BACK to normal na ang lahat. Tahimik na ulit. Lahat ng mga kasambahay namin ay abala na sa kani-kanilang trabaho rito sa bahay. Nakakalungkot lang isipin dahil wala pa silang pahinga.
“Nics, kailangan kong bumalik sa school para ayusin 'yong kusot na nangyari kanina...”
Nilingunan ko si Faye nang makababa ito ng hagdan. Nagmula ito sa kuwarto ko dahil kinuha nito iyong dress niya.
“Hindi pa ba maayos ang lahat doon?” tanong ko sa kanya upang makasigurado.
“Tristan just contacted me. Maraming guests ang na-disappoint dahil sa pag-alis ni Axl on stage.”
“Naguguluhan ako, Faye. Hindi niyo naman kasalanan kung bakit umalis si Axl habang nasa kalagitnaan ito ng speech niya.”
Bumuntong-hininga ito. “Sinong sisisihin ko? Ikaw? Dahil nakita ka niya? At binanggit niya ang pangalan mo kaya siya umalis at sundan ka palabas?”
Natigilan ako sa mga katagang iyon. Pakiramdam ko nagi-guilty ako sa nangyari. Parang responsibilidad ko pa iyon. Siguro nga nagkamali ako ng punta sa eskuwelahang iyon.
“Hi-Hindi sa ganoon 'yon. Kasalanan iyon ni Axl dahil sinundan niya 'ko. Kung nasa matinong pag-iisip 'yang lalaking 'yan, hindi niya gagawin 'yon.”
“Bakit niya nga ba ginawa 'yon?”
Nagkatinginan kaming dalawa. Tila napa-isip ako ng malalim. Bakit niya nga ba ginawa 'yon? Bakit niya 'ko sinundan? He should have stayed on stage and continued his speech.
“Hi-Hindi ko alam...” Umiling ako na ikinaseryoso niya.
“I have to go. Mag-usap na lang tayo kapag hindi na mainit ang mata ng kapatid mo sa atin. Baka isipin niyang kinukunsinti pa kita.” Kinuha nito iyong bag niya sa sofa at isinukbit iyon sa balikat niya.
“Ihatid na kita...”
She stopped me. “No. Stay here. Magpahinga ka... may pilay ka pa right?”
Nginitian ko na lang ito. Mayamaya pa'y nilisan niya na rin ang bahay namin.
Naiwan na naman akong mag-isa sa bahay na 'to. Sobrang daming nangyari ngayong araw. Hindi na yata matatapos ang gulo sa pagitan ng pamilya ni mama at ako.
I wish Tita Olivia was here so she could protect me.
Nakaramdam ako ng gutom kaya nagtungo ako sa kusina. Hindi ako gaanong kumain dahil inilaan ko talaga ang mga pagkaing inihanda namin para sa mga kasambahay. Para sa kanila iyon. At sana maulit pa ang pangyayaring iyon nang walang pumipigil sa kanilang magsaya.
Binuksan ko ang predyider at kumuha ng mansanas doon. Umupo ako sa high chair na malapit sa kusina. Dala ko ang laptop ko. Binuksan ko iyon at nag-scroll-scroll lang sa social media habang kinakagat iyong mansanas.
“I am pissed off!”
Iyon ang ipinost kong status ko sa social media. Ang dami agad likes niyon. Mayamaya pa'y may natanggap akong mensahe galing sa hindi ko kilalang tao.
“What happened to you? Are you okay?”
Kumunot ang noo ko dahil sa mensahe niyang iyon sa akin. Nang basahin ko ang pangalan nito ay hindi ko talaga siya kilala. Pero isa lang ang alam ko. Siya 'yong lalaking nakakalaro ko.
“Okay lang ako,” I replied to him.
Sumandal ako sa kinauupuan ko at kinagatan iyong mansanas. Wala pang ilang segundo ay may reply na agad ito sa akin.
“If you need someone to talk to... narito lang ako.”
Napangiti ako sa sinabi niyang iyon sa akin. Pakiramdam ko nagkaroon ako ng isa pang kaibigan online.
“Thank you. I appreciate you.”
Pagkatapos kong isend iyon, hindi ko napansin na napindot ko ang love sticker. Agad nanlaki ang mga mata ko. “Hala!” naalarmang reaksyon ko.
“Are you in love with me already?”
Umiling ako. Inilipag ko iyong mansanas sa gilid ko at agad nireplyan ang sinabi niya. “Napindot ko lang. H'wag kang umasa na mahuhulog ang loob ko sa iyo. Hindi ako naniniwala sa internet love, 'no?!”
“We can meet each other naman, eh. Kung gusto mo lang naman. Kaso... mahiyain ako pagdating sa mga babae.”
Wala sa sarili akong natawa. “Hindi halata. Ang kapal nga ng mukha mo, eh!”
Habang naghihintay ng reply niya, kinuha ko iyong mansanas na inilapag ko kanina. Kakagatin ko na sana iyon nang may biglang umagaw.
Napalingon ako sa gilid.
“Pati ba naman mansanas aagawin mo sa akin? Wala ka talagang kuwenta!”
Si Nheia iyon na kararating lang. As usual, mainit na naman ang ulo nito sa akin.
“May pangalan mo ba 'yang mansanas para agawin mo sa akin, ha?” sagot ko sa kanya na ikinangisi niya.
“May pangalan man o wala, akin pa rin ito. Paulit-ulit na lang tayo, Nicole.. hindi ka ba nagsasawa? Kaya puwede ba? Know your limitations here dahil sampid ka lang dito. Nakikitira ka na nga lang, palamunin ka pa!”
Tumayo ako at hinarap siya. “Alam mo, walang duda kung bakit ganyan ang ugali mo dahil kulang ka sa pagmamahal—”
“Baka ikaw!” Sinungitan niya ako. “Mahal ako ni mama. Mahal din ako ni papa. At mahal pa ako ni Axl, pati na rin ng buong pamilya niya. Eh, ikaw? Sinong nagmamahal sa iyo? Si Tita Olivia mo? Oh, nasa'n siya? Hindi ba dapat ipinagtatanggol ka niya ngayon kung mahal ka rin niya?!” Humalakhak ito sa harap ko na para bang totoong nababaliw. Hindi ko nagugustuhan ang mga iyon. Mas lalo akong nagagalit ngunit nagtitimpi lang ako. “Poor, Nicole!” Inilapit nito ang mukha niya sa tainga ko at bumulong. “If I were you... lalayas na 'ko sa bahay na 'to dahil walang nagmamahal sa akin.” Lumayo na ito pagkatapos niyang sabihin 'yon. “Since kinagatan mo na 'tong mansanas... hindi ko na kakainin 'to. Baka magkasakit lang ako...” Inihulog niya iyong mansanas sa basurahan at nagmartsa paalis.
Pinanood ko lang ang likod nito paalis habang ako naman ay halos mangiyak-ngiyak na dahil sa galit. Kinuyom ko ang kamao ko. Paano niya nagagawang sabihin sa akin ang mga bagay na iyon kahit pa man hindi nito alam ang buong pagkatao ko?
Noon pa man alam ko ng hindi ako nakaramdam ng pagmamahal galing sa ibang tao dahil pakiramdam ko inabanduna ako ng mundo.
Ang sabi ko sa sarili ko, babalik ako rito para iparamdam sa kanila ang galit at kung sino ang iniwan ni mama noon. Pero tila binaliktad ako ng tadhana ang lahat.
“Nicole... anong nangyari sa iyo, anak?”
Napalingon ako sa babaeng nagsalita. Si mama iyon. Agad niya akong nilapitan at niyakap. Hindi ko namamalayan ang pagbuhos ng mga luha ko sa kawalan.
“A-Anak... anong nangyari sa iyo? Bakit ka umiiyak?” Kumawala ito sa pagkakayakap niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. “Anak... Tahan na... narito na si mama...”
Agad akong lumayo sa kanya. Umiling-iling ako. Hindi ko matanggap ang sitwasyon ko ngayon. “Hindi! You never care about me, mom! Kaya huwag mong sasabihin sa akin na nariyan ka lang palagi para sa akin kahit wala naman talaga!” Huminga ako ng malalim bago ibitaw sa harap niya ang mga salitang babanggitin ko. “You're expecting na babalik ang lahat sa dati?” natawa ako ng pagak. “Not in your dreams again, mom!”
Puno ng galit akong nilagpasan ito sa kinatatayuan niya. This is all her fault. Hindi mangyayari ang gulong ito kung hindi niya 'ko pinauwi ng Pilipinas. I hate her! I really hate her! I hate everything about my mom!