Kabanata 20

2907 Words
Kabanata 20 Matapos ang dalawang araw ng paghihintay ay naglabas ang mga pulis ng report ukol sa kanilang imbestigasyon. Sa kasamaang palad, umusad ang kaso dahil sa laman ng CCTV na in-issue ng pamilya Agustin. Labis akong kinabahan at sa mga nagdaang araw ay nanatiling tahimik si Steve kaya lalo akong kinakabahan sa ganoong awra niya. Dumating ang araw ng hearing at unang salita ko pa lamang sa harap ay minura-mura na ako ng pamilya Agustin kung kayat pinalabas ang ilan niyang kaanak mula sa loob ng hukuman. Halos sumuko ako nang ipakita ng oposisyon ang isang CCTV footage kung saan hawak ko ang isang basag na bahagi ng plorera at sakto namang palapit sa akin ang matandang Agustin at ang paglupasay nito dahil sa sakit sa puso. Hindi na nakita sa CCTV ang mga naunang kuha kaya iyon kaagad ang kinuwestiyon ni Steve. Filtered na ang CCTV at nararapat na buong clip ang maipakita sa korte. Nakahinga ako nang i-request iyon ng judge sa susunod pang hearing ngunit ang sagot ng oposisyon ay nawala na raw ang kopya nila at iyong hawak na lamang nila ang na-save. Doon na namuo ang tensiyon. "Your honor, ang kopyang iyon ay mahalaga kung kaya't hindi dapat iyon binura, maliban na lamang kung naroon mismo sa naunang kuha ang katotohanan," saad ni Steve at umayon ang hukuman sa kanyang sinabi. Kaya sa susunod na pagdinig ay nararapat daw na ilabas ang buong CCTV footage nang sa ganoon ay mapagtibay ng kabilang kampo ang kasong isinampa sa akin kung totoo man daw ang paratang sa akin. Bago matapos ang araw na iyon ay nanghihina akong pumasok sa kotse ni Steve. Sana ay paburan ako ng pagkakataon at hustisya. "Are you okay now?" tanong ni Steve kaya tumango ako. "Oo. Siguro ay nagulat lang ako sa proseso," pag-aamin ko. Hindi ko naman inaasahang kaya palang baliktarin ng ibang tao ang sitwasyon kahit na malinaw naman ang katotohanan. "Huwag kang mag-alala, susubukan kong kunin ang kopya ang CCTV sa araw na iyon," saad niya kaya kahit paaano ay nabawasan na rin ang kaba ko. Tinitigan ko siya saka hinawakan ang kanyang kamay at bahagya pa siyang nagulat. "Salamat, Steve," mahinang sabi ko. Binalingan niya ako gamit ang kanyang marahang paningin. "Walang anuman, Tasha. Hindi ko hahayaang makulong ka." Binuhay niya ang makina ng kanyang sasakyan at kinabahan ako nang makita ang kotseng tumigil sa tapat ng aming sinasakyan. Bumukas ang pinto nito at bumaba ang batang Agustin. Nilingon ko si Steve at nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga. Mukhang panganib ang dala nito kaya kinakabahan kong pinigilan ang kamay niya nang bubuksan na niya ang pinto. "T-tara na..." mahinang sabi ko. "Kakausapin ko lang," sagot niya at nakita ko ang mabilis na pagpalit ng kanyang reaksiyon mula sa pagiging marahan, ngayon ay madilim na ang kanyang awra. Lumabas siya saka sinara nito ang kotse. Mabuti at nakababa pa rin ang bintana kaya lumapit ako rito para marinig ang dalawa. "I am warning you, Mr. Rojas. Kalilimutan ko ang pagkakaibigan ng mga magulang natin sa susumod na makita pa kitang depensahan ang babaeng iyon. Ngayon, pwede ka pang mamili ng tamang desisyon. Hayaan mong managot ang babaeng iyon," rinig kong sabi nito kaya kinilabutan ako. Mukhang malalim ang galit sa akin nito. Mukhang gagawin niya ang lahat para lamang makulong ako. Bakit kaya tila napaka-ilap ng hustisya para sa mga mahihirap na katulad ko? Palaging kami ang nalulugmok gayong kami naman ang tunay na biktima. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Steve. "Sige lang. Iputok mo ang baril mo ngunit siguraduhin mong hindi tatama pabalik iyo ang bala," makahulugan niyang sabi at tumalikod na. Narinig ko pa ang sunod-sunod na mura ng lalaki. "Ngayon din ay babawiin ko na ang lahat na itinulong ng ama ko sa pamilya mo!" sigaw pa niya ngunit tila walang narinig si Steve at sumakay na. Kinakabahan ko naman siyang tinanong. "Paano kung totohanin niya at walang matira sa pamilya mo?" "Hindi ako natatakot sa kanya. Totoong malaki ang utang na loob ng pamilya ko sa kanya ngunit hindi maaring gamitin niya iyon para dungisan ang hustisya para sa iyo," seryosong sagot niya saka pinaandar na muli ang kotse at halos mahiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan nang eksperto niyang pinalusot sa maliit na espasyo ang sasakyan dahil nakaharang pa rin ang sasakyan ng mga Agustin. "Kung ipapakita nating nasisindak tayo ay lalong lalakas ang loob ng mga taong ganyan," saad niya at nang nasa tamang lane na kami ay napaupo ako nang maayos. Maya maya pa ay nagsalita siya. "Saan mo gustong kumain?" Ngayon ay marahan na ang kanyang boses. "Sa bahay na lang," nahihiyang sabi ko. Alam kong sa galanteng restaurant na naman ako nito dadalhin kung sakali kaya tumanggi na ako. Nahihiya na ako sa kanya. "Let's go somewhere peaceful before driving you home, Tasha. Magrelax muna tayo dahil nakapang-iinit ng ulo ang ulupong na iyon," wika niya kaya natawa ako. "Gigil na gigil ka rin pala sa kanya," natatawa pa ring sabi ko. "Yes. Gusto ko mang suntukin, hindi pwede dahil alam kong idadagdag iyon sa kaso kung sakaling pinatulan ko," saad niya pa. "Kaya nga. Napakagaling mambaliktad. Mukha ba akong mamamatay-tao?" naiinis na sabi ko at natatawa naman niyang inabot ang kamay kong nakapatong sa aking hita saka hinawakan. "Oo, Tasha, oo. Kaya sagutin mo na ako dahil patay na patay na ang puso ko sa'yo," biglang banat niya kaya napahalakhak ako. Hindi ako makapaniwalang mayroon din pala siyang side na ganito kakulit at kajejemon. "Why are you laughing?" kunot-noong tanong niya. Ngumiti ako. "Wala. Kung gusto mo akong ligawan ay nararapat na sina nanay at tatay muna ang ligawan mo. Hindi iyong nagdeklara ka na lamang na liligawan mo ako gayong hindi mo naman pinapakita sa kanila ang sinseridad mo," paliwanag ko at naging sunod-sunod ang pagtango niya. "Paano ba ligawan ang mga magulang mo?" tila interesadong tanong niya habang nagmamaneho. "Simple lang. Basta't tradisyunal na paraan lamang," sagot ko at nais kong matawa dahil ang totoo ay alam kong nakuha na niya ang loob ng aking mga magulang sa mga nakaraang araw. Palagi siyang dumadalaw sa bahay at doon pa lang sa pagtatanggol niya sa akin sa korte ay nakikita na nila iyon bilang isang malaking bagay at pagsasakripisyo ni Steve. "Anong tradisyunal? Paano iyon?" Napaisip ako. "Ganito kasi iyon... Nakuha ni tatay ang matamis na oo ni nanay sa pamamagitan ng paghaharana, pagsisibak ng kahoy, pag-iigib ng tubig, at iba pa," sagot ko sa tanong niya. "Is that even necessary?" kunot-noong tanong niya kaya pinagkrus ko ang aking kamay saka tinaas ang isa kong kilay. "Bakit naman sana hindi?" "Well, marami na tayong nagawang kalaswaan, Tasha. We hugged, we kissed, we made love in bed at marami pang iba," sagot niya kaya pakiramdam ko ay uminit ang aking pisngi sa narinig. "You're blushing. Huwag kang mahiya, Tasha, it's our dirty little secret to be kept," saad niya saka kumindat pa. "W-wala ako sa sarili sa mga oras na iyon," depensa ko. "Hindi rin. Sarap na sarap ka pa nga sa mga halik ko at nasa wisyo ka naman noong isinisigaw mo ang pangalan ko," dagdag niya kaya umirap na lamang ako sa hiya. Hinawakan niya ang kamay ko saka iyon hinalikan. "Huwag kang mag-alala, Tasha. Hindi pa naman huli ang lahat para ligawan ko ang mga magulang mo. Gagawin ko ang mga sinabi mo para sureball ka sa akin," wika niya. Sa paglipas ng oras ay nanatili akong tahimik at sandaling napaisip. Totoo kaya ang lahat ng ito? Paano kung tama si Yna na ang ibang lalaki ay mapagsamantala? Ngunit wala naman siyang mapapala o makukuha sa akin dahil nakuha na niya ang puri ko at wala naman akong perang maitatakbo niya. Paano kung sa una lang siya magaling? Paano kung sa huli'y iiyak ako? Bahala na. "What's with that silence? Tell me what you're thinking, Tasha. It scares me," wika niya nang mapansin ang katahimikan ko. Umiling ako saka ngumiti. "Wala. Salamat sa lahat, Steve." "No problem, Tasha. This is just a piece of cake. Maipapanalo natin ang kaso mo. Trust me," saad niya saka pinarada ang kotse sa tapat ng mamahaling restaurant. "Bakit dito? Doon na lang tayo sa mura," nahihiyang wika ko at hindi gumalaw sa aking kinauupuan nang ipagbuksan niya ako ng pinto. "Mas komportable tayo rito dahil tahimik and their dishes are superb," pangungumbinsi niya sa akin. "Steve, kaunti na lang ay tatawagin na kitang sugar daddy," wika ko at bumaba na lamang nang hawakan niya ang aking kamay saka iginiya palabas. Natawa naman siya sa aking sinabi. "Okay lang, Tasha. Basta't tawagin mo rin akong 'daddy' sa kama," pilyong sabi niya kaya tinampal ko ang kanyang braso. "Kung ganyan ka manligaw kina nanay at tatay, huwag na lang, Steve. Baka palakulin ka pa ni tatay," natatawang wika ko. "Kung papalakulin ako ng tatay mo, aararuhin ko naman ang anak nila," banat niya habang papasok kami sa entrance ng restaurant. "Tanungin mo muna kung gusto pang magpapaararo." Pinigilan niya ako sa braso saka ako pinaharap sa kanya. "Gusto mo ba o gusto mo talaga?" Napairap ako ngunit ang totoo'y ngiting ngiti ang tainga ko. "Parang no choice naman ako niyan." "Aayaw ka pa ba kung naararo na? Abono na lang ang kulang," pilyong sabi niya saka hinapit ang aking baywang at iginiya sa isang VIP table. Magkaharap kami sa mesa ngunit napansin ko ang pagiging iritable niya sa kanyang pwesto dahil nakakunot na naman ang kanyang noo. "Bakit ang layo mo? I offered you the seat beside me ngunit mas pinili mo pa rin diyan umupo. Wala akong sakit na nakahahawa, Tasha," masungit na saad niya. "Anong gagawin ko? Lilipat pa ba ako?" "Yes, dàmn it. Nagmumukha akong clingy dahil ako pa ang nakikiusap na tabihan mo ako, Atasha." Natawa ako. "Clingy ka naman talaga, Steve." "Tsk, I am not," saad niya habang nakapatong na sa aking hita ang kanyang kamay. "Hindi pa ba iyan clingy?" saad ko saka bumaling sa kamay niyang nakapatong sa aking hita. "This is not counted. Napagod lang ako sa pagmamaneho kaya kailangan kong ipahinga ang kamay ko," rason niya kaya napangiti na lamang ako. Hindi niya talaga aamining clingy siya. Kunsabagay, ganyan naman ang ibang lalaki, ayaw nilang nasasabihan na clingy lalo na sa pampublikong lugar. Hinayaan ko lamang siyang ipag-order ako ng pagkain at habang hinihintay na dumating ang mga pagkain ay hinanap niya ang aking cellphone. "Akin na ang cellphone mo," wika niya habang kinakalikot ang kanyang hawak na cellphone. Nahihiya naman akong ilabas dahil phased out na iyong cellphone kong touchscreen. "Bakit?" "I'll send you something," wika niya. "Ano bang something iyon?" "Just give me your phone," pilit na wika niya kaya kinuha ko sa loob ng aking bag ang aking lumang cellphone. Inabot ko iyon at napakunot ang noo niya. "Is this...an old model?" tanong niya pa kaya nahihiya akong tumango saka inagaw iyon sa kanya. "Akin na nga kasi. May problema ka ba sa cellphone ko?" saad ko. "Nothing, just open it and give it to me," wika niya kaya nilagay ko na ang password ko. Dahil basag na ang ilang bahagi ng screen nito, mahirap ng pindutin ang ilang bahagi kaya kailangan pang irotate ang screen nito nang sa ganoon ay mainput ko ang tamang password at mabuksan ang aking cellphone. Nakatitig pala siya sa akin at tila awang awa pa. Binigay ko sa kanya ang aking cellphone saka ito kinalikot ngunit tila nawawalan na siya ng pasensiya nang hirap itong pindutin ang numero sa screen kung kaya ay binalik na lamang niya ang aking cellphone. "Bilhan kita mamaya ng bago. Hindi ka makakapagreply sa akin nang mabilis kung iyan ang gagamitin mo." "Okay pa naman 'to, ah. At hindi naman ako mahilig gumamit ng cellphone," saad ko saka nilagay sa loob ng aking bag ang cellphone ko. "Kahit na. Kailangan mo ang cellphone. Bago ako matulog ay kailangan kong marinig ang boses mo," dagdag niya at dumating na rin ang aming makakain. "Adik," bulong ko sa sarili. Mukhang nahihibang na kasi si attorney. Matapos naming kumain ay tinotoo niya ang kanyang sinabing bibilhan ako nito ng cellphone. Halos takbuhan ko na siya para lamang pigilan ngunit pinagpilitan niya ang gusto. Nagulat ako nang iyong latest na model ng iPhone ang kanyang binili kaya hindi ko rin lang yata magagamit iyon dahil baka madukot lang din. Mabilis ang takbo ng oras hanggang sa maabutan kami ng dilim sa labas bago nagpasyang umuwi. Hinatid niya ako sa bahay at nadatnan namin ang mga magulang kong tila pinagsakluban ng langit ang mukha. "'Nay, 'Tay, bakit po? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ko. Bumuntong hininga si tatay bago nagsalita. "Anak, ang taniman natin ng Dragon fruit ay wala na. Nadatnan namin kanina ng nanay mo na tila sinadyang patayin ang mga tanim natin gamit ang pesticide," paliwanag ni tatay na siyang ikinainit ng ulo ko. "Iyon na nga lang ang kabuhayan natin..." nanghihinang sabi naman ni nanay. "May ideya po ba kayo kung sino ang may gawa no'n?" Nagkatinginan sila sa aking tanong. "Hindi kami sigurado kung tama ang hinala namin, anak. Ngunit ngayon lamang namin ito naranasan at sa tingin namin ay kagagawan ito ng mga Agustin," saad ni nanay. "Huwag po kayong mag-alala, aalamin po natin kung sino ang may gawa at pananagutin natin," seryosong sabad ni Steve. Matapos ang ilan pang usapan ay umuwi na rin si Steve dahil gabi na. Naaawa ako sa kalagayan ng aking mga magulang dahil pati ang kakarampot na kabuhayan nila'y pinagdiskitsaan din ng mga matitigas ang puso. Sa gabing iyon ay hindi ako nakatulog ng maaga dahil sa kaiisip kung ano ang maaari kong gawin ngunit sa ngayon ay kakapit na lamang muna sa hustisyang naghihintay dahil alam ko, balang araw ay maparurusahan din ang taong may sala. Kinaumagahan ay nadatnan ko sa kusina si nanay na nakahawak ng malaking timba habang ako naman ay nagkakape. "Saan ka pupunta, 'nay?" tanong ko. "Sa pampang, anak. Binilin ako ng tatay mo kaninang alas tres bago sila pumalaot na maghintay ako sa pampang bandang alas sais ng umaga," paliwanag niya. "Sasama na po ako," boluntaryo ko saka tumayo ngunit pinigilan niya ako. "Maiwan ka na, anak. Maraming tao roon," saad niya at nakuha ko ang ibig niyang sabihin. Alam mong pinoprotektahan lamang niya ako sa mga taong mapanghusga gayong hindi naman alam ng mga ito ang tunay na nangyari. Ngumiti ako. "Wala po akong pakialam sa mga tsismosa, 'nay. Sasama na po ako," saad ko at nagtungo na kami sa pampang. Halos walong minuto rin ang aming nagugol sa paglalakad at nang makarating kami sa pampang ay naroon na rin ang ibang mga misis at ilan ding mga bata. Kanya-kanya kasing bangka at grupo ang mga mangigisda rito at sa tingin ko ay ito ang pinakamasayang bahagi. Iyong magiliw na nag-aabang ang mga bata sa pampang, may huli man o wala. Napangiti ako nang masilayan ang sinasakyan ng grupo nina tatay. Noon pa man ay iyong kulay asul at maliit na bangka ang gamit nila. Apat na sila ngayon kaya nagtaka ako kung sino iyong isa. Habang papalapit sila ay nasisilayan ko ang mga ngiti nila kaya marahil ay marami silang huli. Nang makalapit sila ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang lalaking nakahubad ang pang-itaas na katawan at nasa balikat na nito ang net na ginamit nila sa pangingisda. "Si Steve ba iyon? 'Nay, sumama ba siya?" tumango si nanay. "Oo, anak," bago siya umalis at sinabi niyang sasama raw siya. Ayaw sana ng itay mo ngunit nais niya raw maranasan ang pangingisda kaya um-oo na rin ang tatay mo," paliwanang ni nanay saka magiliw na sinalubong ang grupo ni tatay. Agaw-atensiyon si Steve dahil sa pagbalandra nito ng kanyang maputi at mabatong katawan na kahit pawisan ay mukhang mabango pa rin. Nang magtama ang aming paningin ay nginitan niya ako saka kinindatan habang inaayos ang net. Lumapit siya sa akin kaya naman napaayos ako ng tayo. Napansin ko ang pawisan niyang katawan kaya inabot ko sa kanyang ang bimpong dala ko. "Kay ganda mong pagmasdan, Tasha. Tila kabiyak na naghihintay na makarating sa pampang ang mangingisdang asawa," wika niya saka ngumisi. "Ano bang trip mo sa buhay?" mahinang tanong ko habang iniiwasang mapatitig sa kanya dahil lalo yata siyang gumwapo sa aking paningin. Pinagtitinginan na kami ng ibang mga tao sa paligid kaya yumuko ako. "Umuwi na tayo mamaya. Tulungan mo na si tatay sa pagbuhat ng mga isdang nahuli niyo," naiilang na wika ko. Nasilayan ko rin ang paglapit ng isa sa mga kasama niyang nangisda kanina. "Isdang huli? Nasa harap ko na ang isdang gusto ko. Bukod sa malinamnam, malusog pa," pilyong sabi niya at narinig iyon ng lalaking napadaan kaya halos mabuwal ako sa kinatatayuan sa hiya. Dahil sa hiya at pagkainis ay nauna na ako nagmartsa palayo sa kanya dahil baka kung ano pa ang masabi niya. "Isda! I mean, Tasha, teka!" dagdag na saad niya saka humalakhak. Nilapitan ko sina nanay at tatay na naglalagay ng mga parte nilang isda sa timba. "Nasaan na si Steve, anak? Gusto niya raw ang kinilaw na isda kaya gawan mo siya mamaya no'n," saad ni nanay at pakiramdam ko ay namula ang aking pisngi. Inosente sila sa sinabing iyon ni Steve ngunit alam ko, alam ko kung anong klaseng isda ang nais niyang kainin. Kaunti na lang talaga ay siya na ang kikilawin ko sa kalokohan niya. Pagtatapos ng kabanata 20.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD