Kabanata 25: Presyon

1314 Words
DHAN AXL'S POV NANG makababa ako sa sinasakyan kong kotse ay agad namang nagkalat ang mga bodyguards sa paligid ng lugar. “Secure the area!” Nagsimula na 'kong maglakad papunta sa main event ng foundation day ng school namin. Taon-taon ito ginaganap, at taon-taon din akong nagsasalita sa harap ng maraming tao. Ito na rin pala ang huling taon ko sa eskuwelahan na 'to, maraming masasayang nangyari, pero ang pangyayaring makilala ko si Nicole ay ang pangyayaring masasabi kong maitatago ko sa puso't isipan ko. Bago magsimula ang programa ay nagtungo muna kami sa hall kung saan nagkikita-kita ang mga matataas na tao ng kumpanya lalo na ng eskuwelahang ito. Ang ibig kong sabihin ay ang mga taong nasa likod ng tagumpay na ito. Ang may ari ng eskuwelahan, mga shareholders at iba pang kasapi ng kumpanya. “Kanina ka pa namin hinihintay...” nakangiting ani mama nang salubungin ako nito. Niyakap ko siya at binigyan ng isang halik sa noo. “I'm sorry, may inasikaso lang akong importante...” Tumango lang ito at saka kumapit sa braso ko. Hawak ko naman ang kamay ni mama. Ipinunta ako nito sa mga partners nila sa kumpanya. “I want you to meet my son, Dhan Axl and he will be the speaker before the releasing of balloons later. Siya na rin ang susunod na tagapagmana ng kumpanya. You know what, I am really proud of this man, hindi niya inilagay ang apelyido namin sa kahihiyan... right, son?” Tinapik pa ni mama iyong balikat ko. Sandali akong napangiti. “Don't worry, mom. I won't let that happen...” “Ang suwerte naman ng mapapangasawa ng anak mo, kumare...” sambit niyong isang babae na halos kaedaran lang din ni mama. Nakikinig lamang ako sa usapan nila. Gustuhin ko mang magpaalam na ngunit kabastos-bastos naman iyon sa mga bisita namin. This is like a form of entertaining them as our beloved guests. “Sino ba ang masuwerteng babae na 'yan, Dhan Axl?” tanong naman sa akin niyong isa. Napangiti ako at hindi na lang nakasagot. Masyado akong nape-pressure sa mga inilalabas nilang kataga. Hot seat 'to para sa akin kahit alam ko namang wala pang kasiguraduhan ang lahat. “Ako. And I am so much lucky to have Axl in my life. Hinding-hindi ko siya pakakawalan.” Kumunot ang noo ko nang biglang dumating si Nheia at sabihin ang mga salitang iyon sa harap ng mga partners nila mama. “What are you doing here?” pabulong na tanong ko sa kanya. “Why? You don't want to see your future wife here? I'm just supporting you. At gusto ko ring makita si Tita...” Binalingan nito ng pansin si mama. “Hi, Tita!” “What a lovely lady! How are you, hija? Where's your parents? I think kailangan na naming mag-usap-usap tungkol sa mga bagay-bagay… alam mo na, Hahaha” pagbibiro ni mama. Sa tingin ko ay hindi basta biro ang sinabi niya. Yumakap si Nheia kay mama at binigyan pa ito ng halik sa pisngi. “I'm fine, Tita. My mom and dad are on their way na rin po...” “Ma, hindi ka dapat nagsasalita ng patapos...” singit ko sa kanilang dalawa. “Bakit? Wala namang masama sa sinabi ko, hindi ba? Doon na rin tayo papunta at ayoko nang patagalin pa!” Nakangiti lang si Nheia. Sandali niya 'kong binalingan ng atensyon at pinagtaasan ng kilay. “Tita, don't pressure your son too much. Marami pa siyang aasikasuhin sa kumpanya. Saka na ho natin 'yan pag-usapan.” Lumapit ng bahagya si mama kay Nheia. “That's what I want to you, hija. Nag-iisip, at higit pa riyan... isang matalinong bata. Hindi ako nagkamaling piliin ka para sa anak ko...” Sandaling yumuko si Nheia. “Nakakataba ng puso, Tita. Thank you po.” “Oh, sige na maiwan ko na muna kayo. Marami pa 'kong iwe-welcome na guests. I'll see you two at the program.” Bago pa umalis si mama ay hinalikan ko muna ito sa pisngi. “At ikaw, Axl... I wish you good luck...” “Thanks, ma,” iyon na lamang ang naisagot ko. Pagkatapos niyon at saka na ring umalis si mama at nilisan ang kaninang puwesto niya. “Let's go to the venue?” anyaya ni Nheia. Kanina pa ito nakangiti at hindi iyon mawala-wala sa mukha niya. Inirapan ko ito ng tingin at naglakad palayo. “Hindi ka na sana nag-abalang pumunta rito...” Nagtungo ako sa kuwarto ni mama rito sa hall. May sarili siyang office dito kaya naisip kong pumunta muna roon. Gusto ko sanang iwasan si Nheia kaso sunod naman ito nang sunod. Pagpasok ko ng pintuan ay saka namang isinara ni Nheia iyong pinto. Nakatayo ako malapit sa bintana habang pinagmamasdan ang kalangitan. Naramdaman ko ang paghaplos ni Nheia sa likod ko at saka ako nito niyakap. “Ayaw mo ba 'kong makita? Kasi ako, gustong-gusto kitang makita at makasama sa espesyal na araw ng pamilya mo.” “Hindi na espesyal ang araw na 'to dahil dumating ka pa! You already ruined my day, you already ruined everything, Nheia!” Kumawala ito sa pagkakayakap niya sa likod ko. “Kahit ano pa ang sabihin mo, Axl, ako na ang nakatadhanang babae para sa iyo. At hinding-hindi magbabago 'yon.” Hinarap ko siya. “Hawak ko ang kapalaran ko at kaya kong baguhin ang nakatadhana para sa akin. Mas gugustuhin ko pang gawin 'yon, kaysa makasama ka sa iisang bubong.” Napansin ko kung paano ito mainis. Natawa lamang ito ng pagak at saka nagtaas ng kilay. “Huwag kang pakampante, Dhan Axl. Lulubog ang pamilya ninyo sa utang kapag nagkataong ituloy mo 'yang mga binabalak mo. Sa pagkakaalam ko, sa amin na kayo nakakakapit, eh. At hindi na kayo makakabangong muli nang hindi kayo dumedepende sa amin—” Nainis ako. “Stop it! Walang katuturan ang lahat ng sinasabi mo! Kaya kong bawiin ang kung ano mang nawala sa amin. Hindi ko kailangan ng tulong ng pamilya mo.” “Why? What's the problem? I'm just stating the truth here. Sadyang, wala ka nang magagawa kundi pakasalan at mahalin ako.” Tiningnan niya ako ng nakakaloko at saka sandaling hinalikan ang labi ko. “Walang patutunguhan ang argumentong ito, Axl. I'll see you downstairs,” paalam nito at saka nagmartsa palabas ng opisina. Sa sobrang inis, wala sa sarili kong sinipa iyong mesa at napahilamos ng tuluyan sa mukha ko. Lagi niya 'kong naiisahan. Mas lalo niyang ginugulo ang isipan ko para hindi makapag-isip ng panibagong plano. Bakit hindi na lang nila ako hayaang gawin ang gusto ko? Gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa akin? “Sir, the program will start in few minutes. Kailangan na po kayo sa ibaba...” Tinanguan ko na lang iyong guwardiya ko at sandaling nag-iwas ng tingin. I need to pull myself together before the program will start. Ayokong makahalata si mama na hindi ako maayos. Kilala ko ang pamilya ko, mausisa, at mabilis makaramdam. Kaya kong ayusin ang lahat. Kakayanin ko. Naglalakad na ako pababa kasama iyong guwardiya nang maparaan ako sa cr. “I need privacy. Just wait for me outside.” “Yes, sir!” Pinagpatuloy ko ang paglalakad. Bago pa man ako makapasok ay may nakita akong babaeng palabas ngayon ng ladies room. Halos magkasabay lang kami. Ako naman ay papasok habang siya naman ay palabas. Tila napahinto ako nang mamasdan ko ang mukha nitong dumaan sa gilid ko. Gustuhin ko mang habulin ito ngunit sunod-sunod nang nagsilabasan sa ladies room iyong tatlong babae kaya agad na ring nawala sa paningin ko iyong babaeng nakita ko kanina. Wala sa sarili akong napakunot-noo. Pamilyar sa akin ang mukha nito pati iyong kung paano humawi ang kanyang buhok. Malinaw kong natatandaan na nakasama't nakausap ko na ang babaeng 'yon. Ano nga ulit ang pangalan niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD