Kabanata 12
Mabilis kaming nakarating sa aking apartment at dahil hindi kasya ang kanyang kotse sa maliit na eskinita ay binuhat na lang niya ang dalawang karton ng aming pinamili.
"Akin na 'yong isa," alok na tulong ko dahil masyado ng nakakahiya. Siya na ang nagbayad, siya pa ang nagbuhat. Pinaninindigan na yata talaga niya ang pagiging sugar daddy.
"Ikaw nga, kaya kong buhatin at bali-baliktarin, ito pa kaya?" preskong wika niya.
Tila sumosobra na ang pagiging prangka niya at masyadong ng nakakahiya sa makaririnig na iba.
Kapag sinumpong ay tila galit sa mundo, kapag nasa mood naman siya ay hindi na ako makapagsalita dahil palong palo siya bumanat.
"Just get the paper bag. The bag is yours," tukoy niya sa biniling mamahaling vintage bag.
"Sa akin?"
"Yes. May kabayaran yan," dagdag niya.
Doon na muling naningkit ang mga mata ko. "Magkano iyon?"
"Just 599,000," wika niya kaya napasinghap ako.
"Kung isang libo ang bawat gabing kasama mo ako, ibig sabahin, 599 thousand days din dapat kitang kasama? Baka patay na ako't lahat lahat, hindi ko pa nababayaran," ani ko sa hindi makapaniwalang boses.
"Yes and yes. May kapalit ang lahat. Kung sa korte ay walang absolute na karapatan, pwes, sa buhay, walang bagay ang tunay na libre kahit na sinabing ito'y libre," pangaral na naman niya habang naglalakad kami palapit sa pinto ng aking apartment.
Nahihiya rin akong papasukin sana siya sa loob ng masikip kong apartment ngunit wala akong choice dahil mabigat iyong dalawang bitbit niya.
"Ayaw ko na itong bag, attorney. Ibigay mo na lang sa may gusto," saad ko saka inabot sa kanya iyon at abot abot na naman ang pagkakakunot ng kanyang noo at ang makapal niyang kilay ay nag-isang linya na naman.
Ngayon ko lang napagtanto na nakadadala pala ang pagiging antipatiko niya at inaamin ko, kahit na minsan ay na-i-intimidate ako sa pagiging sobrang matalino niya ay mas nangingibabaw pa rin ang pagkamangha ko sa dami ng alam niya. Ultimo mga bagay sa korte ay tinuturo niya sa akin.
Siguro, kung siya ang kasama ko araw-araw ay tatalino talaga ako ng wala sa oras.
Kagaya ng isang sikat na kasabihan sa Ingles, 'Tell me who your friends are and I'll tell you what you are'. Ibig sabihin, kung palagi kong kasa-kasama ang mga matatalino, eventually, mahahawa rin ako sa mga pamamaraan nila kung bakit sila matalino.
Napatitig ako sa bag at naalala iyong sinabi ng babaeng kakilala niya na nakasalubong namin sa mall. "Kay Kirstein mo na lang ito ibigay," mahinang sabi ko at umiwas ng tingin.
Natigilan siya sa saka inilapag sa mesa ang bitbit.
"Anong sabi mo?" galit na sabi niya at binalingan ako nito nang nakamamatay na tingin. Umigting ang kanyang panga saka kinagat ang gilid ng kanyang labi na tila ba nagtitimpi.
"Ahh, kay K-Kirstein na lang. Tama ba ang pagkakabigkas ko ng pangalan niya? Sino ba siya? Girlfriend mo ba? Ex-girlfriend? O baka naman mahal mo pero hindi mo girlfriend," mapait na bigkas mo sa huling sinabi at kunwari ay natawa para hindi mahimigan ang pagiging sarcastic ko.
Yumuko ako at nagkunwaring pinagpag ang unan sa maliit kong sofa dahil maging ako ay biglang sumama rin ang pakiramdam.
Paanong hindi ako mapapaisip gayong nag-iba ang reaksiyon niya nang marinig ang pangalang Kirstein. Mabuti na lamang at malinaw ang memorya ko nang marinig ang sinabi ng babaeng nakausap niya kanina.
"Tang...ina..." bulong ni Steve at malalaki ang yabag nitong nilapitan at ako at natulala na lamang nang siilin niya nang marahas na halik ang labi ko.
"Tang...ina...talaga," saad niya pa at napadaing ako nang kagatin niya ang ibabang labi ko.
"Aray ko..." naiiyak na sambit ko at nalasahan ko pa ang kaunting dugo rito.
"Huwag na huwag mo ng babanggitin pa ang pangalang iyon," babala niya saka siya lumayo at nilakumos ang mukha gamit ang sariling kamay.
Sapo sapo ko ang dibdib ko nang makapasok ako sa cr.
Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Naghilamos ako para pakalmahin ang sarili at paglabas ko ay nakasandal na ito sa pintuan habang nakapamulsa at madilim ang paningin.
"Tara na," aniya sa baritonong boses at natataranta kong kinuha ang bag ko saka sumunod sa kanya matapos i-lock ang pinto.
Naglakad na kami sa eskinita at ngayon ay may nadaanan kaming kumpulan ng mga kalalakihang nag-iinuman sa may tindahan.
Binilisan ko ang paglalakad habang nakasunod kay Steve at bahagya siyang tumigil saka hinawakan ang baywang ko sa tapat ng mga nag-iinuman.
"Woah, pare may chika babes..." rinig kong saad ng isa sa mga ito at kinabahan ano nang harangan kami sa paglalakad.
Ang malaking katawan nito ay punong-puno ng tattoo. Napansin ko rin ang piercing sa kanyang dila kaya lalo akong kinabagan. Mukhang isang suntok lang ay matutumba na si Steve kapag lumaban pa siya.
"Ahh, kuya, padaan po kami," kinakabahang kausap ko rito ngunit hinila ako ng katabi ko.
Tumikhim si Steve saka ako tinago sa kanyang likod.
"May problema ka ba sa amin?" seryosong tanong niya at nagtawanan ang grupo.
Nilapitan siya ng lalaki at nagulat ako nang umambang ipapalo na sa kanya ang upuan nang biglang inilabas ni Steve ang baril nito at diretsong tinutok sa sentido ng lalaki.
"B-boss...na-nagbibiro lang ako. I-ibaba mo iyan, boss," tarantang saad ng lalaking nagyayabang kanina at nais pang upakan si Steve.
Nabitawan naman ng lalaki ang hawak na upuan at ngayon ay parang bata na itong natatakot, nagmamakaawa, at hindi makagalaw.
Nagsitayuan ang mga kainuman ng lalaki at akmang susugod ngunit mabilis na naitututok ni Steve sa kanila ang isa pang baril na hindi ko mawari kung saan niya kinuha.
"Tang...ina, lumapit kayo kung gusto niyo ng mamatay," mariing sabi niya at napatakbo ang mga ito.
Idiniin niya lalo ang baril sa ulo ng lalaki saka seryosong nagsalita. "Sa susunod na bastusin mo itong babaeng ito, pasasabugin ko na ang bungo mo. Naintindihan mo ba ako?"
Hinawakan ko ang braso niya dahil isang maling galaw lang ay makapapatay na siya.
"S-Steve...ibaba mo na iyan," nanginginig na awat ko sa kanya.
"Sagot!" galit na saad niya sa lalaki at nanginginig namang sumagot ito.
"Oo, boss...h-hindi na mauulit."
Inilayo ni Steve ang baril. "Takbo!" marahas na sabi niya at kumaripas naman palayo ang lalaki.
Pinanood ko ang pagsuksok niya ng dalawang baril sa loob ng kanyang coat.
"May baril ka pala?"
Marahil ay dala-dala niya iyon palagi dahil ang kanyang propesyon ay delikado rin.
"Yes. I always bring it with me. Even in bed," sagot niya.
"P-pati sa pagtulog katabi mo ang baril?" kumpirma ko.
"Oo. Kaya gawin mo ang gusto kong gawin mo dahil isang kamali mo lang, tatamaan ka ng baril ko," wika niya kaya napalunok ako.
"Pero huwag kang mag-alala, hindi iyong baril na nakamamatay, bagkus, baril na pumuputok sa rurok at bumubulwak ng nakabubuhay na bala."
"Ayaw ko po..."
"Ngayon ka pa aayaw gayong nasimulan na natin."
Bago pa ako matunaw sa mga sinasabi niya ay mabilis na akong naglakad palapit sa kanyang kotse.
Pagtatapos ng kabanata 12.