"BILISAN na natin, Noah. Malapit nang mag-start ang mass. Ayokong ma-late tayo." Ilang minuto lang ang lumipas pagkatapos nilang kumain ay niyaya na ni Michelle ang binata. "Huwag na kaya tayong um-attend ng Ash Wednesday? Siguradong punuan din sa simbahan. Baka wala na tayong maupuan," tila walang gana na sagot ni Noah. Sa totoo lang, kanina pa siya na-we-werdohan dito. Kung ano-ano na lang ang dinadahilan nito sa tuwing binabanggit niya ang tungkol sa pagpunta nila sa simbahan. Na kesyo ma-le-late na ito sa trabaho, na baka maraming customer sa MnM pizza at kailangan na siya roon, o kung anong palusot pa. "Okay lang kung wala nang maupuan. Sanay naman na ako." Naiinis na tumayo si Michelle. "At okay lang din kung ayaw mo akong samahan. Mauna ka na lang bumalik sa Marcelino at baka n