Lakas loob sila ni Klea na nagtungo sa VincElla Hotel para makausap si Elijah. Hindi naman nila sasadyahin si Elijah sa VincElla Hotel kung hindi siya nagdududa na may kinalaman ito sa nangyari sa kanya.
"Don't worry, Tamara I will help you. Hindi tayo titigil hanggat hindi natin nalalaman ang totoo. Hindi kita iiwanan sa ere," seryosong sabi sa kanya ni Klea.
"Salamat Klea,' pasalamat niya sa kaibigan.
"Ano na lang ang mangyayari sa akin kung wala ka," dagdag pa niya. Totoo naman iyon, hindi niya alam kung ano ang gagawin kung wala ang kaibigan. Buti na lang at narito ito at makakapagsimula na siyang mag imbestiga sa kung ano nga ba ang nangyari sa kanya.
Pagpasok nila ni Klea sa hotel agad silang lumapit sa receptionist na naroon para magtanong.
"Good afternoon Ma'am. How may I help you?" Magiliw na bati at tanong sa kanya ng magandang receptionist.
"Hi,' bati niya rito. Kabado siya at hindi malaman kung paano magtatanong rito. Buti naman at mas malakas ang loob ni Klea sa kanya at ito na ang nagtanong sa babae.
"Can we talk to Mr. Elijah Dela Merced," confident na sabi ni Klea sa babae.
Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtaas ng kilay ng babaeng kaharap nila. Alam niyang imposible ngang basta na lang nila makaharap si Elijah, CEO ito ng hotel.
"May appointment ba kayo kay Mr. Dela Merced?" Tanong ng babae.
"Wala. But, we need to talk to him," tugon ni Klea.
"I'm sorry, Ma'am you can't talk to Mr. Dela Merced kung wala kayong appointment," saad ng babae.
Napakagat labi siya at lumingon sa paligid. Baka sakaki kasing naroon si Elijah at lapitan na lang niya ito. Alam naman niyang mahihirapan talàga sila ni Klea na makaharap si Elijah
"Pakitawagan mo na lang si Mr. Dela Merced at sabihin mo na narito si Tamara," narinig niyang utos ni Klea sa receptionist.
Hindi na niya narinig ang sinagot ni receptionist kay Klea, dahil umagaw na sa atensyon niya ang Kuya Joseph niya na kalalabas lang ng elevator.
"Kuya Joseph," bulong niya at mabilis na liningon si Klea.
"Andito anv Kuya Joseph," sabi niya kay Klea na patuloy pa ang pakikipagbangayan sa babae.
"Ah?" Gulat na sabi nito.
"Tara," sabi niya sabay hila kay Klea at hinabola ang stepbrother niya.
"Kuya Joseph!" Malakas niyang tawag sa stepbrother. Hindi naman siya nabigo at lumingon ito nang marinig sila.
"Tamara?' Kunot noong sambit nito sa pangalan niya nang huminto ito sa di kalayuan.
Hila-hila niya si Klea nang lumapit sa stepbrother niya.
"Bakit narito kayo sa hotel?" Tanong ni Joseph sa kanila.
"Narito kami para makausap si Elijah," hinihingal na tugon ni Klea.
"Ano? Bakit niyo naman kakausapin si Elijah?" Kunot noong tanong ni Joseph sa kanila.
"Because we-" agad niyang pinigilan si Klea sa pagsasalita.
"Ako na lang muna ang kakausap kay Kuya Joseph," sabi niya sa kaibigan.
"Sige friend. Hintayin kita," tugon naman ni Klea sa kanya.
"Thanks," pasalamat niya sa kaibigan.
"Anong ginagawa mo rito Tamara? At bakit mo gustong makausap si Elijah?" Tanong sa kanya ng stepbrother nang makalayo na sa kanila si Klea.
"Ikaw Kuya anong ginagawa mo rito?' Balik tanong niya rito.
"May kinausap lang ako," tugon nito.
"Sino? Si Elijah ba?" Tanong niya.
"Hindi! Bakit ko naman kakausapin si Elijah!" Tugon nito. Nararamdaman niyang nagsisinungaling ito sa kanya. Alam niyang andito ito sa hotel para kausapin ang kaibigan nito. At tiyak na ang nangyari sa kanya ang pag-uusapan ng dalawa. Malakas ang kutob niyang may kinalaman talaga si Elijah sa nangyari sa kanya.
"Alam mo Tamara, umuwi na kayo ng kaibigan mo. Huwag niyo ng istorbuhin pa si Elijah. O di kaya naman bumalik kayo sa eskwelaan niyo at mag-aral," saad pa ng kapatid sa kanya sabay talikod.
"Kuya sandali!" Pigil niya at mabilis niya itong inarangan sa paglalakad.
"Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa akin. Kayo ni Ate Missy ang huling kasama ko. At nabanggit niyong makakasama natin sa dinner sa Elijah, kaya nais ko rin siyang makausap!" Mahabang litanya niya sa kapatid.
"Tumigil ka nga Tamara!" Galit na sabi nito sabay saklit sa braso niya. Mahigpit nitong hinawakan ang kanyang braso. Napangiwi pa siya sa sakit.
"Kuya nasasaktan ako!" Reklamo niya.
"Umuwi ka na at isama mo ang kaibigan mo. Huwag na kayong manggulo pa rito sa hotel ni Elijah. Tigilan mo na rin ang pag-iisip mo na may kinalaman si Elijah sa kung ano mang nangyari sa iyo. Kilala mo naman ang sarili mo Tamara. Pakawala ka ring bata ka, baka hindi mo lang maalala kung sino nakalaro mo nang gabing iyon at dinadamay mo pa si Elijah!" Mahabang litanya nito sa kanya, habang halos bumaon na ang mga daliri nito sa balat niya.
"Isa pa hindi ka haharapin ni Elijah. Sino ka ba para harapin ng taong iyon. Kaya huwag ka ng magpapansin pa!" Patuloy pa nito at marahas siyang binitiwan nito na muntik pa niyang ikatumba. Buti na lang at malakas ang kanyang mga paa, at hindi siya bumagsak.
"Umuwi na kayo!" Asik pa ni Joseph sa kanya, bago ito lumakad palayo sa kanya at iniwan siya.
Wala naman siyang nagawa kundi sundan na lang ng tingin ang stepbrother niya palayo.
"Tamara, anong sabi?" Tanong ni Klea nang makalapit ang kaibigan.
"Wala," tugon niya.
"Nakita kong galit na galit ang stepbrother mo. Halatang guilty. Halatang may kinalaman sa nangyari sa iyo," saad ni Klea.
"Ah?" She said at sinulyapan ang kaibigan.
"Anong ikakagagalit niya kung hindi siya guilty. Malakas din ang kutob ko na may kinalaman si Elijah sa nangyari sa iyo Tamara. Kaya dapat huwag tayong titigil sa pag iimbestiga," litanya ng kaibigan.
"Pero saan tayo magsisimula, dito nga hirap na hirap na tayo," she said.
"Sa girlfriend ng Kuya mo. Hindi ba't kasama niyo siya nang gabing iyon? Siya ang una nating tanungin," sabi ni Klea.
"Mag de-deny iyon," malungkot niyang sabi.
"Pilitin natin," saad ni Klea.
Nasa ganoong pag-uusap sila ni Klea nang marinig nilang may bumati ng Good afternoon Mr. Dela Merced.
Sabay pa nga sila ni Klea na napalingon at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Elijah sa may lobby kausap ang may edad na lalake.
"Tamara. Si Elijah na iyan," bulong ni Klea habang kapwa sila nakatingin kay Elijah na nakangiti pa habang nakikipag usap.
"Lapitan mo na. Ito na ang pagkakataon mo para makausap siya," sabi pa ni Klea sa kanya.
Napalunok naman siya habang walang kurap siyang nakatingin kay Elijah. Nakasuot ito ng business suit na asul. Napaka neat at gwapo nitong tignan. Para itong lalake sa mga magazine na sobrang gwapo.
Bigla tuloy siyang nag-alangan na lapitan si Elijah at sabihin ang nais niya. Para kasing imposible na mananamantala ito ng babaing walang malay. Sa gwapo, lakas ng dating ni Elijah, isama pang mayaman ito eh kayang-kaya nitong makuha ang sino mang babaeng nais nito. Sa dating nga ni Elijah mukhang mga babae pa ang lumalapit rito. Kaya imposible na pagsamantalaan siya nito.
"Tamara. Ano na, lalapitan mo ba o ano?" Tanong sa kanya ni Klea sabay yugyog pa sa balikat niya.
"Ah?" Tanging nasabi niya at napalingon sa kaibigan.
"Ano? Natulala ka sa kagwapuhan niya at nakalimutan mo na ang sadya natin rito?" Tanong nito sa kanya.
"Ah.. Eh...," tanging nasabi niya. Hindi na kasi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Muli naman niyang nilingon si Elijah na ngayon ay naglalakad na patungo sa pinto ng hotel, kasama ang kausap nito.
"Girl ano?" Bulong pa ni Klea sa kanya.
Humugot siya ng malalim na paghinga at sinundan ng tingin ang gwapong si Elijah hanggang sa makalabas na ito ng hotel.
Humugot siya ng malalim na paghinga at nagkibit balikat.
"Wala na siya. Nakaalis na. Natulala ka kasi sa kagwapuhan niya," sita sa kanya ni Klea.
"May next time pa naman," sabi niya.
"Ewan ko sa iyo girl," iling ulong sabi ni Klea sa kanya.
"Halika na nga at doon tayo sa coffee shop mag-usap," sabi ni Klea na nauna na sa paglalakad palabas. Sumunod naman siya sa kaibigan.
Bago sila nagtungo ni Klea sa VincElla Hotel nakapag desisyon na siya na haharapin talaga niya si Elijah. Ewan ba niya kung ano ang nangyari at natulala na lang siya bigla ng makita ang gwapong lalake. Bigla siyang nakaramdam ng panliliit sa sarili. Na para bang imposible siyang pagsamantalaan ng isang Elijah Dela Merced.
"Tamara!" Tawag sa kanya ni Klea sabay kabog pa nito sa mesa nang makapasok na sila sa coffee shop.
"Ang tapang-tapang mo kanina, bago tayo pumunta sa hotel, tapos nang makita mo si Elijah natameme ka na," sita sa kanya ni Klea.
"Klea nakita mo naman kung gaano siya kagwapo hindi ba? Sinong maniniwala na kaya niyang mang r*pe?" Malungkot na sabi niya sabay inom sa malamig niyang kape.
"So, porket gwapo eh hindi na pwedeng maging r*pist?" Klea asked.
"I don't know. It just gusto mo munang pag-isipan ang mga gagawin ko,' she said.
"Ikaw ang bahala. Basta ako tumutulong lang at nagpapaaala sa iyo na may gwapo at mayaman ding r*pist," sabi ni Klea sa kanya.
Hindi na lang siya kumibo pa sa kaibigan.