NAKABABA na kami ng rooftop dahil iyon ang utos sa amin ni ate Dein. Hindi maipinta ang mukha nito sa galit. Kaming dalawa naman ni Axl ay patago pa ring tumatawa. Siraulo talaga 'tong lalaking 'to!
Tulak-tulak pa rin ako ni Axl nang makarating kami sa hallway. Sinusundan lang namin si ate Dein na kasalukuyang nangunguna sa paglalakad namin.
“Galit ba siya?” pabulong na tanong ko kay Axl.
Natatawang nagkibit-balikat ito. Hindi ko rin napigilan ang pagtawa ko. “Obvious naman, 'di ba?”
Huminto kami sa tapat ng kuwarto ko. Hinarap naman kami ni ate Dein. “I saw everything that you two did in the hallway. This is a hospital, not a playground for you to play!”
“A-Ate—” Magsasalita na sana si Axl nang bigla akong sumingit.
“Ate Dein, pa-pasensya na po kayo. Ako po kasi 'yong nagpumilit na pumunta sa rooftop. I-I was so blue in my room so, I ask him for a favor na kung puwede sana gusto kong mapanood ang paglubog ng araw,” pagpapaliwanag ko kay ate Dein. Hindi naman sigurong masamang pagtakpan si Axl. Ito na lang ang bilang ganti ko sa mga kabutihang ginawa niya sa akin.
Napansin kong nagkatinginan iyong dalawang magkapatid. “Promise me na hindi na mauulit 'yon!”
Tumangu-tango na lang kami ni Axl dahil doon. Pagkatapos ay itinulak na nito ang wheelchair papasok sa kuwarto ko. Inalalayan niya 'kong makalapit sa kama.
“I told you na mapapahamak tayo riyan sa kagagawan mo!” inis na sambit ko sa kanya habang tinutulungan niya 'kong maka-upo sa hospital bed.
“Why? You're gonna punch me again?” natatawang aniya.
Bakit ba ang dali para sa kanyang tumawa ng ganyan? Napagalitan na nga kami ngunit masayahin pa rin ito.
Pasimple akong napangiti. “Hindi. Kawawa ka naman kung susuntukin pa kita!”
Napahagikgik na lang ito. Pagkatapos niya 'kong tulungan ay humarap ito sa akin. “So... mauuna na 'ko?” sabay turo niya sa labas. Nakasiwang kasi iyong pinto at hindi na niya ito isinara.
Tinanguan ko ito. “Sige,” tipid na sagot ko.
Nginitian niya ako bago ito makaalis. Hindi ko alam ngunit wala sa sariling nawala ang ngiti ko nang maka-alis na siya.
Panandaliang saya? Hmm... mabuti naman na iyon dahil kahit papaano ay naranasan kong maging masaya at maging okay kahit pa sa kaunting oras man lang.
Thank you because you let me see the beautiful sunset today, Axl.
DHAN AXL'S POV
KALALABAS ko lang ng kuwarto ni Nicole nang tambangan ako ni ate Dein. Nakatayo ito malapit sa nurse station na walang tao. Bale kaming dalawa lang ngayon ang nasa hallway. Hindi pa rin maipinta ng maayos ang kanyang mukha.
“What?” tanong ko sa kanya.
Inirapan niya ako ng tingin at saka ito nagkrus ng mga braso. “Alam mo ba 'yang mga ginagawa mo?”
“Ate, you can't blame me. She wants to have fun. Gusto ko siyang tulungan.”
“Really? Without thinking of my reputation here as a doctor in our hospital? Nakakahiya ka!” aniya ng may diin sa bawat salita nito.
Napayuko ako dahil sa mga katagang inilabas ng mga bibig niya. Napahawak ako sa batok ko at hinaplos iyon.
Sandali ring natigilan si ate nang may mapansin itong dumaan sa likod ko. Tila pinalabas niya lang iyong taong iyon para makapagsalita siyang muli.
“You're dating her sister, aren't you?”
Natigilan ako sa paghaplos ng batok ko. Sa sobrang pagtataka ko ay nag-angat ako ng tingin kay ate. Naguguluhan ako. “Her sister?”
“Yup! Her sister, Nheia.”
Napa-awang ng wala sa oras ang bibig ko. Nag-iwas ako ng tingin.
Wala akong ka-alam-alam na magkapatid silang dalawa. Bakit hindi ko man lang nakikita rito si tita Niña at Nheia kung ganoon?
“You're dating Nheia, right?” Nagkatinginan kami ni ate. “It's going to be the problem if you get attached with that woman. Alam mo na siguro kung ano 'yang mga pinapasok mo, Axl.” Bumuntong-hininga ito at saka iniwan akong mag-isa sa kinatatayuan ko.
Napatingala ako at napahawak sa sarili kong batok. Napalingon ako sa pinto ng kuwarto ni Nicole. Ang mga ngiti niya kanina, walang katulad ang mga iyon. Ngayon lang ako nakakita ng ganoong babae sa buong buhay ko. Kakaiba siya. Hindi maalis sa isip at ala-ala ko iyong mga ngiting iyon. Hindi ko akalaing mabibigyan ako ng pagkakataong masilayan ang mga ganoong kagandang ngiti.
Sa gitna ng pag-iisip kong iyon ay nawala rin ang mga ngiti sa labi ko. Naisip ko iyong mga sinabi ni ate Dein. She's right, I'm dating Nheia for the sake of our company. That's all. No feelings are involve.
Pabalik na 'ko sa kuwarto ng kapatid kong si Aqi nang mapahinto akong muli. Nakita ko si Nheia na naglalakad papunta sa gawi ko. She plastered a smile on her face when she saw me. Agad siyang tumakbo para lapitan ako.
“Hey...” Hindi maalis ang ngiti nito sa labi. “What are you doing here? A-Ang akala ko nasa office ka pa kaya hindi na kita pinuntahan.”
Hindi ako nakasagot. Nakatulala lang ako sa harap niya. Tila naguguluhan pa rin ako dahil sa sinabi sa akin ni ate.
“Nh-Nheia...”
Kumunot ang noo nito dahil sa pagtataka na animoy siya rin ay naguguluhan dahil sa ipinapakita kong reaksyon sa kanya. “A-Are you okay? May problema ba? You seem... confused.”
Umiling na lang ako. “Sorry, Nheia, but I have to go. Excuse me.” Agad ko itong nilagpasan at nagmadali sa paglalakad.
“Hey! Axl!”
Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Hindi pa rin malinaw ang lahat sa akin. Akala ko pa naman hindi sila magkakila ngunit sinira niyon ang akala ko. Magkapatid sila. Si Nicole at si Nheia, they are sisters.
I just want to put a smile on Nicole's face. Alam kong hindi ganoon kaganda ang pagkikita namin sa airport ngunit hindi ko ikakailang nakuha agad nito ang atensyon ko. She was simply likeable that time. When I first saw her... I dont know! Pero alam kong parang may kung ano sa dibdib ko nang makilala ko siya.