bc

His Innocent Obsession

book_age18+
782
FOLLOW
13.0K
READ
heir/heiress
mystery
like
intro-logo
Blurb

Ang pagkakakulong ay hindi biro dahil magdurusa ang isang tao sa loob ng kulungan dipende kung gaano katagal ang ipinataw sa kanya ng korte.Paano kung naakusahan ang isang inosenteng dalaga ng krimeng hindi naman niya ginawa?Sino ang magtatanggol sa kanya sa korte upang mapatunayan ang pagiging inosente nito.Paano kung ang nagboluntaryong lawyer na ipagtanggol siya ay may hininging kapalit nang minsang malasing ito?Ibibigay kaya ni Atasha ang kanyang puri sa kanyang attorney kapalit ng kanyang kalayaan o tuluyan siyang makukulong sa bilangguan?

chap-preview
Free preview
Panimula
Panimula "Anong pangalan mo?" bulong sa akin ng lalaking lasing na nakasandal sa couch habang nakatingin sa akin. "A-atasha Torres po sir..." sagot ko. Nalaman kong isa siyang magaling na lawyer sa mga kasama kong waitress sa bar kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para sabihin sa kanya ang tungkol sa kaso ko. Inakusahan ako ng kasalanang hindi ko ginawa ngunit wala akong perang pambayad ng magtatanggol sa akin sa korte. "Atasha...what a fancy name," wika niya saka binalingan ang maikli kong skirt. Hindi ako komportable sa kanyang malagkit na tingin. Kapapasok ko lamang sa trabaho noong isang araw kaya hindi pa ako sanay sa medyo exposed na damit. Binaba ko ang laylayan ng skirt ko habang kinakabahan. "Tulungan mo ako sir...Ma-mahirap lang po kami at wala akong kakayahang kumuha ng magaling na lawyer," naiiyak na saad ko at bahagyang lumuhod. Wala akong pakialam kung anong isipin niya. Ito na ang huling tiyansa ko para mabilis ma-dismiss ang kaso. Nasa VIP room kami ngayon ng bar dahil iyon ang in-avail niya. Mabuti at wala siyang kasama kaya nagawa ko siyang lapitan at pakiusapan. Nagkalat ang upos ng sigarilyo sa mesa at limang bote na rin ng alak ang kanyang natumba. "Fúck, women. Heart breakers," rinig kong saad niya saka bumuga ng usok ng sigarilyo at nilagay ang upos ng sigarilyo sa lalagyang baso. Binalingan niya akong muli mula ulo hanggang paa. "Atasha... Yes, I am a lawyer but I demand p*****t on every service I give," saad niya kaya naiiyak ako dahil nawawalan na ako ng pag-asang makuha siya bilang magaling na lawyer ko. "S-sige po. S-sorry sir..." saad ko saka pinalis ang luhang pumatak sa aking pisngi. Tuluyan na yata akong makukulong. Bago pa ako makaalis ay nagsalita siya. "I am attorney Steve Hans Rojas. I have two options for you," seryosong wika niya kaya nabuhayan ako. "Mamimili ka, Miss Atasha, gapos o yapos? Choose one and it would determine whether you'll be free or imprisoned." Kumunot ang noo ko sa narinig dahil hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin sa gapos o yapos. "A-ano ulit iyon attorney?" kinakabahang sabi ko dahil natatakot akong magkamali. "Kung gusto mo ng gapos, find another attorney. Pero kung gusto mo ng yapos, come with me." Nakuha ko ang ibig niyang sabihin kaya napalunok ako. Hindi ko alam kung anong pipiliin sa sitwasyong ito. Ibibigay ko ba ang puri ko kapalit ng kalayaan ko? Hindi ko alam.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook