Pag uwi niya sa bahay galing sa coffee shop nadatnan niya ang kotse ni Missy sa may bakuran ng bahay nila. Kaya naman mabilis na siyang bumaba ng kotse. Kung wala siyang makuhang impormasyon sa Kuya Joseph niya, baka si Missy mapilit niya.
"Good afternoon Dad," bati niya sa ama nang makasalubong ito sa sala ng bahay.
"Good afternoon hija," magiliw na bati rin nito sa kanya. Kahit hindi niya ito totoong ama eh totoong anak ang turing nito sa kanya. Never pa nitong pinaramdam sa kanya na hindi ito ang kanyang ama. Napakabait nito sa kanya. Isama pang mahal na mahal nito ang kanyang Mommy.
"Dad, andito po si Ate Missy?" Tanong niya sa ama.
"Nasa may gazebo yata hinihintay ang Kuya Joseph mo," tugon ng ama.
"Sige po Dad, puntahan ko lang po si Ate Missy," sabi niya sa ama at nagmamadali nang naglakad palabas ng bahay.
Kailangan na niyang makausap si Missy, habang wala ang Kuya Joseph niya. Tiyak na hindi magsasalita si Missy kung nariyan ang Kuya Joseph niya.
Napangiti siya nang makita si Missy sa may gazebo na nagmemeryenda, kaya naman agad na siyang lumapit rito.
"Hi, Missy," bati niya nang makalapit na rito. Medyo nagulat pa nga ito nang makita siya.
"Oh, Tamara," tanging sabi nito at huminto sa pagkain.
Pumasok siya sa gazebo at naupo sa tapat ni Missy.
"Wala pa si Kuya Joseph," sabi niya habang nakatingin kay Missy, na umiiwas ng tingin sa kanya.
"Parating na siya," tugon niti na hindi pa rin tumitingin sa kanya.
"Missy," seryosong tawag niya rito. Mabilis lang siya nitong sinulyapan at mabilis ding umiwas.
"Missy, tatanungin kita and please sabihin mo na sa akin ang totoo," pakiusap niya.
"Tamara, kung tungkol na naman ito sa nangyari sa hotel. Uulitin ko wala kaming kinalaman ng Kuya mo," tugon nito.
"Hindi ako naniniwala!' Pagmamatigas niya.
"Ayokong isipin na sinet-up niyo ko Missy!' Mariin niyang sabi. Hindi nakaligtas sa kanya ang pag iwas nito ng tingin.
"Please, Missy. Tell me the truth. I need to know kung sino ang kasama ko sa silid na iyon,' she said.
"Ayoko ng gulo, Tamara. Ngayon lang kami muling nagkakaayos ng Kuya mo. Ayokong manghimasok sa kung ano ang problema niyo!" Litanya nito sa kanya.
"Hindi kita idadamay Missy. I promise,' pangko niya rito.
"Sabihin mo lang sa akin kung sino ang nakasama ko sa silid na iyon,' pakiusap niya.
Matagal siyang tinitigan ni Missy. Alam niyang mabait naman ito. Konting paawa pa at bibigay na rin ito.
"Babae ka din Missy. Kung sa iyo nangyari ang nangyari sa akin. Hindi ka ba mababaliw sa kaiisip?" Paawang tanong niya rito.
"Ayokong madamay sa gulo niyo ng kapatid mo," sabi nito.
"Hinding-hindi kita idadamay Missy," she said.
Humugot ito ng malalim na paghinga at tumingin sa malayo.
"Missy, please I am begging you,' she said.
"Basta labas ako rito Tamara. Ayokong magalit sa akin ang kapatid mo. Pero karapatan mong malaman kung sinoa ang nakasama mo sa silid na iyon," litanya nito. Tumango siya.
"Si Elijah Del Merced. Siya ang nakasama mo noong gabing iyon sa room 503," amin sa kanya ni Missy.
Kahit may duda na siyang si Elijah ang nakasama niya nang gabing iyon. Nagulat pa rin siya at nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig ang pangalan ni Elijah kay Missy.
"Iyan lang ang maibibigay kong impormasyo sa iyo Tamara. Si Elijah na ang tanungin mo sa kung ano pa ang gusto mong malaman," sabi ni Missy sa kanya at mabilis itong tumayo at hinila ang bag.
"Uulitin ko Tamara. Ayoko ng gulo," sabi pa nito sa kanya bago ito tuluyang lumakad palayo sa kanya.
Hindi na niya ito pinigilan pa. Nakuha na rin naman niya ang impormasyong kailangan niya.
Tama nga ang hinala nila ni Klea na si Elijah Dela Merced nga ang nakasama niya sa silid na iyon. Pero magagawa ba siyang pagsamantalaan ng isang katulad ni Elijah?Ang tanong na iyan ang kanina pa gumugulo sa kanyang isipan. Hindi kasi niya lubusang maisip na magagawa siyang pagsamantalaan ni Elijah.
Ngayon sigurado na siya kung saan magsisimula. Alam na niya kung sino ang ituturo. Kailangan niya ngayon ng ebidensya na magtuturo kay Elijah.
"Aalamin ko ang totoo," mariing sabi niya.
Sa hapunan sabay-sabay silang kumain sa may komedor. Naroon pa rin si Missy ay kasama ang Kuya Joseph niya.
Habang kumakain walang tigil sa pag sermon ang Daddy nila kay Joseph, dahil sa palpak na na nangyari sa opisina. Tahimik lang siyang nakikinig at paminsan-minsan sinusulyapan ang kapatid na sobrang pasaway kase kaya ayan nakakarma. Tahimik naman sa tabi ng Kuya Joseph niya si Missy. Ewan ba niya at kung ano ba ang nakita ni Missy sa kapatid at hindi nito maiwan-iwanan. Tahimik rin na kumakain ang Mommy niya sa tabi ng kanyang Daddy na paminsan-minsa eh sinusuway ang asawa nito, lalo na medyo masasakit na salita na ang lumalabas sa bibig ng kanyang Daddy.
"Mabuti pa itong si Tamara. Ilang beses palang pumasok sa opisina ang dami na niyang nagawang maganda para sa kompanya. Ikaw Joseph na matanda na wala pa ring nagagawang tama!" Sita pa ng ama kay Joseph.
Hindi nakaligtas sa kanya ang masamang tingin pinukol sa kanya ni Joseph. Nakaramdam nga siya ng takot.
"Diyan naman kayo magaling Dad eh. Pilit niyo kong kinukumpara sa batang walang pang napapatunayan!" May galit na sabi ni Joseph.
"Dahil kahit bata eh tinatalo ka sa talino at abilidad!" Mariing tugon ng ama.
Mukhang napikon naman na ng husto ang Kuya Joseph niya kaya tumayo na ito at ang walk out. Agad namang sumunod si Missy sa kapatid niya.
"Sumobra ka na naman sa salita sa anak mo," sabi ng Mommy niya sa ama.
"Tama lang at ng malaman niya na wala siyang silbi. Na natatalo siya ng galing ni Tamara na isang estudyante lang!" Tugon ng ama.
Parang hindi niya gustong naikukumpara siya sa Kuya Joseph niya. Dahil ayaw niyang makaramdam ng selos ang kapatid sa kanya, lalo na't ito naman ang tunay na anak at hindi siya.
Mahirap na kasi pag umiral ang selos sa isang pamilya. Doon na nagsisimula ang gulo. At hanggat maaari ayaw niya ng gulo, dahil alam naman niya ang lugara niya sa pamilyang ito.
Dahil na rin sa nangyaring sagutan sa hapag kainan eh kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya. Naroon na sadya siyang sinet-up ng Kuya Joseph niya dahil galit ito sa kanya. Pero kung galit naman talaga sa kanya ang kapatid. Di sana masamang tao ang pinili nito at hindi si Elijah Dela Merced.
"Ang gulo. Saan ba ko dapat magsimula ngayon?" Tanong niya sa sarili. Sumasakit na ang kanyang ulo sa kaiiisip.