Kabanata 9

1749 Words
Kabanata 9 Inaantok kong nilapitan ang biometric scanner saka nag time out na bandang alas 3 ng umaga. Nakatayo ako sa gilid ng kalsada habang ang sundo ni Yna ay papalapit na kaya maiiwan na lamang akong mag-isa sa kinatatayuan malapit sa poste. Napansin ko ang lalaki sa kabilang gilid ng kalsada at nakasandal ito sa kanyang kotse habang kinakalikot ang cellphone at panay ang tingin sa kanyang orasan. Nang iangat niya ang mukha ay nakita kong si attorney Rojas iyon kaya napakunot ang noo ko. Akala ko ay kanina pa siya nakaalis ngunit narito pa siya at tila may hinihintay na kasama. Bagaman medyo nahihilo pa ako, conscious pa rin ako sa aking ginagawa at alam ko rin ang aking uuwian. Hindi ko siya pinansin at binaling ang paningin sa kalsada. Napaayos ako ng tindig nang magtama ang aming paningin saka ito sumakay at tinigil sa tapat ko ang kanyang magarang kotse. Lumabas siya mula sa loob at nakapamulsang naglakad palapit sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit bumibilis ang kabog ng dibdib ko gayong papalapit lang naman siya at wala pang ginagawa. "Ride with me," aniya sa baritonong boses at mahahalatang nakainom. Umihip ang malakas na hangin at tila naiwan sa ere ang aking kaluluwa dahil sa kakaibang pakiramdam na dulot ng kanyang presensiya. Humigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng aking itim na shoulder bag saka umiling. "Sasakay na lang po ako ng taxi." "Tsk, tinatanggihan mo na ako. What if...tanggihan ko ring i-proseso ang kaso mo? What if...mahanap ka rito ng mga taong naghahanap sa iyo sa probinsiyang pinagmulan mo? What if... Isuko kita sa mga pulis?" Nagbabanta ang kanyang boses kaya napayuko. "There's so many what ifs... Paano kung mangyari ang lahat ng iyon? Ngayon sasakay ka pa ba o hindi na?" dagdag niya kaya mabilis akong sumagot. "Sasakay na po ako!" sagot ko at dumiretso na sa tapat ng pinto ng kanyang kotse at hindi na siya hinintay na ipagbuksan ako. Napakagaling talagang mangumbinsi at pasunurin ang mga taong nasa paligid niya. Aaminin ko, natakot ako sa mga sinabi niya. Paano kung totoong makulong ako? Paano na ako kung ganoon nga ang mangyari? Saan na ako pupulutin? Paano na ang pamilya ko? Pumasok siya sa kotse at binalingan muna ako nito bago nagsalita. "Pumunta ka sa bahay ko bukas at simulan na nating i-proseso ang kasong kinasasangkutan mo. Gather all the details you know. Alalahanin mo ang lahat ng detalye kahit pinakamaliit na bagay man iyan dahil makatutulong iyon sa kaso mo," paliwanag niya. "Naintindihan?" dagdag niya kaya tumango ako. "Opo, attorney." Pinaandar niya ang kanyang kotse. Akala ko ay babaliktad na naman ang sikmura ko dahil sa tuwing sasakay ako sa air-conditioned na sasakyan ay nahihilo ako. Mabuti na lamang at mabango ang kanyang sasakyan kaya kumportable ako habang pauwi sa aking apartment. "I am hungry," rinig kong saad niya at hindi ako nagsalita dahil hindi naman ako tinatanong. Nasa isip ko pa rin ang ginawa niyang paghawak sa aking dibdib kanina at ang nakakahiyang tugon ng katawan ko sa ginawa niya. Pinarada niya sa mukhang mamahaling restaurant ang kanyang kotse saka siya lumabas habang nanatili akong nakaupo sa passenger's seat. Binuksan niya ang pinto at hindi ako gumalaw dahil wala pa naman itong sinasabi kung bababa rin ako. "Atasha, bumaba ka na. You should no longer wait for me to say such thing. Dapat ay alam mo na ang ibig sabihin kapag binuksan ko ang pinto," masungit na pangaral niya kaya nakabusangot akong lumabas sa kanyang kotse. "Before we proceed inside, please smile. It looks like I just forced you to come with me." "Hindi mo nga ako pinilit, binantaan mo naman," mataman kong bulong sa sarili at nagulat ako nang marinig niya pala iyon. "Para kang matanda na dada nang dada diyan, Atasha. Kakain ka o kakainin kita?" kunot-noong sabi niya kaya bumilog ang mga mata at umiwas ng paningin. Naglakad na ako patungo sa entrance ng restaurant dahil baka totohanin pa niya ang sinabi. Tinulak ko ang glass door ngunit hindi iyon bumukas. Inulit ko at ganoon pa rin. "Tsk, ang nakalagay ay pull, hindi push," saad pa niya saka iyon binuksan. "Eh bakit ang sungit mo?" singhal ko at sandaling yumuko nang maalalang attorney pala ang kaharap ko. "...sir," dagdag ko sa huling sinabi dahil baka itapon na lang niya ako nang wala sa oras. Alam kong ramdam na niya na lumalaban na ako sa mga pagsusungit niya ngunit limitado pa rin, dahil sa ayaw at gusto ko, wala akong ibang pagpipilian kundi sumunod sa kanya dahil siya nga ang lawyer ko. Napayuko na lamang ako nang makitang nakuha na pala namin ang atensiyon ng ibang tao sa paligid at ang mga mata nila'y mapanghusga. Ganitong oras ay may mga tao pa rin pala sa mga restaurants. Naalala ko, nasa Maynila pala ako. Sana ay natulog na lang sila nang sa ganoon ay mabawasan pa ang mga matang matatalim at nanliliit ng kapwa. Napansin ko pa ang isang ginang na taas-baba akong tiningnan saka umiling. Nanatili akong tahimik nang igiya ako ni sir Steve sa isang VIP table at dahil sa hiya mula sa mga tao sa paligid ay nanatili akong tahimik kahit na kinakausap ako ng lalaking salarin kung bakit tila napahiya ako. "I am asking kung ano ang gusto mong kainin, Atasha," pag-uulit niya habang nawawalan na naman ng pasensiya. Tumikhim ako bago sumagot at bago pa maubos ang baon niyang pasensiya. "Kahit ano na lang diyan, sir," sagot ko ngunit tumanggi siya. "You're given the freedom to choose, so enjoy that right. Express yourself, Atasha. O baka gusto mong sabahin ko po ang nilalaman ng Article 3 of the 1987 Philippine Constitution," saad pa niya. Malapit ng sumakit ang ulo ko dahil kahit ordinaryong sitwasyon at usapan ay dala-dala pa rin niya ang pagiging lawyer. Hindi na ako nagsalita at seryosong binuklat ang listahan ng menu. Hindi ko alam kung alin doon ang masarap kaya pinili ko na lang iyong salad at steak. Ilang sandali pa ay dumating na ang pagkain namin at sinimulan na rin naming kumain. Napakunot ang noo ko nang makita ang wine na sinerve ng waiter gayong naparami na siya kanina ng inom. "Kanina ka pa inom nang inom ng alak, sir ah?" kumento ko dahil mukhang nagsusunog-baga na siya. Napatitig naman ito sa akin. "Right," wika niya saka muling sinenyasan ang waiter at binalik ang bote ng wine. Nakalahati ko na rin ang steak at sunod na tinikman ang salad ngunit umasim ang mukha ko nang hindi magustuhan ang pinaghalo-halong sauce nito kaya bahagya kong inilayo sa aking harap. Napatingin sa akin si sir Steve habang dahan-dahang nginunguya ang pagkain. "Why? Don't you like it?" tanong niya kaya nakabusangot akong tumango. Maya-maya pa ay inabot niya ang pagkain saka pinalit ang kinakain nitong beef din. Kinain niya ang salad kahit na nagalaw ko na iyon kanina. Tiningnan ko ang pagkaing nilagay niya sa aking harap. "Ayaw mo rin? Nadudumihan ka ba sa akin? Parang hindi pa tayo naghalikan, ah," tila nai-insultong wika niya saka binalingan ang pagkaing nasa harap ko. Bakit pa kailangang banggitin pa kasi nito ang tungkol sa halik gayong may mga tao pa sa paligid. Minsan ay hindi ko na alam kung lawyer ba talaga siya. Hindi nag-iingat sa mga sinasabi at galaw niya gayong ang mga taong may propesyon katulad ng kanya ay mataas ang tingin sa lipunan. "H-hindi po, sir," mabilis na sagot ko sa tanong niya saka nag-slice ng kaunti at sinubo ito. Masarap ang kanyang napili kaya mabilis ko itong naubos. Napatingin ako sa iba't ibang desserts na inorder niya at natakam ako sa itsura ng pagkakaplating ng mga iyon. Nagulat ako nang sumandok siya ng maliit na bahagi ng fruitcake saka iyon itinapat sa aking labi, hudyat na susubuan ako nito. "Eat," mando niya kaya nahihiya kong binuka ang labi at kinain ang dessert na napakasarap at naglalaro ang tamis at kaunting alat niyo. Napansin kong ako lang ang kumakain ng desserts kaya inalok ko sa kanya ang iba ngunit umiling siya. "Hindi ako kumakain niyan," saad niya saka dinampihan ng table napkin ang labi kahit na wala naman itong bahid ng kinain. Tinagilid ko ang aking ulo saka bumulong sa sarili. "Kumakain ako ng tira mo pero ayaw mong kainin itong tira ko," mahinang sabi ko at narinig na naman niya iyon. Napakatalas ng kanyang pandinig at kahit pinakamahinang bulong yata ay naririnig niya. Kung mayroong tinatawag na third eye, siya yata ay may third ear. "Tsk, I told you, Atasha. Hindi ako mahilig sa matatamis," iritableng sabi nito saka nilapit ang mukha sa akin. "Not unless...subuan mo ako," wika niya na siyang ikina-awkward ng aming sitwasyon. Kanina ay antok-antok na ako habang pauwi ngunit ngayon ay naglaho na iyon dahil sa lalaking ito. "Isubo mo na sa akin," mahinang sabi niya at tumaas ang gilid ng kanyang labi, hudyat na may iba na naman itong ibig sabihin. Bigla namang naging malikot ang aking isipan dahil sa kanyang inasta. Dahil naghihintay siya ay kinamay ko ang tirang fruitcake para madismaya siyang kainin ito at sabihing nawalan na siya ng gana ngunit lalong nag-alab ang kanyang mga tingin habang pinapanood akong hawakan ang fruitcake saka iyon itinapat sa kanyang labi. Kinain niya ng buo iyon at nagulat pa ako nang bahagya niyang kagatain ang daliri ko. Iyong hindi masakit dahil alam kong sinadya niya iyon. Lalo niyang nilapit ang mukha sa akin saka mapaglarong nagsalita. "Iyan ang gustong- gusto ko, Atasha. Iyong kinakamay..." saad niya kaya napalayo ako ng kaunti sa kanya dahil pakiramdam ko ay namumula na ang aking mukha. "ang pagkain," dagdag niya sa huling sinabi. Tahip tahip pa rin ang dibdib ko dahil sa mga pinagsasasbi ng attorney na ito. Pinunasan ko ang gilid ng aking labi saka tumayo na dahil sa hiya. "Sir, umuwi na tayo," saad ko at hindi na hinintay pa ang kanyang sasabihin dahil ramdam na ramdam ko ang pangha-hot seat niya sa akin. Nauna na akong naglakad palapit sa exit saka hinanap ang kanyang kotse. Nang makalabas ako ay napalanghap na lamang ako ng sariwang hangin dahil muntik na akong maubusan kanina sa loob. Pakiramdam ko ay napakasikip ng mundo kapag kasama ko siya at ang hanging aming nilalanghap ay iisa. Sumakay na ako sa kanyang kotse at ilang sandali pa ay natanaw ko siyang palapit na. Muling kumabog ang dibdib ko. Ano na naman kaya ang binabalak ng attorney na ito at abot abot na naman ang kanyang ngisi? Pagtatapos ng kabanata 9.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD