Kabanata 9: Tagapagligtas

1617 Words
SANDALI kaming natahimik na dalawa. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Should I say sorry? I cleared my tone. Nagpalinga-linga ako sa kabuuan ng kuwarto. “Hhmm... ang ganda ng pagkakapintura ng pader, 'no? Ano kayang klaseng pintura ang ginamit nila, dekalidad kaya?” pag-iiba ko sa usapan namin. Bakit ba ako nagkakaganito? Hindi lang ako sanay na may nakakausap na lalaki. “Malay ko!” pagsusungit nito. Dahil doon ay napalingon ako. “Magpapapintura ka? Tanong mo sa gumawa. Kung patay na 'yong gumawa, tanong mo na lang siguro sa pagong!” “Pilosopo ka, ah!” Pinaningkitan niya 'ko ng tingin. “Bakit, pilosopo ka rin naman, ah? It's a tie!” Kumunot ang noo ko. Kung nakakatayo lang ako ay kanina ko pa ito pinaalis sa kuwarto ko. Pasalamat siya ay ibinilin siya sa akin ng ate niya kung hindi, sa pangalawang pagkakataon ay baka masuntok ko pa ito. “Pilosopong maganda, bakit angal ka?” sumbat ko sa kanya habang naka-krus ang mga braso. Nakita ko ang pagngisi niya na animoy hindi sang-ayon sa sinabi ko. “Alam mo... bagay ka sa mga children's party... 'Yon bang taong nagpapatawa sa mga bata? Ano na ulit ang tawag do'n? Clown?” aniya at saka ito humagikgik. “Ha. Ha. Ha. Nakakatawa! Grabe, tawang-tawa ko! Ha. Ha. Ha. Ang sakit na ng tiyan ko!” pilit na sambit ko at saka ito sinamaan ng tingin. Natigil sa pagtawa si Axl at saka niya rin ako sinungitan. Aba! Kalalaking tao marunong magsungit? Dukutin ko mata mo, eh! “Aalis na 'ko!” aniya na ikinaalarma ko. Awtomatiko akong napalingon sa gawi niya. “Hoy! Hoy! Hoy? Saan ang punta mo, aber?" “Bakit, kailangan ko pa bang magpaalam sa iyo? Nanay ba kita?” Napailing ako at sandaling nag-iwas ng tingin. “Sinusubukan mo talaga ang pasensya ko, ha...” bulong ko sa gilid. “Hindi ka aalis!” “Anong hindi? Kaya ko na! Kung may balak kang ihatid ako, you don't have to.” Nagbaba siya ng tingin sa paa kong pilay. “Baka tapakan ko pa 'yang paa mo, eh!” Wala sa sarili hinablot ko iyong unan at inihagis sa kanya. “Hoy! Ano ka ba?!” Tumayo ako sa pagkaka-upo. Ang ginamit kong pang-alalay ay iyong IV pole. Hinawakan ko iyon at lumapit sa kanya. “Hindi ka aalis! Magpapahinga ka! Hindi mo ba narinig 'yong ate mo kanina?” Kinurot ko 'yong tagiliran niya. “Araay!” “Kapag may nangyari sa iyo sa labas, h'wag mo 'kong sisisihin!” Sa pangalawang pagkakataon ay kinurot ko itong muli. “Arayy! Ano ba?! Tumigil ka nga!” pagrereklamo niya. Itinuro ko iyong couch. “Sit! Or else I'll kick you...” “Then... kick me... Sige nga, paano? Hahaha!” Sabay tingin nito sa paa ko. Pasalamat siya at pilay ako. Mayamaya ay bumalik na rin ito sa pagkakaupo niya sa couch. Nanatili akong nakatayo sa harap niya upang bantayan ito. Medyo nangangalay na 'yong kaliwa kong paa, pero hindi ko ininda iyon. Napansin niya siguro iyon kaya minabuti niyang tumayo ulit. “Ikaw na lang ang umupo sa couch...” walang emosyong aniya. Kanina ay patawa-tawa lang ito. Pero bakit agad naman itong nakonsensya sa ginawa niya? “Uupo ka o uupakan kita?” Bakit ba ang hilig niyang magsungit? Sinamaan ko itong muli at saka naupo sa couch. “H'wag kang aalis...” banta ko sa kanya. “Why? You'll miss me? I mean... you will miss my handsome face?” “You mean... ugly face?” Nag-iwas ito ng tingin sabay nguso. Hindi ko alam pero wala sa sarili akong natawa ng patago. Ang cute niya. Ang cute niya kapag nagsusungit tapos nakanguso pa. He looks like a kid na hindi nabigyan ng lollipop. “Why are you laughing? May nakakatawa ba?” paninita nito nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Hindi na lang ako sumagot at nag-iwas ng tingin. May side din naman itong nakakatawa siya pero mas malaki ang porsyento na nakakainis siya. Sa totoo lang, he has the sense of humor. Gusto ko kung paano ito makipagsumbatan sa akin. “Sorry, but... I have to do this...” Napakunot-noo ako nang dahil sa pagtataka. “Ang alin?” Sandali kaming nagkatinginan. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang bigla siya kumilos papunta sa pintuan. Hindi ako nagdalawang-isip na sundan siya. Ngunit sa pagtayo kong iyon ay hindi ko na namalayan ang patumba ko. Naalala kong pilay pala ako at nakalimutan kong humawak sa pole dahil sa pagmamadali. Habang nakasalampak sa sahig ay napatingin ako sa pole. Mayamaya pa ay bumagsak ito. Napapikit na lang ako dahil baka ako ang tamaan niyon. Nakasubsob ang mukha ko sa sahig. Bumilis ang t***k ng puso ko. Ilang sandali pa ay hindi ko naramdaman ang pagbagsak ng pole sa katawan ko. Ang tanging naramdaman ko na lang ay ang pag-cover ni Axl sa likod ko. H'wag mong sabihing siya ang tinamaan? “Bakit ba ang kulit-kulit mo?!” pasinghal na aniya. Sa tono ng pananalita nito ay halatang galit siya. “I told you to stay in the couch but you didn't listen! You're such a hard headed! Haist!” He tightened his jaw. Patago akong napangiti sa hindi ko malamang dahilan. He protected me again gaya nang pagsalo niya sa akin noong nasa airport kami. [Flashback] Pagtalikod ko ay hindi ko namalayang natapilok na 'ko. Hindi ko nakontrol iyong katawan ko kaya ang ibig sabihin lang niyon ay matutumba ako nang wala sa oras. “Ahhhhh!” May kung sinong sumalo sa akin kaya hindi ko naramdaman ang pagbagsak ko sa sahig. Nakapikit pa rin ako habang nakakapit sa damit niya. “Are you okay?” [End of flashback] Nilingon ko ito nang tumayo siya. Nasalo niya pala iyong pole kaya hindi kami natamang dalawa. Tumayo siya para ayusin iyon sa pagkakatayo ng pole. Pagkatapos niyon ay nilapitan niya ako. “What are you doing?” “Zipper your mouth, hard headed!” aniya saka hinayaan ko itong buhatin ako hanggang sa ilapag niya ako sa kama. Nakapameywang itong humarap sa akin. “Hindi ka ba nag-iisip, ha?! Pilay ka, 'di ba? Bakit mo ginawa 'yon?! Alam mo bang puwede kang mapahamak at mabagsakan niyong pole, ha?! Buti na lang—” Hindi ko ito pinatapos sa pananalita niya. “Buti na lang nasalo mo 'yon para hindi ako ang mabagsakan...” Wala sa sarili akong napangiti. Sa pagngiti kong iyon ay hindi ko namamalayang tumulo na ang mga luha ko. Agad kong pinunasan ang mga iyon gamit ang mga palad ko at nag-iwas ng tingin. “Salamat. Pasensya ka na rin sa nangyari kanina. Makakaalis ka na...” Hindi ko na ito pinansin at hinayaan ko na siyang makaalis. “Mag-iingat ka. Just stay in your bed kung wala ka namang ibang gagawin. Okay ba 'yon—” “I can handle myself. Thank you for your concern. Makakaalis ka na...” “Okay..” rinig kong aniya at saka umalis sa gilid ko. Nilingon ko ito nang buksan niya ang pinto at kung paano niya ito isara. Bumuntong-hininga ako. Sandali akong napaisip. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko. Hindi ko alam kung anong dahilan. Kung paano niya 'ko alalayan kanina, ang sarap lang sa pakiramdam na may gumagawa niyon sa'kin. Pero nakakainis pa rin naman siya! ALICIA FAYE'S POV KABABALIK ko lang ng ospital pagkatapos kong bumili ng pangangailangan ni Nicole. Pabalik na 'ko sa kuwarto nito nang madatnan kong naka-upo sa labas ng kuwarto ni Nicole si Axl. Nakakrus ang mga braso nito, nakasandal ang ulo sa pader at nakapikit. “Ano na naman bang ginawa ni Nicole?” pabulong na sambit ko. Kahit kailan talaga 'yong babaeng 'yon. Wala siyang sinasanto. Ni hindi ko nga alam kung kanino nagmana ang babaeng 'yon. Sobrang taas ng pride. Mas mataas pa sa Eiffel Tower ng Paris. “Axl... Axl...” Ginising ko ito. “Fa-Faye...” aniya at saka nagkusot ng mga mata. “Ka-Kanina ka pa riyan?” “Ako nga dapat ang magtatanong niyan. Kanina ka pa riyan? Bakit wala ka sa loob? Okay ka na ba?” Tumayo ito at inayos ang damit niya. “Okay na 'ko.” “May nangyari ba sa loob?” nagtatakang tanong ko. “Si Nicole talaga, oo, kahit kailan talaga siya! Pagpasensyahan mo na 'yong kaibigan ko, ha? Kulang lang talaga sa aruga 'yon!” Natawa siya sa sinabi ko. “Okay lang. Wala namang nangyari. Nagpapahinga siya sa loob at binalak ko na ring lumabas. Naalala kong walang magbabantay sa kanya kaya nag-stay muna ko rito sa labas pansamantala para hintayin ka. Gu-Gusto ko lang namang makasigurong may makakasama na siya.” Nagtaas ako ng kilay. Nagtaka agad ako sa mga sinabi niya. At the same time ay napangiti ako. Hindi ko alam na nag-aalala pala siya sa kaibigan ko. I never expect na sasabihin niya ang mga katagang iyon sa akin. Kung hindi ako nagkakamali... “I-I have to go...” Hindi na 'ko nakasagot. Tinanguan ko na lang ito. “Mag-iingat ka...” sambit ko at napangiti. Tinanguan niya na lang din ako. Pinanood ko lang ang likod nitong naglalakad papunta sa kung saan. Nakakatuwa. That was the first time na may nag-alala kay Nicole except her family. Ni minsan hindi ko nakita o naramdaman ang kakaibang bagay na iyon sa ibang tao. Si Nicole, mailap iyan sa mga lalaki simula nang mawala ang papa niya. Pero alam kong, mag-iiba ang pananaw niya sa ibang lalaki, mangyayari at mangyayari iyon. Alam kong may panahon para diyan. I can see her falling in love with a man!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD