NICOLE AYESHA'S POV
“ANO BANG nangyari anak? Nag-alala kami agad nang tumawag si Faye sa akin. Nagkatotoo nga iyong kutob kong may mangyayaring masama sa iyo.”
Nakatingin lang ako sa pader ng kuwarto at hinahayaang magsalita nang magsalita si mama. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Mas gugustuhin ko na lang yatang maglaho.
“Hindi natapos ni mama 'yong niluluto niya kanina nang mabalitaan naming isinugod ka raw sa ospital dahil sa aksidente. Pa-Paano ba... ano bang nangyari sa inyo ni ate Faye?”
Gustuhin ko mang sabihin ngunit nawawalan ako ng lakas ng loob. Naalala kong, matagal na 'kong pinatigil ni mama sa pangangarera. Nakulong kami ni Faye dahil nasangkot kami sa ilegal racing noon.
Nakakatawang ala-ala.
“Racing... Car racing...”
Napansin ko kung paano magpakawala ng buntong-hininga si mama. “Ayokong magalit sa iyo, Nicole, pero... I told you na tigilan mo na 'yang pangangarera na 'yan!”
“I love racing,” kalmadong sagot ko.
“Pero ilegal 'yong ginawa niyo! Wala ka ng ibang dinala kundi kahihiyan sa akin at sa papa mo!”
“Dad told me not to stop doing what I want. Sinusuportahan niya 'ko sa lahat ng gusto ko.”
Tumayo si mama. “Pero ikapapahamak mo 'yon!”
“Ate! Could you just listen to mom? Alam niya kung anong mas makabubuti sa atin!”
Here we go again!
Bakit ba lagi nilang ipinaparamdam na mag-isa ako? Na wala akong kakampi? Isn't it obvious na pinagtutulungan nila 'ko?
“Puwede ba 'kong mag-walk out?” pamimilosopo ko.
“Nicole, I just want you to be safe. Ayokong nag-aalala sa iyo!”
Tinalikuran ko sila at niyakap iyong unan. “Iwanan niyo muna ako. Gusto kong mapag-isa.”
“We came here para bantayan ka, ate. Bakit ang dali-dali sa iyong ipagtabuyan kami ni mama?” rinig kong ani Nheia.
“Hindi mo ba 'ko narinig? Gusto kong mapag-isa. O, baka gusto mong tawagin ko pa ang papa kong nakalibing sa simenteryo para siya mismo ang magpaalis sa inyo rito?”
Wala na 'kong narinig na kung anong salita mula sa kanila. Narinig ko na lang ang pagbukas at pagsara ng pinto. Pagkatapos niyon at saka tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Naguguluhan ako. Gusto kong magpakabuti, gusto kong maging isang anak sa mama ko. Iyon bang walang galit ang puso.
Pero paano?
Kung kasama ko lang si papa ngayon, alam ko kung paano susolusyunan ang mga problema ko.
HINDI ko namamalayang nakatulog pala ako kanina habang umiiyak. Bumangon ako sa pagkakahiga at nagpunas ng mukha. Kasalukuyan akong gumising nang wala man lang kasama.
Nasa'n na ba si Faye? At saang lupalop na naman ng ospital napunta ang isang iyon?
“Kahit kailan talaga, Faye!” bulong ko sa sarili ko.
Tumayo ako at hinila ko kasama sa banyo iyong IV pole.
“Talaga naman!” inis na bulong kong muli. Kung kailan kailangan ko ng tulong ay saka namang mawawala si Faye.
Umupo ako sa inidoro at naiinis na umihi. Bumuntong-hininga pa ako at napa-irap sa kawalan. Nang matapos ako ay agad din akong tumayo at nag-flash ng inidoro.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Kaya sa tingin ko ay si Faye na iyon.
“Give me some tissue please? Pati alcohol na rin sana!” sigaw ko mula sa loob ng banyo. Ilang segundo ang lumipas ay hindi ko pa rin ito narinig na nagsalita. “Tissue nga po saka alcohol, paki-bilisan!” pag-uulit ko.
Dito na 'ko nagtaka dahil ni isa ay hindi man lang ako nito pinakinggan. “Faye! Faye Gonzales, Can you hear me?! I need your help, kaya puwede ba... h'wag kang magbingi-bingihan diyan?”
Mayamaya pa ay bigla itong kumatok sa pintuan.
“Where have you been ba? I've been waiting for you... kung saan-saan ka na naman nagpupupunta! Haist! Kahit kailan ka talaga!” inis na sermon ko. Ang pagtataka ko lang ay bakit hindi siya sumasagot. Dito na 'ko nagkaro'n ng kutob na ibang tao ang pumasok sa kuwarto ko.
Pagbukas ko ng pinto, isang kamay ang pumasok doon. Ibinigay nito sa akin iyong mga kailangan ko kaya agad ko ring kinuha iyon.
“Faye...” sambit ko sa pangalan niya ngunit ni minsan ay hindi ito dumungaw sa pintuan upang magpakita.
Pinansin ko ang kamay nito. Napakunot-noo na lang ako nang makitang malapad iyon. Hindi iyon kamay ng isang babae. H'wag mong sabihing?
Bigla kong binuksan iyong pinto. Saktong pagkabukas ko ay isang lalaki na ang nasa harap ko. At nang dahil din sa pagkagulat naming dalawa ay hindi namin naiwasang mapasigaw sa isa't isa.
“AAAAHHHH!”
Hindi ko na kontrol ang sarili ko at bigla ko itong nasuntok sa mukha.
Halah!
Nahilo ito at natumba sa sahig. Hindi ko na alam ang gagawin ko nang himatayin siya sa ginawa ko.
What the—