Kabanata 15

1340 Words
Kabanata 15 Umalis na ang mga magulang ni Steve matapos naming kumain ngunit nasa isipan ko pa rin ang sinabi niyang hindi raw siya mag-aasawa. Kailan lang noong sinabi niya kay Mr. Lacson na wala siyang balak mag-isa habang buhay pero ayaw niya raw mag-asawa. Kung ganoo ay laro-laro na lamang sa kanya ang mga babae at kasama na ako roon. Nasaktan ako dahil akala ko ay may espesyal na bagay na kaming nabuo ngunit wala pala. Nasa kanyang opisina na kami ngayon at abala pa siya sa binabasa kaya tahimik ko lamang nilaro ang kuko kong kahit na wala namang dumi ang mga ito at halos maubos na ang daliri ko kakabilang hanggang sa matapos siya. Naglakad ako palapit sa bintana at dumungaw rito. Nakita kong muli ang hardinerong panay pa rin ang trabaho. Naramdaman ko ang paglapit ni Steve sa akin mula sa likod at ang pagtikhim niya. Bahagya akong gumilid dahil naramdaman ko ang kanyang dibdib sa aking likod. "Do you like the view?" saad niya sa mababa at madilim na boses. Tumango ako. "Opo, attorney," wika ko saka tinagilid ang ulo para lalong makita ang hardinero. "Masipag naman siya, gwapo rin naman, at mukhang mapasensiya," dagdag ko at nalukot na naman ang kanyang noo. "Marami pa ang better diyan, Atasha," saad niya saka tinakpan ng kurtina ang tanawin sa labas at galit na umupo. "Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi na kailangang maging casual ang tawag mo sa akin." "Casual naman po ang ugnayan natin, attorney," saad ko. Ito ang bagay na nakalilito para sa akin. Sa mga pagkakataong pinopormahan ako ng iba, nagagalit siya kaya maging ang inosente kong puso ay nalilito na. Umismid ako. "Wala kasi akong planong mag-isa sa buhay, sir. Mahirap lamang kami at siguro ay nababagay rin ako sa mahirap na katulad ko basta't nagpupursiging umahon sa hirap," mahinang sabi ko saka pinag-ekis ang aking paa. Umangat ang paningin niya saka umigting ang kanyang panga. "Stop talking about that nonsense. Come near me and let's talk about your case," seryosong sabi niya habang ang mga mata niya'y tila nakikipag buno sa papel na binabasa. Maya-maya pa ay umangat ang kanyang paningin. "Kailangan nating umapela sa susunod na Linggo. We need to prove your innocence kaya uuwi tayo sa inyo," pinal na saad niya kaya tumango ako. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nakakausap sina nanay at tatay kaya siguradong magugulat ang mga iyon kapag nag-uwi ako ng lalaki at magiging laman na naman ako ng tsismis. Matapos ang ilang sandali ay nagpaalam muna akong lalabas sa kanyang mini-office at naisip na mas mabuting sa unang palapag na lamang ako iihi dahil ayaw kong pumasok sa kanyang kwarto. Kailangan kong dumistansiya sa kanya dahil siguradong ako rin lang talo sa huli. Ayaw kong umuwi ng luhaan. Ang misyon ko ngayon ay ang makamit ang hustisya kaya kung gagamitin niya ako ay ayos lang dahil gagamitin ko rin naman siya upang tuluyan na akong makalaya. "Just pee in my room. Parang hindi mo naman alam na may CR ako roon. First mo rito, Atasha?" sarcastic na wika niya ngunit nanatili akong tahimik dahil mahirap namang suntukin ko na lang bigla ang mukha ng lawyer ko. Baka siya pa ang magpakulong sa akin ng wala sa oras. At dahil naiinis pa rin ako sa kanya ay magalang pa rin akong nagpaalam at nagtungo sa unang palapag. Nang matapos kong umihi ay naghugas muna ako ng kamay saka lumabas papunta sa hardin ni attorney. Casual kong pinagmasdan ang magandang hugis ng mga halaman at sakto namang bumaling sa akin ang hardinero. "Good morning nga po pala ma'am. Hindi na kita nabati kanina kasi mukhang galit si boss," saad niya saka kinamot ang kanyang batok at nilipat ang hagdan para ihulma ang isang matayog na halaman. Panahon na rin siguro upang buksan ko ang sarili sa ibang tao lalo na't nasa malayo ako at nang sa ganoon ay magkaroon naman ako ng iba pang kaibigan at hindi lamang ang antipatikong attorney na iyon ang palagi kong kasama. "Ahh, huwag niyo po akong tawaging ma'am. Hindi ako mayaman," saad ko. "Ay, ilang taon na po ba kayo at ako ay pino-po mo, ma'am?" natatawang saad niya. "24 pa lang ako," saad ko at tumango-tango siya. "Kung ganoon ay magka-edaran lang pala tayo, ma'am," wika niya pa kaya napangiti ako. Napansin ko ang dimple niya sa kaliwang bahagi ng kanyang pisngi at dumagdag ito sa ka-cute'an niya. Bago siya umakyat sa hagdan ay inabot ko ang aking kamay sa harap niya at matamis na ngumiti. "Ako nga pala si Atasha." Alangan naman niyang inabot ang kamay ko at tila hindi alam kung makikipagkamay. "Ahh, ako si Brandon, ma'am. Pero... ang tawag nila sa akin dito ay Dodong," nahihiyang sabi niya. Nilibot ko ang paningin habang pinapanood siyang umakyat at bahagip ng aking mga mata ang bintana sa opisina ni attorney. Nakadungaw siya mula roon at kahit na medyo malayo ay kitang kita ko ang pagtalim ng kanyang mga mata. Bigla kong iniwas ang paningin at nagkunwaring hindi siya nakita. Umupo muna ako saka pasimpleng dinungaw ang bintana ngunit nakahinga ako nang maluwag nang hindi na makita ang mukha doon ni attorney. Ngunit nagkamali ako dahil ang akala ko'y okay na, napalitan ng kaba dahil natanaw ko siya sa bakuna ng kanyang bahay na madilim ang paninging nakadiretso sa akin habang mabilis na naglalakad palapit sa kinaroroonan ko. Napatayo ako dahil nagba-badya ang malakas na bagyo at mukhang wala itong sansantuhin. Nakita ko namang umalis si Brandon o Dodong at mukhang alam na niya ang mangyayari. "Ang akala ko ay umihi ka. Nakikipaglampungan ka na pala sa iba," mahinang sabi niya sa galit na boses kaya namula ang mukha ko sa narinig. "Hindi po ako nakikipaglampungan, attorney," malamig na sabi ko. "At kung makikipaglandian man ako sa iba, ano naman pong masama roon? Wala naman po akong boyfriend," dagdag ko na siyang ikina-usok lalo ng tainga niya. "Dàmn it! You're still under me. We have an agreement," saad niya. "Opo, may agreement tayo. Pero hindi ibig sabihin no'n ay pagbabawalan mo na ako, attorney. May pangangailangan din ako," matapang na sabi ko at nakita ko ang biglang pagdilim ng kanyang mga mata. Napasigaw ako nang bigla niya akong buhatin sa kanyang balikat at dinala sa kanyang kwarto. Napadaing ako nang bigla niya akong ibagsak sa kanyang kama at dinadaganan kaya hindi na ako nakapalag pa. "Tang...ina. Kung may pangagailangan ka, may pangangailangan din ako at hindi mo na kailangan ng iba para punuin ang pangangailangan mo," galit na mungkahi niya at nagulat ako nang siilin niya ang labi ko at kinagat ang ibabang bahagi nito kaya lalo akong napadaing sa sakit ng kanyang ginawa. Napasinghap ako nang punitin niya ang suot kong top at mabilis na pinanggigilan ang díbdib ko. Napatigil siya sa ginagawa saka inangat ang mukha at nagsalita sa malalim na boses. "Ang pangangailangan mong ito ay ako lang, at ako lang dapat ang pumuno. Naiintindihan mo, Atasha Torres?" Galit kong nilagapak sa kanyang pisngi ang kanan kong kamay habang nasa pagitan ng aking dibdib ang kanyang mukha. "Tang...ina mo rin, attorney! Hindi ito ang pangangailangang sinasabi ko! Ang pangangailangan ko ay kaibigan! Iyong pwede kong makausap bukod sa iyo!" galit na sabi ko at natigilan siya saka dahan-dahang inilayo ang mukha sa hubad na pang-itaas kong katawan. "I-I...I am sorry... I don't know your context. I am sorry, Tasha," saad niya saka hinawakan ang aking kamay ngunit hinaklit ko ito. "Hindi lahat ng babae ay pakikipagtàlik ang gusto sa'yo, attorney! Tang...ina!" galit na galit kong sigaw saka bumangon at sinuot ang kanyang t-shirt nang matakpan ang aking kahubaran. "Wala na akong pakialam kung ipakulong mo ako! Sana mamaga 'yang lintik na hotdog mo!" saad ko pa bago umalis sa kanyang mansion. Nang makalabas ako ay hinihingal akong umupo sa damuhan. Ngayon lang ako nagalit ng ganito dahil sinagad niya ang pasensiya ko. Mabait akong tao at hindi masyadong umiimik ngunit kapag napuno na ang salop ay kailangan ng kalusin. Pagtatapos ng kabanata 15.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD