Kabanata 4

1329 Words
Kabanata 4 Nagising ako sa liwanag na tumatama sa aking mukha at nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang hindi pamilyar na kwarto. "Shít! Bakit nakahubad ako?" Napasinghap ko nang makitang wala ang polo shirt at skirt na suot ko. Bumukas ang pinto ng sa tingin ko ay cr sa kwarto kaya nanlaki ang mga mata ko nang makita si Attorney Rojas na katatapos lang maligo. Ang tuwalya ay nakapulupot sa kanyang ibabang katawan habang ang buhok niya ay basa pa at tumutulo pa ang tubig mula rito. Napatingin ako sa gitnang bahagi ng kanyang hita at nakita ko ang umbok doon. Napalunok ako. "Good morning, Atasha," saad niya at napahila ako ng kumot nang ma-realized na wala pala akong suot na damit bukod sa aking undergarments. Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako. Akala ko ay hahawakan niya ako kaya mabilis akong umilag ngunit nagkamali ako dahil aabutin lang pala nito ang cellphone niyang nasa tabi ko. Amoy na amoy ko tuloy ang sabong ginamit niya panligo at kitang kita ko naman kung gaano kalaki ang muscles niya sa katawan. "M-May nangyari po ba sa atin kagabi, sir?" kinakabahang tanong ko. Napalingon siya sa akin at lumapit habang nakatitig sa aking mga mata. "Ano sa tingin mo?" saad niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Natataranta akong bumaba sa kama saka hinanap ang mga damit ko ngunit hindi ko mahanap ang mga iyon. "S-Sir, nasaan po ang mga damit ko?" lakas loob na tanong ko kahit na kinakabahan at naiilang. Ang lalaking ito ang kumuha sa puri ko at hindi ko alam kung ano ang susunod na gagawin; kung iiwasan na lang ba muna siya o kausapin muli tungkol sa aking kaso. Tutal, nabayaran na ng puri ko ang kanyang serbisyo. Masakit pero iyon ang totoo. Kailangan kong magpaka-praktikal para mabuhay. "Your uniform is in the laundry area. Pinalabhan ko na," saad niya kaya natampal ko ang noo ko. Kung may nangyari sa amin kagabi, bakit wala naman akong maramdamang hapdi sa pagitan ng aking hita? Umiling na lamang ako para mawala sa isipan ang tungkol sa bagay na iyon. Marahil ay ganoon nga talaga. Kahit na gusto kong tumakbo palayo mula sa kanya ay wala naman akong ibang pagpipilian dahil hindi pwedeng umalis nang nakabalot sa kumot ang katawan ko. Baka isipin ng mga tao na isa akong run-away kabit na nahuli ng misis ng lalaking kàsiping. "Wala akong damit," nahihiyang sabi ko. "Then wear mine," casual na sagot niya. Nilapitan niya ang kanyang kabinet saka nilabas nito ang isang polo. "Here. Wear this," saad niya saka binato ang damit sa harapan ko. Sinuot din niya ang simple niyang t-shirt at shorts sa aking harap na tila ba hindi siya apektado sa aking presensiya. Tumalikod ako at akmang papasok na ako sa cr nang marinig ko siyang nagsalita. "Where are you going?" masungit na sabi niya. Lumalabas na naman ang kanyang pagiging antipatiko. "Magbibihis po sir," sagot ko. "Tsk. Nakita ko na lahat ng iyan kagabi at natikman pa. Why hide now?" Namula ang pisngi ko sa sinabi niya kaya yumuko ako at tinanggal ang kumot na nakabalot sa aking katawan. Sinuot ko ang polo niya sa kanyang harap at sa mga oras na iyon ay gusto ko na lamang magpalamon sa lupa dahil sa hiya. "Let's eat first before you leave," ma-otoridad na sabi niya at nauna ng lumabas. Tiningnan ko muna ang sarili sa salamin. Ang kanyang polo ay nagmukhang dress sa akin dahil mahaba ito. Sumunod naman ako sa kanya bago pa ako masungitan. Nahihiya naman akong umupo sa tapat niya. Mula sa gilid ng mata ko ay napansin ko ang paninitig sa akin ng kanyang katulong kaya naiilang akong kumain. "Eat a lot. Kakailanganin mo ang lakas mamayang gabi," saad ni attorney kaya nasamid ako. Ano na naman kaya ang gusto niyang gawin namin. Malinaw pa sa aking alaala ang usapan namin kagabi at ang hindi ko maalala ay kung paano ako nakatulog sa kayang kama. Nagsalin ang kasambahay ng tubig at mabilis nitong binigay sa akin. Nang matapos akong kumain ay tinanong ko muna ang kasambahay niya kung nasaan ang damit ko nang maiuwi ko na at doon sa apartment ko na lang patuyuin. "Medyo basa pa, ma'am," masungit na sabi sa akin ng kasambahay kaya natakot ako bigla. "Just get them. She'll be needing those clothes for her duty," singit ni sir Steve at tumalima naman ang ginang. "Sir, paano po yung mga damit ni ma'am Kirstein?" rinig kong saad ng ginang at napatigil si attorney sa pag-lalakad. Umiling siya. Burn them all," seryosong sabi niya at napansin ko ang pagkuyom ng mga kamay niya. "Pero, sir, baka po bumalik na lang siya bigla. Sayang naman kayo," saad pa ng ginang. "Hindi na siya babalik pa, Manang Rosa," seryosong sabi niya at naglakad patungo sa sala ng kanyang bahay. "Ito na yung damit mo, ma'am," pabalang na sabi ng ginang saka binigay sa akin ang uniporme kong medyo basa pa. "T-Thank you po," sagot ko at tatalikuran ko na sana siya nang marinig ko siyang magsalita. "May mahal na iyang si attorney, hija. Maiging huwag mo ng idikit ang sarili sa kanya dahil iiyak ka lang diyan. Tandaan mo, walang makatatalo sa unang pagmamahal." Hindi ako nagsalita. Dumiretso na ako sa sala habang ang isipan ay nasa sinabi ng ginang kanina. Wala naman akong balak na magkaroon ng malalim na ugnayan kay attorney dahil una sa lahat ay may agreement lang kami kaya ako narito ngayon. Pangalawa, wala akong nararamdaman sa kanya bukod sa takot at hiya. Pangatlo, kapag naipanalo na niya ang kaso ko ay kalilimutan ko na rin siya. "Ah, attorney, uuwi na po ako," paalam ko. Binuga niya ang usok ng sigarilyo saka nilagay sa maliit na baso ang upos nito. Nauna na akong lumabas dahil ayaw ko ang amoy ng sigarilyo. Hindi ko alam na sumunod pala ito sa akin. Naglakad ako palapit sa gate nilang medyo malayo pa nang marinig ko ang busina ng sasakyan sa aking likuran. "Sakay na," utos niya. "Magt-taxi na lang po ako, attorney," saad ko at pinagpatuloy ang paglalakad. "You can't commute wearing just that cloth. Sumakay ka na," tila nauubos ang pasensiyang wika niya. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at kita ko na naman ang kunot niyang noo. Tinuro ko ang daan patungo sa aking apartment at abot abot na naman ang pagkaseryoso ng kanyang mukha. Napasinghap ako nang bigla niyang hinawakan ang aking hita saka ako tinitigan. "Play with me." Kumunot ang noo ko sa narinig. "Ano po iyon sir?" "Play with me in bed and I promise to win your case at all cost." Kinabahan ako. "Ano po bang lalaruin natin sa kama sir?" "Bahay-bahayan lang. Magpapanggap kang girlfriend ko at ako naman ang boyfriend mo," sagot niya gamit ang baritonong boses. Nilapit niya ang mukha sa akin at napapikit ako dahil akala ko ay hahalikan niya ako ngunit tinanggal lang pala niya ang seatbelt na suot ko. "I'll pick you up tonight. Uumpisahan natin ang paglalaro mamayang gabi," makahulugang sabi niya. Noong nasa highschool ako ay naglalaro pa kami ng mga pinsan ko ng tumbang-preso, jackstone, at iba pa. Ngayon naman ay gusto niya ng bahay-bahayan. Nababaliw na ba si attorney? O gusto niya lang maglaro para i-heal ang inner child niya? Marahil ay hindi niya naranasan ang mga bagay na iyon noong bata siya dahil puro siya aral. Napangiti ako. Alam ko na ang dadalhin mamaya. Bibili ako ng mga laruan para sa lutu-lutuan at sasabayan ko na rin siguro ng Barbie doll. Bago ako bumaba ay siniil niya ng halik ang aking labi at hindi ko napigilan ang sariling itulak siya dahil amoy na amoy ko ang sigarilyo sa bibig niya. "Sir, pasensiya na po. Mabaho po ang bibig niyo. Amoy yosi kasi. Hindi ako sanay sa ganyang amoy sir. Sorry ulit." "Tang ina...." hindi makapaniwalang sabi niya at tila nagulat pa sa aking sinabi. Pagtatapos ng kabanata 4.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD