Kabanata 24: Muling Pagkikita

1574 Words
“MALAY ko bang sinasabi mo lang 'yan kunwari para makahanap ng tiyempo at iwanan ako? Alam ko na 'yang mga balak mo na ganyan, Nicole. Tigilan mo 'ko!” Pinaningkitan niya ako na ikinangisi ko naman. Kinuha ko iyong ballpen at pinaglaruan iyon. “Umalis ka na nga, ako na ang bahala rito!” “Kapag may nagpunta rito at hinanap ako, pakisabi na lang na nasa dressing room ako at nag-aayos.” Napairap ako sa kawalan at isinandal ang ulo ko. “Oo na... oo na... puwede bang umalis ka na?” Sinamaan niya ako ng tingin at saka nilisan ang lugar na iyon. Sa mga oras na 'to nag-iisa na lang ako sa kuwartong ito. Dahil wala akong magawa, pinaki-alaman ko na lang ang mga papeles nito sa mesa niya. Binasa ko ang mga iyon. Isa si Faye sa Presidente ng Student Council dito kaya isa siya sa mga may hinahawakang malalaking proyekto sa loob ng unibersidad nila. Manghang-mangha ako sa sobrang galing niyang mag-manage ng oras niya between studies and being a Leader at the same time. Napalingon ako sa gawi ng pinto nang biglang may kumatok doon. “Pasok!” sigaw ko at ibinaling muli ang atensyon ko sa binabasa kong diyaryo. “Miss President, narito po ako para magbigay ng kaunting report sa nangyayari ngayon.” Nagtaas ako ng kilay. Boses lalaki iyon. Ang ganda sa tainga ng boses niya. Iyon ang boses na hindi ako magsasawang pakinggan. “Go on,” sagot ko. Nakataas ang diyaryo ng binabasa ko kaya hindi niya nakikita ang hitsura ko. Puwede naman sigurong magpanggap bilang si President Faye kahit minsan lang. I just want to try being a good leader. But I don't think I'm good. “Okay na ang venue pati ang mga dekorasyon. Tumutulong na rin ang ibang club officers na mag-facilitate doon. Handa na rin ang mga estudyante na maipakita ang kanilang talento sa iba't ibang paligsahan. Sa kabila niyon, patuloy pa rin ang pagdating ng mga bisita, as of now wala naman pong reklamo galing sa kataas-taasan...” Kunwari akong tumangu-tango. “Oh, good! Just continue monitoring everything. Hindi tayo makasisigurong magiging maayos ang daloy ng programa. Secured na ba ang lahat ng area?” Sandali itong hindi nakasagot sa akin kaya hayun kumunot ang noo ko at nagsimulang magtaka. “Ang sabi ko, secured na ba ang lahat ng area?” pag-uulit ko sa tanong ko kanina. “Fa-Faye?” Ako naman ang hindi nakasagot nang banggitin nito ang pangalan ng kaibigan ko. Siguro nakahalata na ito na hindi ako si Faye. Malayo rin naman kasi ang tono ng boses ko kaysa sa mahinhing boses na mayroon si Faye. “I-I'm asking you... secured na ba—” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niyang hablutin iyong binabasa ko. Parehong nanlaki ang mga mata namin sa sobrang gulat. Kinuha niya iyong binabasa ko at pabagsak na inilapag sa mesa. “Who are you?!” pasinghal na aniya. Bumuntong-hininga ako. “Wait... wait... can you please... let me explain?” Maghigpit niyang hinawakan ang kamay ko. “Sa guidance ka magpaliwanag!” “Hindi mo ba 'ko narinig? I said, let me explain! You don't have the right na kaladkarin ako sa guidance nang gano'n-gano'n lang, 'no! At saka, hindi mo ba 'ko nakikilala, ha?” Umiling ito at pinaningkitan ako. “No!” tipid na sagot niya. Napairap ako sa kawalan. “Puwede ba bitiwan mo na lang ako?” “Bibitiwan lang kita kapag naro'n ka na sa guidance...” Sandali akong napapikit sa sobrang inis. “Aba'y ang kulit ng lahi mo! Sabi nang hayaan mo muna akong makapagpaliwanag, eh!” “What's happening here?!” Sabay kaming lumingon niyong lalaki sa gawi ng pinto nang bumukas iyon at iluwal nito si Faye. Natigilan kami. “Ano 'to? Bakit ang gulo rito?” inis na sambit ni Faye at siya na mismo ang pumulot sa mga papel na nagsihulog kanina. “Bitiwan mo nga 'ko!” Agad kong inagaw ang kamay kong kaninang hawak-hawak niyong lalaki. Hinaplos ko iyong kamay ko pagkatapos. “Ang sakit, ah...” pagsusungit ko sa kanya. Ipinatong ni Faye sa mesa iyong mga pinulot niya at iniayos niya ang mga iyon dion. “Ano bang nangyayari dito at rinig na rinig sa labas iyang bangayan ninyong dalawa, ha?!” “This girl is pretending to be you!” Itinuro niya 'ko at sunod niyang itinuro si Faye. “I came here to give my report, salita ako nang salita tapos malalaman kong ibang babae pala ang kaharap ko?” “What's the problem with that? I helped you naman, ah! Lakas mong magreklamo, ako na nga 'tong nagmamalasakit sa iyo. Mabuti nga at may nakakausap ka, 'di ba, kaysa naman salita ka nang salita pero wala namang nakikinig sa iyo!” sagot ko pabalik. “My point is... why are you pretending to be someone else? Hindi ka ba nag-iisip o sadyang may ubo lang 'yang utak mo?!” Nanlilisik ko itong tiningnan. “Kung ang utak ko may ubo, 'yang sa iyo may sipon!” “AAAHH!” sigaw ni Faye na ikinatigil namin sa pagbabangayan. “Enough!” sigaw niyang muli at saka sandaling tumalikod. Pumameywang ito at napahawak sa noo niya. “Puwede ba... tumigil muna kayo, please lang, ano? Nakakarindi kayo, eh! Ang ingay-ingay niyo! Pansinin niyo naman 'tong dress ko at ayos ko, ang ganda ko, 'di ba? Wala na ba kayong hiya na humarap sa Presidente tapos ganyan kayo?” mahinanong aniya ngunit may diin sa bawat salita nito. “Nakakaloka... you guys are getting into my nerves!” Sandali kaming nagkatitigan niyong lalaki. Masama lang ang tingin nito sa akin habang ako naman ay pinandidilatan siya. Ang kulit! Sabi nang makinig muna sa ipapaliwanag ko, hayan tuloy, napagalitan pa kami ni Faye na Presidente kuno. Kumilos itong si Faye at nagpunta sa desk niya. “Nicole, I think you owe him an apology.” Awtomatikong gumalaw ang mukha ko sa gawi ni Faye. Ngumisi ako. “What?! Wait! No!” “Hindi ko rin tatanggapin ang apology niya, if ever...” Sinungitan ko iyong lalaki sa gilid ko. “As if namang gagawin ko 'yon. Not on your life...” Pinaningkitan ko pa ito bago mag-iwas ng tingin. Umalingawngaw ang ingay nang ibagsak ni Faye ang palad nito sa mesa. “Magbabati kayo o pag-uuntugin ko 'yang mga ulo niyo? We are running out of time, magsisimula na ang program saka niyo pinapainit ang ulo ko? Kaloka!” Mayamaya pa'y pinaningkitan ako nito ng tingin na animoy ako raw ang unang humingi ng tawad. Napairap ako sa kawalan. “Sorry...” “Sorry din. Nakatulong ka naman kanina kahit papaano..” dagdag pa nito. Natawa ako ng pagak. “Oh, 'yon naman pala... pinaglololoko mo ba 'ko?” “Ngayong okay na ang lahat, magpakilala kayo sa isa't isa at magkamayan...” Nagkrus ako ng mga braso. “Pinagtitripan mo ba kami?” inis na sambit ko kay Faye. “You are in front of the President, Miss. Don't talk like that, show your manners...” kalmadong wika niyong lalaking nakatingin lang sa harap. “Fine! Heto na... arte...” Humarap ako ro'n sa lalaki at inilahad ang kamay ko sa harap niya. “Nicole Ayesha Arcueda, Faye's best friend, okay na sa iyo?” Tinanguan ako nito at tinanggap iyong kamay kong nakalahad sa harap niya. “Tristan Veco, Vice President of Student Council.” Hindi ko na pinatagal ang pakikipagkamayan sa kanya at saka iyon inalis. Kunwari kong ipinagpag iyong kamay ko sa kawalan at nag-iwas ng tingin. “Dahil maayos na ang lahat, Tristan I want you to keep an eye on this girl. Isama mo siya sa hall pagkatapos ng program.” Tumango si Trsitan. “Yes, miss...” Ano pa nga bang magagawa ko? Parang ate ko na si Faye, wala na kong ibang nagawa kundi sumunod sa pinag-uutos niya. Nakakabanas naman kasi at makakasa ko 'tong Tristan na 'to. NAGLALAKAD kami sa koridor ni Tristan. Wala nang mga estudyante rito at naro'n na silang lahat sa venue ng programa. Habang naglalakad, hindi ko maiwasang suriin ang mga gusaling nadadaanan namin. “Ano 'yon?” Sabay turo ko sa isa pang gate hindi kalayuan sa amin. Mas marami ang guwardiya sa kabila kaysa roon sa dinaanan namin ni Faye kanina. “VIP gate. Mga matataas na antas ng kumpanya ang mga dumaraan diyan. Exclusive ang paaralang ito at hindi basta-basta. Kaya mayroong gate para sa kanila.” Napalingon ako sa gate, mayamaya pa ay may isang itim na kotse ang pumasok doon. Tila bumagal ang paglalakad ko dahil sa bintana lamang nakatutok ang mga mata ko. Nakita ko ang isang lalaki sa back seat, naka-black suit ito at saka naka-shades na black. Tila bumilis ang t***k ng dibdib ko nang lingunin niya rin ako at alisin iyong suot niyang shades. He seems so familiar to me. Alam kong nagkita na kami. “Nicole... Nicole...” Nilingon ko si Tristan na kanina pang binabanggit ang pangalan ko. “A-Ano 'yon?” “Ang sabi ko, rito ang daan... tara na!” “Ahh...” Nagpeke ako ng ngiti at sumunod na lamang sa kanya. Sandali kong nilingon iyong kotseng dumaan na kalauna'y nawala na rin sa aking paningin. Hindi ko inaasahang makikita ko ang lalaking iyon dito. Tadhana nga naman. Tuluyan na yata kaming pinaglalapit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD