Kabanata 7

1829 Words
Kabanata 7 Hinayaan ko ang sariling madala sa mga halik niya at ipinagkatiwala sa kanya ang lahat. Totoong hindi lahat ng kadugo ay kapamilya at hindi rin lahat ng estranghero ay masama. Sana nga...sana. Ang mga halik niya ay mapagpalaya. Hinahayaan nitong maramdaman ko ang pagkasabik at palayain ang sarili mula sa bagay na pumipigil sa aking gawin ang bagay na ito kasama siya. Naging mainit ang palitan namin ng halik hanggang sa maramdaman ko ang 'kanya' na pilit sinusuot ang 'akin'. Hindi ko maipaliwanag ang sakit ng kanyang pagpasok at naiyak na lamang ako dahil tila unti-unting pinupunit ang bagay sa pagitan ng aking hita. Napadaing ako nang matagumpay niyang napasok ang aking kweba. "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya saka tumigil at marahang hinalikan ang aking noo. "I am sorry," bulong niya. Nakapikit lamang ako habang pinapakalma ang sarili. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kanya at sa tingin ko ay nabaon na rin sa kanyang likod ang mahaba kong kuko. Umulos siya nang marahan at unti-unti namang nawala ang sakit at hapdi na naramdaman kanina. Hanggang sa manginig ang katawan ko at bahagya akong nahiya nang maihian ko siya. "So-sorry," nahihiyang wika ko saka siya napatitig sa akin. "Don't be shy. Nilabasan ka na," saad niya saka ako niyakap. "Tapos ka na. Ako naman," bulong niya at umulos siyang muli nang dahan-dahan ngunit sagad na sagad. Nang maabot niya ang rurok ng ginagawa ay nanginig din ang kanyang mga paa hanggang sa maramdaman ko sa aking tiyan ang mainit at malapot na likidong inilabas niya. Kinuha niya ang wipes sa night stand saka iyon pinunasan. Matapos ang nakapapagod na gabing iyon ay bumalik ako sa trabaho kinabukasan na tila ba walang nangyari. Ang totoo ay hindi ko na hinintay namagising siya at ihatid ako sa aking apartment dahil nahihiya ako sa aking sarili. Hindi dapat ako ma-attach ng sobra sa kanya dahil alam ko sa sariling tila isa akong kalapating mababa ang lipad sa mga mata niya. "Tash, tara na," ani Yna saka ko siya sinundan papasok sa isang VIP room. Hawak ko na ngayon ang dalawang pakete ng mamahaling sigarilyo na ni-request ng mga matatandang nag-avail ng VIP table. Kinakabahan akong lumapit sa kanila dahil natatakot akong maranasan muli ang pambabastos ng isang matanda. "Okay ka lang?" tanong ni Yna nang mapansing nanginginig ako. "O-Okay lang," sagot ko. "Ako na diyan. Doon ka na muna sa gilid," saad niya saka kinuha sa akin ang hawak na sigarilyo at siya na ang nagbigay sa mga ito. Napatingin sa akin ang isang lalaking nasa eda 40s na siguro saka ako kinindatan. Napaiwas ako ng tingin dahil bigla akong kinabahan. "Miss," rinig kong tawag nito ngunit nagpanggap akong walang narinig. "Miss beautiful," saad pa nito saka ako sinenyasan ni Yna. "Y-Yes po?" kinakabahang bigkas ko. "Lapit ka," saad ng lalaking nakangiti na sa akin ngayon. Nilingon ko si Yna. "Go na. Mabait ang mga 'yan. Regular customer din," wika niya at alangan naman akong lumapit. "Pwede ba kitang isayaw?" tanong nito sa akin. "Huwag kang mag-alala. Wala akong asawa, anak, at kasintahan," dagdag na kumbinsi niya sa akin. "Tama 'yan. Naghahanap na iyan ng mapapangasawa," wika pa ng isa saka sila nagtawanan. Nagkamot ako ng batok at nag-isip ng mairarason dahil pakiramdam ko ay wala na akong pagpipilian. "Ahh, e-excuse me po saglit," saad ko saka nilapitan si Yna. "Yna, ayaw ko na rito," iritableng saad ko at natawa siya. "Mukhang trip ka pa naman no'n. Ayaw mo bang magkasugar daddy?" pang-aasar niya sa akin. Ilang sandali pa ay tumayo na ang lalaki saka ako nilapitan. "S-sir, bawal po kaming makipagsayawan sa mga customer. Taga-serve lang po kami," wika ko ngunit ngumiti lang siya. "Kaibigan ko 'yong owner so don't worry." Wala na akong nagawa pa kundi sumama sa kanya. Akmang hahawakan niya ang kamay ko nang bigla kong binilisan ang paglakad nang sa gano'n ay hindi dumapo sa aking balat ang kanyang kamay. Nakarating kami sa dance floor at muntik akong nasubsob sa dibdib ng lalaking kasalunbong nang matisod ako sa taas ng aking suot na heels. "Careful," saad ng lalaking sinamahan ko habang nakahawak sa braso ko. Tumikhim ang lalaking nasa harap at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang madilim na paningin sa akin ni attorney Steve Hans Rojas. Binalingan niya ang kamay ng lalaking nakahawak sa aking braso at ako na mismo ang lumayo para matanggal iyon sa paraang hindi offensive. "Attorney Rojas! Ikaw pala!" bati ng lalaking kasama ko kay sir Steve na seryoso lang ang tingin sa amin. Nagbabanta ito ng gulo kaya bago pa man iyon mangyari ay umatras ako at dumistansiya ng kaunti sa kanilang dalawa. "Mr. Lacson," bigkas niya sa kausap. "Kumusta ka na attorney? Balita ko ay abala ka na naman sa trabaho. Kung ako sa iyo ay dalasan mo na rin ang lumabas-labas dahil baka matulad ka sa aking saka lamang aligaga sa paghahanap ng mapapangasawa ngayong nasa edad 40 na," saad ni Mr. Lacson at sa tingin ko ay hindi niya iyon nagustuhan dahil kumunot ang kanyang noo. "I do not plan to become alone in life forever. Besides, there's a lot of women out there, so don't worry about me. Worry for yourself," wika ni sir Steve saka bumaling sa akin matapos magsalita. Iniwas ko ang paningin dahil awkward ang dating sa akin ng kanyang sinabi. "Good to hear that, Attorney Rojas. If you may excuse us," saad ni Mr. Lacson saka ako hinanap. "Where is she?" Nahanap niya ako sa kanyang likuran saka nilapitan. "Come dear, let's go in the dance floor," masayang sabi niya habang sinasabayan ang rock song na naka-play. Lagot na. Paano ko tatakasan ang matandang ito? "Ahh, Mr. Lacson, please excuse me po. Naiihi na kasi ako," saad ko. "Make it fast dear," saad niya at nakipagsiksikan na sa grupo ng mga sumasayaw. Mabilis naman akong umalis at hinanap ang cr. Bago pa ako makapasok sa loob ay napasinghap ako nang may humila sa kamay ko saka ako pinasok sa isang madilim at bakanteng kwarto. "H-Huwag po..." makaawa ko sa lalaking nakahawak na ngayon sa akin baywang. Nang maamoy ko ang kanyang pabango ay saka lamang ako kumalma dahil ang amoy na iyon ay kilalang kilala ko na. "Atasha, oh, Atasha..." bulong niya sa akin at tumayo ang balahibo ko sa katawan nang maramdaman ang mainit niyang hininga na tila sinasakop ang kabuuan ko. "S-Sir Steve..." "Bibigay ka ba sa kanya?" tila galit na tanong niya habang ang isang kamay niya ay nasa aking leeg na. "Hindi sir! Ayaw ko sa kanya," depensa ko. "S-Sasakalin mo ba ako sir? Huwag naman po, please..." makaawa kong muli nang maramdaman ang kanyang kamay sa aking batok. Inamoy niya ang aking leeg at napapikit ako sa sensasyong nadama. "Huwag na huwag mong tatangkaing magpahalik sa iba. Pwede kitang ikulong at sisiguraduhin kong hindi ka na makakawala pa." "Nasa batas po ba iyon, sir Steve?" "None. But in my rules, it exists," saad niya kaya napakunot ang noo ko. "How dare he touch your arms. And you let him too! Dàmn it. I need to remove his traces," galit na sabi niya saka dimpahan ng halik ang brasong hinawakan kanina ni Mr. Lacson. Hinapit niya ang baywang ko at nataranta ako nang makarinig ng papalapit na boses. Bago pa man niya ako masiil ng halik ay buong pwersa kong tinanggal ang kamay niya mula sa pagkakahapit sa aking baywang saka siya tinakasan. "What the heck, woman! Come back here!" galit na saad niya ngunit hindi ko na siya pinakinggan dahil sa takot na mahuli kami ng iba. Pumasok ako sa cr at sandaling inayos ang sarili sa harapan ng salamin. Pagkalabas ko sa cr ay nagulat ako nang makitang nakaabang na doon si Mr. Lacson na tila kanina pa naghihintay. "Mr. Lacson? Bakit po kayo narito?" "Nakakawalang gana ang sumayaw kung walang kasayaw. Halika na?" Inilahad niya ang kamay sa aking harap at hindi ko mawari kung tatanggapin ko ba iyon o muling gumawa ng rason para takasan siya. Nagulat ako nang makita ang galit na mukha ni Steve habang nakapamulsang palapit sa amin. "I am sorry to interrupt you, Mr. Lacson. I need Ms. Torres to discuss her case with me in private," sabad ni sir Steve kaya magkahalong kaba at ginhawa ang naramdaman ko. Ginhawa dahil matatakasan ko na si Mr. Lacson at kaba dahil mukhang may atraso akong nagawa kay Attorney Rojas. "Come on, Attorney. The lady is waiting for me to take her in the dance floor," saad ni Mr. Lacson. "It's urgent," si attorney. "Nasa bar tayo, attorney. Don't play with me," tila naaasar na saad ni Mr. Lacson. "Let her choose then," saad ni sir Steve, naghahamon. Yumuko ako sa harapan nila saka nagsalita. "Pwede naman pong sama-sama na lang tayong tatlo para walang gulo." "What?" ani sir Steve na tila hindi makapaniwala sa narinig. "Sayaw po kayong dalawa habang ako naman ay magseserve. O di kaya ay hanapan ko na lang po kayo ng partner," wika ko saka sila tinalikuran. Sunod sunod naman ang mura ni attorney at hindi makapaniwalang hindi ko siya piniling samahan. "Magkano ka ba?" rinig kong tanong ni Mr. Lacson at napantig ang tainga ko sa kanyang sinabi. May mga bagay na ignorante ako ngunit alam ko ang ibig niyang sabihin. "Magkano ako, sir? Abay 100 million dollars po!" sarcastic na sabi ko. Malakas ang loob ko dahil nasa tabi ko pa rin si sir Steve. Hindi naman ako bayaran para tanungin niya ng bagay na iyon. Ngumisi si Mr. Lacson at nanlaki ang mata ko nang ilabas niya ang cheque mula kanyang bulsa. "Don't even start," babala ni attorney kay Mr. Lacson saka ako hinatak at pinagalitan. "Why the fúck did you tag yourself! What are you thinking?" tila frustrated na sabi niya. "Joke ko lang naman po iyon attorney," saad ko saka pinisil ang sariling palad. "Bakit po? May 100 million dollars po ba siya?" curious na tanong ko. "Yes! Are you interested now? Well, I also have more than that 100 million dollars. Would you fúcking date me?" masungit na saad niya. "Totoo ba yan, attorney? May ganoon kang kalaking pera?" "Would you stop being naive when I give you some?" "Hindi naman po ako tanga, attorney." "Yes, you are. Mabilis ka lang paikutin at kunin sa kaunting salita." Nasaktan ako. "Ahh, kaya pala nakuha mo kaagad ako, attorney," malamig na sabi ko. "Huwag kang mag-alala, Attorney Steve Hans Rojas. Iyon na ang huling tikim mo sa akin." Iniwan ko siya saka dumiretso sa dance floor at sunod-sunod na tinungga ang hawak na alak ng isa pang waitress. Alam kong hindi lahat ng kumikinang ay ginto. Ngunit hindi alam ng iba na hindi lahat ng walang kinang ay hindi na mahalaga. Nasa isang mapanghusgang lipunan nga pala ako. Kailangan kong magsuot ng makikinang na bagay para respetuhin at kailangang magsuot ng mamahalin para siguradong mahalin din. Kailan kaya makakamit ang hustisya laban sa mapanghusgang mga mata. Pagtatapos ng kabanata 7.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD