Chapter-4

1220 Words
Pagmulat niya ng kanyang mga mata bumugad sa kanya ang silid na ngayon palang niya nakita buong buhay niya. "Ah... Nasaan ako?" Bulong na tanong niya sa sarili. Unti-unti siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa malaking kama na ngayon lang din niya nakita. Nang maupo siya naramdaman niya agad ang pananakit ng kanyang ulo. Sinalo niya ang ulong nananakit, saka mariing pinikit ang mga mata. Pilit inaalala ang mga nangyari. Kung bakit hindi niya alam kung nasaan siya. Nasaan nga ba siya at anong nangyari? Sa kanyang pagkakaupo sa kama dumulas naman pababa sa kanyang katawan ang kumot. Kumunot pa ang noo niya nang mapayuko at makita ang kanyang katawan na walang saplot sa pang itaas. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang hubad siya. Pakiramdam niya hindi siya makahinga habang titig na titig sa kanyang hubad na katawan. Nanginginig ang kanyang mga kamay na hinawakan ang kumot para i check kung hubad din siya hanggang sa ibabang parte ng kanyang katawan. Halos takasan siya ng ulirat nang makitang hubad din ang pang ibaba niya, as in wala siyang saplot. "Anong nangyari sa akin?" Naiiyak niyang tanong sa sarili habang nanginginig ang buong katawan. Pinakiramdaman pa niya ang katawan kung masakit ba, lalo na sa parteng ibaba. Pero hindi naman niya masabi kung ano ba talaga ang kanyang nararamdaman. Wala pa siyang experience sa pakikipagtalik, kaya hindi niya alam kung ano nga ba ang kanyang dapat maramdaman. Pero alam naman niyang masakit daw pag una. So, dapat makaramdam siya ng sakit, kung ito ang unang karanasan niya. Mariin niyang pinikit ang mga mata at pinakiramdaman ang sarili. Kumakabog ang kanyang dibdib sa takot na nararamdaman. Mabilis ang t***k ng kanyang puso dahil sa samot saring emosyon. Isama pa ang panginginig ng kanyang buong katawan. Sa dami ng kanyang nararamdaman hindi tuloy niya matukoy kung masakit nga ba ang kanyang p********e o ano. Pero isa ang sigurado niyang masakit, iyon ay ang kanyang ulo. Masakit na masakit ang ulo niya na para bang pinalo sa martilyo. Ginala niya ang mga mata sa buong silid. Wala siyang makitang ibang tao roon. Maayos at malinis ang buong paligid. Pero kahit anong isip niya hindi niya maalala na pumasok siya sa silid na kinaroroonan niya. Kasama niyang nag dinner ang Kuya Joseph niya at girlfriend ng Kuya niyang si Missy. At sa pagkakaalam niya makakasama nila dapat sa dinner si Elijah Dela Merced ang kaibigan ng kanyang Kuya Joseph. Pero hanggang sa matapos silang kumain, eh hindi naman dumating si Elijah na siyang pinaka hihintay pa naman niya. Pagkatapos ng dinner hindi na niya alam ang sunod na nangyari. Wala siyang idea kung ano ang nangyari, kung paano siya nakarating sa silid na ito. At kung sino ang nakasama niya sa silid na ito. "Damn it!" Hiyaw niya sa inis dahil wala siyang maalala. "Damn it! Damn it!" Paulit-ulit niyang mura at pinagpapalo pa ang kamang kinaroroonan niya. Naiiyak siya, sa inis dahil kahit anong piga niya sa utak niya eh wala siyang maalala. Bumaba siya sa kama at binalot sa kumot ang kanyang hubad na katawan. Namataan niyang maayos na nakatupi ang kanyang mga damit sa may upuan at nasa mesa naman ang kanyang bag. Lumakad siya patungo sa may may makapal na kurtina, para sumilip sa labas at ng malaman niya kung nasaan nga ba siya. Paghawi niya sa kurtina, kumunot ang kanyang noo nang mapansing pamilyar sa kang ang lugar. Napabuntong hininga siya nang makumpirmang nasa VincElla Hotel siya. "VincElla Hotel," she whispered and closed her eyes. Pilit kumukuha ng impormasyon sa isip sa kung sino ba ang nakasama niya sa hotel room na iyon. "F*ck!" Malakas niyang mura. Black out ang isip niya sa nangyari buonh gabi. Para bang sinadyang binura iyon o ano, dahil kahit anong isip niya eh wala siyang maalala. Dahil mukha namang wala siyang makukuhang sagot sa hotel room na iyon, dali-dali na siyang nagbihis para makaalis na roon. Nang makapagbihis sinubukan niyang tawagan ang kapatid, pero hindi ito sumasagot. Sunod na tinawagan niya si Missy ang girlfriend ng kapatid, pero wala rin hindi rin ito sumasagot. Kaya namang dali-dali na rin siyang lumabas ng hotel room. Paglabas niya kinuhanan niya ng larawan ang pintuan ng silid, para hindi niya makalimutan ang hotel room na iyon. Aalamin niya kung ano ang nangyari sa kanya sa loob ng silid na iyon. Aalamin niya kung sino ang nakasama niya sa silid na iyon. Kung sino ang naghubad sa kanya at kung ano ang ginawa sa kanya. "I will make you pay kung sino ka mang demonyo ka!" Gigil na sabi niya. Sumakay siya sa elevator na nakita niyang unang bumukas. Nagmamadali pa nga siyang makasakay at hindi sinasadyang bumunggo siya sa taong nakasakay na sa loob. "Sorry," paumanhin niya habang nakayuko at agad na ring pumuwesto sa gilid. Silang dalawa lang ng lalaking nakabunggo niya sa loob ng elevator. Napansin niyang naka business suit ito. Kaya naman na curious na siya at sinulyapan ang kasabay na lalake sa elevator. Nagulat siya nang makita ang gwapong mukha ng lalake. Hindi siya pwedeng magkamali ang lalaking kasabay niya sa elevator ay walang iba kundi si Elijah Dela Merced ang CEO ng VincElla Hotel. Pasimple niyang inayos ang buhok at damit. Sa pagmamadali kasi niyang makalabas ng hotel room kanina, hindi na siya nakapagsuklay man lang. Hindi na rin niya natignan sa salamin kung maayos ba ang suot niyang damit. Ilang beses niyang sinulyapan ang gwapong mukha ni Elijah. Pormal ito at ni hindi man lumilingon sa kanya na para bang hindi man siya nito napapansin o nakikita. Masyadong pormal ang gwapong mukha nito. Napakasuplado ng dating nito. Nais sana niya itong batiin, kaya lang nagdalawang isip siya. Baka naman kasi hindi siya nito maalala. Lalo na't matagal na nang huling pumasyal ito sa kanilang bahay. Napapitlag pa siya nang tumunog ang elevator at bumukas iyon. Walang lingon naman si Elijah sa kanya na lumakad na palabas ng elevator. Nagulat pa nga siya nang lumingon ito sa kanya paglabas nito. Nagkatitigan pa sila nito, pero saglit lang iyon, dahil mabilis na sumara na ang pintuan ng elevator. Napalunok siya at napahaplos sa dibdib niyang tila nasa marathon nang dahil lang nagtama ang mga mata nila ni Elijah. "Hindi naman niya ako kilala," bulong niya at nagkibit balikat. Nag taxi na lang pauwi sa bahay nila. Agad niyang hinanap ang Kuya Joseph niya. Tinuro ng kasambahay na nasa may hardin at nag-aalmusal kasama si Missy. Kaya naman dali-dali siyang lumakad roon para makita ang dalawang kanina pa niya tinatawagan pero hindi sumasagot sa kanya. Nadatnan niyang sweet na sweet pang kumakain ang dalawa na para bang hindi siya pinabayaan ng mga ito kagabi, samantalang ang mga ito ang kanyang kasamang nagtungo sa hotel. "Kuya! Missy!" Tawag niya sa dalawa na agad namang napalingon sa kanya. Galit siyang lumakad palapit sa dalawa. Maraming dapat ipaliwanag ang mga ito sa kanya. "Oh, Tamara. Nakauwi ka na pala," nakangising sabi ng Kuya niya. "Anong nangyari sa akin Kuya? Bakit nasa hotel room ako ng VincElla Hotel at mag isa?" Tanong niya sa kapatid. "Mag-isa?" Kunot noong tanong ng kapatid sa kanya. "Oo Kuya. Mag-isa ako sa silid na iyon at nakahubad. Anong nangyari? Paano ako nakarating sa lugar na iyon?" Tanong niya sa kapatid na tila ba nagtataka rin. Pati si Missy nakakunot ang noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD