Kabanata 14

1105 Words
Kabanata 14 Hindi ko alam kung paano ako aalis sa bahay ni Steve dahil tila hindi ako makahinga simula nang makarating ako rito. Ngayon ay nasa labas na ako ng kanyang bahay at inabala ang sarili sa mga halamang kasalukuyang hinuhulbwkwkm sa pabilog na hugis ng kanilang hardinero. Mabuti na lang at medyo makulimlim kaya hindi gaanong naiinitan ang hardinerong nasa edad 20s pa. Umupo ako saglit at nakita mula sa bakuna ng mansion ang diretsong paningin nito sa akin saka mabilis akong nilapitan. "Anong ginagawa mo rito? Are you enjoying the scene?" Kunot na ang kanyang noo saka binalingan ang hardinero. "Dodong, doon ka nga muna sa likod," utos niya sa masungit na boses. "Opo, sir," sagot ng binata at mabilis na nagtungo sa likod. "Hindi pa niya tapos ang pag-aayos dito," wika ko saka humalukipkip. "Ahh, ayaw mong umalis siya kasi nawiwili ka," asik niya. "Ano naman po kung nawiwili ako attorney? May itsura naman po iyon," sagot ko at mariing sinabi ang salitang 'po' at 'attoryney'. "Bakit nagsusungit ka? Did I do something wrong?" Lumapit siya sa akin ngunit hindi ako nagpatinag sa kinauupuan. Hindi ko rin sinagot ang kanyang tanong. "Oo nga pala," panimula ko saka tumayo. "Aalis na ako. Balik na lang ako bukas dito attorney." "Anong aalis? Malinaw ang usapan nating ipagluluto mo ako at dito ka na rin kakain. At...at anong 'sir'? Anong 'attorney'? Hindi ba sinabi kong Steve na lang? Nagsisimula ng tumigas ang ulo mo, Atasha," matigas na sabi niya kaya lihim akong umirap. "Oo na, Attorney Steve Hans. Papasok na po ako at ipagluluto po kita," wika ko at nauna ng nagtungo sa loob. Dumiretso ako sa kusina at naabutan doon ang kanyang ina na nagluluto kaya biglang nawala ang lakas ng loob ko kanina at nabalutan na naman ako ng hiya. Hindi ko namalayang nakasunod pala sa akin si Steve at lumagatik ang kalan dahil siya na ang nagbukas nito. Mahina lang din ang apoy nito. Bumaling sa amin ang kanyang ina at ramdam ko ang lamig ng pakikitungo niya sa akin. "Magluluto ka, anak?" tanong niya sa katabi ko. "No, 'ma. Tasha will cook for me," diretsong sagot niya sa ina kaya napayuko ako nang tapunan ako ng ginang ng makahulugang tingin. " Ah, Steve," ani ng ginang saka saka nilapitan ang anak. Bahagya niya ring hinila ito palayo sa akin at kinusap ang anak ngunit narinig ko pa ang sinabi niya. "Steve, you should know how to treat a client. You should impose boundaries," mahinang saad ng ginang sa anak kaya napayuko ako. Hindi dapat ako naririto. Hindi nararapat na humarap ako sa hapag-kainan kasama ang mga taong hindi ko makapalagayan. "Ma, don't get me started," seryosong sagot ni Steve at biglang natikom ang bibig ng kayang ina. Pagkatapos ng kanyang sinabi ay wala na akong narinig na salita sa kanyang ina at nilapitan ako nito. "Start cooking," wika niya at mahihimigang wala na ito sa mood. Binalingan ko ang lamesa at nakahanda na ang lulutuing manok. Kare-kare ang niluto ng kanyang ina habang ako naman ay chicken curry. Nakahanda na ang mga pampalasa kaya mabilis ang galaw kong nilagay sa kawali ang karne at mga pampalasa nito. Habang abala ako sa paglalagay ng mga pampalasa ay napahiyaw ako nang maramdaman ang matigas na bagay sa aking likod at nang lingunin ko ito ay nakitang katawan ni Steve pala iyon. Mabilis akong napalingon kung may kasama kami sa kusina at nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala na ang kanyang ina at ang iba pang mga katulong. "Bakit ang lapit mo, attorney?" Ngayon ay magkaharap na kami. Nakatitig siya sa akin habang ako naman ay hindi mapakali kaya umurong ako sa kanan nang sa ganoon ay makatakas mula sa kanya ngunit bigla nitong hinarang ang kamay sa magkabila kong tagiliran kaya wala na akong takas pa. "Kanina mo pa ako hindi pinapansin. Kanina mo pa ako sinusungitan. May nagawa ba ako?" tanong niya sa mababang boses. Sa halip na tumingin sa mga mata niya ay bumaling na lamang ako sa kanyang labi nang sa ganoon ay mabawasan ang tensiyon. "Wala naman po, attorney," sagot ko sa tanong niya. "Hindi pwedeng wala. Sabihin mo kung ano iyon, Atasha," seryosong sabi niya saka kinagat ang gilid ng kanyang labi kaya yumuko na lamang ako. Laking pasasalamat ko nang marinig ang papalapit na yabag sa kusina kaya nakawala ako mula sa pagkaka-corner niya. Eksaktong luto na rin ang pagkain at nilapitan ako ng isang katulong saka hinango ang pagkain sa bowl. Hindi ko alam kung ano ang susunod kong gagawin dahil malinaw namang hindi ako welcome ngayon dito. Lumapit sa akin si Steve saka hinawakan ang kamay ko at iginiya sa hapagkainan. "Kumain na tayo," wika niya ska hinila ang isang upuan at doon ako pinaupo. Tahimik lang ako habang hinahayaan siyang lagyan ng pagkain ang aking plato. Ramdam ko ang pagmamasid ng kanyang ina. Kahit naman ayaw kong mapalapit sa anak nila, si Steve pa rin naman ang dikit nang dikit sa akin kaya wala na akong kasalanan. Tahimik kaming kumain at napansing ganado siyang nilantakan ang niluto ko. Kinabahan ako nang makitang kumuha rin ang kanyang ama ng chicken curry saka kumain. "Hmm, ang sarap nito, ah. Who cooked this? Is it you, darling?" diretsong tanong ng ama ni Steve sa ginang ngunit bumusangot lang ito. "Oh, si Atasha ang nagluto niyan 'pa," sabad ni Steve at napalingon sa akin si Mr. Rojas. "Ako po ang nagluto," magalang na sabi ko. Sumandok naman ako ng kaunting ulam saka sumubo. Maya-maya pa ay nagsalita si Mr. Rojas. "Pwede ka ng mag-asawa, hija. My soon here is free," saad niya kaya bigla akong nabilaukan sa narinig. Mabilis akong dinaluhan ni Steve saka ininom ko naman ang isang baso ng tubig. "Bata pa po ako," wika ko at narinig ang tikhim ng katabi ko. "Ilang taon ka na ba, hija?" tanong ng ama niyang tila naging interesado sa pagtulak sa akin kay Steve. "24 pa lang po ako." "24 ka, 29 ang anak ko. Pwede na iyan," wika pa niya at nakita ko ang pagkurot ng ginang sa braso ng asawa hudyat na hindi nito nagustuhan ang banat ni Mr. Rojas. Narinig ko ang pagtikhim ni Steve. "Wala sa isip ko iyan. Wala akong balak mag-asawa," sambit niya na siyang ikinagulat naming nakarinig. "Hindi pwedeng hindi ka mag-asawa, Hans! Your dad and I should be expecting a baby 1 year from now. Gusto na rin namin ng apo," singit na sambit ng mama niya. "Ma, I will date anyone as long as I want to. But I don't really want to marry." Pagtatapos ng kabanata 14.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD