Kabanata 8

2000 Words
Kabanata 8 [Warning: This contains scenes that may trigger someone's dark experiences. Read at your own risk.] Tungga pagkatapos ng bawat tungga hanggang sa mawala ang pait na lasa ng alak sa aking dila. Habang tumatagal ay tumatamis din ito kaya hindi ko namamalayang nakarami na ako. Alam kong umepekto na ang alak nang makaramdam ng pagkahilo ngunit tumayo pa rin ako ng tuwid saka hinanap si Yna. Habang nasa gitna ako ng dance floor ay naramdaman ko ang paghawak ng isang lalaki sa aking braso. "Dance with me," sabi ng isang kano. Matangkad, maputi, at mabango. Napangiti ako. "Sure! But I am working! It's bawal," saad ko saka tinuro ang tray. "They can wait. Just 1 minute, pretty please?" pa-cute na saad niya kaya napapayag rin niya ako. Nawala bigla ang hiya ko sa katawan dahil na rin sa impluwensiya ng alak. Kung ganito ako ka-kumpiyansa palagi ay iinom na rin siguro ako ng alak sa tuwing mag-d-duty ako. Ngunit hindi naman pwede iyon. Hindi pa niya nahahawakan ang baywang ko nang biglang may humila sa akin mula sa likuran saka hinapit ang baywang habang nakatalikod ako. Nalaman ko kaagad kung sino iyon dahil sa amoy nitong nanghihimasok ng sistema. Magkadikit ang aming katawan at mula sa likod ko ay ramdam na ramdam ko ang kanyang mainit na hininga sa aking tainga habang ang kamay niya'y nakahawak na sa aking tiyan at pababa iyon nang pababa kaya abot abot naman ang aking kaba dahil sa takot na suotin niya ang bagay sa pagitan ng hita ko... sa harap ng maraming tao. Awkward ko namang tiningnan ang kano sa aking harap at ngitian lang ako nito saka umatras. Nagulat ako nang bigla akong inikot ni sir Steve at ngayon ay magkaharap na kami. Matapos ang kanta ay mabilis ko siyang iniwan at hindi na hinintay pa na magsalita siya dahil tumahip tahip na ang aking dibdib sa biglaan niyang entrada kanina. Para pakalmahin ang sarili ay mabilis akong kumuha ng alak saka iyon tinungga at dumiretso na sa aming quarter. Hawak hawak ko ang ulo ko dahil tuluyan ng sinasakop ng alak ang sistema ko. Kinabahan ako nang bigla akong ipatawag ng aming manager at kahit medyo nahihilo ako ay nakaya ko namang pumasok sa opisina ni boss. "Atasha! What did you do? Why did you dance with our customer and even drink? Gusto mo bang makaltasan ang sahod mo?" galit na sabi ng binabae naming manager habang maarateng humalukipkip. "So-sorry po..." tanging bulalas ko saka yumuko nang sa ganoon ay hindi niya mahalatang tinamaan ako ng alak. Mabilis akong nalasing dahil galaw ako nang galaw at aminado naman ako doon. Sandali siyang kumalma saka bumuntong hininga. "Pagbibigyan kita ngayon dahil ikaw ang malakas humatak ng tip. But next time, do not do it," saad niya kaya nakahinga ako. "Opo, boss. Aalis na po ako," paalam ko at bago pa ako makalabas ay narinig ko siyang nagsalita. "Pumunta ka sa VIP room 3. May isang customer doon na naghihintay sa'yo. Hayaan mo na si Yna dahil kayang kaya na niya ang assigned room niyo kanina," wika niya kaya tumalima naman ako. Bago ako pumasok sa sinabi ng manager ay ngumiti muna ako nang sa ganoon ay hindi ako magmukhang masungit. Binuksan ko ang pinto at nagulat ako nang makita ang iisang lalaking nakaupo sa couch na tila kanina pa naghihintay. "Ano pang tinitingin-tingin mo diyan? Umupo ka," utos niya kaya sumunod naman ako habang busangot ang mukha. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang sinabi niya sa akin kanina na mabilis akong makuha at isa raw akong tanga. Nang agawin niya ako kanina mula sa kanong gustong isayaw ako ay tila pag-aari niya ako kung bakuran niya. "Anong kailangan mo sa akin, sir?" mariing saad ko sa huling sinabi nang maramdaman niyang galit ako sa kanya. "Stop acting cold, Atasha. Hindi mo bagay," wika niya kaya naiinis ko siyang tinalikuran at naglakad palapit sa pintuan para sana layasan na lang siya. "Subukan mong umalis, pipigilan kita at aangkinin nang marahas dito mismo sa loob," babala niya kaya nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Grabe ka naman, sir! Maghanap na lang po kayo ng ibang 'aanuhin' dahil hindi ko na po nagugustuhan ang mga lumalabas sa bibig niyo. Nakasasakit na po kayo ng damdamin," prangkang wika ko. "Kung ganoon ay umupo ka at samahan mo ako rito," saad niya pa at napansin ko ang makapal na librong hawak niya. Napakunot ang aking noo. Pati ba naman sa bar ay dinadala niya ang kanyang trabaho at nagbabasa pa rin tungkol sa kasalukuyang hawak na kaso. Ilang sandali pa ay tumunog ang kanyang cellphone ngunit nang makita niya ang nasa screen ay pinatay niya kaagad ang tawag. Muli itong tumunog nang paulit-ulit hanggang sa narindi ito at sinagot sa huli ang tawag. "What do you need?" malamig na tanong niya sa kabilang linya. Naka-on ang loud speaker ng tawag at hindi ko alam kung aalis na ako o hahayaan na matapos ang usapan nila ng taong nasa kabilang linya. "Kumusta ka na?" saad ng boses babae. Naging blanko ang kanyang emosyon. "I am fine," malamig na sagot niya sa kausap saka pinatay ang tawag. Nararamdaman kong may hindi ito magandang relasyon sa kausap base sa kanyang naging reaksiyon at tono ng boses. Bumalik sa libro ang kanyang mga mata saka tahimik na nagbasa. Mabuti at hindi patay-sindi ang ilaw sa loob ngunit ang hindi ko maintindihan ay nagagawa pa niyang i-proseso ang mga impormasyong binabasa kahit na medyo maingay ang paligid. Matapos ang ilang sandali ay binaba niya ang hawak at nagsalin ako ng alak sa kanyang baso. "Sabayan mo ako," saad niya ngunit umiling ako. Kailangan kong mag-behave muna nang sa ganoon ay hindi na naman mapahiya. "Akala mo siguro ay nakalimutan ko na ang ginawa mo," saad niya saka ako sinamaan ng tingin. Sumimsim siya ng alak at napatitig ako sa kanyang labi nang dilaan niya ang gilid nito at tila sinisimot ang alak sa labi. Sumandal siya sa couch saka madilim akong tinitigan. "Ano pong kasalanan ko?" inosenteng tanong ko dahil wala naman talaga akong ideya sa kanyang sinasabi. Ang totoo'y siya ang may kasalanan sa akin dahil sa mga sinabi niya sa akin kanina. "Bakit mo ako tinakbuhan kagabi?" Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang tinutukoy niya. Umiwas ako ng paningin dahil naaalala ko na naman ang gabi kung kailan nito kinuha ang pagkainosente ko. "Answer me," mariing sabi niya kaya inangat ko ang paningin. "Kasi wala naman na pong ibang rason para hinatayin pa kitang magising sir. May ginagawa pa po ba pagkatapos no'n?" "Of course! Other couples do some cuddles! Pero optional naman iyon. Ang sa akin lang, Atsha, pangit ba ako para takbuhan mo? Ikaw ba ang lalaki sa atin, hah?" Ramdam na ramdam ko ang pagkainis sa kanyang boses. Kung hindi iyon inis ay siguro, nainsulto siya sa aking ginawa. Hindi ko naman kasi alam na kailangan pa palang maglambingan pagkatapos gawin ang bagay na iyon. Pero nakakailang naman ang makipaglambingan gayong alam naman naming pareho na hindi kami nagmamahalan at naganap lamang ang pangyayaring iyon dahil sa isang kasunduan. "Sir, hindi naman po tayo magkasintahan, 'di ba?" tanong ko saka nagsalin ng alak sa baso at ako na rin ang tumungga. Nagulat ako nang ibagsak niya sa mesa ang baso ng alak na wala ng laman saka ako marahas na tinitigan. "What is your problem? Ikaw ang babae kaya dapat ikaw ang maghabol at ako naman ang tatakbo. Babae ka ba talaga, Atasha? O pinagawa mo lang 'yang mayroon ka?" insultong tanong niya kaya nagpupuyos kong sinampal siya. "Gàgo ka pala sir, eh!" singhal ko at nahihilong tumayo saka binalingan ito ng nakamamatay na tingin. "Ito? Pinagawa ko?" hindi makapaniwakang saad ko habang nakaturo sa aking dibdib ang aking kanang kamay. "Masama ang mambintang, Attorney Rojas. Pupusta ka ba? Kung peke ito, pwede mo akong ipasisante sa trabaho. Kung ito'y totoo, kailangan mo akong bigyan ng limang libo," naiinis na wika ko saka inilapit sa kanyang mukha ang dibdib. Nakita ko ang paglunok biya bago sumagot. "Deal." Ako na mismo ang humawak sa kanyang mga kamay at pinadapo ang mga iyon sa bagay na nakabalandra na sa kanyang harapan. "Ito? Peke?" bulalas ko at tumawa ng peke. Sa tingin ko ay namumula na ako sa pinaghalong inis at kalasingan. Nang tatanggalin ko na sana ang mga kamay niyang pinadapo ko sa aking harap ay ayaw na niyang alisin ang mga ito at nakita ko ang pagsilay ng multong ngiti sa gilid ng kanyang labi. "B-Bitiw na," saad ko nang mahimasmasan sa nakakahiyang ginawa. Napakalaswa! Hinímas niya iyon kaya napapikit ako. "Totoong totoo nga. Pero hindi pa rin ako kumbinsido. Kailangan kong isubo ang gàtas mo nang sa ganoon ay manamnam ko kung tunay nga ito," saad pa niya na siyang nagbigay sa akin ng pinakamalaking kahihiyan sa buong buhay ko. Naisahan na naman ako ng isang marahas at mautak na attorney. "S-sir... H-hindi pwede..." daing ko nang bigla niya akong hilain at patalikod na pinaupo sa kanyang hita. "Hinahamon mo ako kanina ng pustahan. Nasaan ang tapang mo? Ngayong pinatulan kita, aatras ka. Huwag kang mag-alala, gagawin kong triple ang panalo mo," wika niya saka nilagay sa aking bulsa ang isang cheque. "Panalo ka nga, pero sa tingin mo, hindi ko alam na totoo ang mga ito?" dagdag niya. "Walang hiya ka talaga, Attorney Rojas! Bitiwan mo ako!" singhal ko at tutumba tumba na rin ako sa kanyang ibabaw dahil malakas pala ang tama ng alak na ininom ko mula sa kanyang binili. Oo nga pala. Paanong hindi niya alam na totoo ang mga ito gayong hindi ito ang unang beses na nahawakan niya ang dibdib ko. "Kakasuhan kita! Mapagsamantala ka!" Tumawa siya saka ako lalong ikinulong sa kanyang mga braso. "Magsasampa ka ng kaso sa sarili mong lawyer? Paano ang set-up natin kung ganoon? Ipagtatanggol kita mula sa akin?" pang-aasar niya pa. Hinalikan niya ang leeg ko kaya bigla napukaw ang isipan ko sa kanyang mga labing alam na alam kung nasaan ang aking kiliti. Napapikit ako. "Sinong maniniwalang pinagsàmantalahan kita gayong sarap na sarap ka sa bawat halik ko?" bulong niya kaya napamulat ako. "Excuse me po, attorney? Ako?" turo ko sa sarili, "sarap na sarap po?" hindi makapaniwalang saad ko saka tumawa. "Paano po ako masasarapan? Gayong noong una kang pumasok sa loob ko ay halos hindi kita maramdaman?" pang-aasar ko pabalik dahil punong puno na ako sa halo-halong pinaparamdam niya sa akin. Minsan ay tila nababagot ito sa presensiya ko kaya nagiging antipatiko. Minsan ay tinuturing niya akong tanga. Ngunit ang hindi ko maintindihan, minsan ay tila gustong gusto niya naman akong makasama. "I know that my size is bigger than average at alam kong umiyak ka noong gabing iyon," preskong wika niya. Mahirap siyang basahin. Kaya naman ay ako na lamang ang mag-a-adjust. Sa susunod na kakausapin niya ako sa mga bagay na walang kinalaman sa kaso ko ay hindi na ako makikipag-usap pa sa kanya. Mas maiging maging malamig na lamang ako kaysa paulit ulit niyang ipapamukha sa akin na isa lamang akong probinsyang mabilis maloko. Buong pwersa kong inalis ang kamay niyang nakapulupot sa aking baywang saka siya malamig na tinapunan ng tingin. "Umuwi ka na attorney. Hindi na po ako natutuwa sa'yo. O baka gusto mong ipagbukas pa kita ng pinto ng sarili kong bahay," pabalang kong bulalas ngunit tinawanan lang ako nito. "Galit ka na ba, Atasha?" Hindi ako nagsalita saka kinuyom lamang ang palad ko. "Sa susunod na magalit ka ay sana iyong hindi ka lasing. Sa halip kasi na matakot ako sa'yo ay lalo lang akong natutuwa. Remember, nasa bar tayo at hindi ito ang tahanan mo." Kinindatan pa niya ako kaya nagdadabog akong pumasok sa cr para pagalitan ang sarili sa pagkakamali. Kailan kaya ako malulubayan ng sira ulong attorney na iyon? Sana ay matapos na kaagad ang aking kaso nang mabuhay na rin ako nang payapa. Iyong malayo sa antipatiko at tusong lalaki na iyon. Pagtatapos ng kabanata 8.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD