Simula
Pumayag akong makipagkita sa kanya dahil gusto ko nang tuldukan ang kung anong mayroon kami. Gusto ko lang ding mapanatag ang lahat. Pagkatapos ng gulong nangyari, ayoko nang masirang muli ang pamilyang matagal ko nang hinangad.
"Ang lamig naman dito sa napili mong lugar. Masyado na ring malalim ang gabi para magkita tayo ng ganito," pambabasag ko sa katahimikan.
"I have to tell you something, Nicole. Matagal ko ng gustong sabihin ito pero pinapangunahan ako ng kaba... takot na baka balewalain mo rin ako."
Tumayo ako nang maayos sa harap niya. Nakatingin ako sa kanyang mapupungay na mga mata. Ito na ang tamang oras para diretshin siya. Ito na ang tamang oras para gawin ang tama.
"Ako rin. May gusto akong sabihin sa iyo. Naghahanap lang ako ng tamang tiyempo at sa tingin ko ito na ang tamang oras para dito."
Napakunot ang noo niya dahil sa pagtataka. "What do you mean? Do you feel the same way as me?"
"What are you talking about? Hindi ako nakipagkita sa iyo para ipaalam na pareho tayo ng nararamdaman," pagtatama ko.
"Nicole... I thought-"
"Narito ako para itama ang lahat. Nagkamali ako, nagkamali tayo. Hindi tama na ipaglaban natin kung ano 'yong nararamdaman natin."
Napangisi ito. "Para mo na ring sinabi na may gusto ka sa akin. Nicole, ang labo mo! Sobrang labo mo!"
"Eh, 'di palinawin natin. Wala akong nararamdaman para sa iyo. Kaya sa mga oras na 'to... gusto kong harapin ang mga problema nang hindi ka kasama. Alam mo... tama sila, tama sila na mali tayong dalawa."
"Hindi mo nakukuha ang ipinupunto ko,
Nicole-"
Umiling-uling ako. "Itigil mo 'yang nararamdaman mo-"
"But... I've never felt this way before, Nics!" sigaw niya na ikinahinto ko.
Ako rin... Sa iyo ko lang din ito
naramdaman...
Mga salitang gustong paniwalaan ng puso at damdamin ko ngunit tila katawa tawa lamang ito sa akin dahil alam kong imposibleng magkagusto siya sa akin nang ganoong kabilis.
Umiling ako dahil sa sinabi niya sa akin. Hindi tama na isakripisyo ko ang pagmamahal ko sa alam kong ikasisira ng iba. "Hindi mo ako naiintindihan. Hindi mo kailangang iparamdam sa aking mahal mo 'ko-"
Nagsisinungaling ako... Mahal din kita!
"Because I want to! 'Yon ang nararamdaman ng puso ko, Nicole! Kahit paulit-ulit mo pa akong ipagtabuyan, hindi ako aalis sa tabi mo!"
This is the only way... to leave you...
Natahimik ako sa sinabi niyang iyon. Sobrang sakit na marinig ang mga katagang iyon na galing sa kanya. Pinipiga ang puso ko. Nasasaktan din ako. Ngunit isang ngiti lamang ang ipinakita ko sa kanya. I know he's suffering too much in our situation but I can't give him the assurance to stay with him.
"I-I'm sorry... Hindi ko gustong saktan ka ng ganito. Hindi ko rin ginusto na mapunta tayo sa ganitong sitwasyon. Masakit na, eh. Tao rin ako, may pakiramdam, nasasaktan. Kaya nagmamakaawa ako sa iyo... please let me go..." mahinang sambit ko sa harap niya.
Gustuhin ko mang alisin ang pagkakahawak niya sa kamay ko ngunit pilit niyang hinihila at hinahawakan iyon ng mahigpit.
"No! No, Nicole... there's no way to let go! We can still fight for us, right? Please No!"
I have to let you go...
"If you really love me...." Sandali akong napahinto. Tumingin ako sa kanyang kulay itim na mga mata. "You will choose what's the best for us. Ito na ang pagkakataon na maitama ang lahat ng pagkakamali natin. I am sorry but... I have to do this... para sa iyo at para na rin sa akin. Sana maintindihan mo ako, Axl."
Even if it's hurt...
Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak nito at tinalikuran siya.
"Nicole! Nicole! Pag-usapan muna natin
'to! Please... don't do this to me! Nicole!"
Dali-dali kong binuksan iyong pinto ng sasakyan at sumakay na. Napayuko ako habang hawak ang manibela. Rinig na rinig ko ang nanluluming boses ni Axl na patuloy na kumakatok sa bintana. It is not fair. Bakit kailangang humantong kami sa ganitong sitwasyon? Bakit kailangan naming saktan ang isa't isa.
"Nicole! Bumaba ka riyan, mag-usap tayo! Nicole, kausapin mo 'ko! Don't do this! Nicole!"
Even if it's sucks a lot...
Alam kong sa paglayo kong ito sa kanya ay hindi na magbabago ang naging desisyon ko. liwas ako. Magpapakalayo ako. Ayokong may masaktan dahil sa maling pag-iibigan naming ito. Natuto na ako. I don't want to be selfish. Alam kong hindi ako ganoong tao. Para sa ikabubuti nila, pati na rin sa ikabubuti ko.
I have to this...
Tuluyan ko nang ipauubaya sa tadhana ang kapalaran naming dalawa. At naniniwala akong... hindi talaga kami ang para sa isa't isa.
For my sister's sake...