Kabanata 13

1261 Words
Kabanata 13 Nakarating kami sa bahay ni Steve at nakapaskil pa rin sa aking isipan ang sinabi niya kanina tungkol sa baril na nakapagsisibol ng buhay. Ang utak ko'y tuluyan ng nabahiran ng kaberdehan simula nang makilala ko si attorney Steve. Nawala na rin ang aking pinaka-i-ingat-ingatang puri at wala naman akong maramdamang pagsisisi. Sana ay hindi ako nililinlang ng nararamdaman kong ito. Pinasok niya sa gate ang kanyang kotse at nang makalabas kami ay mukha ng isa sa kanyang mga katulong ang sumalubong sa amin— Iyong mayordoma niyang tila hindi ako ang gusto para sa kanyang amo. Yumuko siya saka bumati, "Magandang tanghali, sir," magalang na wika niya at binalingan si Steve bago ako, "ma'am." Mahihimigan sa kanyang boses ang pagkadismaya niyang nakita akong muli sa bahay ni Steve at narinig ko noon pa na tila gustong-gusto niya ang taong nagngangalang Kirstein para sa among lalaki. "Magandamg tanghali rin po," magalang na bati ko pabalik saka bahagyamg yumuko bilang respeto sa kanya kahit na hindi ganoon kainit ang pagbati niya sa akin. Bago pa kami mapakasok sa sala ay tinawag ng mayordoma si Steve. "Sir, nasa sala po ang mga magulang mo. Kanina pa naghihintay sa iyo," makahulugang saad niya at tila ba kasalanan ko pa kung bakit natagalan siya. "Oh, okay, Manang Tere. Ihanda mo na ang mga gamit sa pagluluto dahil magluluto si Tasha," utos niya at nakita ko ang gulat sa mayordomang tinawag niyang Manang Tere. "Ah sir...ako na lang ang magluluto. Iyong paborito nilang kare-kare pa naman ang nirequest ng mama mo," saad niya hudyat na ayaw niyang ako ang magluto dahil maaaring pumalpak nga ako. "Oo nga, Steve...hindi ako masarap magluto," saad ko na lang dahil nahihiya na ako sa kanyang mayordoma. Nakita ko naman ang pag-asim ng mukha ni Manang Tere nang tanging 'Steve' lang ang tawag ko sa kanya. Binalingan naman niya ako. "No, let me taste whatever you cook," pinal na sabi niya. "Before that, follow me first," dagdag niya kaya nakayuko akong sumunod sa kanya sa sala. Napakapit ako sa aking shoulder bag nang makita ang babae at lalaking nasa edad 60s at sa tingin ko ay iyon ang kanyang mga magulang. "Hans! Darling!" saad ng ginang saka nilapitan si Steve na iritable ang mukha mula sa pagyakap at paghalik sa kanyang pisngi ng ginang. "Ma, hindi na ako bata pa para halik-halikan mo sa pisngi," asik niya at nais kong matawa sa natunghayan kong ito. Si Attorney Steve Hans Rojas na napakarahas at walang patawad sa mga luko-loko at mapang-api ay bine-baby pa pala ng kanyang ina. Nilapitan din siya ng kanyang ama saka tinapik sa balikat. Maya-maya pa ay bumaling sa akin ang kanyang ina at unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi. Bigla itong napalitan ng ekspresyong tila inaaral ako maging ang pagkatao ko. "And...who are you with, dear?" tanong pa ng ginang at hinawakan ni Steve ang aking kamay saka hinila palapit sa kanyang mga magulang na ngayon at nakadepina na sa aming magkawahak na kamay ang paningin. "This is Atasha Torres from the province. She's my client and she's with me because we are ought to discuss her case," paliwanang ni Steve at sa sinabi niyang iyon ay nadismaya ako. Nasaktan ako dahil nag-expect ako...nag-expect akong higit pa sa kliyente ang turing niya sa akin. "Oh, I thought... there's something more," makahulugang saad ng ginang at pekeng ngumiti. "Because as far as I can remember, my son never lets anyone else come over his home unless it's his... Nevermind," wika ng ginang at mukhang alam ko na ang kanyang ibig sabihin. Bago pa ako, may inuuwi na siyang iba rito. Napakatanga ko. Akala ko ay may espesyal na bagay ng namumuo sa pagitan namin ngunit napagtanto kong katulad lang din pala ako ng ordinaryong tao— walang katangi-tanging bagay na maipagmamalaki ng kahit sino. "Magandang tanghali po sa inyo, ma'am at sir," magalang na bati ko saka yumuko dahil hanggang sa paanan lang naman nila ako. Masyado silang mataas at napakahirap pantayan. Napansin kong mas kamukha ni Steve ang kanyang ama. Namana niya ang malapad nitong balikat, kilay, bibig maging ang kanyang tangkad habang ang kanyang mga mata ay namana niya sa kanyang ina. Mas marami pa rin siyang namana mula sa kanyang ama. Nagkwentuhan sina Steve at ang ama niya na tila ba ngayon na naman sila nagkita saka nilapitan ang mga wine nitong naka-display kaya naiwan ako sa couch kasama ang ina niyang kanina pa nakatingin sa akin. Inayos ko ang pagkakaupo dahil ramdam ko pa rin ang paninitig sa akin ng ginang mula sa gilid ng aking mata. "Hija," tawag niya sa akin at mabilis naman akong bumaling sa ginang dahil sa kabang nadarama. "I am not a fool para mapaniwalang kliyente ka lang ng bunso kong anak," wika niya kaya napahigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag. "I am not a fool as well na walang namamagitan sa inyo. Ikaw pa lang ang babaeng inuwi niya sa kanyang sariling bahay simula nang iwan siya ng kanyang unang nobya," dagdag niya kaya napalunok ako. Nanatili akong tahimik dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. "'Yang anak kong iyan, minsan lang magmahal pero sagad. Kaya ito ang maipapayo ko sa iyo habang maaga pa... Nakikita ko ang interes niya sa iyo dahil natatangi ang iyong ganda pero sa tingin ko ay pansamantala lamang iyon dahil minahal niya ng sobra si Kirstein, ang kanyang unang pag-ibig." "Pa-pasensiya na po. Hindi ko po alam...at...at wala po akong intensiyong paibigin siya," kinakabahang sabi ko at may parte sa puso kong tila kinukurot ito mula sa mga narinig. "Ano bang trabaho mo, hija? Nakapagtapos ka ba ng pag-aaral?" tanong pa niya kaya tumango ako bilang tugon sa huling tanong niya. "Nakapagtapos po ako ng kolehiyo sa aming probinsiya at ngayon ay kasalukuyan akong nagt-trabaho bilang..." Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang pagsabi sa kanya ang tungkol sa aking kabuhayan ngunit wala ng atrasan ito dahil wala namang mababago kung magsisinungaling ako. "Waitress po. Waitress po ako," matapang na sabi ko. Alam kong mababa ang tingin ng iba kapag sinabing waitress dahil ang alam lang nila ay taga-silbi lamang kami at pwedeng utus-utusan kahit saan at sa kahit anong bagay. Napakasakit na reyalidad dahil patas naman kaming lumalaban sa buhay at walang nasasaktang ibang tao. "Waitress..." pag-u-ulit niya. "I can't judge you. Huwag mong isiping inaalipusta kita, dear. My baby Steve is just so naive when it comes to love kaya bilang ina niya, I want to protect him from pain again at para sa iyo rin ito, hija. What if he's just infatuated and leave you flightless in the end? But what if he falls for you? Pagod na akong malaman na naglalasing siya gabi gabi. And look, you look young at tila bagong sibol na bulaklak. Ayaw kong pagdating ng araw ay iiwan mo rin siya kapag may nahanap kang iba." Ngayon ay naiintidihan ko na. Nagmula ang lahat ng iyon sa trauma at katulad ng iba pang mga ina, ginagawa nila ang lahat upang maprotektahan ang mga anak nila kaya hindi ko rin siya masisi. Isa pa, wala naman akong balak maging parte sa buhay ni Steve dahil una pa lang, alam kong laru-laro lamang ang mayroon kami. Kaya kung hahayaan ko ang sariling mahulog sa kanyang inumpisahan, baka sa huli'y matalo ako at umuwing luhaan. Ngumiti ako. "Huwag po kayong mag-alala. Kahit manligaw pa si Attorney ay hindi ko siya papatulan." "Clever," wika niya at tila nagkaroon ng mas matayog na pader sa aming pagitan. Pagtatapos ng kabanata 13.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD