Kabanata 30: Away Magkapatid

1292 Words
NAKIKISAYA pa rin ako kina manang. Pagkatapos kumain ay naisipan nilang maglaro ng mga indoor games. Katulad ng mga palaro sa party, it's for fun lang naman at para matuwa rin ang lahat ng kasama namin dito. Dahil alam kong abala na naman sila sa kanya-kanya nilang trabaho kapag naka-uwi na ang pamilya ni mama. Lalo na si Nheia. Ano kayang magiging reaksyon nito kapag nalaman niyang kilala rin pala ako ni Axl. “Ang unang makakain ng cookies ang siyang panalo!” pag-aanunsyo ni Faye. Siya ang nagpasimuno na maglaro kami. Katuwaan lang din naman. Lima ang naka-upo sa monoblock chairs. Magbibigay si Faye ng tig-iisang cookies sa bawat manlalaro at kapag nagsimula na ang oras ay agad nila itong ilalagay sa kani-kanilang noo. Kailangan nilang mapababa ang cookies gamit lamang ng mukha nila at makain iyon. Nakakatuwa. Nang lingunin ko si manang sa gilid, tuwang-tuwa ito habang pinapanood ang mga manlalaro. Maaaring natutuwa dahil sa iba't ibang mukhang ipinapakita ng manlalaro. Hindi rin naman maitatangging nakakatawa talaga. “Go! Go! Go!” Sa bandang kabila may nagchi-cheer pa sa kani-kanilang pambato. Nakakatuwa silang pagmasdan. “Oh, may nanalo na!” sigaw ni Faye sabay turo sa isang lalaking unang naka-kain ng cookie. Tumayo si manong at saka nagtatatalon sa tuwa. Ibinigay naman ni Faye iyong papremyo na para sa nanalo lang. Lumapit ako sa kanila. Naagaw ko naman agad ang atensyon nila. “At dahil nag-effort naman 'yong iba... they deserve to receive a consolation prize...” Nang ianunsyo kong may consolation prize iyong mga natalo, agad na gumuhit ang saya sa mga mukha nila. Kinuha ko iyong malaking plastik sa gilid na kinuha ko kanina sa itaas ng kuwarto ko. “Tulungan na kita, anak...” ani manang Tere nang makalapit ito sa akin. Nilingunan ko itoat nginitian. “Salamat po, manang,” Tinulungan din kami ni Faye na ipamahagi sa mga kasambahay 'yong kaunting regalo ko para sa kanila. Simpleng souvenir lang ang mga 'to para kahit papaano ay masubukan nilang may nagbibigay ng ganito sa kanila. “Salamat po, ma'am. Ngayon lang po kami nakatanggap ng ganito sa buong buhay namin,” sambit niyong isang kasambahay. “Kaya nga po ma'am, Nicole. Sobrang saya po namin dahil kahit papaano ay naranasan po naming maging espesyal sa mga amo namin...” Bahagyang kumunot ang uno ko. “Bakit? Hindi ba 'to ginagawa nina mama? Hindi ba kayo nagkakaroon ng kaunting salu-salo sa bahay?” “Baka naman mahigpit 'yong mga amo...” singit naman ni Faye. Siniko ko ito sa gilid dahil sa sinabi nito. “Gano'n na nga po ma'am, Nicole!” nakangusong pag-sang-ayon niyong isang katulong sa sinabi ni Faye. Napalingon na lang ako kay manang. Tumango na lang ito bilang sagot sa akin. Ngayon alam ko na kung bakit sobra ang tuwa sa kanilang mga mata. Ngayon lang nila naranasan ang ganitong bagay. Hindi ko naman alam na ganito pala ang nangyayari sa bahay. Pero ngayon kahit paano ay naibalik kong muli ang ngiti sa kanilang mga labi. “Nicole! Nicole!” Natigilan kaming lahat dahil sa sigaw na iyon na galing sa loob ng bahay. Naglakad ako nang bahagya sa harap upang makita kung sino iyong tumatawag sa akin. “Nicole!” “Speaking of the devil!” rinig kong sambit ni Faye at sandaling napangisi sa tabi ko. Si Nheia iyon. Kararating lang nito pero galit na galit na. Ano bang problema niya? “Mayroon pa lang party rito, bakit hindi man lang ako imbitado?!” pangunguna ni Nheia nang makaharap ko ito. Halatang kararating lang nito. Hindi na 'ko magtataka dahil pangalan ko agad ang isinisigaw niya habang papasok pa lang ng pintuan. “Bakit? Bawal ba kaming magsaya?” tanong ko sa kanya. Ngumisi ito ng nakakaloko. “Of course... Yes! Party is prohibited in this house unless you guys asked for my permission! This is my house, remember?” Naglakad ito ng ilang hakbang palapit sa akin. “At ang isang Nicole na katulad mo... ay hindi nababagay sa lugar na 'to! In short, you're not belong here, Nicole.” Itinulak niya iyong balikat ko dahilan nang pag-atras ko. Ikinatawa niya ng malakas ang sinabi nito sa akin. “Really? Ikaw ang masusunod dito? Oo, kayo ang may-ari ng bahay na 'to... but you don't have the right to treat every one here like slaves! They are also part of the family and let us let them receive the happiness they deserve!” Humalakhak ito sa harap ko. “Are you crazy? Yes, you are, Nicole! Hindi mo ba alam ang salitang 'maids'? Yaya, katulong, kasambahay? Whatever you call it... wala silang katulad sa mga alipin...” “Sumusobra ka na!” sigaw ko sa kanya. Hindi ko na mapigilan ang damdamin ko. Masyado na siyang maraming sinasabi. Ang ipinaglalaban ko lang naman ay ang karapatan ng mga kasambahay rito sa bahay. Mayamaya pa'y nagtungo ito malapit sa mesa. Kumuha siya ng ubas na nakalagay roon at agad na sinubo. Ngunit hindi niya nagustuhan iyon kaya iniluwa niya ito sa kamay niya. “Ano ba naman 'to?! Anong klasing mga katulong kayo kung naghahanda kayo ng mga bulok na prutas sa mesa?!” Itinapon niya iyong ubas na iniluwa niya sa isa sa mga katulong. Agad kong nilapitan si Nheia at itinulak ito. “Bakit mo ginagawa 'yon?! You don't have manners at all, Nheia!” “So? I can do whatever I want, Nicole. You can't stop me!” “Hindi na makatao 'yang ginagawa mo! Ano bang problema mo, ha?! Basta-basta mo kaming guguluhin dito dahil nagsasaya kami tapos ipapakita mo 'yang mala-demonyita mong ugali sa'min?! You're so unbelievable!” Sandaling itong pumikit at umiling-iling. Hindi ko nagugustuhan ang mga asta niya. Nababaliw na ito. Ano 'yon? Basta-basta na lang siyang manggugulo nang hindi namin alam ang dahilan? She must be crazy! ”No, Nicole. I have my reasons that's why I'm here. Remember what happened earlier?” bahagyang bumaba ang boses nito. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko. Kakaawaan ko ba siya o pakitang tao lamang ito? [Flashback] Sandali ring natahimik ang lahat. Napahinto ako sa pagpalakpak nang magtama ang mga paningin naming dalawa ni Axl. Dahan-dahan nitong ibinaba ang mikropono habang diretsong nakatingin sa akin. “Nicole...” Alam kong binanggit nito ang pangalan ko kahit pa hindi ko narinig iyon. Nagulat din siguro siya na makita ako sa isa sa mga manonood. [End of flashback] Alam ko na kung anong ibig sabihin nito. Umuling ako bilang pagtanggi. Ayoko nang lumaki kung ano man ang iniisip niya. “Hi-Hindi. Hindi ko alam 'yong nangyari kanina...” “Liar!” mahina lamang iyon ngunit may diin sa salita niya. “Magsisinungaling ka pa sa akin? Why did Axl say your name?! Kailan pa kayo magkakilala?!” “Nheia...” Nginisian niya ako. “Ate kita, 'di ba? Ang isang ate, hindi dapat nagtataksil sa kanyang kapatid. Axl is my boyfriend. Axl is mine. Huwag ko lang malalaman na may namamagitan sa inyong dalawa dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko sa iyo... ate!” Sandali niya akong tinitigan ng masama. Ang mga mata niya, kung paano ito tumitig sa akin. Ramdam ko ang galit sa mga iyon. “See you around...” paalam nito at saka na nagmartsa palayo sa harap ko. Agad namang lumapit sa akin si manang at hinaplos nito ang likod ko. Nginitian niya ako na parang gusto nitong ipahiwatig sa akin na ayos lang ang lahat. Hindi ako makapante sa nangyayari ngayon. Hindi naman ito mangyayari kung hindi binanggit ni Axl iyong pangalan ko lalo na't nasa harap siya ng maraming tao. Ginugulo tuloy ako ng konsensya ko dahil dumating pa kami sa sitwasyong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD