Kabanata 19
[Warning: This chapter contains scenes that may trigger one's bad experience (séxual abuse). Read at your own risk.]
"Atasha, gising na," rinig kong saad ni Steve habang mahinang niyuyugyog ang balikat ko. Nakatulog ngang talaga ako dahil sa antok at pagkagising ko ay alas 11 na pala ng umaga.
"Mag-ayos ka na at nang makauwi na tayo sa inyo," saad niya habang sinusuklay ang basa niyang buhok gamit ang kanyang daliri.
Suot na niya ngayon ang puti niyang t-shirt at jeans at nag-spray ng kanyang mamahaling pabango.
Inayos ko ang pagkaka-tuck ng aking fitted na t-shirt sa aking jeans at bahagya akong yumuko saka inilagay ang strap ng aking sandals.
"Huwag kang tumuwad diyan, Atasha. Baka hindi ko mapigilan ang sariling angkinin ka lalo na't kanina pa ako nagpipigil," wika niya kaya napatuwid ako ng tayo.
"Masyado ka ng makasalanan. Pati mga simpleng posisyon ko ay may masasabi at masasabi kang hindi maganda," saad ko saka nilapitan ang pinto.
Nilapitan niya ako at hinawakan ang doorknob na hawak ko rin.
"Kung kasalanan ang pagnasaan ka, hindi ako aangal kung parurusahan mo na ako gamit ang mga labi mo, Atasha..." bulong niya habang nakatingin sa aking labi. Gumalaw ang kanyang adam's apple habang unti-unting lumalapit sa akin ang kanyang labi.
Napabitiw ako sa doorknob nang igiya niya ang aking mga kamay sa kanyang dibdib.
Hinawakan niya naman ang aking batok saka ako isinandal sa pader.
Maya-maya pa ay hinalikan niya ang aking labi at dala na rin ng kagustuhan ng aking katawan, tumugon ako sa halik niyang malalim.
Maya-maya pa ay narinig ko ang mahinang katok sa pinto at mabilis itong bumukas kaya hindi ko na naitulak si Steve palayo dahil sa bilis ng pangyayari.
"Naku po! Kayong mga bata, hindi kayo nagla-lock ng pinto," gulat na sabi ni Manang Hilda at mabilis na sinarado ang pinto.
Ginamit ko ang aking lakas para itulak si Steve at nakita ko ang pagsilay ng nakakalokong ngiti sa kanyang labi.
"Masarap," wika niya saka dinilaan pa ang gilid ng kanyang labi na tila sinisimot ang tirang pagkain doon.
"Nakakahiya! Ayaw ko na talaga!" saad ko sa hiya at mabilis na lumabas.
Narinig ko naman ang kanyang halakhak saka ako sinundan pababa sa hagdan.
Iniwasan kong makasalubong si Manang Hilda kaya lumabas na lamang ako patungo sa labas ng bahay saka doon hinintay si Steve.
Kung dignidad ang pag-uusapan ay siguradong sold out na iyong akin dahil sa nasilayan ni Manang Hilda kanina.
Habang pinagmamasdan ko ang manilis na hardin ay bahagya akong napatalon nang marinig ko ang boses ni Manag Hilda sa aking likuran.
"Anong ginagawa mo rito, hija? Nasaan na si Steve?" tanong niya habang hawak ang isang maliit na flower pot.
Sa tono ng boses niya ay tila walang nangyari kanina kaya nakahinga ako nang maluwag ngunit nakayuko pa rin ako sa hiya.
"Nasa loob pa po pero paalis na po kami maya-maya," mahinang sabi ko at nakita kong ngumiti siya.
"Normal lang iyong ginawa niyo kanina, hija. Noong kabataan ko nga ay kinse pa lamang ako nang maranasan ko ang unang halik. Ngunit sa susunod ay mag-lock kayo ng pinto," wika niya saka tumawa.
"Pasensiya na po ulit kanina," saad ko pa bago siya nagpaalam na papasok na sa bahay.
"Let's go," saad ni Steve na ngayon ay nilalaro na ang susi ng kanyang sasakyan. Sinundan ko naman siya sa kanilang maluwang na garahe at sumakay na rin ako saka sinabi ang eksaktong address ng bahay.
Habang papalapit kami nang papalapit ay siya namang pagbilis ng kabog ng aking dibdib.
Maya-maya pa ay hinawakan niya ang aking kamay kaya sandaling kumalma na rin ako hanggang sa makarating kami sa bahay.
Medyo maputik ang papasok sa amin kaya naawa naman ako sa sasakyan niya ngunit pinagpilitan pa rin niyang ipasok ito sa maliit na eskinita. Pinarada niya ang sasakyan sa ilalim ng puno at hindi kalayuan sa bahay dahil masyado ng masikip ang bakod at hindi na kakasya ang sasakyan.
Kaya naman ay nilakad namin ang maputik na daan na nasa 2o metro ang layo bago namin narating ang bahay.
Eksakto namang nadatnan namin si tatay na nagulat pa sa biglang pag-uwi ko habang naiiyak namang tumakbo palapit sa akin si nanay at yumakap sa akin nang mahigpit.
Nagmano ako sa kanila at ganoon din si Steve. Maya-maya pa ay pinagmadali nila kaming pumasok sa bahay na tila may tinataguan.
"'Nay, kumusta na po kayo?" wika ko habang nag-aalala naman akong binalingan ni nanay. Sandali siyang bumaling kay tatay saka muling ibinalik sa akin ang paningin.
Nilapitan ni nanay ang luma naming kabinet saka inabot sa akin ang papel. Subpoena iyon mula sa prosecutor's office at noong nakaraang Linggo pa ang schedule ko sanang magpakita.
"'Nay, paano po ito?" nag-aalalang sabi ko. Nakapanghihina ang ganitong sumalubong sa akin.
Tiningnan ko ang pangalawang kopya at nakita mula rito ang pangawalang schedule ko ng appearance upang harapin ang isinampang kasong kriminal laban sa akin.
"Makukulong na po ba ako?" naiiyak na sabi ko at napalingon kami kay Steve nang tumikhim siya.
"Huwag po kayong mag-alala, subpoena pa lang iyan. Ibig sabihin ay pwede ka pang mag-file ng counter affidavit laban sa complaint affidavit ng oposisyon. Dadaan muna ang iyong kaso sa investigating prosecutor nang sa ganoon ay matiyak nila kung sapat ba ang ebidensiyang hawak ng oposisyon para maihain sa korte ang kaso. Sa madaling salita, hindi ka pa makukulong, Atasha. Ang kailangan lang nating gawin sa ngayon ay pumumta sa prosecutor's office bukas at magfile ng Counter Affidavit," sandali siyang huminto at marahil ay nagtataka na rin ang mga magulang ko kung sino siya. "Ah, oo nga po pala, ako si Steve Hans Rojas, ang manliligaw po ni Tasha. Isa rin po akong lawyer at bukal po sa loob kong tulungan ang anak niyo," dire-diretsong saad niya kaya lubos na nagulat sina nanay at tatay.
Nagkamayan naman ang mga ito matapos magpakilala sa isa't isa.
"K-kung ganoon ay nililigawan mo ang anak namin kaya ka narito, sir?" wika ni nanay at yumuko naman si Steve.
"Huwag niyo po akong tawaging 'sir'. Isa lamang po akong ordinaryong manggagawa na nais pagsilbihan ang mga inaapi sa lipunan," sagot niya at alam kong nakuha niya kaagad ang loob ng aking mga magulang.
Aba'y, akala mo ay hindi luko-loko sa disente ng kanyang dating.
Bumaling si nanay sa aming paang may kaunting putik pa. "Sige na anak, maghugas na muna kayo ng paa."
Nagtungo naman kami ni Steve sa banyo saka hinugasan ang aming paa. Iniiwasan kong bumaling sa kanya dahil baka kung ano pang kababalaghan ang magawa namin dito sa bahay. Binalik ko naman ang tabo sa timba at nauna ng lumabas at naramdan ko naman ang pagsunod ni Steve.
Nahihiwagaan din ako sa pagiging tahimik niya ngayon. Mabuti at nakikisama siya sa sitwasyon.
"Kumain na ba kayo?" tanong ni nanay nang makarating kami sa sala kaya umiling ako.
"Hindi pa po," sagot ko.
Umupo kami sa upuan naming gawa sa kawayan at mayroon naman itong foam na pahaba kaya kahit papaano ay alam kong kumportable pa rin si Steve.
Tahimik lang si tatay at alam kong nagmamasid lang siya sa amin.
"May mga kapatid ka?" tanong ni Steve kaya tumango ako.
Nasa kusina pa rin si nanay na kasalukuyang ipinagluluto kami ng tanghalian.
Lumapit naman ako kung saan nakapwesto si Steve saka siya sinagot. "May asawa na iyong kuya ko habang si ate naman ay nasa trabaho pa," paliwanang ko saka niya nilapitan ang mga litratong nakasabit sa dingding.
"Is this you?" tanong niya sa larawan kong nakaupo habang umiiyak na kinuhanan ng litrato.
"Umm, oo," wika ko at natawa siya.
"Napakainosente at iyakin mo pala noon, Tasha," kumento niya. Ramdan kong pinipigilan niya ang sariling bumanat dahil may ibang nakikinig.
Maya-maya ay tinawag na rin kami ni nanay para mananghalian. Pinagsaluhan namin ang simpleng niluto ni nanay na pinakbet na siyang hinahanap-hanap kong lutong bahay.
"Kumakain ka nito?" bulong ko kay Steve dahil marahil ay hindi siya sanay sa mga ulam na may bagoong. Tumango naman siya saka kumuha ng plato.
"Alam mo, 'nay, taga rito rin pala ang pamilya ni Steve," putol ko sa katahimikan.
"Ah, opo, diyan lang po sa kabilang bayan kami. Iyong nanay ko po talaga ang nagmula rito pero kalaunan ay lumipat na po kami sa Maynila," mahabang saad ni Steve.
"Kung ganoon ay anong pamilya ka na nga ulit, hijo?" tanong ni tatay.
"Rojas po," sagot niya.
"Teka, naririnig ko iyan, ah. May mga negosyo ba kayo rito?" dagdag ni tatay habang nakakunot ang kanyang noo.
Tumango naman si Steve. Ah, opo. May maliit kaming negosyo rito kaso ang tita ko na siyang kapatid ng nanay ko ang nagpapatakbo dahil abala na rin ang mga magulang ko sa Maynila," wika ni Steve.
"Anong kumpanya ang sinasabi mong sa pamilya mo, hijo?" tanong naman ni nanay.
"Iyong Rojas Trading Company po," sagot niya at magjng ako ay naubo sa kanyang sinabi.
"Maliit pa ba iyon? Gayong napakalaki at malawak na ng sakop non, ah?" ani nanay at napainom ng tubig.
Umiling na lamang ako. Akala ko ay paninindigan niya ang sinabi niyang ordinaryong tao lamang siya ngunit malayo pala sa ordinaryo ang depinisyon niya.
Matapos naming kumain ay nagpahinga muna kami saka tumambay saglit sa sala.
"Patingin nga iyong subpoena mo," wika niya sa akin saka ko ito inabot sa kanya.
Maya-maya ay nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga at biglang kumunot ang kanyang noo, hudyat na may hindi nagustuhan.
Hindi ko na siya tinanong dahil marahil ay nag-iisip na iya ng maaaring gawin.
Sa paglipas ng oras ay nanatili siyang tahimik at tila malalim ang kanyang iniisip.
Hanggang sa umuwi na siya at pinangakong babalik kinabukasan dahil pupunta kami sa prosecutor's office.
"You should sleep early. Maaga tayo bukas at susunduin kita," seryosong wika niya.
"M-may hindi ka ba nagustuhan dito? Pasensiya ka na kung iyong pinakbet lamang ang inihanda ni nanay kanina at kung medyo maputik din ang daanan," nahihiyang sabi ko.
Kumunot ang kanyang noo. "Wala akong problema diyan, Tasha. May iniisip lang ako," wika niya saka sumakay na sa kanyang kotse.
"Take care of yourself here. I'll go now," paalam niya at hinintay ko munang makaalis siya bago ako pumasok sa bahay.
Nang makapasok ako sa bahay ay inulan ako ni nanay ng katanungan.
"Saan mo nakilala ang taong iyon, anak? Paano mo nakilala iyong anak-mayaman na iyon? At may maipambabayad ka ba sa kanya?"
Bakas ang pag-aalala sa huling sinabi niya.
Ayaw ko namang sabihin ang tungkol sa naging usapan namin dahil siguradong hindi nila iyon magugustuhan. At ayaw ko na rin silang mamroblema ukol doon.
"Saka paanong naging kasintahan mo iyon anak? Napakayamang tao pala. Alam mo naman ang sasabihin ng iba diyan," dagdag niya at naintindihan ko naman ang punto niya.
"Nagkakilala kami sa Maynila, 'nay. At huwag na po kayong mag-alala, kaya ko na po ito," wika ko at bumuntong hininga naman siya.
Kinabukasan ay maaga akong gumising nang sa ganoon ay mapaghandaan ko ang pagpunta ni Steve sa bahay.
Matapos kong mag-ayos ay hinanda ko ang sarili dahil ito ang araw kung saan maipapaalala sa akin ang isang masamang karanansan.
Dumating sa Steve sa bahay at bumati muna siya kina nanay at tatay bago kami umalis.
Habang papalapit kami sa prosecutor's office ay ganoon din kabilis ang kabog ng aking dibdib.
Nagtungo kami sa nasabing opisina at pagbukas namin ng pinto ay naroon na ang lalaking anak ng matanda.
Pakiramdam ko ay nanlamig ang buo kong katawan dahil naaalala ko na naman ang paratang sa aking pinatay ko raw ang matandang iyon gayong ako naman ang muntik màhalay.
"You! Nagtago ka pa ng ilang Linggo, ah!" galit na sigaw sa akin ng lalaki.
Biglang tumayo si Steve saka hinarang ang sarili sa aking harapan sa paraang tinatago ako nito mula sa lalaki.
"Steve? What are you doing?" litong tanong ng lalaki at tila nagulat sa presensiya ni Steve.
"I am here to defend her," seryosong sabi ni Steve.
"Man, 'yang babaeng iyan ang pumatay kay daddy!" sigaw pa nito.
Mabuti at inawat siya ng mga pulis bago pa niya ako atakihin.
"Mr. Agustin, please proceed outside. Kukunin muna namin ang statement ng nasasakdal," saad ng pulis at wala na ring nagawa ang lalaki.
Pinaupo ako ni Steve saka hinawakan ang aking kamay habang kinakalma ko ang sarili. Siya na rin ang nakipag-usap ukol sa subpoena ko.
Matapos ang ilang sandali ay kinuwento ko na sa kanila ang tungkol sa tunay na nangyari.
Kahit hindi dumapo sa maselang bahagi ng katawan ko ang kamay ng matandang iyon, hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako sa tuwing maaalala ko ang mga titig niyang nakapandidiri.
Ang paghawak ko ng basag na bahagi ng plorera para depensahan ang sarili mula sa pag-atake niya ay gagamitin palang ebidensiya laban sa akin matapos maatake nang kusa ang matanda.
Umiling ako.
Matapos ko namang lagdaan ang mga dokumento ay ipinaliwanag muna sa akin na pag-aaralan muna ang mga ebidensiyang nilatag ng nagsampa ng kaso.
"Don't worry too much," saad sa akin ni Steve saka hinawakan ang aking kamay at lumabas na sa opisina.
Sa kasamaang palad ay nag-aabang pa pala sa labas ang anak ng matandang Agustin at galit kaming nilapitan. Mabilis naman akong tinago ni Steve sa kanyang likod at hinarap ang galit na lalaki.
"Seryoso ka, Steve? Alam kong lawyer ka na pero mas pipiliin mo bang ipagtanggol ang babaeng iyan na napulot mo lang sa kanal kaysa sa kaibigan ng papa mo? Tol, mukhang nakalimot ka na, hah. Parang wala ka ng utang na loob sa daddy ko," wika niya at nagulat ako sa narinig.
Kung ganoon ay kakilala niya ang lalaki at kaibigan din ng papa ni Steve ito.
"Don't fúcking call her that. Kung may kanal man dito, ikaw iyon, Harold Agustin," seryosong sabi ni Steve. Base sa tono niya ay alam kong galit na siya.
Hinawakan ni Steve ang kamay ko at bago pa kami makaalis ay narinig namin ang naka-i-insultong tawa ng lalaki.
"Huwag mo akong sinusubukan, Steve Hans Rojas. Tingnan lang natin kung anong mangyayari sa negosyo ng pamilya mo rito. Sa pagkakaalam ko ay iyong tita mo na ang may hawak no'n at iyon lamang ang pinakamalakas na kabuhayan nila. Ano kayang mangyayari kapag binawi ko ang shares ng daddy ko sa bulok niyong kumapanya?" babala niya at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Steve sa aking kamay, hudyat na apektado siya sa sinabi ng lalaki.
Sa halip na mabawasan ang problema ko ay lalong nadagdagan pa dahil nadamay na rin si Steve at ang kanyang pamilya.
Hindi ko na alam kung maipapanalo pa namin ang kaso kung sakali mang umabot kami sa korte.
Pagtatapos ng kabanata 19.