NAKAHARAP ako sa salamin habang inaayos ko ang sarili ko. I wore tattered jeans and a t-shirt saka ko pinatungan iyon ng isang checkered polo. Ngunit hindi ko na iyon binotones upang makita iyong t-shirt na panloob ko.
Kinuha ko na iyong shoulder bag ko at sandaling napahintong muli sa harap ng salamin. Bumuntong-hininga ako. Tila hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nangyaring sagutan namin ni mama kanina. Hindi ko kagustuhang mapasama sa kanya, sadyang nasasaktan lang ako sa tuwing hindi niya napapakinggan ang side ko.
Ngunit sa kabilang banda, napangiti ako. Dahil alam kong nilalabanan ko ang sarili ko, at alam kong makakayanan ko ang mga bagay na nagpapabigat sa puso't damdamin ko.
Dali-dali akong bumaba ng hagdan. Walang katao-tao sa baba kaya sinamantala ko nang lumabas ng bahay.
“Nicole...”
Napahinto ako nang may tumawag sa pangalan ko. I don't think si mama 'yon o kung sino mang kasambahay namin. Boses lalaki siya at si Tito Alfred lang naman ang lalaki rito sa bahay maliban sa mga drivers ni mama. Kung driver ang tumawag sa akin, hindi nito babanggitin ang pangalan na Nicole.
Lumingon ako sa likod at hinarap si Tito. “Ikaw ba 'yong tumawag sa akin?” tanong ko nang makaharap ko ito.
Nakapamulsa itong lumapit sa akin ng bahagya. “I am sorry for what my daughter have caused you... she's a little bit brat girl but... I love her so much...”
Ilang segundo akong natigilan. Kitang-kita ko sa mga mata ni Tito Alfred ang pagka-sinsero nito. Mahal na mahal niya ang anak niya. Pero si Nheia, hindi ko alam kung may pake siya. Habang tumatagal ay nagbabago ang ugali nito at nagiging pasaway.
“Siya dapat ang nagsasabi niyan sa akin at hindi ikaw, Tito Alfred...”
Napangiti siya. “Kilala ko si Nheia. Hindi siya nagso-sorry sa mga taong kinaiinisan niya. At sa tingin ko, isa ka na ro'n.”
Napangisi ako. “What do I expect for? Your daughter is a kind of... monster you know? Hindi ko alam kung anong umiikot sa utak ng anak ninyo pero... susubukan kong pahabain ang pasensya ko sa kanya. Sorry din po sa nangyaring gulo kanina sa pool area, hindi ko po kagustuhang mangyari iyon...” paghingi ko ng paumanhin.
“Alam ko namang hindi kayo magkakagulo kung wala rin siyang masamang ginagawa sa iyo. Kaya sana... humaba pa lalo ang pasensya mo sa kapatid mo.”
Napayuko ako at agad ding nag-angat ng tingin sa kanya. “I'm trying, Tito...”
Akala ko noong una, hindi ko magugustuhan si Tito Alfred bilang asawa ng mama ko. Pero habang tumatagal, nagiging maayos ang pakikitungo nito sa akin. Masaya ako at nakausap ko siya nang maayos.
“Thank you, Nicole...” nakangiting aniya at saka wala sa sariling yumakap sa akin.
Bigla na lang naglaho ang mga ngiti sa labi ko nang makita si Nheia na nakatayo sa taas malapit sa tapat ng kuwarto nito. Masama ang tingin niya sa amin. Nang dahil doon, napaisip ako na baka nagseselos siya dahil mas lalong napapalapit sa akin si mama at si Tito Alfred.
Agad akong kumawala. “Tito, mauuna na po ako. Naghihintay na kasi si Faye sa labas.”
“Sige, mag-iingat ka. I'll see you two at school...”
Sandali ko itong tinanguan at nagmamadali nang lumabas ng bahay. Agad kong binuksan ang pinto ng passenger seat ng sasakyan ni Faye at saka naupo roon.
“Ano na namang mayroon sa mukha mo at hindi na naman maiguhit, ha?” nagtatakang tanong ni Faye nang makasakay ako.
Umiling ako. “Wala naman, bakit ba?”
“Kilala kita. Hindi ka umaalis kung walang nangyayaring gulo sa loob ng bahay niyo.”
Bumuntong-hininga ako. “Ano pa bang bago?”
“Sabi ko na, eh!” aniya at saka ako inirapan ng tingin. Kasunod niyon ang pagpapaandar niya sa sasakyan nito.
“Bago sasakyan mo? Ang astig, ah!” Inilibot ko ang buong tingin sa kotse niya at saka kinalkal iyong mga gamit niya ro'n
“Sinira mo kaya 'yong kotse ko, dapat lang na palitan ko ng bago. Hindi ko na inisip na pabayaran sa iyo dahil alam kong wala ka namang kapera-pera...”
“Ang yabang mo! Kapag ako nagkapera... isusupalpal ko sa pagmumukha mo!” pagsusungit ko. “Umamin ka na lang kasi na may bago kang ilegal na pinagkakakitaan...” dugtong ko.
Mayamaya pa ay hinampas nito ang braso ko. Ikinagulat ko ang ginawa niyang iyon. “Ang tanga mo! Sa tingin mo ba magagawa ko 'yon?”
Nginitian ko lang ito ng nakakaloko at saka nag-iwas ng tingin. Ang sarap niyang pagtripan. Hindi maiguhit ang hitsura nito sa tuwing naiinis siya. Si Faye lang ang karamay ko sa lahat ng bagay. Siya ang nakikinig sa mga problema ko. Kaya kailangan ko siyang ingatan at alagaan gaya nang ginagawa niya sa akin.
She's the best best friend I've ever had. Simula pa lang, siya na ang kasa-kasama ko. At ayokong mangyari ang kinatatakutan ko. Iyon ang magkasiraan kaming dalawa.
Nag-park si Faye sa tapat ng main entrance ng school. Ang dami nang pumapasok na estudyante. Hindi ko alam ngunit nakangiti na 'ko nang lumabas ako ng kotse ni Faye. Sandali akong natigilan at pinagmasdan ang kabuuan ng eskuwelahang iyon.
Pakiramdam ko isa akong celebrity na lumabas ng kotse. Paano ba kasi, pinagtitinginan ako ng karamihan.
“Instant celebrity ang peg?”
Nilingon ko si Faye dahil sa sinabi niya. Natawa ako ng pagak. “Of course, I am! Ang ganda ko kaya, 'no...”
Sandali itong napa-ubo kunwari. “Teka, nasamid yata ako...”
“Hindi ka naniniwala?” Pinagtaasan ko ito ng kilay.
“You mean... magandang pilay?” Tinawanan pa 'ko nito nang nakakaloko.
Ikinangisi ko ang sinabi niya at saka nag-iwas ng tingin. “Don't talk me!” pagsusungit ko.
Nagsimula kaming maglakad ni Faye papasok sa main entrance ng eskuwelahan. Hindi ko maitatangging maganda ang tanawin dito. Kahit pa maraming estudyante ang nakakalat ay ramdam ko ang kasiyahan sa kalooban ng bawat isa.
Kahit saan ako tumingin ay pulos estudyante ang nakikita ko. May kanya-kanyang uniform ang bawat isa. Sa kabilang banda may mga grupo ng babaeng nagpa-practice ng sayaw, tila hip hop dance iyon. Nagsimula na ring tumugtog ang grupo ng mga drum and lyre sa hindi kalayuan. May iba't ibang flaglets ang nakasabit sa kabuuan ng school, mga balloons at marami pang iba. Hindi maikakailang pinaghandaan ang kasiyahan na ito.
“Dito ka muna sa office ko hangga't hindi pa 'ko nakakabalik. Kailangan kong magpalit at mag-ayos sa dressing room,” aniya at saka tiningnan ang relong nakasuot sa kanya. “Ilang oras na lang ang natitira, mag-uumpisa na ang programa. Please lang, Nicole... h'wag mo 'kong tatakasan, okay?”
Bumuntong-hininga ako kasabay ng pag-upo ko sa swivel chair niya. “Eh, hindi ko nga alam ang pasikot-sikot sa University na 'to tapos tatakasan pa kita? Paano kung matapilok ulit ako? Sinong tutulong sa akin? Mas gugustuhin ko na lang maburyo rito kaysa mangyari 'yon...”
Inilapag nito ang gamit niya sa sofa malapit sa tapat ng mesa nito. Isa siya sa President ng kilalang organisasyon dito sa University kaya may sarili rin siyang opisina. Matrabaho ang ginagawa niya. Kung ako 'yon, mas gugustuhin ko na lang tamarin kaysa gawin ang mga bagay na nagpapasakit ng ulo ko.