Kabanata 10
"Ibaba mo na lang ako diyan sa kanto, sir," saad ko kay sir Steve habang papalapit kami sa address ng apartment ko. Maliit na eskinita pa kasi ang daraanan ko kaya hindi na kakasya ang kanyang kotse paloob.
Pinarada niya ang kanyang sasakyan at sinubukan kong buksan ang pinto ngunit hindi ko alam kung alin ang kakalikutin.
Pinindot ko ang lahat ng pwedeng pindutin ngunit ang unang pinindot kong button ay bintana ang bumaba.
"Hangga't hindi mo iyan na-a-unlock ay mananatili tayo sa loob," wika nito habang aliw na aliw akong pinagmamasdan na hindi malaman ang gagawin.
"Hindi ako marunong, sir. Ikaw na nga kasi ang mag-unlock, sir," saad ko sa iritableng boses.
"Tsk, tinatawag mo ako ng 'sir' pero inuutus-utusan mo lang ako," bulalas niya saka tinanggal ang suot na seatbelt at inilapit ang katawan sa akin saka inabot ang hawakan ng pinto ng kanyang sasakyan.
Bahagyang dumikit ang katawan namin sa isa't isa at naiilang kong tinagilid ang mukha dahil kaunti na lamang ay magdidikit na iyon.
Nang mabuksan ang pinto ay hindi ako nangahas na gumalaw dahil isang galaw ko lang ay magdidikit na ang aming ilong at labi.
"Bumaba ka na," bulong niya habang nakatitig sa aking mga mata at bumaba iyon sa aking labi.
"Atasha..."
Unti-unti niyang inilapit ang labi sa akin saka marahan akong hinalikan.
Tumugon ako sa halik niya at bago pa man lumalim iyon ay iniwas ko na ang mukha saka mabilis na lumabas sa kanyang sasakyan.
"Fúck! Bitin," asik niya habang masamang nakatingin na sa akin ngayon.
Binaba ko ang laylayan ng skirt kong bahagyang tumaas saka siya nginitian.
"See you tomorrow, sir. Salamat at mag-iingat ka po," dagdag ko habang lukot na naman ang kanyang mukha.
Habang naglalakad ako ay hindi ko namalayang nakasunod pala ito sa akin ngunit mabagal lang ang kanyang hakbang.
Hindi ko na siya pinansin hanggang sa marating ko ang tapat ng bahay saka kumaway na lang sa kanya bilang paalam at kahit na medyo madilim ay nakikita kong nakapamulsa siya.
Nang makapasok ako ay siya namang Pag-alis niya.
Nang makapagpahinga ako ay naligo na rin ako nang sa ganoon ay matanggal ang epekto ng alak sa aking katawan. Napatitig ako sa aking labi dahil nakakadaming halik na si attorney rito at pakiramdam ko ay nagiging pouty na ito.
Bandang alas 10 na ng umaga ako nagising at naisipang mag-grocery dahil paubos na rin ang food supply ko at iba pang mga pangangailangan.
Sa department store sa isang sikat na mall ako nagtungo dahil iyon ang mas malapit.
Pagpasok ko sa loob ay napadaan ako sa isang sikat na boutique at nagpasya akong magwindow shopping na lang nang sa ganoon ay maaliw ko muna ang sarili bago mag-grocery.
Nilapitan ko ang napaka-cute na vintage bag at nalula nang makita ang presyo. Buong taong kayod pa bago ko iyon mabili kaya binalik ko sa dating ayos saka umatras, ngunit naapakan ko ang sapatos ng kung sino man ang nasa aking likod.
Tila naulit muli ang eksena ng una naming pagkikita kung saan muling nagkabanggaan ang aming katawan. Ang pinagkaiba lang ngayon ay hindi busangot ang kanyang mukha bagkus ay marahan ito.
"Hi, ako si Steve Hans Rojas," saad niya kaya nagtaka ako. Ano kayang trip ng attorney na ito at nagpakilala pa gayong kilala naman namin ang isa't isa.
Inilahad niya ang kamay at alangan kong tinanggap iyon.
Nagulat ako nang hindi na niya binitawan ang kamay ko saka kinuha ang bag na hawak ko kanina at dinala sa counter. Hindi man lang nag-alangang bilhin ang bag at tingnan muna ang presyo. Bagkus, inabot kaagad nito ang kanyang itim na card.
"P-para kanino iyan attorney?" tanong ko saka nahihiyang iniwasan ang paningin ng ibang tao sa paligid.
"Don't call me attorney nor sir. Just call me Steve," bulong niya kaya naiilang kong inilayo ang sarili sa kanya dahil sobrang lapit ng aming distansya na animo'y magkasintahan.
Nang mabayaran niya ang bag ay siya na ang bumitbit ng paper bag at kahit na gusto kong lumayo dahil sa pagkailang mula sa paningin ng mapanghusgang mga mata, wala akong magawa dahil hawak niya mismo ang kamay ko.
Nakasuot lang kasi ako ng denim na shorts, tank top, at flops kaya alam ko na ang iniisip ng ibang tao—sugar baby ako ng isang 'to.
Napatigil siya sa kalagitnaan ng paglalakad palapit sa entrance saka ako hinarap. "Wala ka na bang ibang damit, Atasha? Your legs are attracting other men's eyes," kunot-noong sabi niya.
"Mag-g-grocery lang naman sana ako, sir, kaya pambahay lang ang suot ko" sagot ko.
"I said, drop the 'sir'."
"Eh, hindi ko naman po ine-expect na may dress code pala rito," rason ko saka yumuko.
"Hindi mo nga ako tinawag na 'sir', nag'po' ka naman. Mukha ba akong matanda, Atasha?"
Umiling ako. "Ilang taon ka na po ba?"
Tumalim ang paningin niya kaya inulit ko tanong sa kanya. "Ilang taon ka na ba, Steve?" saad ko at tila naninibago ang dila ko sa diretsong pagbigkas ng pangalan niya.
"Hmm, music to my ears," wika siya saka umangat ang gilid ng kanyang labi. "Anyway, I am just 29, Atasha. How about you?"
"29?" hindi makapaniwalang saad ko saka umiling. "24 pa lang ako. Kuya na po pala kita, sir... I mean, Steve," dagdag ko at ngayon ay mukhang biyernes santo na ang kanyang mukha.
"Ano naman ngayon kung limang taon ang gap natin?" ismid niya.
"Kaya nga. Ano naman ngayon kung mas matanda ka? At least, marami ka ng alam sa buhay at karanasan na pwedeng maging aral sa mga katulad ko," wika ko at masama pala ang dating ng sinabi ko sa kanya.
"Matanda?" mapait na bigkas niya sa salita.
"Dàmn it. I am not old yet, Atasha." Base sa reaksiyon niya ay hindi nito matanggap ang aking sinabing matanda na siya.
Ano namang magagawa ko kung iyon ang totoo?
Akmang lalabas na ako sa boutique nang hilain niya ang kamay ko saka bumulong. "Ang matandang ito na sinasabi mo ay marami pang ipararanas sa iyo na mahirap... marahas... ngunit masarap," mahinang sabi niya saka ngumisi sa huling salitang binanggit.
Pakiradam ko ay uminit ang aking pisngi kaya ngayon ay nakayuko na ako dahil sa huli'y ako pa rin pala ang talo.
Tahimik akong sumabay sa hakbang niya nang may makasalubong kaming isang babaeng makapal ang pagkakadrawing ng kilay habang putok na putok naman ang kanyang fuchsia na lipstick.
"Oh, Steve," tila gulat na saad ng babae at pasimple akong binalingan mula ulo hanggang paa.
Bahagya ako umatras para itago ang sarili ngunit humigpit ang hawak ni Steve kaya hindi na ako gumalaw.
"May bago ka na palang pinalit sa kaibigan ko." Sarcastic namang tumawa ang babae.
Halos mataranta ako nang lumipat ang kamay ni Steve sa aking baywang saka pinagdikit ang aming tagiliran.
"Yes, I found my woman. Is there any problem with that, Miah?" ani Steve sa seryosong boses kaya nagulat ako sa kanyang sinabi.
Ako raw ay kanyang bagong kasintahan. Sino naman ang maniniwala? Isa lamang akong waitress habang siya'y isang lalaking mataas ang pinag-aralan at matayog din ang estado sa buhay.
Tumawa ang babae. Iyong tawang naka-i-insulto at masakit sa tainga.
"Well, tingnan na lang natin sa pag-uwi ni Kirstein. Baka lumuwa ang mata mo, attorney at magmakaawa kang balikan ka niya at iwan ang..." ani ng babae saka ako tiningnan, "nevermind," saad niya saka umirap at umalis na.
Hindi ko iyon nagustuhan dahil pinamukha na naman sa akin na tila napulot lang ako kung saan saan.
Iba pala makipag-away ang ibang mayayaman. May halong pang-aalipusta kapag alam nilang natatalo na sila.
Binitawan ko ang kamay ni Steve saka mabilis na naglakad patungo sa comfort room.
Narinig ko ang pagtawag niya sa akin ngunit naiinis talaga ako at sobrang nainsulto.
Bago ako lumabas ay tinitigan ko ang sarili sa salamin.
Wala namang mali sa akin. Maayos naman ang tank top ko. Hindi naman nakikita ang cleavàge ko at ang shorts ko naman ay sakto lang ang haba. Hindi naman ako malaswang tingnan.
Bakit naman ganoon? Kahit anong tino mong tingnan, mayroon at mayroon pa rin silang masasabi.
Bumuntong hininga ako bago lumabas.
Nadatnan kong naghihintay si Steve at nang makita ako ay lukot na naman ang kanyang noo.
Kaunti na lang ay tatawagin ko na siyang Mr. Antipatiko o 'di kaya ay Mr. Hindi-Ko-Maintindihan-Ang-Ugali.
Sa dami kasi ng problema ko, dumagdag pa siya.
Pagtatapos ng kabanata 10.