Kabanata 18

2647 Words
Kabanata 18 Laking pasasalamat ko nang matapos ang aking duty na walang anumang aberya. "Tash, mauna na ako, hah? Nariyan na raw sa labas ang sundo ko. Ingat ka pauwi," paalam ni Yna habang nagmamadaling ayusin ang laman ng kanyang locker kaya tumango naman ako. "Ingat ka rin, Yna. See you bukas," wika ko saka kumaway sa kanya. Sandali akong umupo sapagkat ramdam ko ang bigat ng aking katawan dahil napalaban ako sa dami ng customer kanina. Inunat ko ang mga paa ko at napakunot ang noo ko nang makita ang dalawang pares ng leather shoes sa aking harap. Pag-angat ko ng aking mukha ay bumungad sa akin si attorney na nakatitig sa akin ngayon. Bahagya siyang umupo sa harap ko at nagulat ako nang hawakan niya ang aking paa saka tinanggal ang suot kong heels at minasahe ito. "A-anong ginagawa mo, sir..." mahinang sabi ko sa pagkagulat. Sinong mag-aakala na ang isang tinitingalang attorney ay aastang masahista sa waitress lamang na katulad mo. "Let me do this," mahinang sabi niya at hindi ko maitatangging guminhawa ang aking pakiramdam sa kanyang ginawa. Maya-maya pa ay binalik niya sa aking paa ang suot kong sapatos at tinulungan akong tumayo. Ngunit bago pa kami makalabas ay sandali siyang napatitig sa aking mukha kaya heto na naman ang puso kong nag-uunahan sa pagkabog. "Kinulot mo ang buhok mo... Kanino ka nagpapaganda?" tila galit na tanong niya kaya umirap ako. Hinawi ko ang buhok sa aking leeg at pinakita sa kanya ang kanya g marka sa aking leeg. "Anong gusto mong gawin ko rito, attorney? Irampa?" sarcastic na saad ko. "Ayan ka na naman, Atasha. Tinatawag mo nga akong sir at attorney, sinusugitan mo naman. Pang-ilang beses na iyan? It's better if you just call me Steve," pangaral niya kaya bumuntong hininga na lamang ako. "Okay, Steve," mariing sabi ko. "Ano nga pala ang ginagawa mo rito, Steve? Hindi naman kita kailangan dito, Steve," wika ko at nakita ang mabilis na pagsalubong ng kanyang kilay at tila nairita sa sunod-sunod na pagbigkas ko sa kanyang pangalan nang walang katamis-tamis. "Dàmn it. Umuwi na nga lang tayo," frustrated na sabi niya saka hinawakan ang aking kamay. "Talagang uuwi na ako sa aking apartment, Steve," saad ko pa rin. Naalala ko ang sinabi ni Yna na kailangan kong iwasan ang pagiging marupok. Ang ugnayan namin ay casual lamang at dahil lamang iyon sa aking kaso. Wala ng iba pa. Napag-isip-isip ko naman ang tungkol sa pangaral sa akin ni Yna. Katulad na lamang sa magkasintahan. Ang mga bagay na ginagawa ng mag-asawa ay hindi dapat ginagawa ng magkasintahan dahil ang totoo ay nawawala na ang challenge para sa lalaki. Swerte na lamang ng babae kung matino ang lalaking nahanap niya at kaya siyang panindigan nito. Natigilan si Steve sa paglalakad. "Bakit ang lamig mo bigla? May iba ka na ba, Atasha?" tanong niya sa mababang boses at sinundan ito ng pag-igting ng kanyang panga. "Wala naman. Bakit? Magagalit ka ba kapag nalaman mong may iba na nga ako?" tanong ko, nang-aasar. Napapikit siya at naging marahas ang kanyang mga mata. Maya-maya pa ay hindi ko na namalayan ang sunod na nangyari. "Aray!" daing ko nang biglang niya akong hinapit sa baywang at isinandal sa malamig na locker. Naging mas madilim ang kanyang mga matang nakatitig sa akin habang ikinulong ako nito sa kanyang mga bisig. "Liligawan kita, Atasha," bulong niya sa galit na boses. Sa halip na lambingin niya ako ay galit pa. Paano ko sasagutin siya kung napakarahas naman niya? "Ganyan ba ang manligaw?" tanong ko sa mababang boses. "Ito ang paraan ko, Atasha," malamig na sabi niya habang nakatitig sa aking mga mata. "A-ayaw kong magpaligaw. Hindi ang pagbo-boyfriend ang priority ko," kinakabahang wika ko. Sa lalim kasi ng paningin niya ay mukhang sasakmalin na ako nito ng wala sa oras. "Ayaw mo man o gusto, liligawan pa rin kita," sabi niya at pinakawalan na ako nito kaya nang tumalikod na siya ay sunod-sunod ang ginawa kong paghinga nang malalim. Bumaling siya sa akin, hudyat na kailangan ko na ring sumunod sa paglalakad palabas. Tahimik niya akong ipinagbuksan ng pinto ng kotse kaya sumakay na rin ako. Ang ganitong awra niya ay nakakatakot dahil hindi ko alam ang kanyang iniisip. "Saan mo gustong umuwi?" biglang tanong niya kaya tumikhim muna ako bago sumagot. "Sa apartment na lang," wika ko. Akala ko ay ide-deretso pa rin niya ako sa kanyang mansion ngunit hinatid niya talaga ako sa aking apartment. Mukhang seryoso talaga siya sa sinasabing panliligaw kaya kinakabahan ako. "Starting tomorrow, ako na ang maghahatid-sundo sa'yo. Hindi mo na kailangang sumakay ng taxi pagpasok mo," bilin niya. Hindi na rin ako tumanggi dahil base sa tono niya ay hindi na mababago pa ang isipan niya. Sa mga nagdaang araw ay pinanindigan niya ang sinabing siya na raw ang maghahatid-sundo sa akin. Kinukulit na rin ako ng mga katrabaho ko ukol sa estado ng relasyon ko sa mayamang katulad niya ngunit hindi ako nagsalita ukol sa amin. Hangga't maaari ay nais kong gawing pribado ang mga kaganapan sa buhay ko. Hindi na rin ako nagkwento kay Yna ukol sa panliligaw ni Steve dahil nahihiya pa ako. Ngayon ay halos kagigising ko lang nang makarinig ako ng katok mula sa pinto ng aking apartment. Noong una'y binalewala ko muna iyon dahil inaantok pa ako ngunit hindi tumigil ang kung sino man ang nambubulabog sa akin gayong alas otso pa lang ng umaga at kulang pa rin ang aking tulog dahil night shift ako sa trabaho. Padabog kong nilapitan ang pinto saka iyon binuksan. Bumungad sa akin ang mukha ni Steve at nakasuot pa ito ng casual na damit habang nakataas ang kanyang shades. Napakasarap din sa ilong ng kanyang amoy. Hindi ito nakakasawa at lakas makagwapo. "Tara na?" wika niya kaya napakunot ang noo ko sa pagtataka. Inayos ko naman ang aking buhok saka iyon tinali dahil alam kong mukha akong baliw ngayong kagigising ko. "Saan tayo pupunta? Inaantok pa ako," tamad na wika ko saka humikab. "Sa biyahe ka na matulog mamaya. We have to go now para maaga rin tayong makarating." "Saan nga tayo pupunta?" "In your hometown," maikling saad niya kaya napatuwid ako sa pagkakaupo. Naalala kong ngayon nga pala ang uwi namin a probinsiya ng Dinagat. Kaya naman ay napabalikwas ako mula sa kinauupuan at kumaripas na sa kusina. "I haven't eaten anything yet," rinig kong sabi niya habang binubuksan ko ang aking kalan. Nakita ko namang kumportable siyang sumandal sa maliit at lumang sofa habang nakatutok sa kanya ang electric fan. "Bakit kasi hindi ka kumain bago pumunta rito?" Kinuha ko ang tinapa at ang mantika saka iyon prinito. "Kumakain ka ng tinapa?" tanong ko saka tinanggal ang kaning lamig mula sa rice cooker at hinanda ito para i-sangag mamaya. Hindi ko napansin ang paglapit niya sa akin at nasa tabi ko na pala siya. "Kumakain nga ako ng hilaw na isda, iyan pa kayang luto na?" mapaglarong sabi niya at umangat pa ang gilid ng kanyang labi kaya binaling ko sa aking niluluto ang atensiyon dahil sinisimulan na naman niya ang pagiging pilyo. "Doon ka na lang sa may sala. Baka mangamoy isda na mamaya iyang suot mo," saad ko dahil nakakahiya namang mangamoy isda ang isang attorney. "Walang problema. Tanggalin ko na lang muna," wika niya at hinubad ang kanyang t-shirt kaya bahagya akong nailang nang ibalandra niya sa aking mukha ang kanyang dibdib. "Heto na naman tayo..." saad ko saka umiling. Sinimulan ko na ring igisa ang sibuyas at bawang. Maya-maya pa ay nagsalita siya kaya bumaling ako sa kanya. "Tulungan na kita," nakangising sabi niya saka ako nilapitan at naramdaman ko ang dibdib niya sa aking likuran. Napapikit ako dahil napakaagang dumating ng temptasyon sa akin ngayong araw. "Steve, lumayo ka. Nagluluto ako," mahinang sabi ko ngunit hindi niya iyon ginawa. Bagkus ay hinawakan niya pa ang kamay kong nakahawak sa sandok saka iginiya ang kamay ko sa paghalo ng sibuyas at bawang. Hindi ako gumalaw nang maramdaman ko ang kanyang balbas sa aking leeg at tila sinasadya niya lalo ang pang-a-akit sa akin. Kinuha ng isa niyang kamay ang kaning lamig saka hinalo ito sa kawali. "Ito ang tamang pagluluto ng sinangag para lalong sumarap," bulong niya sa aking tainga at bigla niyang dinampihan ng halik ang aking pisngi. Ilang sandali pa ay siya na ang pumatay sa kalan at humango ang sinangag sa plato. Lumayo na ako sa kanya bago pa maganap ang kababalaghan sa kusina kaya kumuha na ako ng kubyertos nang sa ganoon ay makakain na kami. Matapos naming kumain ay naligo na rin ako at nagbihis ng simpleng damit saka hinanda ang aking mga gamit sa pag-uwi. "Paano na iyong trabaho ko? Matatagalan kaya tayo sa probinsiya?" tanong ko habang sinusuklay ang aking buhok. Suot na niya ang kanyang t-shirt at ngayon ay abala na sa kanyang cellphone. Bumaling siya sa akin. "Depende. Pero huwag mo ng alalahanin ang trabaho mo. I already talked to your manager," sagot niya. Nakahanda na ang aking gamit at siya na ang bumuhat sa ilang iuuwi ko sa probinsiya. Hinatid kami ng kanyang driver sa kanyang mansion kaya napakunot ang noo ko. Mukhang pinaglololoko yata ako ng isang 'to. "Akala ko ba ay uuwi tayo sa probinsiya? Bakit narito tayo? Niloloko mo yata ako." "Relax, sasakay tayo sa chopper," wika niya at nagtungo naman kami sa likod ng kanyang bahay. Namangha ako nang makita ang maluwang nitong bakuran. "T-teka, sasakay tayo sa eroplano? Seryoso ka, Steve?" Kinakabahang tanong ko. Kailanman ay hindi pa ako nakakasakay sa eroplano. Tila nakakatakot ang ideyang iyon dahil sa mga sunod-sunod na balita ukol sa mga nawawalang eroplano matapos magkaroon ng disgrasya sa himpapawid. Napansin niya yatang kinakabahan ako kaya niya ako nilapitan at hinawakan nang marahan. "Tash... don't worry, hindi pa tayo mamamatay. Magaling ang piloto ko," saad niya pa kaya lalo akong kinabahan sa una niyang sinabi. "Ayaw ko pa talagang mamatay, Steve. Kailangan ko pang yumaman para sa pamilya ko," wika ko at natawa siya sa sinabi ko. "Okay, okay. Halika na," wika niya at sakto namang lumapag na ang eroplano. Habang papalapit kami ay abot-abot ang aking kaba kaya mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Steve. "Tara na sa heaven," biro niya nang makasakay kami sa loob kaya halos mangiyak-ngiyak akong isinuot ang headset. Magkatabi naman kami ni Steve sa likod at habang pataas nang pataas ang chopper ay pabilis nang pabilis ang kabog ng aking dibdib. Pagbaling ko sa tanawin sa labas ng bintana ay halos mahulog ang puso ko nang makitang nasa mataas na bahagi na pala kami ng kalawakan. Biglang bumigat ang aking paghinga at naramdaman ko ang paghila sa akin ni Steve palapit sa kanya saka ikinulong ako sa kanyang dibdib. Napapikit ako saka kinalma ang sarili. Sa buong oras ng biyahe ay hinayaan ko ang sariling nakapikit lamang nang sa ganoon ay hindi matrigger ang anxiety ko hanggang sa maramdaman ko ang paglapag ng eroplano. Maya-maya pa ay iginiya na niya ako palabas at nagulat pa ako nang makitang sa roof top pala kami bumaba. "We're here," wika ni Steve. "This is my parents' house," dagdag niya kaya lubos akong nagulat. "Ta-talaga? So taga rito ka rin!" "Yep," nakangiting sabi niya. "Bakit hindi mo sinabing mula sa Dinagat Island ka rin pala?" "Well, para hindi ma-spoil ang moment," saad niya at bumaba na rin kami. Bumungad sa amin ang limang katulong at apat na security guard. "Steve, hijo! Ka-gwapo mo ng binata ka!" magiliw na sabi ng isang naka-unipormeng kasambahay na may edad na saka yumakap sa katabi ko. "Manag Hilda, kumusta po?" tanong ni Steve at base sa reaksiyon nila ay mukhang malapit ang loob nila sa isa't isa. "Matapos ang sampung taon, bakit ngayon mo lang naisipang umuwi. Aba'y akala ko ay mamamatay na lamang ako nang hindi nasisilayan ang batang inalagaan ko," dagdag ng ginang. "Masyado na kasing naging abala sa trabaho, manang," paliwanag niya sa ginang at maya-maya pa ay bumaling sa akin ito. "Oo nga pala, Manang Hilda, ito si Atasha. Tasha, this is Manang Hilda," pakila niya at nakita ko ang matamis na ngiti ng ginang sa akin. "Aba'y, napakaganda mo naman, hija," saad sa akin nito at nahihiya naman akong ngumiti. "Salamat po." Bumaling siya kay Steve. "Siya ba iyong tinutukoy ng mama mo na matagal mo ng kasintahan, Steve?" nakangiting tanong ng ginang kaya biglang naging awkward ang sitwasyon. "Ah, hindi, Manang. Siya ang nililigawan ko ngayon," paliwanag ng katabi ko. "'O siya, pumasok na kayo at nang maipaghanda namin kayo ng meryenda," saad na lamang ng ginang at ramdam ko ang mabuti niyang puso. Nang makarating kami sa sala ay nadatnan naming wala ng iba pang tao sa bahay maliban sa mga tauhan ng kanyang pamilya. Base sa interior design ng bahay ay mukhang ancestral house nila ito ngunit ang extension nito kung saan lumapag ang eroplano ay tila bagong gawa lamang. "By the way, ancestral house namin ito ngunit sina mama at papa na ang nag-alaga simula nang lumisan ang grandparents ko. Ang mga kapatid ni mama ay narito pa rin sa isla ngunit lumipat lamang sila sa kabilang bayan," paliwanag niya kaya tumango na lamang ako. Masasabi kong tunay na mayaman ang kanyang pamilya dahil kahit na luma na ang disensiyo ng bahay ay mukha pa ring mamahalin ang mga antigong naka-display sa gilid-gilid. Lumapit siya sa aking tabi saka kumportableng umupo habang nakapatong sa couch ang kayang kamay, sa likuran ko mismo. "Hindi ba't inaantok ka pa at kulang ang tulog mo? We could sleep upstairs," bulong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Kararating lang natin, naglilikot na naman po ang isipan mo, attorney Rojas," saad ko at nagulat ako nang bigla niyang halikan ang aking labi. "Sa bawat bigkas mo ng 'attorney', 'sir', at 'po' sa akin ay tatamaan ang labi mo," wika niya at nataranta ako nang marinig ang papalapit na yabag. "Nakakahiya," mahinang sabi ko saka ako lumayo sa kanya. "Anong nakakahiya? Pwedeng-pwede tayong maghalikan kahit saan at kahit kailan natin gusto," preskong sabi niya saka kumindat. Pinaypayan ko naman ang sarili dahil tila hindi pa rin ako sanay sa matinik niyang galawan kahit na nanliligaw pa lang siya. "Manang, maayos na po ba iyong kwarto ko? Inaantok kasi kami nitong si Tasha dahil pareho kaming napuyat kagabi," kausap niya sa isang kasambahay. Napayuko ako sa hiya. Kung may martilyo man akong hawak ngayon ay kanina ko pa pinukpok ang lalaking ito. "Malinis iyon, sir, at kahapon lamang ay pinalitan namin iyong bedsheet," sagot ng isang medyo batang kasambahay. Tumayo si Steve at abot hanggang sa tainga ang ngiti nitong bumaling sa akin. "Tara na sa kwarto, Tasha. Alam kong puyat na puyat ka at kailangan mong magpahinga," saad niya pa at hindi ko na alam kung saan ko itatago ang aking mukha dahil sa hiya. Hinawakan na niya ang kamay ko at nagpatianod na lamang sa kanya. Nang makapasok kami ay binalingan ko naman siya ng nakamamatay na tingin. Humalukipkip ako at naiinis na umupo sa gilid ng kanyang kama. "Hindi ako sanay sa ganito, Steve. Nakakahiya na. Akala mo siguro ay nakakatuwa na 'yang mga lumalabas sa labi mo. Ano na lang ang sasabihin ng mga iyon sa akin?" kunot noong wika ko ngunit lalo akong nainis nang makitang hindi siya apektado sa sinabi ko. Nilapitan niya ako saka pinisil ang dalawa kong pisngi. Maya-maya ay napatigil ako nang siilin niya ng halik ang aking labi at nang bumitiw siya at naging marahan ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Hindi ka basta-bastang babae, Atasha, maniwala ka," mahinang sabi niya saka hinawakan ang aking kamay at hinalikan ito. "Bukas na bukas ay uuwi tayo sa inyo. Magpapakilala muna akong manliligaw mo bago ko sabihing ako ang abogado mo," dagdag niya. Napakagaling niya talagang pukawin ako. Kanina lamang ay tinatalakan ko siya, ngayon ay tila sinasamba ko na naman siya. Pagtatapos ng kabanata 18.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD