Kabanata 6

1673 Words
Kabanata 6 "Lumabas ka muna," masungit na sabi ni sir Steve kaya tumalima naman ako habang dala-dala ang mga laruan patungo sa terrace ng kanyang kwarto. Naiinis kong tinapon ang mga laruan saka umupo at umirap. Useless lang pala ang mga iyon. Matapos ang ilang sandali ay lumabas siya at nakasuot na ito ngayon ng sando at shorts saka nakapamulsang nilapitan ako. "Biglang nawala ang init ng katawan na naramdaman ko," masungit na sabi niya. Ano na naman kaya ang kasalanang nagawa ko at abot abot na naman ang kasungitan niya. Napatingin siya sa kanyang kanyang cellphone at narinig ko siyang nagsalita. "Dahil hindi pa ako makatulog, sabayan mo akong uminom," wika niya kaya napailing ako. "Hindi ako umiinom, sir," saad ko saka bahagyang umatras ng upo. "You don't have the right to say no." Umalis siya saglit at ilang sandali pa bumalik siya dala ang dalawang bote ng alak. Tinanggal niya ang takip ng bote saka nagsalin ng alak sa dalawang baso sa harap. "Drink this for me," saad niya saka inabot sa akin ang baso na may kaunting alak. "Sure po sir," sagot ko at namangha ako nang malasahan ang tamis ng wine na may kaunting pait nga lang sa dulo. At dahil nasarapan ako ay sunod-sunod ang ginawa kong pagtungga at pinanood lamang niya ako na tila satisfied sa ginagawa ko. Unti-unti na rin akong nahihilo kaya naman napakunot ang noo ko nang maisip ang isang bagay. "Attorney, 'yong totoo? Type mo ba ako?" matapang na tanong ko at hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob nang tanungin ang bagay na iyon sa kanya. Bahala na. Okay na rin iyon para malaman ko kung kursonada niya ako. Tumaas ang gilid ng kanyang labi saka sumimsim ng alak sa kanyang baso. "Paano kita magugustuhan kung tatanga-tanga ka sa tuwing gusto kitang i-kama." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at pakiramdam ko ay namula rin ang aking pisngi. Dahil sa narinig ay mabilis kong sinalinan ng alak ang aking baso at dire-diretsong nilagok ito. Pakiramdam ko tuloy ay nagiging lasinggera na ako dahil sa kanya. Hindi naman ako ganito dati kahit na HRM graduate ako. "Dahan-dahan. We'll get there," saad niya saka presko akong kinindatan. "May pagka-malandi ka rin pala, sir," kumento ko at nagulat din ako sa sinabi. Hindi ko na yata kayang kontrolin ang sarili sa pagiging prangka. Hindi ko namamalayang nabibigkas ko pala ang kung ano man ang laman ng aking isip. Umiikot na ang paningin ko at pakiramdam ko ay sumasayaw na ang mga bagay bagay sa paligid. "Lasing ka na naman," saad niya saka inangat ang sarili at pinatong ang mga kamay sa mesa. Nakayuko na ito sa harapan ko at kaunti na lamang ay madidikit na ang kanyang labi sa akin. Kahit na umiikot ang paningin ko at ramdam ko pa rin ang mariing paninitig niya sa akin. "I badly wanna make love with you but you're too innocent about it and if I let myself give in to that feeling, baka mamatay ako sa konsensiya," bulong niya at napalunok ako. Natikman ko na ang kanyang labi at kakaiba ito kaysa sa labi ng ex-boyfriend ko sa probinsiya. Dati ay takot na takot pa akong makipag-holding hands habang pauwi galing sa eskuwelahan at kaunting yakap lang ay kinakabahan na ako. Noong dalawang taon na kami sa relasyon ay saka lamang ako pumayag na halikan niya ako at sa tuwing naaalala ko ang bagay na iyon ay diring diri ako sa sarili dahil nalaman kong hindi pala siya naliligo. Bago pa man humantong sa mas malalang sitwasyon ang aming relasyon ay nakipaghiwalay na ako. Ganoon na lamang ang galit niya sa akin nang malaman ang dahilan kung bakit ko siya iniwan. Wala naman akong kasalanan. Iyon ang una at huling halik niya sa akin dahil bukod sa mabantot ang kanyang hininga, amoy paa rin siya. Hindi ko lubos maisip kung paano ako nagtagal sa ganoong relasyon. Marahil ay dahil na rin sa tiyaga niyang tulungan ako sa aking assignments noon. Mali ang ginawa kong pag-iwan, oo. Pero lalong mali kung ikamamatay ko ang bantot niya. Kumpara sa lalaking nasa tapat ko ngayon, laging amoy fresh. Iyon nga lang, ayaw ko rin sa kanya minsan lalo na kung humipak ito ng sigarilyo at nais pa akong halikan pagkatapos. Big 'no' para sa akin iyon. Natawa ako sa naisip. May trauma na yata ako sa relasyon dahil sa masamang amoy. Napaka-labong dahilan para iwan ang isang tao pero minsan, hygiene is also the key to maintaining healthy relationship. Hindi lang puro 'I love you' at 'I miss you'. Imagine, may hinahalikan ka at kumain siya ng ginisang monggo at malunggay at pagkatapos ay nalipat sa bibig mo ang isang dahon nito? Ayaw ko na talaga. "What are you thinking?" rinig kong tanong niya kaya umiling ako. "Wala sir." "Tsk, as I always say, ayaw ko ng ganyang sagot. You just cant say, 'hindi ko po alam, your honor' in the court when you wanna play safe. Tell the truth 'cause you will get caught anyway when you're lying," pangaral niya sa akin kaya napairap ako. "Daming sinasabi," masungit na bulong ko sa sarili at kinabahan ako nang marinig niya pala iyon. "What did you say, drunk lady?" Nagsalubong muli ang kanyang kilay at lalo niyang inilapit ang mukha sa akin. "S-Sir, ang lapit ng mukha mo," kinakabahang sabi ko at napaatras naman ito saka umupo at kinuha ang isang stick ng sigarilyo. Masama ang tingin ko sa kanya habang pinapanood ang pagkapkap niya sa bulsa at tila hinahanap ang kanyang lighter. Bago pa niya mailagay sa labi ang sigarilyo ay inilabas ko mula sa paper bag ang binili kong mouthwash. "What the heck is that?" hindi makapaniwalang saad niya nang ipatong ko sa tapat niya ang Listerine. "I don't fúcking have a bad breath!" "Magyoyosi ka na naman kasi sir tapos mamaya, hahalikan mo na naman ako at baka maduwal na naman po ako sa amoy niyang yosi mo. Ayaw ko no'n sir," diretsong saad ko saka siya pekeng tumawa habang pinagtatapon sa gilid ang mga sigarilyo. "Akin na nga iyan nang matigil ka na sa kaartehan mo," saad niya saka ginamit ang mouthwash. Matapos iyon ay nanggigigil niya akong nilapitan saka mabilis na nilakumos ng halik ang aking labi. Mabilis naman akong tumugon dahil nakakaengganyo pala ang makipaghalikan kung walang nalalasahang alak o yosi. Dumilim ang paningin niya sa akin at nagulat ako nang bigla niya akong buhatin saka isinandal sa railings ng terrace. Malalim niyang hinalikan ang labi ko at dumausdos iyon sa aking leeg habang napapikit naman ako sa sensasyong dulot ng kanyang ginagawa. Pinasok niya ako sa kanyang kwarto at hindi ko alam kung bakit tila nawala ang lahat ng hiyang nadarama kanina at ngayon ay nahanap ko ang sarili nakatalikod sa kanya habang kinikiskis niya sa aking puwít ang matigas na bagay mula sa pagitan ng kanyang hita. "Tang...ina," baritonong wika niya nang harapin ko siya at kusa kong idikit ang dibdib sa kanyang katawan. Pinaupo niya ako sa kanyang hita at naramdaman ko ang bagay na tumutusok sa aking hiyas. Lalong naging marahas ang halik niya sa akin at sa kalagitnaan nito ay napatanong ako. "Attorney, kailan mo ako tutulungan sa kaso ko?" Napadaing ako nang bumaba sa aking dibdib ang kanyang labi saka sinúbo ang perlas nito. Sinipsip niya ito na tila ba isang batang uhaw na uhaw sa gatas ng ina habang ang isang kamay niya ay naglilikot sa aking katawan. "Tell me about your case," saad niya saka pinagpatuloy ang ginagawa kaya hindi ko malaman kung paano ko iku-kuwento sa kanya ang bagay na iyon. "S-Sa probinsiya..ahh-" panimula ko at napadaing nang kagatin niya ang isa kong perlas. Sandali siyang tumigil at inangat ang ulo para tingnan ako. "Just continue. Makikinig ako," saad niya at napasinghap ako nang ihiga niya ako sa kama at mabilis na natanggal ang lahat ng damit na bumabalot sa aking katawan. Sapo-sapo ng dalawang palad niya ang magkabilaan kong dibdib habang ang labi niya ay dumadausdos pababa sa aking tiyan. "Nag-apply ako no-ohh-n sa isang kumanya sa amin..." Napasinghap ako nang halikan niya ang aking hiyas at ekspertong gumalaw ang dila sa bagay na iyon. "You taste good," singit niya. "Ta-Tapos...iyong matanda, kursonada pala ako at may balak pang masama sa akin," naiiyak na saad ko at bigla siyang natigil sa ginagawa. Biglang naging seryoso ito at ngayon ay nakikinig na sa akin. Kinuha niya ang kumot saka binalot ang hubad kong katawan at nagpatuloy sa pagku-kuwento. "What happened next?" tanong niya habang ang dalawang kamay niya ay nasa gilid ko at ang mga mata'y nakadepina sa akin. "Siyempre...umatras ako. Takot na takot ako...hanggang sa nahulog ang isang mamahaling plorera at..." "And what?" "P-Pinulot ko 'y-yong basag na bahagi saka sinugatan ang aking hita... da-dahil iyon ang gusto niyang hawakan noong una....at...at..." nanginginig na sabi ko. Hinaplos niya ang mukha ko. "Continue. You're safe with me." "Naatake sa puso 'yong matanda sa nakitang dugo at....at nang bumukas ang pinto ay inakusan akong pinagtanggkaan ko raw siya dahil sa hawak na basag na parte ng plorera," nanginginig pang sabi ko. Tila nawala ang epekto ng alkohol sa aking katawan dahil naalala ko na naman ang bagay na sinapit sa probinsiya. "Ka-kaya tumakas ako kaagad...da-dahil ipapakulong daw ako..." Niyakap niya ako saka hinalikan ang aking noo kaya sandali akong kumalma. "That explains why you looked scared the moment I touched your thighs," saad niya at hindi na ako nagsalita. "Look at me," marahang saad niya saka inangat ang aking baba para magtama ang aming paningin. "Are you willing to give in and make you forget all those things?" tanong niya kaya napatango ako. Sa sandaling iyon ay nakuha ko ang ibig niyang sabihin. Nagpaalam muna siya kung nais ko na bang isuko sa kanya ang lahat para makalimot na. Hindi na ako nagdalawang isip pa at ako na mismo ang unang humalik sa kanya at humawi sa kumot na tumatakip sa aking katawan. "I'll be gentle with you." Pagtatapos ng kabanata 6.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD