Chapter 4

1110 Words
PAUWI na si Noah mula sa unibersidad nang gabing iyon. Sakay-sakay ng kaniyang lumang bisikleta ay binagtas niya ang kahabaan ng Aurora Boulevard. Dahil marami pa ring sasakyan nang mga oras na iyon at hindi siya puwedeng makipagsagupaan sa mga ito, kaya sa gilid-gilid na lang siya dumaan. Mula sa four-to-ten lane major thoroughfare sa Quezon City at San Juan ay lumiko si Noah sa isang makipot pero mahabang eskinita. Medyo madilim ang lugar na iyon at walang kabahayan. Likuran iyon ng ilang maliliit na establishment at sarado na kapag ganoong oras. But he had no choice. Iyon lang ang pinakamadaling paraan pauwi sa bahay nila. "Saklolo! Tulungan n'yo ako!" Napahinto sa pagpepedal si Noah nang marinig niya ang boses-babae na iyon. Parang malapit lang sa pandinig niya ang pagsigaw nito kaya kaagad niya itong hinahanap sa paligid. Pero wala siyang nakita. "Saklolo!" Napakislot si Noah nang lalo pang lumakas ang pagsigaw ng babae. She was crying and her voice was terrified. Tila humaharap sa matinding panganib. Kahit siya man ay naramdaman iyon. Kaya dapat ay umalis na siya para iligtas ang sarili. Ngunit gumana ang pagiging mabuting tao ni Noah. Sa halip na umalis ay sinundan niya ang pinanggagalingan ng boses ng babae; na habang tumatagal ay lalong naging malapit sa pandinig niya. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nagpedal bago niya nakita ang isang babaeng tumatakbo sa gitna nang mapusyaw na liwanag. Mukha itong nurse base sa suot na uniporme. At dahil sa maputi nitong kasuotan kaya kahit maputla man ang sinag ng ilaw mula sa maliit na poste, kitang-kita ni Noah na naliligo ito sa dugo nang bahagyang humarap sa kaniya. But she can't see him because it was dark where he was. Sa kamamadali ng babae na tumakas mula sa ano o kung sino ay nadapa ito. Lalong lumakas ang pag-iyak nito na nakapagpatayo ng mga balahibo ni Noah. Ilang segundo pa ang dumaan ay nakita niya ang isang lalaking nakaitim at naka-hood na hindi niya namalayang nasa harapan na ng babae. "P-parang awa mo na. Huwag mo akong patayin!" nanginginig ang boses na palahaw nito. Nanlaki ang mga mata ni Noah nang makitang walang ano-ano na hinablot ito ng lalaki na tila isang papel lang. Naamoy niya ang matinding panganib na dala nito. At hindi niya kayang panoorin lang ang babae na nanganganib ang buhay. Mabibilis na pag-pedal ang ginawa niya para sumaklolo. "Bitiwan mo siya!" ubod ng lakas na sigaw ni Noah nang ilang hakbang na lang ang layo niya sa mga ito. Maliksi siyang bumaba ng bisikleta upang harapin ang lalaki. Noah no longer felt any fear. All he wanted was to save the woman. Dahil sa alam niyang kakaibang lakas na taglay kaya malakas ang loob niya na tumulong sa mga ganitong pagkakataon. Katunayan, hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang may iniligtas gamit ang naiibang kakayahan. Katulad na lang ng biktima ng mga snatcher, holdaper, panghahalay at kung ano-ano pang krimen. Lahat ng naging kalaban ni Noah ay puro sa ospital ang bagsak. At kung itinodo pa nga niya ang lakas ay siguradong napatay na niya ang mga iyon. Ayaw lang niyang makaagaw ng pansin kaya kinokontrol niya ang hindi maipaliwanag na lakas na mayroon siya; na dahil hindi naman niya puwedeng gamitin sa pansariling interes kaya ginagamit na lang niya para tumulong sa kapwa. Walang pakundangan na binitiwan ng lalaki ang biktimang babae nang maramdaman ang presensiya niya. Kapagkuwan ay nilingon siya nito at sa isang kisap-mata lang ay nasa harapan na siya nito at sakal-sakal na sa leeg. Tila naumid ang dila ni Noah nang makita ang mukha ng lalaki na kasingputla ng papel. And his eyes... It's all black and no white. It was lifeless! "Valitaja!" The strange man shouted angrily, which meant "Pakialamero." Mula sa walang kabuhay-buhay na mga mata ay unti-unti iyong nagkulay-dugo. Lumabas ang mahahaba nitong pangil. Kamukha na nito ang mga bampirang napapanood lang niya sa television. Naramdaman ni Noah na nasa matinding peligro na rin ang buhay niya. Ngunit nakapagtataka na wala pa rin siyang maramdaman na anumang takot. Sa halip ay ubod ng lakas niyang itinulak ang lalaki nang aktong sasakmalin na siya nito sa leeg. Sa lakas ng puwersa niya ay tumalsik ito sa poste na kaagad tumumba at dahilan para kumurap-kurap ang ilaw. Nasisiguro niya na hindi ito isang tao kaya itinodo na niya ang totoong lakas. But the weird creature didn't even bother. Tumayo ito at sa isang iglap lang ay nasa harapan na niya uli ito. Hinawakan siya sa leeg at parang walang anuman na inihagis siya sa isa pang poste na tumumba rin. Mas dumilim ang paligid. Tanging kumukurap-kurap na ilaw na lang ang nagsisilbing liwanag. Dapat ay nanlabo na ang paningin ni Noah. Pero kahit siya man ay nagtaka sa kaniyang sarili kung bakit parang luminaw ang paningin niya. Kitang-kita niya ang lalaki na nakatayo sa di-kalayuan sa kaniya. Kulay-pula pa rin ang galit na galit na mga mata at tila kaytalas ng mga pangil. Ramdam ni Noah ang pagkirot ng kaniyang likod na tumama sa poste. Ngunit nagawa pa rin niyang tumayo para harapin ang kalaban na nasisiguro niya na isang halimaw. Ibig sabihin niyon ay mas mapanganib ito sa mga ordinaryong tao lang; kagaya na lang ng bitktima nito. "Tumakbo ka na, Miss!" sigaw ni Noah sa babae nang makita niya itong tulala lang na nagmamasid sa kanila. "Iligtas mo na ang sarili mo!" Para naman itong natauhan nang marinig siya. Mabilis itong tumayo at lumayo roon. Sinubukan itong habulin ng halimaw pero kaagad itong nahablot ni Noah. Sunod-sunod at malalakas na suntok ang iginawad niya rito bago itinapon sa pader. Subalit sa tila isang pitik lang ng daliri ay kaharap na niya uli ito at nagpaikot-ikot sa kaniya na parang isang ipo-ipo. Pakiramdam ni Noah ay nahilo siya sa ginawa ng kalaban. Pero matatag pa rin siyang nakatayo. Sinusubukan niya itong hulihin pero lumulusot lang sa hangin ang mga kamay niya. "Jada!"sigaw nito sa tainga niya na ang ibig sabihin ay "Die". Patuloy ito sa pag-ikot-ikot sa kaniya bago niya naramdaman ang pagtigil nito sa kaniyang likuran at hinawakan siya sa ulo. Ang buong akala ni Noah ay katapusan na niya nang isubsob nito ang mukha sa leeg niya. Ngunit bago pa man bumaon sa balat niya ang mahahaba at matatalas nitong pangil, naramdaman niyang biglang nagbago ang paligid. Umulap iyon at lumamig ang hangin. Nakawala na rin siya sa mga kamay ng lalaki. Hanggang sa may narinig siyang tila bumulong sa hangin na boses ng isang babae. "Dormir." Isang banyagang salita na ang ibig ay "Sleep." Unti-unting lumabo ang paningin ni Noah hanggang sa tuluyan siyang lamunin ng kadiliman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD