng silid na iyon. Kaya wala siyang idea kung sino ang kasama niya at ano ang nangyari sa kanya," nakangisi pa nitong sabi sa kanya na para bang kinatutuwa nitong walang kaalam-alam si Tamara sa nangyari rito. "Kinukulit nga kami ni Missy eh. Tanong ng tanong sa amin kung sino daw ang kasama niya sa hotel room na iyon," dagdag pa nito na para bang joke lang talaga ang ginawa ng mga ito kay Tamara. Pasalamat talaga si Tamara at siya ang nakasama niya nang gabing iyon. Kung ibang lalaki iyon, ewan ko lang kung hindi ito mabaliw dahil sa ginawa ni Jospeh at Missy rito. "Ano na ngayong plano mo at nalusutan mo ang ginawa mo sa stepsister mo?" He asked. "First, thank you sa iyo pare, dahil tinanggap mo ang bayad ko. Now clear na tayo at wala na akong utang sa iyo,' Joseph said. Tumango lang siya rito at nagpatuloy ito sa pagsasalit "Well, kilala ko ang stepsister ko na iyan. Makulit iyan at malakas ang loob. Spoiled kasi kay Daddy eh, laging pinagbibigyan," Joseph said. Hindi siya kumibo. Nanatiling nakatingin kay Joseph. Ang tingin niya ngayon sa kaibigan ay isang demonyo dahil sa masamang ginawa nito kay Tamara. "Tiyak na hindi iyan titigil at pilit aalamin kung ano ang nangyari sa kanya. Huwag kang mag-alala buburahin ko sa isipan niya ang gabing iyon, bago pa niya matuklasan na ikaw ang kasama niya," dagdag nito. Napakunot naman ang kanyang noo. "Why do you mean?" He asked. "Hindi lang naman ako sa iyo may utang pare,' tugon nito. Lalo namang kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito. "Anong sinabi mo?" He asked. "Gusto ko ng matapos ang lahat ng problema ko. Ayoko rin na umabot pa kay Papa na marami akong pinagkakautangan, lalo akong hindi pagkakatiwalaan ni Papa pag nalaman niya iyon," saad nito. Igting panga siyang nakatingin kay Joseph. Ramdam na niya kung saan patungo ang sinasabi nito. At nais niyang pilipitin ang leeg nito. "Nakita ko namang nakalusot ang una kong ginawa kay Tamara, kaya naisipan kong gawin ulit iyon sa iba kong pinagkakautangan," nakangising sabi ni Joseph na tila pinagmamalaki pa ang walanghiyang paraan nito ng pambabayad ng utang sa pag gamit kay Tamara. "What the f*ck!" Malakas niyang mura sabay tayo pa mula sa kinauupuan na kinagulat ni Joseph. "Ganyan na ba kasama ang ugali mo Joseph at gagawin mong pambayad utang ang kaawa-awa mong stepsister?" Asik na tanong niya. Alam niyang wala siyang karapatang magalit kay Joseph. Kaya medyo nagpipigil pa siya. Hindi naman kasi siya dapat magalit dahil wala naman siyang pakialam kay Tamara. Ano man ang mangyari kay Tamara, wala siyang pakialam at wala siyang balak makialam sa magulong buhay ni Tamara. Sadyang naaawa lang siya sa dalaga. "R*pe ang mangyayari sa stepsister mo!" Dadag pa niya. "I don't care! Wala naman akong pakialam sa kanya. Isa pa play girl ang babaing iyon. Laging nasa party at ibat-iba ang kasamang lalaki. Sinusulit non ang ganda niya sa pagkolekta ng mga lalaking kumakama sa kanya!" Saad ni Joseph sa kanya. Hindi niya nagustuhan ang narinig niya kay Joseph. Hindi kasi ganong klaseng babae ang nakikita niya kay Tamara. Napakainosente kasi ng mga mata nito. "Pakawala ang babaing iyon. Mahilig din makipaglaro ng apoy kung kani-kanino. Kaya kesa sa kung sinu-sino pa ang sinasamahan niya, edi pakinabangan ko na lang siya, tutal mahilig naman siya sa s*x eh," patuloy pa rin ni Joseph sa masasamang sinasabi patungkol kay Tamara. Natigilan naman siya at hindi malaman ang sasabihin. Wala naman kasi siyang idea kung totoo ang sinasabi ni Joseph kay Tamara. Oo nakasama niya ng isang buong gabi si Tamara, pero wala namang nangyari sa kanila, kaya hindi niya masasabi kung pakawa nga ba ang dalaga. "Kahit anong sama ng stepsister mo Joseph, hindi pa rin tama na ipambayad mo siya ng utang," he said. Hindi niya problema ito. Pero parang problema na rin niya bigla ngayon. "Gusto rin naman niya iyon, Elijah," nakangiting demonyong sabi nito at tumayo na mula sa kinauupuan at nagpaalam na sa kanya. Naiwan siyang naguguluhan sa kung ano ang gagawin, para matulungan si Tamara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD