Chapter 3

1682 Words
"GOOD morning, boss!" masiglang bati ni Noah sa isa sa mga security guard ng Marcelino de Manila University na si Arthuro. Nauna siya rito nang apat na taon bilang empleyado pero iginagalang pa rin niya ito. Bukod sa likas siyang mabait, ayaw niyang may makaaway o masangkot sa kahit anong gulo; lalo na sa unibersidad na ito. "Good morning, Noah!" nakangiti rin na bati sa kaniya ni Arthuro. Mas matanda ito sa kaniya nang dalawang taon. Matangkad ito at malaki rin ang pangangatawan. Isa ito sa mga tao sa lugar na iyon na mabait sa kaniya, at maituturing na rin niyang kaibigan. Akala nga niya noong una ay hindi niya ito makakasundo dahil iba ang pakiramdam niya rito noong una silang nagkita. "Parang masaya yata ang araw natin ngayon, ah. Siguro nagkita kayo ng girlfriend mo, 'no?" Dahil nga katapat lang ng school ang pizza parlor ni Michelle kaya hindi lihim sa mga tagaroon ang kanilang relasyon. "Hindi na iyan kailangan pang i-memorize, Boss. Alam mo naman tayong mga lalaki, mas sumasaya kapag nakikita ang mga nobya natin," pabirong sagot ni Noah. Napakamot sa ulo ang guwardiya. "Ikaw lang 'yon, Noah. Hindi ako magandang lalaki na 'tulad mo kaya hanggang ngayon ay wala pa rin akong asawa o nobya man lang." Tinapik niya ito sa balikat. "H'wag kang mawalan ng pag-asa, Boss. Ibibigay din ng Diyos ang babaeng para sa'yo sa tamang panahon." "Kaya ang sarap mong maging kaibigan, eh. Kasi nakakahawa ang pagiging positibo mo," matapat na sagot ni Arthuro. Naputol ang pag-uusap nila nang may isang grupo ng estudyante ang pumila sa gate at kailangang i-check ng guwardiya ang bawat bag. "Sige, Boss, mauna na ako," paalam ni Noah sa kaibigan. "Sige! H'wag mo nang patulan ang mga mambu-bully sa'yo. Isumbong mo na lang sa'min," pahabol pa ni Arthuro. Hindi lingid dito ang pang-aapi sa kaniya ng mga estudyante. *********** PAGDATING ni Noah sa locker nilang mga janitor ay kaagad siyang nagpalit ng uniporme. Pagkatapos ay kinuha na niya ang kaniyang mga gamit sa paglilinis. Bawat isa sa kanila na mga janitor sa unibersidad ay may nakatoka ng trabaho. Kaya alam na alam na niya ang gagawin araw-araw. Tulak-tulak ang kaniyang janitor cart ay tinungo na ni Noah ang men's restroom. Sampu ang banyo ng mga lalaki sa school na iyon, at lima roon ang naka-designate sa kaniya. Ang mga iyon ang kailangan niyang linisin at panatalihing maayos araw-araw; bukod sa library at iba pang pasilyo. Bago pa man siya makarating sa unang banyo na lilinisin ay may naramdaman na si Noah na hindi magandang mangyayari. He often felt that way whenever he was in trouble. Hindi niya alam kung bakit iyon nangyayari. Pero dahil sa pagkakaroon ng malakas na pakiramdam kaya madalas niyang naiiwasan ang anumang gulo o panganib. Habang naglilinis ng mga bintana ay narinig ni Noah ang pagpasok ng pamilyar na boses ng mga estudyante. Hindi man silipin, sigurado siya na grupo iyon ni Daniel, isa sa pinakasikat na estudyante sa Marcelino de Manila University dahil sa pagiging heartthrob. Pero number one bully pagdating sa kaniya. Nagsimula iyon nang sabay silang manligaw kay Michelle, at siya ang pinili ng nobya. "Oy, mukhang naglilinis na si Noah duwag, ah," narinig niyang sabi ni Daniel. "At mukhang bago itong mop niya." "Oo nga, Daniel. Naka-plastic pa, o," sabi naman ng kasama nitong si Ford, na nakilala rin niya sa boses. "Subukan nga natin kung matibay ang handle," dugtong naman ng kilala rin niyang si Butch. May tatlong taon na rin siyang pinagtitripan ng grupo ni Daniel kaya kilala-kilalang na niya ang mga ito sa boses pa lang. Wala sanang balak si Noah na lumabas dahil marami pa siyang lilinisin. Pero naaamoy niya ang binabalak ng grupo ni Daniel. At wala pa siyang pambayad sakali mang sinira ng mga ito ang bagong string mop dahil matagal pa ang kaniyang sahod. Bawat gamit kasi na nasisira nila, sinasadya man o hindi, pinapabayaran sa kanila ng triple. Paraan daw iyon para ingatan nila ang mga kagamitan. "H'wag n'yong pakialam iyan, Daniel," mariing saway ni Noah nang makita niyang hawak-hawak nito ang bagong string mop. "At paano kung ayoko?" nang-aasar nitong tugon. "Wala ka namang magagawa, eh, dahil duwag ka. Ni hindi mo nga ito kayang agawin sa'kin." Tumawa ito na sinabayan naman ng mga kaibigan. Mahigpit na ikinuyom ni Noah ang mga kamay para kontrolin ang sarili na magalit. Dahil kapag nangyari iyon, siguradong sa ospital ang bagsak ng mga ito. "Ayoko lang patulan ang mga isip-bata na 'tulad n'yo. Kaya kung puwede lang, bitiwan mo na iyan. Tapos gawin n'yo na kung ano ang kailangan n'yo rito sa loob ng banyo." "Eh, nandito nga kami para buwisitin ka, eh." Humalakhak ito at nakipag-apir sa mga kaibigan. "'Di ba mga brod?" "Oo! At trip naming sirain itong bagong mop mo!" nang-iinis pang sabi ni Ford. "Pero subukan mo munang agawin sa'min. Kapag nakuha mo, eh, 'di sa'yo na." Naghiwa-hiwalay ang limang kaibigan ni Daniel at pinagpasa-pasahan sa harapan ni Noah ang bagong string mop. Pumorma pa si Daniel at kunwaring ginawang espada ang string mop habang umaaktong pinagpapalo ang mga kaibigan. Pagkatapos ay pumorma uli na parang si Captain Barbell at itinaas sa ere ang hawak na panlinis. Napailing na napipikon na lang si Noah. Minsan ay naiisip niya na kung walang sayad sa ulo si Daniel, siguradong kulang ito sa pansin ng mga magulang. Minsan ay iniintindi na lang niya ito dahil hindi hamak na bata kumpara sa kaniya. "Ano? Titingnan mo na lang ba kung paano ko sisirain itong mop mo?" hamon sa kaniya nito nang hindi pa rin siya tumitinag sa kinatatayuan. Alam ni Noah na sinusubukan lang ni Daniel ang pasensiya niya. Gusto kasi nito na lumaban siya para may dahilan ang school na patalsikin siya. Ipinagbabawal kasi sa kanilang mga janitor ang makipag-away, lalo na sa mga estudyante. "Hindi ka pa ba nagsasawa sa pambubuwisit sa'kin araw-araw, Daniel? Tatlong taon na rin, ah. Hindi ka pa ba napapagod?" sa halip ay sermon ni Noah sa mababang boses. Dumilim ang anyo nito. "Gag*! Hanggang nakikita ko iyang pagmumukha mo ay hindi ako magsasawa sa pambubuwisit sa'yo. Because you are a pest in my life! Inagaw mo sa'kin ang babaeng gustong-gusto ko!" Pagkasabi ay walang ano-ano na inihampas nito nang malakas sa pader ang bagong string mop. Pagkatapos ay ibinato sa kaniya ang mop head nang maputol ang handle. Mabuti na lang at alerto si Noah kaya nasalo niya iyon bago pa tumama sa mukha niya. Napatiim-bagang siya. Kaunting tiis na lang, Noah. Makakaalis ka na sa lugar na ito. Maawa ka sa mga batang ito kapag pinatulan mo. "Poor Michelle. Pumatol sa walang kasing duwag na 'tulad mo," pahabol pa ni Daniel bago umalis ang grupo nito. Iiling-iling na lang na pinulot ni Noah ang kalat at problemang iniwan sa kaniya ni Daniel. Mamahaling string mop pa naman iyon. Libo rin ang mababawas sa susunod na sahod niya. Balak pa naman sana niyang ipasyal si Michelle sa third anniversary nila. KATULAD nang madalas na mangyari ay hindi na isinumbong ni Noah sa kaniyang manager o kay Arthuro ang ginawa ni Daniel. Titiisin na lang niya ito hanggang sa maka-graduate siya. Sa kabila nang nangyari ay nanatili pa ring maganda ang araw ni Noah nang sa paglabas niya sa unibersidad ay nakita niya ang kotse ni Michelle na nakaparada sa labas at mukhang inaabangan siya. Alas nuebe na ng gabi natatapos ang klase niya kaya ganoong oras din nagsasara ng parlor ang kasintahan. "Hi, mahal! Kanina ka pa ba?" malambing niyang tanong nang buksan nito ang pintuan. Dumukwang siya at hinalikan ito sa mga labi. "I love you." "Mga ten minutes pa lang naman siguro, mahal." Kaagad itong yumapos sa batok niya at pinalalim ang kanilang paghahalikan. "I love you, too." Kahit araw-araw naman silang nagkikita at katatapos lang ng pagniniig nila kaninang umaga ay naramdaman pa rin ni Noah ang pananabik sa kaniya ni Michelle. Kung sabagay ay lagi naman itong ganito na gustong-gusto rin naman niya lalo pa kapag naglalambing ito. "Mamaya na tayo umuwi, please? I want to stay with you pa, mahal." Pilyong ngumiti si Noah at hinawakan ang chin ng nobya. Titig na titig siya sa mga mata nito. "Matatanggihan ko ba naman ang mahal ko?" She smiled sweetly at him. "I know you can't." And then she claimed his lips again. Buong-puso na tinugon ni Noah ang mapusok at mainit na halik ni Michelle. Iniyakap niya ang braso sa baywang nito at hinapit ang katawan nito padikit sa kaniya. Nagsimula siyang halikan ang mukha nito. Katulad nito ay magaspang din ang bawat kilos niya, gigil na gigil. Sa bawat oras na lumilipas ay nami-miss din niya ang nobya. Araw-araw siyang nasasabik na lumabas ng unibersidad para lang makasama ito. "Mahal..." mahina na daing ni Michelle nang lumakbay ang mga labi ni Noah sa jaws nito. He even licked her earlobe. Nag-aapoy na sa pananabik ang kaniyang katawan. At ganoon din ang nararamdaman niya sa katawan ni Michelle. Pinaglakbay ni Noah ang mga kamay niya pababa sa likod ng nobya at hinaplos ang lower back nito; habang ang kaniyang mga labi ay bumababa sa leeg nito. "Michelle..." he groaned nang maramdaman ang pangahas nitong kamay na humaplos sa namumukol na niyang harapan. Ngunit kung kailan nasa kalagitnaan na sila ng pag-iinit ay saka naman may bumusina sa likuran nila. Nakaharang nga pala ang kotse ni Michelle sa driveway ng unibersidad. Parehong nakaguhit sa mukha ang pagkabitin nang maghiwalay sila sa isa't isa. May pagsuyo na sinapo ni Noah ang mukha ng nobya at hinalikan ito sa lips. "I love you, mahal." "I love you, too, mahal. But I really want you tonight," ingos nito. "Puwede bang mamaya ka na lang umuwi? Let's go somewhere muna. Isasakay na lang natin ang bike mo." Napangiti na lang si Noah sa hiling na iyon ng nobya na hindi niya kayang tanggihan. Alam niya ang naglalaro sa isip nito at muli niyon sinindihan ang kanina'y nag-aapoy niyang katawan. "Always my pleasure, mahal." He grabbed her neck and kissed her torridly bago siya bumaba para isakay ang kaniyang bisikleta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD