Naka angkas sa aking motor si Marshall at papunta na kami ngayon sa Bar kung saan gaganapin ang party ng kaibigan ni Georgina na si Ron. Nahihiya man dahil hindi naman kami magkakilala ng may birthday pero dahil kay George ay pupunta kami. Nakarating na kami sa lugar at nag hahanap lang ako pwesto kung saan pwede mag park ang motor.
Nag text si George nasa may entrance lang siya at nag hihintay sa amin. Nag lakad na kami, at pansin kong sosyalin ang bar na ito hindi ka basta basta makakapasok marami ang naka pila at hinahanapan ng ID ang iba.
Merong mga dumadating na diretso pasok sa entrance, siguro mga VIP ang mga iyon. Mga bigatin at mga mayayaman, sabagay halata ito sa mga suot nilang mga magagara at mukhang mamahalin. Nakita namin si George sa entrance at may kasama itong isang bouncer sa gilid. Kinawayan niya kami at sumenyas na lumapit kami. Nang makalapit na kami sa kaniya, agad n'ya kaming binati.
"Salamat at naka punta kayo Rio at Marshall, I'm so happy to see again."
"Kami din masayang makita ka ulit miss ganda, asan pala ang kaibigan mo?para ma bati namin ng happy birthday." sabi ng kaibigan ko. Ako naman ay hindi agad nakapag salita dahil na bibighani na naman ako sa angkin niyang ganda. Kaya nginitian ko nalang siya.
"Nasa loob siya at busy sa kaharotan niya kaya ako na lang ang sumondo sa inyo. Tara pasok na tayo sa loob excited na 'yon makita kayo." nakangiti niyang sabi. Nag tataka man ay sumonod nalang kami sa kaniya. Bago kami pinapasok ay may pinasuot sa amin na isang ng wrist band na kulay Red at may maliit na nakalagay na VIP (Guest). Hindi na kami hiningan ng ID o ano pa. Diretso na kaming pumasok, namangha kami sa ganda ng loob ng bar. Hindi naman ito ang unang beses naming maka pasok sa isang bar, pero mas nakakaangat ang lugar na ito. Halatang puro mayayaman lang ang makakapasok at makaka afford na uminom sa lugar na ito.
Bigla tuloy akong nahiya sa hitsura namin, pinagtinginan pa kami ng ibang nadadaanan namin. Umakyat kami sa 2nd floor may nakita kaming mahabang upoan na naka letrang U at may lamesa ito sa gitna. Nakita namin si Ron na may kausap na isang lalaki chinito at may hitsura din mukhang malapit sila sa isat-isa dahil naka akbay ito sa kaniya. Nang makita niya kami ay iniwan niya muna ang kausap at agad itong lumapit sa amin. Nagulat kami dahil masaya itong nakipag kamay. Binati namin siya at nag pasalamat sa pag imbita sa amin.
"Thank you for granting my wish. Request ko talaga kay George na papuntahin kayo ngayon. Hindi niya kasi kayo pinakilala sa akin noong sinundo ko siya sa shop niyo. Hi I'm Ron Chavez, nice to finally meet you Rio and Marshall." Parehas kaming gulat ng kaibigan ko. Nakakatawa dahil akala namin na lalaki talaga ito. Boses at kilos palang niya alam mo na lalaki din ang gusto niya, inisip ko pa dati na baka boyfriend siya ni George. Natawa ako sa isip ko, na dali ako sa maling akala. Kaya pala ang ginamit niyang salita noong tumawag siya sa akin ay kaibigan.
Napansin nila na nagulat kami kaya tumawa ng mahina si George at Ron.
"Normala reaction lang yan papa Rio, ang dami talaga nag aakala na mag jowa kami ni George." sabi ni Ron, napakamot nalang kami ng ulo at tumawa nadin.
Giniya nila kami para umopo na, magkatabi kami ni Geogina at si Marshall naman ay si Ron. Iniisip namin na baka mailang sila na kasama kami dahil na iiba kami sa kanila pero mali na naman ako ng akala. Mababait sila at mga totoong tao walang tanongan ng estado sa buhay at walang discrimination. Si Georgina ang nakikipag kwentohan sa amin si Ron kasi busy umiikot para kamustahin ang iba pa niyang mga bisita. Nag e-enjoy kaming nakikinig sa live band na tumutugtog. Mukhang sikat ang mga ito dahil marami ang tagahangang tinitilian sila. Lumapit sa pwesto namin ang lalaking kausap ni Ron kanina at pinakilala ito sa amin ni George, mukhang mabait naman si Mike game itong nakipag kwentohan at inoman sa amin.
Nang mapagod na ay bumalik na si Ron sa pwesto namin at umopo katabi ni mike. Napatingin ako sa relo ko at nakita kong alas-onse na pala ng gabi. Kaya naman pala medyo nag wawala na ang mga tao dahil nakarami na ng inum. May mga nakikita pa akong nag lalampongan sa gilid.
Hindi ko inaasahan at nagulat ako nang paglingon ko ay nakita ko si Ron at ang katabi niyang si mike na nag hahalikan. Wala silang pakialam sa paligid, nakita ko pa paano mag espadahan ang kanilang mga dila. Napalunok ako dahil unang beses ko itong masaksihan sa personal at sa malapitan.
Na rinig kong may bunagikgik sa tabi ko, "You look shocked Rio, ganiyan talaga silang dalawa kapag naka inum nagiging PDA na. Don't mind them, mag enjoy lang kayo ni Marshall the night's still young, sasayaw pa tayo mamaya." nakangiting sabi ni George sa akin. Tinitigan ko siya at pansin ko na pumopungay na ang kaniyang mga mata, umiinon din kasi siya pero mild drinks lang.
Ang cute niya pala kapag naka inum, namumula ang cheeks niya at lumabas ang kaniyang pagiging madaldal. Naka pang office attire pa siya kaya kagalang galang siyang tignan.
Napa lunok ako ng aking laway dahil ang kaninang pormal na Georgina ay nag transform na ito bilang isang ka akit-akit na dalaga. Naiinitan na kasi ito kaya hinubad niya ang suot niyang coat, at ngayon ay naka tube nalang siyang damit pang itaas na hindi pa umabot sa kaniyang pusod. Itinali niya kaniyang mahabang buhok kaya naka lantad na ngayon ang kaniyang maputing leeg at napakakinis na balikat. Parang uminit ang aking pakiramdam at nag react ang aking kaibigang tigasin sa baba. Nilihis ko sa iba ang aking tingin dahil nag iinit ako kahit na wala naman siyang ginagawa.
Naka upo lang naman siya at nakikipag kwentohan kay Marshall pero sa simpleng titig ko lang sa kaniya kakaiba na ang epektong hatid niya sa aking puso at katawan.
Inisang lagok ko ang bote ng beer na hawak hawak ko ngayon.
"Tol! dahan dahan lang. Mukhang nangigigil ka na ah! kalmahan mo lang wag masyadong titigan baka mabuntis agad...Ay mali malasing pala." sabi ng kaibigan ko at nginitian ako ng nakakaloko. Sinamaan ko ito ng tingin at tinawanan lang niya ako pabalik.
"Are you having fun Rio? ayaw mo sumama kay Marshall sumayaw?" tanong sa akin ni George. Iilan nalang kasi kaming naiwan dito sa lamesa dahil nag si alisan na ang iba, pati ang kanina pa nag lalampongan na si Ron at mike. Si Marshall naman may sinamahang babae na kasama namin sa table. Kahit saan talaga hindi na luluma ang mga galawan niya sa babae, sabay may hitsura naman talaga ang kaibigan kong iyon babaero nga lang talaga.
"Higit pa sa nag e-enjoy George, dahil mas tamang sabihin masaya ako dahil inimbita mo kami at nagkita ulit tayo." sabi ko habang naka titig sa kaniya. Nakita kong lalong namula ang mukha niya, teka kinikilig ba siya sa sinabi ko? pangiti naman ako ng malapad nang yumuko ito na parang nahihiya.
Hinawakan ko ang kaniyang baba at pinatingin ko siya sa akin, hinawi ko ang takas niyang buhok sa mukha at sinabitbit ito sa kaniyang tenga. Nag titigan kami ng matagal at parang may umuodyok sa akin sa halikan ang kaniyang mapupulang labi. Nakatingin rin siya sa akin at parang naghihintay ng susunod kung gagawin.
"Napaka ganda mo talaga, hindi ka mawala sa isip ko George." mahina kong sabi
"Me too, lagi kitang naiisip"
anas din niya na lalong nag patindi ng nararamdaman ko. Binaba ko ang aking ulo para abutin ang kaniyang labi. Dahil narin sa alcohol sa aking katawan ay nagkaroon ako ng lakas ng loob gawin ito sa kaniya.
Inabot ko ang kaniyang labi at hinalikan siya, napakalambot nito at napaka tamis. Ngunit bago ko paman igalaw ang aking labi. Biglang tumonog ang cellphone ni George. Sa gulat niya naitulak niya ako ng mahina at mabilis hinanap ang kaniyang cellphone at nang tignan niya sino ang tumatawag.
Mom Calling...
to be continued....