HINDI na nagulat si Michelle nang makitang nakabukas na ang pizza parlor nang dumating siya. Alam niyang si Noah ang nagbukas niyon nang makita niya ang bisikleta nito na nakaparada sa parking lot. Binigyan niya kasi ito ng susi at ipinagbubukas siya kapag nauuna itong dumating. Kabaligtaran ng naging reaksiyon niya kanina, nagulat ang dalaga nang madatnan niya ang ayos ng buong dining room. Napigil niya ang hininga habang lumilibot ang paningin. May mga nakakalat na red roses sa buong paligid. Her favorite flower. Sa gitna niyon ay may pangdalawahang mesa na may nakahaing pagkain at red wine; na mas nagmukhang romantiko dahil sa nakasinding red cented candle. May kulumpon ng balloons na kulay-pula rin ang naka-hang sa kisame; nakasentro iyon sa nakaayos na lamesa. Ngunit ang higit na na