Kabanata 5

1502 Words
Kabanata 5 Nang makarating ako sa aking apartment ay mabilis akong naligo at nagbihis dahil bibili ako ng mga kakailanganin sa sinasabi ni attorney na bahay bahayan. Kasi naman, naniniwala ako na maganda rin ang kanyang intensiyon kahit na antipatiko siya at mukhang galit palagi sa mundo. Malay natin, kailangan lang ng isang tao na pagbigyan ang kagustuhan ng 'batang' siya para maging tunay na masaya. Ang misyon ko ngayon ay ang pasayahin si Atty. Steve Hans Rojas na minsan ay marahas at madalas namang antipatiko. Natutuwa ako dahil malaki laki rin ng tip na bigay sa akin ng manager kahapon. Galing daw sa isang regular customer kaya tinanggap ko iyon dahil bawal tanggihan ang grasya. Bumili ako ng mga laruang pambata katulad ng barbie doll, kasama na ang mga maliliit na luto-lutoang laruan. Napasinghap ako nang maisip ang isang bagay. "Hindi siya straight!" bulong ko sa sarili. Siguro pressured siya noon kaya hindi niya nailabas ang tunay na siya. Pero, hindi eh, lalaking lalaki ang galawan niya at amoy tigasing lalaki pa kaya napaka-imposible. Ngunit bakit nga bahay-bahayan ang gusto niya? Bahala na. Basta't sabayan ko na lang siya mamaya. Napadaan ako sa mouthwash section at nakita ang isang sikat na brand. Mahal ang presyo ngunit binili ko ito dahil naalala ko ang amoy sigarilyo niyang bibig. Oo nga naman, paanong hindi mangangamoy sigarilyo gayong katatapos niya lang humithit ng yosi bago ako hinalikan. Naalala ko ang pangalawa niyang batas na nilatag sa akin. Sa tuwing hahalikan niya ako ay hahalik din raw dapat ako. Ngunit paano? Ayaw ko ng lalaking amoy sigarilyo ang nguso. Umuwi ako pagkatapos bilhin ang mga kailangan at pinatuyo na rin ang damit na gagamitin ko sa aking duty. Iisang pares pa lang kasi ang nakuha ko kaya sana ay hindi ko makalimutang kunin ang tatlo pang pares nang sa gano'n ay hindi na ako mahirapan sa paglalaba at pagpapatuyo na siya ring isusuot ko kinabukasan. Tunay ngang mahirap maging mahirap. Pero sanayan lang. Kailangang magtiis sa kung anong mayroon at magsumikap dahil balang araw, pasasalamatan ko rin ang Panginoon sa pagsubok na ibinigay. May isang bagay akong nais patunayan sa mga panahong ito na nasa Maynila ako. Gusto kong alamin kung tunay nga ba na ang hustisya ay bumubuhos na parang ulan. Na kahit sino at ano pa man ang estado ng buhay mayroon ang isang tao, may kalayaan itong masalo ang bawat butil ng hustisya sapagkat wala itong pinipili. Naalala ko na naman ang nabasa kong akda ni Shakespeare. Napakaganda. Pagsapit ng alas 7 ay nasa tapat na ako ng DDB at nang makita ako ni Yna ay mabilis na akong hinila at base sa reaksiyon niya ay tila may nais siyang malaman. "Tash! Grabe ka na!" magiliw na sabi niya kaya nagtaka ako. "Alam mo ba, iyong client natin na attorney, nag-iwan ng malaking tip para sa atin! Tuwang tuwa na naman si boss kaya nang magrequest si attorney na kunin ka, pumayag kaagad! Ikaw hah, saan ka dinala kahapon?" Sinundot niya ang tagiliran ko saka ako inikutan. Nahihiya naman akong sabihin sa kanya na naghalikan na kami dahil ang pangit pakinggan. "May kakaiba sa'yo, Tash. Hindi ko lang matukoy kung ano iyon," dagdag niya saka naningkit at tila ino-obserbahan ako. "Anong bago? Wala naman Yna," naiilang na saad ko saka nagkamot ng batok. Nanlaki ang mga mata niya habang ang kamay ay nakaturo sa itaas ng aking dibdib. "Gosh, Tash! He marked you!" saad niya at napatingin din ako sa itaas ng dibdib kong may namuong maliit na dugo. "Hala! Bakit ito?" kinakabahang sabi ko saka sinubukang kuskusin ito ngunit hindi matanggal. "Yna, anong gagawin? Hindi ko naman siguro ikamamatay ito 'di ba?" Hinawakan ko pa ang kamay niya dahil hindi ko alam ang gagawin at natawa lang siya sa naging reaksiyon ko. Hawak hawak pa niya ang kanyang tiyan. "Sira ka, Tash. Of course not. Pride iyan ng lalaki. Ang ibig sabihin niyan ay pag-aari ka na niya at hindi ka na pwedeng kumawala pa." "Pag-aari niya ako? Eh paano iyon, Yna? Hindi ko pa naman siya kasintahan?" "Iyan ang problema, Tash. May mga lalaking hindi na nanliligaw at basta basta na lang papasok sa buhay nating mga babae nang walang kahirap-hirap. Ang masakit, pwede lang tayong iwan basta basta kung kailan nila gusto dahil walang commitment," mahabang pangaral niya sa akin. "Ganoon pala iyon," sagot ko na lang. "Kaya ikaw, bago ka sana nagpatuka sa uwak, nilinaw mo muna sa kanya kung ano ang score niyo. Mahirap na, Tash. Nasa Maynila tayo. Ang mga probinsiyanang katulad natin ay madalas mabiktima kaya mag-ingat ka na sa susunod." Tumango ako. Tama naman kasi siya. Nilagay ko sa loob ng locker ang mga gamit na dadalhin ko kina attorney saka inàyos ang suot kong polo-top dahil bahagyang nakikita pala ang marka ni attorney kagabi. Naalala ko ang kakaibang sensasyong dulot ng ginawa niya kaya napailing ako. "Tash, tara na sa VIP room," saad ni Yna at hawak-kamay kaming nagtungo sa VIP room number 10. Pagpasok namin sa loob ay ibang mukha ang bumungad sa amin. Nilibot ko ang paningin sa grupo ng mga kalalakohan at kababaihan ngunit wala doon si attorney. Mabuti na rin dahil ayaw ko munag makita siya siya na-offend yata siya sa sinabi ko kanina na amoy yosi ang bibig niya. Kagaya ng dati ay nagsasalin kami ni Yna ng alak sa baso ng mga customer at kumukuha ng alak kung may request pa sila. Nasa kalagitnaan ako ng pagaasalin nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Attorney Rojas na kararating lamang. Mabilis na dumapo sa akin ang kanyang paningin kaya napayuko ako at naging mas maingat sa galaw. "Late ka na, pre. Ilang chicks na naman ba kasi ang inuna mo bago ka pumunta rito?" saad ng lakaking mapanga na halos kasing tangkad rin niya. "Gàgo, sadyang busy lang ako sa trabaho, Walter James," sagot ni attorney at natawa ang kaibigan. "Yan ang nagagawa ng pagiging brokenhearted eh," tukso sa kanya ng tinawag niyang Walter. "Tsk. It's none of your business," saad niya saka umupo sa tabi ng lalaking sinasalinan ko ng alak ang baso. Ngayon ay katabi ko na si attorney habang tamad na pinatong ang kamay sa sofa. "Salinan mo na rin ako, Atasha. Gusto ko puno at sagad," wika niya na siyang ikinatawa ng kausap kanina. "Iba ka na talaga pre!" dagdag ng lalaki saka lumabas ar nagtungo marahil sa dance floor. "Tara na sa dance floor. May nakita kong hot chick!" saad pa ng isa at sabay sabay ng lumabas ang mga ito. Tumabi ako kay Yna dahil ramdam ko na muli ang awkwardness sa loob ng room. "Come here," rinig kong saad ni attorney kaya hindi ko alam kung sino sa amin ni Yna ang nais niyang tawagin. "Yna, tawag ka. Lalabas na ako," rason ko para makatakas ngunit pinigilan ako ni attorney. "I am talking to you, Atasha Torres. Sit beside me," saad niya at alangan akong tumabi sa kanya. Lalaking lalaki kasi siya ngayon at tila isang sensitibong tigre na mangangagat na ng bigla kapag nagalit. Mamayang pag-uwi namin ay iniimagine ko ng magpapalit siya ng anyo sa katauhan ng isang maamong kabayo. "Ahh, sir, lalabas na po ako," paalam ni Yna sako ako kininditan. "Atasha.... The innocent woman with a sharp tongue," saad niya at hindi ko alam kung kinakausap niya ako o hindi. "May kasalanan po ba ako sir?" "Very big," wika niya saka saka inabot ang sigarilyo kaya pasimple akong umirap. "I know you hate these," wika niya. Akala ko ay sisindihan niya ang binunot na sigarilyo mula sa pakete nito ngunit nagkakamali ako. Tinapon niya ito saka ngumisi. "I'd be cigarette free. Don't fúcking dare push me away again when I kiss you." Matapos ang ilang sandali ay napatayo ako nang makitang pabalik na muli sa VIP room ang mga kasama niya. Bumalik na rin si Yna kaya nakahinga ako nang maluwag. Bandang alas dose na nang muli akong ipaalam ni attorney kay manager at nahihiya na rin ako dahil baka isipjn ng iba kong mga kasama na may special treatment sa akin. Muli akong inuwi ni sir Steve sa kanyang bahay at dumiretso sa kanyang kwarto. "Handa ka na ba sa bahay- bahayan? Maghanda ka na dahil maliligo lang ako para ganado," saad niya saka mabilis na pumasok sa cr at naligo. Nilapag ko rin sa kama ang mga pinamili kong laruan para surpresahin siya. Puwesto na rin ako sa kama at sa harap ay ang mga lutu-lutoan. Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang napakagwapo at preskong itusra ni attorney. "What the heck! What are those things?" gulat na sabi niya nang makita ang mga laruang kaldero, kutsara, at iba pa. "Bahay-bahayan. Lutu-lutuan. Iyan naman ang gusto mo, 'di ba sir?" Pumikit siya at tila frustrated na nilakumos ang mukha gamit ang sariling kamay. "Throw those things! That is not what I meant, Atasha! I want us to play in bed! In short, I want to enter inside your dàmn puss!" Pagtatapos ng kabanata 5.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD