MAYAMAYA pa ay bigla na ring bumukas ang pinto at iniluwal nito ang katawan nina Tita Niña at Nheia. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maipinta ang pag-aalala ni tita sa kanyang anak. Sa totoo lang, napakasuwerte na ni Nicole. Ngunit wala rin naman ako sa posisyon para husgahan siya.
“Nicole... Nicole anak, what happened? Okay ka lang ba? Nag-alala ako sa iyo!” Hindi napigilan ni tita ang hindi maluha nang makita ang anak nito.
Hindi gugustuhin ng lahat ng ina na mapahamak ang kanilang anak. Lahat ay gagawin nila upang maging ligtas at maging maayos sila.
Sandali kaming nagkatinginan ni Nicole. Nginitian ko lang siya at saka lumabas muna. Sa tingin ko ay kailangan nila ng oras para sa isa't isa bilang pamilya. Saka na lang ulit ako babalik para makapagpaalam na rin.
Naglakad-lakad lang ako sa koridor, nagpapalipas lamang ng oras hanggang sa mapadpad ako sa nurse station. Katapat niyon ang isang kuwartong nakabukas.
“H'wag ka nga kasing magulo!” rinig kong sigaw niyong lalaking nakatayo malapit sa pasyente.
“Aww! Masakit, eh!”
Natatawa na lang ako dahil sa asta niyong dalawang lalaki. Nakahawak iyong isa sa pasyente upang pakalmahin ito. 'Yong pasyente naman ay halos mamilipit na dahil sa takot nitong maturukan ng injection.
“Sira! Hahahaha!” natatawang reaksyon ko habang pinapanood iyong lalaking pasyente na hindi maturok-turukan ng maayos.
“He is always like that simula pa no'ng bata pa siya...”
Napalingon ako sa babaeng kararating lang sa gilid ko. Pinipigilan nito ang kanyang pagtawa, gano'n din naman ako. I bet she's a doctor here. Naka-white gown ito at may name plate sa kanan ng kanyang damit.
“By the way, I'm doctor Dein...” Iniabot nito ang kanyang kamay na agad ko namang tinanggap. “At kapatid ko 'yong dalawang makulit na 'yon...” Itinuro niya iyong dalawa sa loob ng kuwarto. “Iyong pasyente, si Aqi. 'Yong isa namang nakahawak sa kanya... ang sumunod sa akin, si Axl...”
“Ang kulit nilang panoorin,” pagbibiro ko habang hindi mahinto ang pagtawa ko.
Napa-iling si ate Dein. “Hindi talaga maturukan ng injection si Aqi. Sa buong buhay niya, iyon ang kinatatakutan niya.”
Hindi na ako nakasagot kundi nginitian ko lang ito. May kung anong saya ang nararamdaman ko. Siguro dahil sa natutuwa lang ako kay Aqi. Sino ba namang hindi matatawa ng ganoon?
“I bet you are a college student. Anong course mo?” seryosong tanong nito.
“Nursing Stude—”
“Tara, sumama ka sa akin!”
Hindi na ako nakapagsalita nang hilain agad ako ni ate Dein. Nang makapasok kami sa kuwarto na iyon ay sandali silang natigilan. Napunta sa akin ang atensyon niyong dalawang magkapatid.
“Injection lang 'yan, Aqi. Hindi ka mamamatay riyan!” inis na sambit ni ate Dein sa pasyenteng si Aqi.
“Puwede bang mamaya na lang? Tinurukan na nga 'ko ng dextrose tapos may injection pa!” pagrereklamo ng kapatid niya. Napa-irap pa siya ng tingin.
Sakto namang binatukan siya ng kuya nitong si Axl.
“Arraayyyy!” reaksyon ni Aqi.
“Umayos ka nga! Pa'no ka gagaling kung ayaw mong magpaturok? Gusto mo ako ang tuturok sa iyo?” singit ni Axl.
“H'wag na... ayoko pang mamatay, 'no!” bulong ni Aqi.
“That's enough! Hindi tayo matatapos dito hangga't walang nangyayari!” Nilapitan ni ate Dein iyong Nurse na kaninang tumuturok kay Aqi at kinuha nito iyong mga gamit sa kanya. Sa tingin ko ay balak na niyang siya ang gumawa sa kapatid niya.
“What are you doing, ate?”
“Shut up, Aqi! Kung ayaw mong 'yong Nurse ang magturok sa iyo, puwes...” Laking gulat ko na lang nang ibigay sa akin ni ate Dein iyong injection. “Si girl ang gagawa niyon...”
“Ano?!” hindi makapaniwalang reaksyon ni Aqi. “Hell no! She's not even a nurse here nor a medical technologist!” Hindi sumang-ayon si Aqi roon.
Kahit ako naman ay nagulat dahil sa sinabi ni ate Dein. Oo nga, isa akong Nursing student pero hindi pa ako guma-graduate at wala pa 'kong lisensya para gawin ang bagay na iyon.
Binalingan ako ng pansin ni ate Dein. “She's... what's your name again?”
“Faye... Fa-Faye Gonzales...” kinakabahang sambit ko sa pangalan ko. Ngunit naro'n ang inis ko dahil kay Aqi. Hindi ko gusto kung paano ito manumbat.
“What a lovely name!” Sabay kindat pa ni ate Dein sa'kin. “Si Faye ay isang Nursing student. Sabihin na lang nating... this is going to be her first practice, right?”
“You know what, ate... I like your idea!” ani Axl sabay upo sa couch.
“Duh! That's a bad idea! Paano kung maitusok niya 'yong needle sa wrong part ng body ko? Anong mangyayari? I'm going to die!”
Nagtaas ako ng kilay. “Patay agad? Hindi ba puwedeng mag-arrest muna?”
“Nagpapatawa ka ba?!” sumbat sa akin niyong Aqi at pinanlisikan ako ng tingin. Napansin ko rin ang pagpigil ng tawa ni Axl habang nakaupo sa couch.
Sinamaan ko lang ito at saka kinuha na kay ate Dein iyong mga gamit pang-inject kay Aqi.
“You know what to do, Faye,” bulong ni ate Dein sabay tapik sa balikat ko.
“Inuutusan kita, babae! H'wag mo 'kong hahawakan!” pagbabanta ni Aqi.
“As if namang hahawakan kita? Manahimik ka nga!” pagsusungit ko sa kanya. Balewala kung naro'n man ang ate niyang si Dein, eh, sa nakukulitan ako sa kanya, bakit ba?
Itinusok ko 'yong needle ng syringe sa isang maliit na vial ng dextrose. Hinila ko 'yong hawakan niyon upang lumipat iyong gamot sa syringe. Ibinaba ko na 'yong walang laman na vial sa side table at saka lumapit kay Aqi.
“Don't you dare na idapo 'yan sa katawan ko,” may diin ang kanyang pagkakasabi.
“Ang arte mo! Eh, hindi ko naman idadapo 'to sa balat mo!” Sinungutan ko siya at lumapit sa IV dextrose niya. Hinawakan ko iyong y injection port ng tube line at doon ko in-inject iyong gamot. Dahan-dahan kong itinutulak iyon ng mga 3-5 minutes at saka inalis iyong needle sa pagkakatusok.
Naiwang nakanganga si Aqi habang pinapanood ako sa ginagawa ko. Siguro napagtanto nitong mali ang iniisip niya.
“Hahaha! Gano'n lang pala ang gagawin!” Hindi mapigilan ni Axl ang pagtawa nito. “Akala ko pa naman sasaksakin ka na, eh...”
Dinampot ni Aqi iyong pillow at saka inihagis iyon sa kuya niya. “Umalis ka na nga!” pasinghal na aniya.
“Ate, may kukuhanin lang ako sa kotse. I'll be back in a few minutes...” paalam ni Axl.
“Okay lang naman kung hindi ka na babalik! I would be very happy if that happens...” bulong ni Aqi.
Bakit ba ang hilig niyang bumulong pero naririnig naman namin? Nagpaparinig lang ba siya? Takaw atensyon gano'n?
“Aqi...” sambit ni ate Dein sa pangalan nito sabay irap sa kanya.
Nakalabas na si Axl at kaming tatlo na lang ngayon ang nasa kuwarto. Inilibot ko na lang ang mata ko sa kabuuan ng silid. Napapansin ko kasing hindi mawala ang tingin sa akin ni Aqi. Sinusungitan lang ako nito na animoy may sama pa yata ng loob.
Ano bang nagawa ko? In-enject ko lang naman iyon sa dextrose niya at hindi sa balat niya. Ni hindi nga niya naramdaman iyong karayom. Hahaha!
“Aqi, I don't want your attitude na ipinapakita mo sa kuya mo, ha?” panenermon ni ate Dein.
Nag-iwas ito ng tingin. “I'm sorry,” mahinang aniya.
Marunong din naman pa lang humingi ng pasensya ang guwapong lalaking ito.
Ha? Ano iyong sinabi ko? Guwapo?
“It's okay. Mom taught us to be good with our family, lalo na sa ibang tao. And I think... you owe Faye an apology.”
“Apology?” Tila hindi pa ito sang-ayon.
“Aqi...” Pinaningkitan siya ng tingin ni Ate Dein.
Bumuntong-hininga ito. “I'm sorry, Faye. And... Tha-Thank you...” sabi niya nang hindi ako binabalingan ng tingin.
“Hayan! Bati na kayo. Kailan ang kasal?”
Nagkatinginan kami ni Aqi. Medyo lumutang ang isip ko ro'n, ah.
“Hindi, nagbibiro lang ako...” natatawa pang aniya.
Napakamot na lang ako sa ulo ko. Patawa rin pala si Doktora Dein. Kabado ako ng mga 70% nang pumasok kami sa kuwartong ito. Hindi ko naman sila kilala pero sa tingin ko mababait sila. Puwera na lang siguro 'yong nagngangalang Aqi.
Hindi ko masikmura ang ugali ng asungot na iyon!