Kabanata 17
Nagpasya akong matulog sa bahay ni attorney sa maulang gabi dahil delikado kung ipagpipilitan ko pang umuwi gayong sinabayan ng malakas na hangin ang ulan.
"Kung hindi ka pa rin kumportableng katabi ako, I could sleep in the couch if you want me to," saad niya saka binalingan ang sofa sa di kalayuan malapit sa kanyang kama.
Umiling ako. "Hindi, dito ka na lang attorney. Ako na ang matutulog sa couch," saad ko at napakunot ang noo niya nang kunin ko ang unan at kumot saka tumayo na.
"Dati ka bang lalaki, Atasha?"
Ako naman ang nagkunot-noo dahil sa narinig. "Bakit po?"
"Tsk, ako ang lalaki kaya ako ang dapat matulog diyan sa sofa," wika niya kaya umupo ako sa kama at pinanood siyang naglakad palapit sa couch at tila nangongonsensiya pa ang itsura.
"Malamig pa naman na ang gabi pagsapit ng madaling araw. Saka masakit sa likod kung hindi ko na-i-stretch ang katawan ko," wika niya at sumandal sa couch.
Tingnan mo ang lalaking ito, parang sira-ulo. Nagvolunteer pa gayong mango-ngonsensiya naman.
"Tabi na lang tayo rito, sir," saad ko at napaangat ang mukha niya saka ako tiningnan. Nakita ko ang multong ngiti sa kanyang kabi ngunit naglaho din iyon kalaunan.
Mabilis naman siyang tumalon sa kama na tila isang batang nasasabik na makatabi ang ina.
"Matulog na tayo," wika niya pa ngunit pagtingin ko sa orasan ay alas otso pa lang ng gabi.
"Maaga pa," wika ko at nagsalubong ang kilay niya nang ilagay ko sa aming pagitan ang isang ekstrang unan.
"Let's sleep now," masungit na sabi niya at pinatay ang lampshade sa night stand.
Hindi ako makatulog dahil hindi pa naman ako inaantok. Kung nasa probinsiya siguro ako ay mahehele ako sa antok dahil sa huni ng mga insekto sa paligid ngunit ngayon ay nakapa-ingay ng kabog ng aking dibdib. Hindi matahimik.
Patagilid akong humiga at maya-maya pa ay naramdaman ko ang unti-unting pagdapo ng kamay ni attorney sa aking tagiliran papunta sa aking tiyan kaya napalunok ako at pakiramdam ko ay nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan.
Pinigilan ko ang sarili sa kagustuhang dumapo pa sa sensitibong bahagi ng aking katawan ang kanyang kamay.
Dahan-dahan kong inangat ang kanyang kamay saka inalis mula sa pagkakapatong sa aking tiyan nang hindi nagsasalita.
Inalis na niya ang unan sa aming pagitan at ramdam ko na ang kanyang katawan sa aking likod.
Umusog ako nang kaunti palayo sa kanya. Hindi na rin siya lumapit sa akin at narinig ko na lamang ang pagtikhim niya.
Makalipas ang ilang oras ay dinalaw na rin ako ng antok at sa kalagitnaan ng aking pagtulog ay naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang paghaplos sa aking buhok, maging ang paglapat ng labi sa aking labi.
Hindi ko alam kung panaginip iyon o totoo ngunit hindi na ako nagprotesta pa dahil na rin sa sobrang antok.
Kinaumagahan ay hananap ko ang sariling nakakulong sa matitigas na bisig ni attorney.
Magkaharap kami ngayon. Ang mga kamay ko ay nakapatong sa kanyang dibdib habang ang kanya naman ay nakapulupot sa aking baywang.
Nanlaki ang mga mata ko dahil natulog kaming magkahiwalay at nagising na magkayakap. Ano pang silbi ng unan na nilagay ko sa aming pagitan kung kinaumagahan ay magkayakap naman kami?
Napaatras ako ngunit lalo niyang akong inilipit sa kanyang katawan kaya hindi ko alam ang gagawin.
Nasilayan ko ang napakagwapo niyang mukha at magulo niyang buhok at sandali akong namangha sa taglay niyang kakisigan kahit tulog.
Maya-maya pa ay sumilay ang multong ngiti sa kanyang labi kaya napakunot-noo ako.
"You're too early. Matulog pa tayo," nakapikit na wika niya at pinatong pa niya ang kanyang paa sa aking hita.
"6 AM na, attorney. Kung nasa probinsiya ka siguro ay kinalampag na ng nanay mo ang kaldero kung hindi ka pa bumangon," wika ko saka pilit na inalis ang kanyang kamay sa aking baywang.
"Just a minute," wika niya kaya hindi na ako umimik.
Maya-maya pa ay biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko nang titigan niya ako gamit ang inaantok niyang mga mata.
"Good morning," mahinang sabi niya sa baritonong boses. Lalaking lalaki at nakapang-a-akit.
"Good morning, sir," wika ko at mabilis na iniwas ang paningin.
Babangon na sana ako ngunit bigla niyang hinila ang kamay ko saka napasubsob ako sa kanyang dibdib.
"Kailangan ko ng halik," wika niya kaya tinaas ko ang isang kilay.
"Hindi ko po kailangan," mataman kong sabi dahil nagsisimula na naman siyang maging kumportable sa akin. Mamaya ay punitin na naman niya ang damit ko at maging agresibo nang wala sa oras.
"Please...kahit ngayon lang," pakiusap niya sa inaantok na boses at inilapit ang mukha sa akin.
"Bawal po," saad ko ngunit nakatitig na siya sa aking labi kaya mukhang wala na rin akong magagawa kahit tumanggi ako.
Hinalikan niya ako sa labi kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Sorry, sinasadya ko," wika niya saka kumindat.
Bumangon na ako at dumiretso na sa banyo nang makaligo at makauwi nang maaga.
Pagkatapos kong magbigis ay inaya pa niya akong mag-almusal at labis labis na naman ang hiyang nadarama ko nang dumapo sa akin ang mapanghusgang paningin ng kanyang mayordoma. Hindi ko na yata siya makakapalagayang-loob.
"Hindi ako makakapunta sa bar tonight," paalam niya kaya natigilan ako saka siya tiningnan. Nasa kanto na rin kami dahil hinatid niya ako pauwi.
"Okay po," maikling saad ko.
"Magbehave ka mamayang gabi. May aasikasuhin lang ako," dagdag niya at hindi na ako nagsalita pa.
Ang totoo ay magandang oportunid iyon nang maranasan ko naman ang magtrabaho nang payapa. Kapag nasa bar kasi siya ay palagi na lamang akong kinakabahan dahil alam kong pinapanood niya ang bawat galaw ko.
Bumaba na ako at naglinis muna sa apartment habang hinihintay ang duty ko.
Pagpatak ng alas sais ay naghanda na rin ako saka sinuot ang maiksi kong uniporme.
Nang i-bun ko ang aking buhok ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ang maliit na marka niya sa baba lang ng aking tainga kaya hindi ko alam kung paano itatago iyon.
Kaya ang ginawa ko ay kinulot ko ang aking buhok nang sa ganoon ay maging wavy itong tingnan at hindi gaanong mapansin ang marka niya sa aking leeg.
Nakapang-i-init ng ulo. Hindi nga siya pupunta sa bar, nilagyan niya naman ako ng marka. Napakagaling talaga niya.
Unang sumalubong sa akin si Yna na napakaganda rin. Hindi naman kami required na i-bun ang buhok ngunit para sa akin ay mas malinis kung itatali namin ito dahil mas kaaya-ayang tingnan.
Ang ibang waitress ay nakalugay naman ngunit si Yna ay nakatali ang buhok.
"Tash! What's with your look? Ang ganda mo lalo! In love ka, 'no?" bungad niya sa akin nang makarating ako sa locker room.
"Hindi naman," wika ko saka kinagat ang ibabang labi para pigilan ang sarili sa pagngiti.
"Nako, nako, nako, Tash! Aminin mo na. Sino ba ang lalaking iyan?" pangungulit niya at hinawakan pa ang braso ko.
"Ahh, ang totoo ay hindi ako sigurado, Yna, eh..."
Nagsalubong ang kilay niya. "Paanong hindi sigurado? Hindi mo pa ba mahal ang taong iyan, eh habang tumatagal, lalong tumitingkad 'yang ganda mo. Sign iyan na in love ka," nakangiting saad niya.
"Kasi...ano...ahm, naniniwala ka ba sa gayuma?" tanong ko at biglang nanlaki ang mga mata niya.
"Ginayuma mo siya?" gulat na tanong niya kaya umiling-iling ako.
"Hindi siya. Ako yata ang ginayuma ng lalaking iyon," wika ko at tumango-tango naman siya.
"Paano mo nasabing nagayuma ka, Tash?"
"Kasi nalaman kong gabi-gabi palang katabi at yakap-yakap ng lalaking iyon 'yong damit na minsan niyang pinahiram sa akin noong natulog ako sa bahay niy—"
"Natulog ka na sa kanila?" hindi makapaniwalang tanong niya kaya nahihiya akong tumango.
"Gosh, Tash! Bakit? Don't tell me... sinuko mo na ang—" Bago pa niya matapos ag sasabihin ay tumango na lamang ako.
"Tash, kaibigan na kita kaya concern ako sa'yo. Probinsiyana rin ako katulad mo kaya naranasan ko na rin ang mahulog sa bitag ng isang lalaking Manileño. Sana pala, binalaan na kita noong una palang," problemadong wika niya.
"Wala na...hindi ko na rin alam at ngayon ay mukhang epektibo ang panggagayuma niya sa akin kung ginayuma niya talaga ako dahil...dahil sa tuwing nakikita ko siya ay biglang bumibilis ang kabog ng dibdib ko at...at pakiramdam ko ay ligtas ako kapag kasama ko siya..."
Natampal niya ang kanyang noo sa narinig. "Hay nako, Tash... Sa tingin ko ay hindi ka ginayuma kasi hindi iyan uso rito sa Maynila. Mahal mo na siya!"
"M-mahal? Paano ba masasabing mahal mo na ang isang tao, Yna? Naguhuluhan na kasi ako."
"Mararamdaman mong tila may espesyal ng bahagi ang taong iyon sa puso mo, Tash."
Tumango-tumango ako dahil kumpirmado ngang mahal ko na ang lawyer na iyon.
"Wala na tayong magagawa kung naisuko mo na ang bataan, Tash. Ang maipapayo ko ay kailangang mas maingat ka na sa susunod mong gagawin dahil ang pagmamahal, kaibigan ko ay nakakabobo at nakakatang...ina. Iyan ang natutunan ko sa ilang taong pananatili ko rito."
"Kung ganoon, paano ko po-protektahan ang puso ko?" taong ko pa saka inayos ang sarili sa pagkakatayo.
"Isa lang, iwasan mong maging marupok. Huwag masyadong magpapadala sa mga salita ng lalaki dahil diyan tayo madalas napapahamak. Kaya no to marupok tayo!" natatawang wika niya sa huling sinabi.
Kung ganoon ay kailangang iwasan ko muna si attorney. Mukhang delikado nga ang magmahal.
Pagtatapos ng kabanata 17.