Kabanata 11
"Hey, Tash, let's eat first," rinig kong wika ni Steve kaya binalingan ko siya ng masama.
Hindi porke attorney siya ay magagawa na niya ang gusto niya. Ang ending ay napahiya pa ako sa harap ng ibang tao dahil sa inasta ng babaeng kakila niya kanina.
Lakad-takbo naman ang galaw ko sa pagnanais na makalayo sa kanya.
Napalingon ako sa likod at napansing natigilan siya sa paglalakad nang mag-ring ang kanyang cellphone kaya naman ay tinakbuhan ko siya na tila isang batang hinahabol ng kalaro saka mabilis na nagtago sa elevator.
Hinihingal kong pinindot ang ground floor at kahit na pinagtitinginan ako ng mga taong nakasabayan ko ay wala na akong pakialam.
Mabilis akong pumasok sa supermarket at bahagyang nagtago sa corner ng mga napkins at pasilip-silip sa mga taong dumaraan at pumapasok.
Sana ay hindi niya ako nasundan.
Pinunasan ko ang pawis sa aking noo saka kinuha ang katamtamang laki ng cart at tinulak iyon pabalik sa napkin section.
Ngunit pagliko ko ay biglang bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Steve kaya napatalon ako sa gulat at napahawak din ako sa aking dibdib.
"Ay! Antipatikong mokong!" bulalas ko nang hindi namamalayan at nakita ang pagsalubong ng kanyang kilay.
"Bakit mo ako tinakbuhang babae ka? I said, let's eat first and the next thing around, tumatakbo ka na palayo sa akin na daig mo pa ang hinahabol ng nakawalang aso."
"Paano naman po kasi, sir," mariing saad ko sa huling salita at sumingit siya.
"Just Steve, Atasha."
Namaywang ako dahil na-i-imbiyerna na ako sa presensiya niya.
"Paano ba naman kasi, Steve Hans, kasama mo na nga ako sa trabaho ko gabi-gabi, kasama pa rin kita kahit off-duty ko. May mga personal na bagay rin kasi akong pinagkakaabalahan," walang prenong bigkas ng labi ko.
Ngumisi siya. "The way you pronounce my name is so sexy. I like it, dàmn."
Maya-maya pa ay inagaw niya ang hawak kong cart saka siya na ang naglagay ng mga grocery items doon kabilang na ang napkins na kailangan ko buwan buwan.
"A-ako na 'yan," pilit ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinakinggan.
"Ako na ito, lola Tasha. Ang kupad mong gumalaw gayong gusto ko ng gumalaw," makahulungang sabi niya at napakunot-noo ako sa sinabi niyang Lola Tasha.
"Anong lola?"
Nilapit niya ang mukha sa akin saka ako kinindatan. "Lola kasi mahina ka sa kama. Uugod-ugod," pang-aasar niya kaya alam kong namula na naman ang akjng pisngi.
"Grabe..." bulala ko saka iniwas ang mukha at pinaypayan ang sarili sa inis.
Tinikom ko ang bibig dahil wala na akong maisip na pwedeng isupalpal sa kanya.
"Is this your brand?" tanong niya habang hawak ang Modess kaya namula ang pisngi ko saka umiling.
"I-iyong with wings," nahihiyang sabi ko at nakita ko na naman ang nakakaloko niyang ngisi.
"Niré-regla ka pa pala, lola Tasha," halakhak niya.
Iniwan ko siya at naglakad palayo sa kanya dahil lagpas na sa sagad ang pagkainis ko sa kanya.
Hindi ko na siya pinansin at nagtungo sa meat section para kumuha ng chicken wings.
"Ilang kilo ma'am?" tanong ng lalaking nakapwesto sa harap habang ngiting-ngiti sa akin kaya nginitian ko rin siya pabalik.
"Isang kilo lang," sagot ko.
Pinili niya ang mga mukhang fresh na chicken wings saka tinimbang ito at dinikit ang presyo. Nagulat pa ako nang dagdagan niya ng tatlong piraso iyon.
"Ah, kuya, tama na, sobra na sa isang kilo iyan," pigil ko ngunit kinindatan niya ako.
"Tatlong pasobra dahil maganda ka," wika niya at narinig ko ang pagtikhim ni Steve sa aking likuran. Nang bumaling ako sa kanya ay seryoso na naman ito habang nakatingin sa manok. Kung tao lang siguro iyon ay kanina pa niya pinagsusuntok dahil sa sama ng tingin niya.
"Gusto mong i-report kita? My friend, Noven, owns this mall, including all these staffs," babala niya sa empleyadong gulat na gulat ang reaksiyon kagaya ko.
"Ibalik mo ang lahat ng pakpak," mando niya at natataranta namang binalik ng lalaki ang mga tinimbang kanina.
Bumaling sa akin si Steve. "Kakain na lang tayo sa labas mamaya. O 'di kaya ay sa bahay mo na lutuin ang gusto mong lutuin at doon na tayo kakain," masungit na sabi niya sa akin.
Bago kami umalis ay kinausap pa niya ang empleyadong lalaki na ngayon ay nakayuko na.
"Sa susunod, mga produkto ang bantayan, hindi pormahan ang mga kababain. Malulugi pa ang negosyo sa ginagawa mo," pangaral ni Steve.
"Pa-pasensiya na, boss," natataranta pa ring sagot niya at naglakad na palayo ang lalaking antipatiko.
Nagpahuli ako dahil naawa naman ako sa empleyadong pinagalitan niya. Alam ko kasi ang pakiramdam ng napapahiya.
"Pagpasensiya mo na iyon. May régla siguro," pabirong sabi ko at tila hindi nito malaman kung tatawa siya dahil sa kaba.
"Ma'am, baka hanapin ka ni boss..." paalala niya.
"Hindi iyan. Masungit lang minsan 'yan pero mabait pa rin," saad ko na tila ba kabisado na si Steve.
Napabaling si Steve sa akin. "Ano pang ginagawa mo diyan? Come here now," ma-otoridad na utos niya kaya sumunod na lamang ako.
Napatingin ako sa aking cart at punong puno na iyon. Kulang na kulang ang pera ko kaya pinigilan ko si Steve na itulak palapit sa counter ang iyon.
"Bawasan ko muna. Ang dami naman kasi nito," wika ko at akmang tatanggalin ko na ang mga karton karton na gatas at iba pang pagkain at pangangailangan ko ay pinigilan niya ako at nilapit na sa counter ang cart.
Binuksan ko ang aking wallet at nakitang dalawang libo lamang ang pera kong nakalaan para sa grocery at ang natira sa sahod ay allowance ko naman.
Napakahirap talagang mag-budget. Iyong hindi ko pa natatanggap ang sahod ko pero nahati-hatj na iyon sa isipan ko. Kailan kaya ako aasenso nito?
Hindi ko alam kung ano ang gagawin nang makitang umabot sa mahigit sampung libo ang bayad ng grocery items kaya nilapitan ko ang cashier para sana i-request na i-void na lang niya ang lahat ng mamahalin ngunit inabot na ni Steve ang itim niyang card.
"Take this," wika niya sa cashier kaya pinigilan ko siya.
"Ako na, miss. Take this," lakas-loob na wika ko saka inabot ang pay-out card na binigay ng kumpanya sa amin na mga empleyado at napadasal ako ng dalawampung beses sa isipan na sana'y hindi rin lang kunin iyon ng cashier.
Mabuti na lang at nasa card ko ang allowance ko kaya kahit papaano ay may laman naman iyon.
"No, I insist, take mine," singit ni Steve at nalilito namang binalingan ng cashier ang dalawang card na nakalahad sa kanyang harap.
Tahip tahip ang dibdib ko nang card ko ang hinawakan ng cashier kaya nahihiya akong sumiksik sa tagiliran ni Steve at pasimpleng bumulong.
"Kulang ang pera ko. Bakit kasi ang dami mong nilagay," mangiyak-ngiyak na sabi ko sa hiya.
"Ah, miss, take mine please," seryosong sabi ni Steve saka kinuha ang card ko at inabit iyon sa akin.
Nahihiya akong umatras habang inaayo sa karton ang mga pinamili namin at nang matapos iyon ay tikom na ang bibig kong lumabas sa supermarket.
Nakasunod ako kay Steve at sa tingin ko ay sa parking lot ang kanyang pupuntahan.
"Tasha, bilisan mo," aniya saka binalingan ang mga lalaking naghatid ng aming mga pinamili.
"Iuwi na muna natin sa apartment mo ang grocery items bago tayo pumunta sa bahay," wika niya.
"B-bakit? Anong gagawin ko sa bahay mo, attorney?" tanong ko. Binalik ko ang pagiging casual sa aking boses.
"Tsk," asik niya. Bigla niyang p-in-reno ang sasakyan saka ako masamang tiningnan. "I thought we're done with you, dropping 'attorney' and 'sir' from my name. Inuutusan kitang 'Steve' na lang ang itawag mo sa akin, Tasha. Kung tawagin mo naman ako ng 'sir', parang hindi pa tayo nagtikiman, ah."
Napaiwas ako ng tingin dahil sa walang preno niyang bibig saka kinagat ko ang pang-ibaba kong labi dahil uminit ang aking pisngi.
"Sorry," wika ko saka nilaro ang aking buhok at kunwari ay tinatanggal ang split ends nito gayong wala naman.
Maya maya pa ay muling umandar ang kotse at narinig ko siyang nagsalita.
"Bukod sa pagtalakay natin sa gagawin sa iyong kaso, gusto ko munang matikman kung gaano kasarap.. ang iyong luto," mahinang sabi niya.
"Paano iyong utang ko...Steve?"
"Utang?"
"Iyong kanina."
"Hmmm," aniya saka nag-isip. "Isang libo para sa bawat gabing kasama ka sa kama."
Nanlaki ang mga mata ko.
"S-seryoso? Ibig sabihin ay sampung araw mo rin akong katabi sa gabi?"
Sapo sapo ko ang bibig ko dahil hindi ako makapaniwala.
"May problema ba, Tasha?"
"W-wala naman," sagot na lang.
Good luck na lang sa akin.
Pagtatapos ng kabanata 11.