SANDALI akong napahinto. Nakakabinging katahimikan. Nagbabakasakali akong marinig niya iyon ngunit nabigo ako. Hindi ito bumalik.
Napayuko ako. Sinusubukan kong hilutin iyong namamanhid kong kaliwang paa. Natuluyan na iyon. Hindi ko na ito maigalaw.
“Ano bang nangyari?”
Napahinto ako sa paghihilot ng binti ko. Hindi ako nagkakamali kung sino ang lalaking iyon na kapapasok lang sa silid ko. Nang magtaas ako ng tingin ay hindi ako nagkamali sa inakala ko.
Si Axl.
“Anong nangyari?” pag-uulit nito sa tinanong niya kanina.
“Tu-Tumayo ako para magpahangin sandali pe-pero... hindi kinaya ng kaliwang paa ko ang tumayo ng matagal kaya namanhid na't hindi ko na maigalaw...” pagpapaliwanag ko nang hindi tumitingin sa kanya.
Sa lahat pa ng taong tutulong sa akin ay bakit siya pa? Puwede namang ibang tao na lang, 'di ba? Kung minamalas ka nga naman, oo!
Nagulat na lang ako nang hawakan nito ang paa ko. “Namamanhid pa ba?”
Wala na 'kong nagawa kundi tumango. Sino ba naman ako para sungitan siya. Ako na nga 'tong humingi ng tulong sa kanya.
“A-Arayyy! Dahan-dahan naman!” sambit ko nang makaramdam ako ng sakit.
Mayamaya pa ay nagkatinginan kaming dalawa. Ngunit agad din akong nagbaba ng tingin sa paa ko. Ano bang mayroon sa mga titig niya? Bakit nakukuryente ako nang bigla-bigla?
Patuloy ang paghilot niya sa kaliwa kong paa hanggang sa mawala iyong pamamanhid.
“Kumapit ka sa akin, aalalayan kitang makatayo...” aniya na ikinatango ko.
Ibinigay ko ang kamay ko sa kanya at dahan-dahan niya akong itinayo. Nakahawak naman iyong kanang kamay ko sa pole habang iyong kaliwa naman ay hawak ni Axl. Inalalayan ako nito hanggang sa maka-upo ako sa hospital bed. Nakahinga ako nang maluwag. Sandali pa akong napapikit upang bumuntong-hininga.
“Wala ka bang kasama rito?”
Hindi ko ito binalingan ng tingin. “Obvious ba? May nakikita ka?”
“Ikaw na nga 'tong tinulungan... Ikaw pa ang may ganang magsungit sa akin ng ganyan. Ni hindi mo man lang ba ako pasasalamatan—”
“Salamat...” sabay irap ko sa kawalan.
“Hayan! Ganyan dapat! Marunong kang tumanaw ng utang na loob!”
Sinungitan ko ito nang hindi niya namamalayan. “Kaya naman... utang na loob kung wala ka ng ibang sasabihin sa akin, lumayas ka na...”
Pumameywang ito sa harap ko. “Bakit ba ang sungit mo?”
“Bakit ba ang dami mong tanong?” pabalang kong sagot sa kanya.
“Kung hindi ka nagsusungit, pabalang ka naman makipag-usap sa akin. 'Yong totoo, saan ka pinaglihi?”
Bumuntong-hininga ako. “'Yong totoo... bakit gustong-gusto mong manghimasok sa buhay nang may buhay?” Pagkatapos kong banggitin ang mga katagang iyon ay tumingin ako sa kanya. Hindi ko namamalayang kanina pa pala siya nakatingin kaya nagtama ang paningin naming dalawa sa isa't isa.
Inilapit nito ang sarili niya sa akin. “Ngumiti ka nga. I think... you are better when smiling...”
Ang mga mata niya. It reminds me of daddy. Hindi ko alam kung bakit o kung paano pero... pakiramdam ko sobrang lapit ko sa kanya. Pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. That's too personal.
“May naisip ako,” aniya at saka tumayo. “Diyan ka lang, ha? Babalik ako!” nginitian niya ako at saka dali-daling lumabas ng kuwarto.
Ilang minuto ang lumipas ay nakabalik na ito. Napansin ko agad iyong dala niya. Isang wheelchair.
“Anong gagawin mo riyan?”
Nginitian niya lang ako. “'Di ba sabi mo... nagpapahangin ka sa bintana kanina? Ngayon... sasama ka sa akin at may pupuntahan tayo.”
Nginisian ko siya. “Hibang ka na ba? I'm not able to go somewhere. Nag-iisip ka ba o talagang wala ka lang isip?”
Inirapan niya ako ng tingin bilang ganti. “Magtiwala ka sa akin... pasyente ka ng ate ko at hindi ako gagawa ng mga bagay na ikapapahamak mo!”
Umiling ako. “Hindi!” sagot ko at saka ito tinalikuran.
What a nonsense! Nasa ospital kami, wala sa palaruan. Paano kung may mangyari sa akin? Pe-Pero, siya lagi ang nagliligtas sa akin. Kaya imposibleng, pababayaan niya 'ko.
Papa, mapagkakatiwalaan naman si Axl, hindi po ba?
“Tara na! Magiging masaya 'to!”
Nilingon ko siyang muli. “Pag-iisipan ko!”
Natawa siya sa sinabi ko. Ikinainis ko iyon. Kahit gaano pa siya kabait, naiinis pa rin ako sa tuwing tumatawa siya. Hindi ko alam. Nakakainis lang talaga iyong tawa niya.
“H'wag mo nang pag-isipan. Wala ka namang isip, eh!”
Pinaningkitan ko siya ng tingin. “Alam mo... ewan ko sa iyo!”
Bumuntong-hininga na lang ang nagawa ni Axl. Kanina pa ako nito pinipilit ngunit hindi niya ako mapapayag. Nilapitan niya ako. Hinawakan niya iyong kamay ko ngunit hindi nagtagal binawi ko iyon.
“Anong ginagawa mo? Isang hawak mo pa sa akin, susuntukin kita!” pasinghal na sumbat ko sa kanya. Kahit kailan talaga. Hindi na siya nagbago simula pa no'ng nagkita kami sa airport.
“Tatlong araw ka nang nakakulong sa kuwartong 'to. Kaya naisip kong ilabas ka. Sa rooftop. Sakto malapit ng maghapon, makikita mo ang paglubog ng araw mula roon.”
Habang nagsasalita ito ay pinagmamasdan ko siya. Nakangiti ito na para bang walang pinoproblema sa buhay. Hindi ko inisip kung ano iyong mga sinabi niya kundi sa kanya lang ang naging atensyon ko sa buong pananalita niya.
Nakapagtataka. Wala sa sarili na lang akong napapahinto sa tuwing nagseseryoso siya. Ano bang mayroon sa kanya? Bakit ako napapaisip ng ganito kalalim?
“Kaya... tara na?”
Napatingin ako sa kamay niya nang iangat niya iyon at ilahad sa harap ko. Tila sinasabi nitong, hawakan ko ang kamay niya.
“Hindi tayo mapapahamak?” tanong ko sa kanya.
Nginitian niya ako. “Hinding-hindi...”
Pagkatapos nitong sagutin iyong tanong ko ay awtomatikong gumalaw iyong kamay ko at hinawakan ang kamay ni Axl.
I can feel the heat of his hand. Pakiramdam ko, gumagaan ang pakiramdam ko. I want this kind of feeling. Gusto kong magtagal ang kamay nitong nakahawak sa kamay ko.
Nasa koridor na kami ni Axl, sa labas ng kuwarto ko. Naka-upo na 'ko sa wheelchair habang si Axl naman ay nasa likod ko. Walang katao-tao roon. Huwag lang talaga kaming mahuli kung hindi masusuntok ko talaga ang binatang ito.
“Are you ready?”
Napa-irap ako ng tingin sa kawalan. “Kapag may nangyaring masama... lagot ka talaga sa akin!”
Nanginig ako nang ilapit nito ang mukha niya malapit sa tainga ko. “I will protect you. I got your back! Kabisado ko ang pasikot-sikot sa ospital na 'to. Ako ang bahala sa iyo!”
Hindi ko namamalayang napapangiti na pala ako ni Axl. Ang saya sa pakiramdam. Tila nagsasaya ang mga alaga ko sa tiyan nang marinig ko ang mga katagang iyon sa kanya.
It reminds me of daddy. Si papa ang mga nagsasabi sa akin ng mga ganoong salita. Parang natagpuan ko ang isang lalaking katulad niya.
Napaawang ang bibig ko nang simulan niyang itulak iyong wheelchair. Binilisan niya iyon. Sa bawat koridor na nadadaanan namin ay napapatawa kami. Para lang kaming naglalaro.
“Hoy! Bagalan mo nga..." natatawang sambit ko sa kanya.
“Relax! Mag-enjoy ka lang, ako ang bahala!”
“Hahaha! Sabi mo 'yan, ah?!”
Para lang akong nakasakay sa roller coaster ride. Pinagtitinginn kami ng mga nadadaanan namin. Sa totoo lang bawal itong ginagawa namin. Ewan ko ba sa Axl na 'to kung anong naisip niyang katarantaduhan.
Nakakita ako ng elevator kaya itinuro ko iyon sa kanya. Hinihingal kaming pumasok sa loob. Pagod na pagod kami.
Mayamaya pay nagkatinginan kami at wala sa sariling tumawa. Ang saya!
Hindi ko akalaing makakatawa pa ako ng ganito. Kailan kaya 'yong huli kong tawa? Matagal na yata!
Nakarating na kami sa rooftop ng ospital. Pagbukas na pagbukas niyong elevator ay agad nang itinulak ni Axl iyong wheelchair ko. Ipinuwesto niya ako sa gitna. Inalalayan ako nito makatayo. Sa aking pagtayo ay nakahawak lang ako sa kanya.
I was so amazed nang makita ko ang kabuuan ng lugar. Napangiti ako. Ramdam ko kung paano humampas ang malamig na simoy ng hangin sa katawan ko. Napapikit ako. Dinama ko ang mga sandaling iyon. Sa pagpikit kong iyon ay hindi ko naiwasang hindi mapaisip kay papa.
[Flashback]
Nakatayo si papa sa hindi kalayuan. Naghahabulan kaming dalawa. Kitang-kita ko kung paano ito ngumiti. Sobrang saya ni papa. Kung ano man ang nakikita ko sa kanya, ganoon din ang nararamdaman ng puso ko.
“Anak, here!” Kinaway-kaway pa nito ang kanyang mga kamay upang makita siya.
Hindi ako nagdalawang isip na sundan ito. “Pa, I'm coming!”
Tumayo ako at nagsimulang tumakbo papunta sa kanya. Hindi siya umalis sa kintatayuan nito at hinintay niya ko hanggang sa mayakap ito.
[End of flashback]
Sa pangalawang pagkakataon ay napaluha na naman ako. Ramdam ko kung paano ako yakapin ni papa. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa mga oras na ito. I still can't recover. Namimiss ko ang papa ko.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Pinagmamasdan ko ang kabuuan ng paligid. Ang langit. Ang mga ulap. Naiiyak ako sa sobrang ganda ng mga iyon.
“You-You're crying...”
Nilingon ko si Axl. Natawa na lang ako sa sinabi niyang iyon. Hindi maipinta ang mukha niya. Tila nagulat ito sa naging reaksyon ko.
“Thank you... Thank you for bringing me here...” Nginitian ko siya kahit pa patuloy ang mga luha ko sa pagbuhos. Ibinalik ko ang tingin ko sa kalangitan. “It's been a while noong una kong masaksihan ang ganda ng kalangitan kasama si papa. And you bring me here... naiisip ko siya...”
“I-I'm sorry...”
Umiling ako. “Hindi. Thank you. Thank you, Axl. Kundi dahil sa iyo, hindi ko mararamdaman ito.” Nilingon ko siya. Hindi ko alam ngunit nakatawa ako. “Ang maging masaya.” Pinunasan ko ang mga luha ko kahit pa patuloy iyon sa pagbuhos. “Ngayon lang ulit ako naging masaya. I've been suffering too much simula noong nawala ang papa ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.” Ibinalik ko ang tingin sa kalangitan. “Pero... sa tuwing titingala ako, naaalala ko ang mga sinabi niya. And it reminds me of being a strong woman.”
Sa mga oras na iyon ay nakaramdam ako ng isang mainit na yakap mula kay Axl. Hindi ko akalaing gagawin niya iyon. I am expecting him to say anything but he suddenly hugged me. Hindi ko na rin hinayang lumagpas ang oras na iyon at niyakap ko rin siya.
“Ang sabi sa akin ni Ate... kapag daw hindi okay ang isang tao, yayakapin ko raw siya ng ganito kahigpit,” rinig kong aniya na ikinangiti ko.
Tama ako ng inakala, ipinalaki ang lalaking ito sa tamang landas. Hindi na 'ko nagtaka dahil kitang-kita ko ito sa tuwing tinutulungan niya 'ko.
Iyon ang gusto kong masagot.
Tadhana, bakit lagi siya ang dumarating sa tuwing kailangan ko ng tulong? May ibig bang sabihin ang mga iyon?
“Axl!”
Agad kaming kumawala sa pagkakayakap sa isa't isa nang may marinig kaming sumigaw ng pangalan ni Axl. Sabay kaming humarap sa likod. Laking gulat na lang namin nang makitang nakatayo sa hindi kalayuan si Ate Dein. Nakapameywang ito at nanlilisik ang tingin sa kapatid na si Axl.
Nagkatinginan kaming dalawa. Pinagtawanan lang namin iyon. Kitang-kita ko kung paano ito bumungisngis. Mas bagay niya ang nakangiti.
Ngunit nararamdaman ko na may mapapagalitan dito. Si Axl iyon, at dahil dinamay na niya ako sa katarantaduhan niya, eh, 'di kasama na rin ako.
Alam ko nang mahuhuli kami sa una pa lang!
But... that was amazing. Sobrang saya ko ng mga oras na iyon. Si Axl, masaya akong nakilala ko siya.