Kabanata 22: Pangungulila

1102 Words
I'M in my room at kanina pang hindi lumalabas. Hinihintay ko lang si Faye para sunduin ako. Manonood kasi kami sa school nila dahil Foundation day. Nakaupo lamang ako sa kama habang tinatanaw ang labas ng veranda. Mahangin at abot dito sa loob ang paghampas ng malamig na simoy ng hangin. That was really relaxing. Kahit papaano ay naki-clear nito ang utak ko. Ipinatong ko sa lap iyong laptop nang makuha ko iyon. Pagbukas ko pa lang ng social media ko ay agad nang nag-pop ang mukha ni Cholo. Wala sa sarili akong napangitin. “Teka, anong oras na ba sa kanila at bakit siya tumatawag?” sambit ko sa sarili ko. Nag-angat akong tingin sa wall clock at saktong pumatak ang alas-diyes ng umaga. It means, 10:30 na rin sa kanila ngunit gabi nga lang. Agad kong sinagot iyong tawag niya. Laking tuwa ko nang makita si Cholo kasama si Tita Olivia. “Hi, Cholo. Hello po Tita Olivia, kumusta po kayo?” Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. “Okay lang kami rito. Alam mo ba, miss na miss ka na ni mama. Ewan ko ba, halos araw-araw ka na yata niyang nababanggit sa akin...” ani Cholo na ikinatuwa ko. Napatakip ako ng bibig. Hindi ko maiwasang hindi mapaluha nang makita silang dalawa. “Oh, anak... okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak?” tanong ni Tita Olivia. Nakangiti ito. Hindi nagbago ang mukha niya, siya pa rin naman iyon. Umiling ako. “I'm just happy. I really miss you, tita...” Nagkatinginan silang mag-ina. “Kung puwede nga lang kitang kuhanin diyan, gagawin ko agad para makasama kana ulit namin dito. Alam mo naman si ate, hindi iyon papayag.” Nagpunas ako ng mga luha at ngumiti. “Okay lang naman po ako rito, h'wag kayong mag-alala. Darating din ho siguro ang tamang panahon kung kailan ako puwedeng bumalik diyan.” “Ikaw, aalagaan mo ang sarili mo, ha? H'wag kang nagpapakapagod. Nabalitaan ko ang nangyari sa iyo, naaksidente ka raw. Maayos na ba ang pakiramdam mo?” Sobrang saya sa pakiramdam na mayroong isang taong nag-a-alala sa kalagayan ko. Hanggang ngayon pa rin pala ay hindi ako nakalimutan ni Tita na pangaralin. “Hindi ko nagustuhan 'yong nangyari sa iyo. Kung puwede lang, anak, itigil mo na ang pangangarera, ha? Ayoko nang mabalitaan ulit na nasa ospital ka.” Tumango ako. “Opo. Hinding-hindi na po mauulit.” “Alam mo... hindi mapakali si mama no'ng malaman niyang naaksidente ka. Gusto niya lagi siyang may balita sa iyo. Kulang na lang ay bantayan niya iyong gabi hanggang sa mag-umaga na.” Napangiti ako sa sinabing iyon ni Cholo. Ramdam ko ang pagmamahal at pag-aalagang iniaabot nila sa akin kahit pa sobrang layo ko sa kanila. Masaya ako na napapagaan nila ang loob ko. “Tita, h'wag na po kayong masyadong nagaalala sa akin. Okay na okay na po ako. Hindi naman po ako napapabayaan, eh. Ako lang po talaga itong makulit minsan.” “Anong minsan ka riyan? Nicole, kilalang-kilala kitang bata ka. Alam na alam ko kung paano ka kumilos at kung paano bumuka iyang bibig mo. Basta, anak, mag-iingat ka palagi riyan, ha? Aalagaan ka ni ate Niña riyan, hindi ka niya pababayaan...” Sabay kaming naluha ni tita dahil sa mga katagang inilabas ng bibig niya. Sobrang sarap sa pakiramdam 'yong ganito. Ramdam na ramdam ko ang pag-aalaga ni tita Olivia. Hindi ko alam kung bakit hindi ko 'to nararamdaman sa sarili kong ina. Mayamaya pa'y pareho na lamang kaming natawa dahil sa iyakan na nangyari. “Naku! Tama na nga 'to drama na 'to. Nasisira tuloy ang ganda ko,” pagbibiro ni tita at saka nagpunas ng mga luha gamit iyong tissue. “Oh, ang mga bilin ko Nicole, ha? Sending virtual hugs and kisses from Canada.” “Thank you po tita, and Cholo. Mag-iingat din po kayo riyan. Si Cholo ho, h'wag niyo na pong pakakainin ng maraming chocolate 'yan. Lalong tumataba, eh...” natatawang sambit ko. “Hoy, grabe ka ha! Pumayat na kaya ako...” pagtatanggol ni Cholo sa sarili niya. “Naku, tinago ko na sa cabinet 'yang mga chocolate na 'yan. Sa susunod na makabalik ka rito, payat na siya...” Natawa na lang kami dahil doon. Mayamaya pa'y napalingon ako sa gawi ng pinto. Nakabukas pala iyon at naro'n si mama, nakatayo. Nawala na lang bigla ang naka-plaster na ngiti sa mga labi ko. Hindi ko na narinig ang ibang sinabi ni Tita Olivia, basta narinig ko na lang itong nagpapaalam na. “Salamat din po Tita. Mag-iingat po kayo.” Pagkatapos niyon ay isinara ko na iyong laptop ko. Pumasok si mama sa kuwarto at inilapag nito iyong invitation na kaninang hawak-hawak ko. Hindi ko alam kung narinig niya iyong mga pag-uusap namin ni tita. Pero siguro nga naro'n siya. Hindi naman niya ko masisisi na iyong hinahanap kong pagmamahal ay kay Tita Olivia ko lang naramdaman. “Ahh, Nicole... Gusto ko lang tanungin kung gusto mong sumama sa akin sa school ni Nheia. Foundation day at isa kami sa VIP doon.” Umiling ako. “Ayoko. Si Faye ang susundo sa akin at siya ang kasama ko. Kayo na lang, tutal... isang pamilya naman kayong pupunta ro'n, 'di ba?” sambit ko. “Kung wala na po kayong ibang sasabihin sa akin, puwede na ho kayong lumabas para makapag-ayos na po ako...” “Mas mababantayan kita kung ako ang kasama mo. Paano iyang paa mo, makakalakad ka ba ng maayos?” Nagpakawala ako ng isang mahabang buntong-hininga. “What's with your words? You're acting like you care for me?” umiling-iling ako. “No thanks, I can handle myself... so, leave...” “About earlier—” Tinitigan ko si mama dahilan ng pagtigil nito sa pananalita. “Do you think that was my fault?” “You attacked her! Why would I expect to think?” medyo tumaas ang boses nito pero pansin ko pa rin ang pag-aalala. Natawa ako ng pagak. “Isipin mo na kung anong gusto mong isipin. Pakisara na lang po 'yong pinto kapag nakalabas ka na, salamat...” Ibinalik ko iyong atensyon ko sa laptop ko. Hindi ko na ito pinansin hanggang sa makalabas si mama. Akala niyo ba gusto ko 'tong ipinapakita kong ugali kay mama? Kahit ako ay nasasaktan. Nasasabi ko lang mga bagay na iyon dahil nangungulila ako sa pagmamahal ng isang ina. Ngunit hanggang ngayon, hindi ko pa rin maramdaman iyon. I'm expecting her to defend me about what happened earlier but I received nothing. So, stop expecting too much... you will just disappoint.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD