Kabanata 21: Imbitasyon

2017 Words
NICOLE AYESHA'S POV UMAGA na at nakahilata pa rin ako sa kinahihigaan ko. Hindi maganda ang naging tono sa akin ni Nheia kagabi. Hindi ko nagustuhan ang tabas ng pananalita niya. Bakit ba siya ganoon? Did I do something wrong to make her feel bad like that? Tumayo ako at hinila iyong laptop sa gilid ko. Sa sobrang pagkaburyo ay naisipan kong maglaro na lang upang makapaglibang. As usual, I checked my message box if someone messaged me. Umaasa akong naka-online iyong lalaking nakalaro ko noon. [Wanna play again?] His name popped up on my screen. I'm smiling while typing my reply to him. [I would love to play with you] [Great! Break a leg, my heart!] Wala sa sarili akong natawa dahil sa sinabi niyang iyon. “Nababaliw na ba siya? Or he's just a funny one. Nakakaloka!” Nagsimula na ang laro namin. Gaya ng dati ay siya pa rin ang nakararami ng patay. Puro assist lang yata ang natatanggap ko. He is a good gamer. Napanghahalataang babad sa kompyuter ang lalaking 'to. Pasugod na 'ko nang bigla akong i-ambush ng kalaban. Todo iwas ako para hindi mamatay. Mayamaya pa'y dumating siya para i-cover ako kaso siya itong namatay at nakaligtas naman ako. [Why did you do that?] tanong ko sa chat box [I'm your shield, your knight and shining armor, my heart!] Napahagikgik ako ng wala sa oras. Nagkibit-balikat ako. I know he is just making fun of me. Nambobola lang siya at pinapaikot lang niya 'ko kunwari sa mga sweet words na binibitiwan niya. Hindi na 'ko magtataka. Karamihan sa mga lalaking gamers ngayon ay mga manloloko na rin. Natapos ang laro at kami ang panalo. In-expect ko na iyan na kami ang mananalo, sobrang taas ng lamang namin kaysa sa kalaban. Hindi na 'ko magtataka, baka pro player talaga siya. Kinuha ko 'yong tumbler bottle sa side table ko at saka uminom ng tubig. Habang umiinom ay chineck ko ang message niya sa akin. [I may not be the best player but I promise to protect you...] Muntik ko nang iluwa iyong tubig sa loob ng bunganga ko dahil sa mga katagang iyon na nabasa ko. “Nasisiraan na ba siya?” [You might be crazy, LOL! Ang galing mo kayang maglaro! Pro player ka 'no?] I replied to his message. [Aminadong pro player pero hindi manloloko.] Umiling ako at natatawang nag-type ng sasabihin ko. [Asus! Bulok na 'yang mga salitang 'yan!] [Believe me!] Napabuntong-hininga ako. [Whatever! Bye, I've gotta go! Ingat.] Iyon na ang huli kong nireply sa kanya at saka isinara iyong laptop ko. Nagdesisyon akong bumaba na para kumain. Puro alalay pa rin ang paglalakad ko para hindi iyon masaktan o magkaroon ng implikasyon. Ayoko nang bumalik sa ospital, ano? Bago pa man ako makalabas ng kuwarto ay napahinto ako sa harap ng veranda. Salamin ang ilang bahagi ng bintana ko sa kuwarto kaya nakikita ko ang nangyayari malapit sa pool area at pagpasok ng gate. Napansin ko ang pagpasok niyong isang kotse sa loob, laking pagtataka ko kung sino iyon. Napaisip na lang ako na baka si Tito Alfred iyon at kararating lang galing sa tinatapos nilang project sa Cebu. Paglabas ko ng kuwarto ay hindi pa 'ko tuluyang bumaba ng hagdan. Pinagmasdan ko ang pagpasok ni Tito Alfred at saka ni Nheia. Tila may problema. Hindi maiguhit ng maayos ang mukha ni Nheia. Gulo-gulo ang buhok nito at tila nag-away pa yata iyong mag-ama. Nagkatinginan kami ni Nheia nang maka-akyat ito sa itaas. “Nheia...” sambit ko sa pangalan niya. “This is all your fault, Nicole!” may diin sa pagkakasabi nito. Sinamaan niya 'ko ng tingin at saka nagtungo sa kuwarto niya. Padabog niyang isinara iyong pinto. Bumaba ako ng hagdan. Habang bumababa ay nakakapit ako sa mahabang hawakan niyon. Nakita ako ni manang kaya tuluyan niya na 'kong tinulungan. “Ano pong nangyari?” Hindi ko inakalang makakasabat ako sa usapan nina mama at tito Alfred. Sandali nila akong tinitigan at saka sila nagkatinginang muli. “I don't tolerate this kind of action of your daughter, Niña.” Iyon ang mga salitang lumabas sa bibig ni tito Alfred. “Excuse me...” Nagpaalam ito at saka nilisan ang puwesto niya. “I'm sorry to interrupt you but... what happened to Nheia and Tito Alfred?” naguguluhang tanong ko. Umiling ito at hinawakan ang braso ko. “Hayaan mo silang mag-ama. May tampuhan lang ang mga iyon. Have you eaten? Ipaghahain kita.” Hindi na 'ko nakasagot at saka ngumiti na lang. Siguro nga may tampuhan lang si Nheia at papa niya. Grabe rin kasi kung magalit itong kapatid ko. Walang sinasanto. Kahit ako ay hindi niya pinatawad. Kung ano-ano ang sinabi niya sa akin kagabi. Isa lang ang pinagtataka ko, sino 'yong mga kasama niya kagabi? Hindi ko ito pinaniniwalaan sa mga sinabi niya. Parang may kung anong ginagawa itong mali na hindi man lang nito sinasabi sa amin. Narito ako sa labas ng bahay malapit sa pool area. Dito ako nagpahain ng pagkain. Habang nagbabasa ng libro ay umiinom naman ako ng gatas. Malamig ang simoy ng hangin dito, payapa at tahimik. Pero iba pa rin kapag nasa probinsya ka. “Excuse me, ma'am...” Nag-angat ako ng tingin sa isang maid na kararating lang sa gilid ko. May dala itong invitation. Laking pagtataka ko kung para saan iyon. “Ano ho ito?” tanong ko at kinuha iyong invitation sa kanya. “Hindi ko po alam, ma'am. Ang sabi lang po sa akin ni madam Niña ay ibigay ko ho sa inyo iyan...” nakangiting sagot niya. Tinanguan ko ito. “Salamat po...” Nang maka-alis iyong maid ay saka ko naman binuksan iyong invitation. Christmas masquerade ball ang nakasulat doon. Nang buksan ko iyong front page, agad kong nakita ang list ng mga dadalo. Most of them ay galing sa mga mayayamang pamilya, kabilang din ang pamilya nina Mama at ni Tito Alfred kasama si Nheia. At iyong pangalan ko ay nasa huli. Okay na rin iyon dahil kahit papaano ay itinuturing na rin nila ako bilang parte ng pamilya nila. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang list ng Fabellar family. Hindi ko inakalang kasama rin pala sila rito. “Fabellar?” pagtataka ko. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay napangiti agad ako. Agad kong hinanap ang pangalan ni Axl. “Dhan Axl pala, ah!” nakakalokong sambit ko sa tunay na pangalan nito. Pangalan pa lang ay pogi na, paano pa kaya kung makita siya nang harapan. Teka, bakit ko ba nasasabi ang mga katagang iyon? Itinuro ko ang mga pangalan nila sa invitation at sinubukang banggitin ang mga iyon. “Hhmm... Dein Alice... Dhan Axl... and the last one is... Dant Aqious. Mga pangalan pa lang mukhang bigatin at mayayaman na.” Hindi na nakapagtataka dahil may sarili ng ospital si ate Dein. Ang galing. Manghang-mangha ako sa serbisyo niya. Isa siyang napakagaling na doktor. “Uy... uy... mukhang ang lawak ng ngiti natin ngayon, ah?!” Nag-angat ako ng ngiti nang makarating si manang sa harap ko. May hawak siyang tray na may lamang ice cream para sa akin. Kinuha ko na iyong hawak niya upang hindi na ito mahirapan. “Salamat po, manang...” at saka ko inilapag iyong tray sa mesa. “Ay, manang. Kilala niyo po ang pamilya nila?” Ipinakita ko kay manang ang imbitasyon. Tumangu-tango ito. “Kilalang-kilala ko ang pamilya Fabellar. Marami na rin silang building na naipatayo sa iba't ibang lugar dito sa Pilipinas. Hindi maikakailang sobrang yaman talaga ng pamilya na nila.” Napaawang ang bibig ko na tila na-a-amaze sa mga sinabi ni manang. Ngunit hindi ko maiwasang hindi magtanong. “Ganoon niyo po sila kakilala, ano, manang?” “Oo naman. Hindi mo ba alam na kasosyo nila ang pamilya niyo?” Nagtaas ako ng kilay. “Pamilya po namin? As in, sina mama, Tito Alfred at Nheia?” “Ano ka ba naman, Nicole... syempre kasama ka na rin sa pamilya nila...” Nagkibit-balikat ako. “Arcueda ho ako, manang at hindi po isang Marquessa.” Lumapit ito sa akin at niyakap ang balikat ko. Isinandal ko pa ang ulo ko sa kanya. Hinaplos-haplos nito ang balikat ko. Masarap iyon sa pakiramdam. Namiss ko tuloy bigla si tita Olivia. “Alam mo, anak. Kahit pa may bago ng pamilya ang mama mo, eh, hindi ibig sabihin niyon ay pababayaan ka na niya. Ikaw pa rin ang panganay, at parte ka na rin ng pamilya. Masaya kami na nagbalik ka na rito, h'wag ka na ulit aalis, ha?” “Salamat po, manang.” Ngumiti ako nang kumawala ito sa pagkakayakap niya sa balikat ko. “Oh, sige na at ako'y mauuna muna. Marami pa kaming aasikasuhin sa kusina.” Tumango ako. “Ingat po kayo.” “Pati ba naman si manang dadramahan mo? Eww, sipsip ka girl?” Nilingon ko kung sino iyong nagsalita sa likod ko. Hindi ko napansing naro'n pala si Nheia. Naka-swimsuit attire ito at sa tingin ko'y magsi-swimming. “Kanina ka pa ba riyan?” tanong ko sa kanya. Sinungitan niya 'ko. “Hindi naman pero dinadramahan mo si manang, right? Ano 'yon, sumisipsip ka? Straw ka girl?” Tumayo ako sa kinauupuan ko. “Ano bang problema mo?” Lumapit ito nang kaunti sa akin. “You! Ikaw ang problema ko. Kunwari kang nagsasakit-sakitan para ano... alagaan ka ni mama? Mapunta sa iyo ang atensyon niya?” Umiling ito. “Hindi uubra sa akin 'yang mga paganyan mo, Nicole! Tandaan mo, sampid ka lang dito!” “Anong sakit-sakitan 'yang sinasabi mo? Excuse me, naaksidente ako at hindi ko sinadya 'yon. Sampid?” Natawa ako ng pagak. “Sa pagkakaalam ko, kami ang mas nauna ni papa kaysa sa inyo...” “Kayo nga ang nauna, pero kami ang huli at pinili. Nasa'n ka ba ngayon? Narito ka lang naman sa pamamahay ng mga Marquessa. In short, wala kang karapatan. At kahit ilang beses mo pang ipaglaban 'yang papa mo, hinding-hindi na siya babalik! Hindi na kayo mabubuo dahil kami na ngayon ang bagong pamilya ng mama mo!” Hindi ko na napigilan ang galit ko sa babaeng ito kaya agad ko siyang sinugod at sinabunutan. “Bawiin mo 'yang mga sinabi mo!” sigaw ko. Hawak-hawak ko ang buhok niya. Ni hindi niya 'ko kayang saktan pero ako, banatan ko pa ng buto 'to, eh. “No! Hindi ko babawiin ang mga nasabi ko na dahil iyon ang totoo! Tanggapin mo na kasi na sirang-sira na 'yang pamilya mo at kami ang pinili ni mama!” Hinila ko ang buhok niya at kinaladkad ito. Hindi ko pinalagpas ang pagkakataong iyon dahil alam kong doon lang ako makakabawi. “Nicole... Nheia... Stop it! Tumigil kayo!” Binitiwan ko na lang si Nheia nang magsimula na itong humagulgol sa iyak. Dumating na rin si mama at ilang mga maid para awatin kami. Pumagitna si mama. “Ano bang nangyayari dito? Ano ba naman kayo?! Hindi na kayo bata para mag-away...” “She attacked me first! 'Yang magaling mong anak, sinasaktan ako!” pagsisinungaling ni Nheia. Binalingan ako ng tingin ni mama. “Tama ba ang sinasabi ni Nheia?” “She was right—” “See? Narinig mo ba ang sinabi niya, mama? She's crazy!” sigaw ni Nheia habang tinutulungan siya ng mga maid upang makatayo. “Nicole... Why did you do that? Hindi mo dapat sinasaktan ang kapatid mo...” Umiling-iling ako. “You know nothing... Stop acting like you know what happened...” Sandali kaming nagkatitigan at saka tumalikod na. Nakakasawang magpaliwanag ng paulit-ulit. Ayoko nang humantong pa sa sagutan ang lahat. “Sige, umalis ka! Huwag ka nang babalik!” rinig kong sigaw ni Nheia. “Nheia, tama na...” iyon naman ang narinig ko mula kay mama. Hindi ko alam kung ano ang hindi nila maintindihan, lalo na si mama. Naiinis ako sa tuwing binabalewala niya ang sitwasyon namin. May karapatan din naman siyang ipagtanggol ako dahil anak niya 'ko. At mayroon kaming nakaraan kasama si papa. Ganoon ba kabilis ang makalimot?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD