NAGISING si Noah na sobrang dilim ng paligid. He didn't see anything. Tumayo siya sa higaan at dahan-dahang naglakad papunta sa dingding para buksan ang switch ng ilaw. Ngunit kahit anong pindot niya ay hindi iyon sumisindi. "Brownout pa yata," aniya sa sarili. Naalala niya ang kaniyang cellphone kaya kinuha niya iyon at binuhay. Pero kahit iyon man ay ayaw ding mabuhay. Marahil ay na-lowbat dahil sa magdamag niyang pagpapatugtog ng kantang Lost in Eye Yours ni Debbie Gibson. Simula kasi nang marinig niya iyon kanina sa Kamalig ni Lola Tessie, at sinabayan ni Michelle, nagkaroon na siya ng last song syndrome. O ang LSS na tawagin at pauso ngayon ng mga kabataan. Maingat na lumabas ng kaniyang kuwarto si Noah para kumuha ng kandila sa kusina. Ngunit natigilan siya nang marinig niya ang