PUMASOK ang isang doktor at mga kasamahan nitong nars. Inalalayan nila sa pagtayo iyong nasuntok kong lalaki at iniupo sa couch nang maayos.
Hindi ko naman akalaing hihimatayin siya dahil lamang doon. Such a weak guy!
Napa-awang na lang ang bibig ko nang mapagtanto ko kung sino ang lalaking iyon. Pinagmamasdan ko ito habang ginagamot ng mga nars. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya.
Kumunot ang noo ko nang matandaan ko kung saan ko siya nakita.
[Flashback]
“Here...” walang emosyong sambit ko sabay bigay niyong coat.
Sandali itong natigilan at tinitigan lamang ako. “Ano 'yan?”
Sinamaan ko ito ng tingin at isinuot iyong coat sa likod niya. “Coat. Obvious na nga, 'di ba? Magtatanong ka pa!”
[End of flashback]
Napairap na lang ako sa kawalan nang maalala ko kung ano iyong mga nangyari sa airport. Hindi ako nagkamali, siya nga iyong lalaking nakilala ko sa airport. Ang galing din naman ng tadhana, ano? Dito pa talaga kami magkikita? Ang masaklap pa riyan, nasuntok ko pa siya. Ano ba kasing ginagawa niya sa kuwarto ko?
“A-Ano bang nangyari dito?” naguguluhang tanong niyong doktor. Babae siya, maganda at bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
“Hi-Hindi ko alam kung anong ginagawa niya sa kuwarto ko! Na-Nadatnan ko lang siyang nakatayo sa tapat ng banyo, eh...” nauutal na sagot ko. Sakto namang kapapasok lang ni Faye. Hindi nito alam ang nangyayari pero sa reaksyon nito ay parang kilala niya iyong lalaki at iyong babaeng doktor.
“Then? What did you do? Bakit naman nahimatay si Axl?” tanong ni Faye sabay lapit sa doktor.
Napalunok ako ng ilang beses. Nag-iwas ako ng tingin. Nakakahiya naman siguro kung sasabihin ko ng diretsahan, ano? Eh, sa gano'n talaga ang nangyari. Nagulat lang ako!
“Nics... don't tell me you punched him?”
Bumuntong-hininga ako. “Oo na, sinuntok ko siya! Eh, sa ginulat niya 'ko?! Kasalanan ko pa ba iyon?!” pagtatanggol ko sa sarili ko.
Nasapo ni Faye iyong noo niya dahil sa sagot kong iyon. “Hindi mo dapat ginawa 'yon...” sambit nito at saka ibinaling ang atensyon doon sa lalaking nagngangalang Axl.
Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay. Ginagamot ang pasa malapit sa mata niya. Hindi ko naman talaga akalaing lalaki iyon, eh. Nadala lang din ako ng emosyon ko.
Nakaupo lang ako sa hospital bed ko habang pinapanood ko kung paano nila gamutin iyong lalaking iyon. Basta, I don't want to say his name. Ngayon ko lang din nalaman na kapatid ni Doctor Fabellar ang lalaking nasuntok ko. Humingi na rin ako ng pasensya.
“Ganyan ba talaga kabigat 'yang kamao mo para mapatumba mo si Axl, ha?” hindi makapaniwalang ani Faye sa gilid ko.
“Look, I didn't mean to hurt him. Nadala lang din ako ng emosyon ko. Ni hindi ko nga alam kung anong ginagawa niya sa tapat ng banyo.”
“Kahit na... hindi mo man lang ba naisip ang salitang 'maghunos dili'?”
Inirapan ko ito ng tingin. “Palit kaya tayo ng posisyon tapos i-rewind natin iyong nangyari? Tingnan natin kung makakapag-isip ka pa ng tama kapag nagulat ka na!”
“Eh, 'di ikaw na po!” Nagtaas ito ng dalawang kamay. “Awat na! Hindi naman ako papalag, eh!”
Wala sa sarili akong napangiti ng bahagya dahil sa inasta ni Faye. Kahit papaano ay nawala ang tensyon na nararamdaman ko. Kahit papaano ay naging okay ako. Pero iniisip ko 'yong asungot na nawalan ng malay. Nakakainis kasi!
“Pa-Paano ka pala nakapaglakad kanina, eh, injured 'yang kanang paa mo?”
Itinuro ko 'yong IV pole. Kung saan pinagsabitan ng dextrose ko. “Ginamit kong tungkod 'yan. Nakakapaglakad naman itong kaliwa kong paa. Kaya kahit nakataas iyong kanan ay may hawak naman ako para umalalay sa akin...” kalmadong sagot ko.
“Next time, hintayin mo na lang akong umalalay sa iyo para hindi ka na mahirapan.”
Sa pangalawang pagkakataon ay inirapan ko siyang muli ng tingin. “Kailangan kita kanina pero wala ka. Pinabayaan mo 'ko. At dahil diyan, bilhan mo 'ko ng...” Nag-angat pa ako ng tingin sa kawalan na animoy nag-iisip. “Fries at sundae...”
“Para naman makabawi sa jyo, sige... bibilhan na kita, little kiddo!”
“How dare you calling me kiddo!” Sinungutan ko siya.
Mayamaya ay biglang napunta kay Axl ang atensyon ko. Nanatili siyang naka-upo sa couch. Hayun, basag ang mukha. Nakatingin siya sa kawalan, kahit papaano ay gising na siya. Pahinga na lang ang kailangan para mabawi niya iyong lakas niya.
“Nicole, right?” sambit ni doktora Fabellar.
Tinanguan ko ito at nginitian. “Yes po, doc.”
“Call me ate Dein instead. By the way, I have to go back to ER, could you please keep an eye to my brother for a while? He can't walk, nanghihina pa siya. Babalikan ko na lang siguro siya kapag natapos na 'ko sa ginagawa ko, puwede ba?”
Tumangu-tango ako. “Wa-Wala pong problema. Nandito rin naman si Faye para magbantay sa kanya.”
“So... where's Faye?” natatawang tanong nito sa akin.
Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kuwarto ngunit napagtanto kong wala na naman siya. She's always missing in action. Kahit kailan talaga!
“Sa-Sabi ko nga... ako na lang po ang magbabantay sa kanya...” sagot ko kay ate Dein.
“Thank you, Nicole. At ikaw, you are not able to walk, okay? Buti hindi ka napano kanina. Mag-iingat ka. Kung kailangan mong tumayo, nariyan ang mga nars sa labas para tulungan ka.”
“Salamat po...”
Tinanguan lang ako nito at saka lumabas na rin. Napabuntong-hininga ako. Kasabay niyon ay ang pagsandal ko sa kama. Pipikit na sana ako ngunit naalala kong kailangan ko ring bantayan si Axl. Napipilitan na 'kong banggitin ang pangalan niya kahit pa man hindi ko kagustuhan 'yon. Kahit anong gawin o sabihin niya, he will still an 'asungot' for me.
Habang nakaupo sa kama ay pinagmamasdan ko lang ito. Nakatulala siya sa gilid. Hindi ko alam kung anong iniisip niya pero sa tingin ko ay na-shock ang katawan niya sa ginawa ko kaya gayon na lamang kung paano ang reaksyon ng kanyang katawan.
I want to say sorry to him personally. Pero sa tingin ko ay hindi ko pa ito makakausap ng maayos ngayon.
“Stop staring at me!”
Agad akong nag-iwas ng tingin nang marinig ko iyong sinabi niya. Pa-Paano niya nalamang nakatitig ako sa kanya?
“Hindi mangyayari sa akin 'to kung hinayaan mo 'kong makapagpaliwanag...”
Umiling ako. “Hindi mangyayari sa iyo 'yan kung hindi ka pumasok sa kuwarto ko nang hindi man lang nagpapaalam. Do you think tamang gawain 'yon?”
Pasimple niya akong sinamaan ng tingin. “O, hayan ka na naman... puwede bang patapusin mo muna ako?”
Bumuntong-hininga na lang ako at saka nag-iwas ng tingin. Tama nga naman siya, ni hindi ko ito pinakinggan kung ano ang ginagawa niya sa loob ng kuwarto ko. Siguro namali lang ito ng kuwartong napasukan o kung ano man.
“Fine! Go ahead...” Binigyang laya ko na itong makapagsalita. Karapatan niya rin naman iyon.
“Lumabas ako ng kuwarto ng kapatid ko para sana balikan 'yong ibang gamit na naiwan sa kotse ko. Nalito lang ako ng kuwartong pinasukan. Sakto namang narinig kong humihingi ka ng tulong, eh, that's why I insisted na ako na lang ang gumawa niyon. Nakaka-awa ka naman, eh,” pagpapaliwanag niya nang hindi man lang ako nililingon.
Dahan-dahang bumaba ang mga balikat ko. Hindi ko naman alam na ganoon pala ang nangyari. Eh, 'di sana pinakinggan ko muna siya bago ko ito suntukin. Ang problema sa akin, masyado kong sini-secure ang sarili ko without knowing na may mabubuti pa lang tao sa paligid ko.
Ang tanong, mabuti ba 'tong asungot na 'to?
I bet, no!
Kunwari siyang nagpapkabiktima para siya ang pansinin ng lahat. Alam ko na ang ganitong gawain. Hindi na ako magtataka. Parang sa amin ni Nheia, palagi siya ang 'cream of the top' sa paningin ni mama. Sino ba naman ako, 'di ba?