Kabanata 16

1692 Words
Kabanata 16 Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa damuhan saka naglakad palapit sa gate. Hindi pa ako nakakalabas nang marinig ko ang ugong ng sasakyan sa aking likuran at nakitang si Steve ang nagmamaneho nito. "Tasha, ihahatid na kita," marahang saad niya. Sa tono niya ay mukhang naguilty naman siya sa ginawa. Hindi ko siya pinansin at patuloy akong naglakad. "Tasha, wait," saad niya habang nakasunod sa akin ang kanyang kotse. Alas tres pa lang ngunit makulimlim na ang kalangitan. Naramdaman ko sa aking braso ang paisa-isang pagpatak ng ulan kaya nangamba akong maabutan ng ulan sa daanan bago pa makauwi. Pinanindigan ko ang desisyong hindi siya pansinin dahil sa kanyang ginawa kanina kaya mabilis pa rin ang lakad kong lumapit sa tabi ng kalsasa para maghintay ng taxi. "Sakay na, Tasha. Uulan na," saad niya pa saka bumaba at nilapitan ako. Humalukipkip ako habang naghihintay ng masasakyan ngunit mailap sa akin ang swerte ngayon. Matapos ang ilang sandali ay biglang bumuhos ang malakas na ulan at sinundan iyon ng pagdagundong ng kalangitan kaya napahiyaw ako at takot na tinakpan ang aking tainga. Mas mabilis pa sa kidlat ang paglapit sa akin ni attorney saka ako niyakap sa paraang pinoprotektahan ako nito mula sa ulan, kulog, at kidlat. "I told you to come inside. Basa na tuloy tayo," rinig kong saad niya ngunit hindi sa paraang galit dahil masu-supalpal ko talaga siya kung sakaling magalit pa gayong may kasalanan siya sa akin kanina. Hindi na ako nagprotestang sumakay sa kanyang kotse at ngayon ay nagsisitaasan na ang aking balahibo dahil unti-unti nang sinasakop ng lamig ang aking katawan. Niyakap ko ang sarili habang pinupunansan din nito ang sarili gamit ang ekstra niyang damit. Umatras ang kotse at sa tingin ko ay babalik kami sa kanyang mansion kaya nagprotesta ako. "Kailangan kong umuwi," mahina at matigas kong sabi ngunit umiling siya. "Malakas na ang ulan at mahangin din. Baka ma-stranded pa tayo sa gitna ng trapiko," saad niya at saktong kumulog nang napakalakas kaya hindi ko namalayang napayuko ako at sumiksik sa kanyang dibdib. "Ba...balik na tayo. Please," pakiusap ko. Noong bata pa ako ay nagkaroon ako ng tràuma sa kulog at kidlat dahil muntik na akong matamaan noon kasama ang aking nanay. Nakatayo kami noon sa tabi ng papaya nang bigla na lamang tamaan ito sa aming paglikod. Halos ilang araw din kaming walang marinig noon dahil sa lakas ng impact nito kaya ganoon na lamang ang takot ko sa tuwing kumukulog. Wala naman akong problema sa ulan dahil isa itong biyaya mula sa maykapal. Naalala ko pa, sa tuwing panahon ng pagtatanim ng mga mais at palay, palagi naming inaabangan ang ulan dahil ito na rin ang bumubuhay sa aming mga magsasaka. Subalit tunay ngang magkakaiba ang mga tao ng gusto at paniniwala. Kung gaano ko ka-gusto ang ulan, ganoon din ang pagkamuhi ng iba rito dahil may mga taong naninirahan sa isang tahanang butas-butas ang bubong kaya sa gabing maulan, hindi sila makatulog dahil hindi nila alam kung saan sila pu-pwesto. Napailing ako dahil naalala ko na naman ang munti kong pamilya sa probinsiya. Bumukas ang pinto at basang basa na rin pala ang asul na t-shirt na suot ni attorney at dumapo sa kanyang basa ring pantalon ang aking mga mata. "Bumaba na tayo," baritonong saad niya kaya napabaling ako sa kanyang mukha. Tumutulo ang tubig-ulan sa ilang hibla ng kanyang buhok at bakat na rin ang mabato niyang dibdib kaya napaiwas ako. Pinagalitan ko ang sarili dahil kani-kanina lang ay nagalit ako sa pagiging agresibo niya ngunit ngayon ay tila kusa akong naaakit. Kailangan kong magpakatatag at ipakitang hindi ko nagustuhan ang ginawa niya kanina kahit na may parte sa aking nais ng bumigay sa mga halik niya. "Kung nais mo akong sampalin sa pangalawang pagkakataon ay gawin mo lang. Hindi ako papalag," mungkahi niya at napansin yata nito ang mariing paninitig ko sa kanya kaya umiwas ako ng paningin at lumabas na sa kanyang sasakyan. Pagkababa ko ay sandaling nagtama ang aming díbdib at dumaloy mula rito ang tila kuryenteng nagpatibok nang mabilis sa aking puso. Akmang tatakbo na ako papunta sa lilim nang hawakan niya ang aking kamay at isinandal sa pinto ng kanyang kotse. Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ay ang marahan niya paninitig sa akin at unti-unting nagsalubong ang aming labi nang hindi namamalayan. Pumikit ako dahil ang kuryenteng naramdaman ko kanina ay tila lalong lumakas pa. Ang kamay niya'y nakapulupot na sa aking baywang at ilang sandali pa ay humiwalay ang kanyang labi sa akin. Pumapatak pa rin ang ulan at hinihingal niyang pinagdikit ang aming noo. "Wala akong balak mag-asawa ngunit ang isiping aasawahin ka ng iba ay nakagagalit," bulong niya at hindi ako nakapagsalita. Pagbaling ko sa mansion ay nakatayo na roon ang mga katulong, kasama na ang hardinerong si Dodong. Bigla silang umiwas ng paningin nang bumaling sa kanilang kinatatayuan si attorney at ngayon ay nais ko na lang gumulong hanggang sa maglaho nang tuluyan dahil nasaksihan ng kanyang mga tauhan ang aming malalim na halikan. "Tara na," bulong niya. Yumuko ako. "Nahihiya ako," pagtatapat ko. "Huwag kang mahiya. Pang-blockbuster ang halikan natin kanina," nakangising wika niya kaya pakiramdam ko ay namula lalo ang aking pisngi. Tumakbo rin kami sa kanyang bahay at napansin ko ang pag-iwas ng tingin ni Dodong saka umalis na. "Maligo na tayo sa itaas," saad pa ni attorney at piniga muna ang basa niyang t-shirt. "Tayo?" pag-uulit na tanong ko. "Oo, tayo," sagot niya at nauna ng naglakad patungo sa elevator. Ngayon ko lang nalaman na may elevator pala ang kanyang mansion. Akala ko ay iyong hagdanan lang. Iba rin talaga ang mga mayayaman. Bago pa ako makasunod sa kanya ay napansin ko si Manang Tere na maasim ang mukhang bumaling sa akin saka pinunasan ang mesa. "Wala na talagang pinipiling lugar ang mga kabataan ngayon," rinig kong sabi niya kaya alam kong ako na naman ang kanyang puntirya. Nais kong ipagtanggol ang sarili dahil nagmumukha na naman akong malandi ngunit mas mabuting itikom na lamang ang bibig kaysa sumbatan ang isang matanda. Hindi ko makuha- kuha ang depinisyon ng ibang tao sa konsepto ng 'respeto'. Madalas kasing naririnig sa iba na kailangan daw irespeto palagi ang mga matatanda. Tama nga naman. Walang tao ang gustong mabastos. Ngunit hanggang kailan sila ire-respeto kung dumarating na rin sa puntong nababastos ang mas nakababata sa kanila? Kagaya ng sinabi ni Confucius na kanyang Golden Rule: 'Do not do unto others, what you do not want others do unto you'. Respect is truly earned. Huwag mambastos kung ayaw mongabastos ika nga nila. Sa tingin ko ay hindi lahat ng matatanda ay tama sa lahat ng pagkakataon dahil tao rin sila at may mga pagkakataong kulang ang karanasan nila sa buhay kaya nagkakamali rin ang iba. Naniniwala naman akong hawak nila ang karunungan kagaya ng akda ni Matsuo Basho na 'The Aged Mother', may halaga ang mga matatanda sa lipunan. Yumuko na lamang ako at naisip ang isang bagay. Marahil ay hindi lamang siya sanay na nakakakita ng mga naghahalikan sa kanyang harapan. "Pasensiya na po roon sa nasaksihan niyo kanina," paumanhin ko saka naglakad palapit sa elevator. Sa hagdanan na lang sana ako maglalakad ngunit baka mas madumihan ko ang buong bahay. Kawawa naman ang janitor kung sakali. Bago ako pumasok sa kwarto ni attorney ay kumatok muna ako ng tatlong beses ngunit hindi kaagad ito bumukas kaya muli akong kumatok at ganoon pa rin kaya pinihit ko ang doorknob at pumasok na lamang. Wala siya sa loob ng kanyang kwarto at marahil ay nasa cr na siya at naliligo. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ito at ako naman ang sumunod sa cr. Nang matapos ako ay mahigpit kong hinawakan ang tuwalyang nakapulupot sa aking katawan nang madatnang naroon pa sa kwarto si attorney. "Magbibihis lang ako," wika ko at tila nakuha naman niya ang ibig kong sabihin. "Oh, I am sorry," saad niya at mabilis na iniwas ang paningin mula sa aking katawan at lumabas na. Naghanap ako ng maisusuot at laking pasasalamat ko dahil nahanap ko sa kanyang closet ang undies na naiwan ko noong nag-sleep over ako rito at tila bagong laba pa naman ito dahil amoy mamahaling fabcon pa. Sinuot ko ang kanyang t-shirt at ilang sandali pa ay binuksan ko na rin ang pinto, hudyat na maaari ng pumasok si attorney. Inayos ko naman ang mga damit sa kanyang closet na bahagya kong nagulo saka umupo. Napansin ko ang damit niyang nakasabit sa itaas ng kanyang kama kaya napakunot ang noo ko. Iyon pa 'yong damit niyang sinuot ko noong huli akong pumunta sa kanyang bahay at mukhang hindi pa nalalabhan. Kinuha ko iyon saka inamoy. Amoy ko pa rin ang pabangong ko kaya kinuha ko iyon at akmang ihahagis ko na sa lagayan ng mga labada nang pigilan niya ako. "Just put in in my bed," saad niya at siya na mismo ang kumuha sa damit mula sa aking kamay. "Bakit? Madumi na po iyan, attorney," wika ko ngunit hindi hindi siya nagsalita. Pilit ko namang kinuha ang damit dahil nahihiya ako. Madumi na iyon at ilang araw ng hindi nalalabhan. "Ilagay mo lang diyan sa taas ng kama ko, Tasha," saad pa niya kaya napabitiw ako rito. Nanlaki ang mga mata ko nang maisip ang isang bagay. "Ahh! Kaya siguro hindi ako makatulog ng ilaw araw at ikaw na lamang ang iniisip ko dahil pinakulam mo ako!" gulat na diskubre ko. Kumunot ang kanyang at nakita ko ang pagtaas ng gilid ng kanyang labi. "Kung ganoon ay epektibo nga ang paghawak ko sa damit na sinuot.mo gabi-gabi," sagot niya saka kinuha ang damit at inamoy-amoy ito. "Dàmn. Lagi ko itong katabi sa pagtulog dahil gustong-gusto ko ng amoy mo," saad niya kaya napalayo ako sa kanya. "H-hindi na po iyan normal, attorney." "Oo, Atasha, hindi na normal ito. Pakiramdam ko ay baliw na ako at obsessed na sa'yo." Dahil sa sinabi niya ay mabilis ako lumabas patungo sa terrace upang makahinga ako nang maayos. Iba na siya. Mas agresibo at tila nasiraan na ng bait. Kailangan kong maghanap ng pangontra sa kanyang ginawa. Pagtatapos ng kabanata 16.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD